Ito ay nakatuon sa malayang pagtuklas at pagpapakita ng sariling kakayahan at talino sa pasalita at pasulat na pagpapahayag at sa pagbabahagi ng mga ito sa komunidad, sa bansa at sa daigdig.
Makrong Kasanayan: Pagsasalita
Kasanayang Di Pormal
a. Pakikipagusap
b. Pagpapakilala sa sarili sa ibang tao
c. Pakikipag-usap sa telepono
d. Pagbibigay ng reaksyon at panuto
e. Pagbibigay Komento
Kasanayang Pormal
a. Masining na pagkukuwento
b. Pakikipagpanayam
c. Pangkatang Talakayan
d. Balagtasan
e. pagtatalumpati
1. Dapat tandaan habang Nagtatalumpati
2. Uri ng Talumpati
3. Bahagi ng Talumpati
Pangangailan sa Mabisang Pagsasalita
a. Kaalaman
b. Kasanayan
c. Tiwala sa sarili
Kasangkapan sa Pagsasalita
a. Tinig
b. Bigkas
c. Tindig
d. Kumpas
e. Kilos
Katangian ng Mahusay na Tagapagsalita At Takot sa Pagsasalita sa Harap ng Madla
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- jovelyn valdez
油
malalaman sa presentasyong ito ang layunin, Kahulugan, dalawang uri ng paglalarawan, mga halimbawa mga tatlong paraan ng paglalarawanmga kahingian sa epektibong paglalarwan, mga katangian ng mabisang paglalarawan, mga salik at elemento ng paglalarawan, mga katangian ng isang mabisang paglalarawan...
Proyekto sa FIL4: Panitikan ng Rehiyon
Halaw sa librong "Literatura ng Iba't-Ibang Rehiyon ng Pilipinas" (2001) ni Carmelita S. Lorenzo, et. al.,
Presentasyon ni Jhon Ricky T. Salosa
BSED IIB - FILIPINO
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- jovelyn valdez
油
malalaman sa presentasyong ito ang layunin, Kahulugan, dalawang uri ng paglalarawan, mga halimbawa mga tatlong paraan ng paglalarawanmga kahingian sa epektibong paglalarwan, mga katangian ng mabisang paglalarawan, mga salik at elemento ng paglalarawan, mga katangian ng isang mabisang paglalarawan...
Proyekto sa FIL4: Panitikan ng Rehiyon
Halaw sa librong "Literatura ng Iba't-Ibang Rehiyon ng Pilipinas" (2001) ni Carmelita S. Lorenzo, et. al.,
Presentasyon ni Jhon Ricky T. Salosa
BSED IIB - FILIPINO
Ang retorika tungo sa masining na pagpapahaygJonah Salcedo
油
- ANG MGA FUNDASYON NG MASINING NA PAGPAPAHAYAG O DISKURSONG ARTISTIK
- Ang retorika tungo sa masining na pagpapahayg
- PAGPAPAKAHULUGAN
- MGA LAYUNIN
- KAHALAGAHAN
- KATUTURAN
- MGA SANGKAP
- KATANGIAN
Ang油retorika油ay isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit and magandang pagsasalita at pagsulat. Pinag-aaralan ditto ang ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag. Ito ay sining ng pakikipag-usap at pagsulat.油
Ang **akdang naratibo** ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng isang kwento o karanasan. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari na may layuning magbigay aliw, magturo, o magbigay aral sa mga mambabasa. Kadalasang gumagamit ng mga tauhan, tagpuan, at kaganapan upang maipahayag ang isang kwento sa isang tiyak na ayos o pagkakasunod-sunod.
Ang **akdang naratibo** ay may mga pangunahing elemento tulad ng **tauhan**, **tagpuan**, **tema**, **salungatan**, at **banghay**. Ang **tauhan** ang mga karakter na gumaganap sa kwento, mula sa pangunahing tauhan hanggang sa mga sumusuportang karakter. Ang **tagpuan** ay ang lugar at oras kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa kwento. Ang **tema** naman ay ang pangunahing ideya o mensahe na nais iparating sa mambabasa. Ang **salungatan** ay ang problema o hamon na kinakaharap ng mga tauhan sa kwento, at ang **banghay** ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna, hanggang sa wakas.
Halimbawa ng akdang naratibo ay ang mga **maikling kwento**, **nobela**, at **talambuhay**. Sa mga akdang ito, ang manunulat ay nagkukuwento ng isang kwento na may mga tauhan at nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang matutunan ang mga aral na dulot ng kwento. Ang isang akdang naratibo ay maaaring magtaglay ng iba't ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, takot, at pagmamahal, na nakatutulong upang mas maging makulay at buhay ang kwento.
Sa kabuuan, ang akdang naratibo ay isang mahalagang anyo ng panitikan na naglalaman ng mga kwento at karanasan na makapagbibigay ng kasiyahan at aral sa mga mambabasa.
2. Ang RETORIKA ay isang mahalagang
karunungan ng pagpapahayag na
tumutukoy sa sining na maganda at
kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita.
(Sebastian, 1967)
3. Ang RETORIKA ay ang pagpapahayag o pagsasalita
sa harap ng isa o maraming tao upang makapagpahayag
ng mga nararamdaman sa mga bagay-bagay.
Ito ay nagmula sa salitang Griyego na rhetor na kapwa
nangangahulugang isang Guro at Mananalumpati o
tagapagsalita sa isang pagpupulong.
4. Ito ay isang pag-aaral sa masining na
paggamit ng lenggwahe upang
maimpluwensyahan ang damdamin at kaisipan
ng ibang tao.
Ito ay nakatuon sa pagbibigay- liwanag sa
simbolo o lenggwaheng ginamit sa likod ng
mga musika, pelikula, radyo, pahayagan at
telebisyon.
5. Ito ay ang paggamit ng mga simbolo na may
kakayahang pumukaw sa ating kalikasan na tumugon sa
mensaheng ipinapahatid ng mga naturang simbolo. -
Kenneth Buke
Isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na
tumutukoy sa kaakit-akit at magandang pagsasalita at
pagsulat. Pinag-aaralan dito ang mga tuntunin ng malinaw,
mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag. -Tumangan, Sr. 13
6. Ang Retorika ay nauukol sa sining ng maganda at kaakit-akit
na pagpapahayag maging pasalita o pasulat. Rubin
Ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng
pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit
na pagsasalita at pagsusulat. Kung ang balarila ay nauukol sa
kawastuhan at kaibahan ng tama sa maling pangungusap. Ang
retorika naman ay tumutukoy sa mga batas ng malinaw, mabisa,
maganda at kaakit-akit na pagpapahayag.
-Sebastian
7. Ayon kay Socrates (300 BC)- Ang Retorika ay siyensya
o agham ng paghimok o pagpapasang-ayon.
Aristole- Ang kakayahang manghimok, o
mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha sa damdamin o
simpa.
Richard Whattley: Ang Sining ng Argumento ng
pagsulat.
Ang Retorika ay sining ng mabisang pagpili ng wika
sapagkat may ibat ibang pamilian o alternatibo ito.
8. Inihayag ni Dr. Mendiola, na ang kaayusan
ng salita ay dinidikta ng gramatika at tamang
paggamit ng salita upang mabuo ang
pangungusap. Iminumungkahi ng retorika ang
masining na paggamit ng mga salita upang
makapaghatid ng pinakamabisang mensahe.
Ang kabisaan sa bawat kaso ay sinusukat sa
labas o dating ng mensahe sa nakikinig o
9. KASAYSAYAN NG RETORIKA
Ang sayusay o retorika ay isang uri ng sining na naipapakita
sa pamamagitan ng paggamit ng wika sa paraang pasulat o
pasalita. Ito rin ay maihahambing sa linggwistikal na pananaw
kung saan ito ay maaaring maipakahulugan bilang isang pag-aaral
patungkol sa kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas malawak na
pagtukoy sa lenggwahe. Ginagamit ng isang indibidwal ang
retorika upang maayos at mabisa nitong maipahayag ang kanyang
saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang
tumanggap ng mensaheng ipinababatid. Bukod pa rito, ang
retorikal na paggamit ng wika ay mainam upang maipakita ng
isang tao ang kanyang kagila-gilalas na kasanayan sa
10. Upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailanagan
ang maayos at sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran.
Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa talumpati na kakikitaan
ng limang mahahalaganag elemento: ang proem o introdusyon;
ang salaysay o pahayag na historical; ang mga pangunahing
argumento; mga karagdagang pahayag (supplemental statements)
o kaugnay na argumento(supporting arguments); at ang
konklusyon. naimbento nila ang retorika sa layuning makahikayat
at mapunuan ang anumang pagkukulang sa mga konkretong
katibayan (concrete evidence).
11. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng
pakikipagtalo sa Syracuse, isang isla sa sicily noong ika-limang
siglo bago dumating si Kristo. Makaraang bumagsak ang kanilang
pamahalaang diktaturyal, ang mga mamamayan doon ay
binigyang pagkakadumulog at ipagtalo sa hukuman ang kanilang
karapatan sa mga lupang inilit ng nakaraang rehimen. Ang
marunong na Sycorax, isang tagaroon, ang nagpanukala sa mga
tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento.
12. Makikita agad na sadyang ginagamit ang retorika sa
pag-apila sa emosyon at di-gananong binibigyang diin ang
katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa mga
sophist, makapal na panitik (katawagan sa pangkat ng
matatalinong tao noon), ang retorika ay angkop sa
pagtatamo ng kapangyarihang politikal sa pamamgitan
lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang
ipinaglalaban at estilo sa pagbigkas.
13. Socrates (c. 470399 B.C.) Sa pagsasabing walang
hangad ang mga sophist maliban sa kabayarang kanilang
tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang
pagbibigay diin sa retorika bilang sining ng pakikipagtalo
(debate) at hindi sustansiya ng talumpati. Ang ganitong
pamamaraan, banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa mga
estudyanteng palabasin ang kasamaan ng isang mabuting
adhikain.
14. Kinikilalang pinakama-impluwensiyang retorisyan noon si
Isocrates (c. 436338 B.C.). Nagtatag siya ng sariling paaralang
magtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa maindayog at
magandang pagkakatugma ang mga salita sa paraang tuluyan o
prosa. Kakikitaan ang kanyang sariling prosa ng mga maikli ngunit
eleganteng nakabiting pangungusap na mayaman sa kasaysayan
at pilosopiya.
Sa Rhetoric ni Aristotle (384322 B.C.) sinuri niyang mabuti
ang sining ng panghihikayat (Art of Persuasion), binigyan ng
parehas na empasis ang katangian ng nagsasalita, ang lohika ng
kanyang kaisipan, at ang kakayahang pumukaw ng damdamin ng
15. Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang mga kasangkapang
panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ayon sa maaring
maganap kaysa sa tiyak na magaganap. Nilikha niya ang ideya ng probabilidad o
malamang na mangyari o maganap sa pamamagitan ng mga panumbas na retorikal sa
lohikang kaisipan: ang enthymeme kung saan ang pansamantalang kongklusyon ay
kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip na silohismo na mula sa katotohanang
unibersal; at ang halimbawa o analogy para sa pangangatwirang induktibo.
Si Cicero (10643 B.C.) ang batikang orador ng Roma, katulad din ni Aristotle, ay
hayagan ding nagtagubilin sa kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi
niyang ang pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting panlasa at
pagpasiya ng orador kayat sa isyu ng moralidad ipinahayag niyang nararapat na maging
mabuting tao ka muna upang maging mabuting mananalumpati. Sagana ang prosa ni
Cicero sa mga hugnayang nakabiting pangungusap.
16. Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang forensic
na naging batayan sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang
legal na salaysay. Nakatuon ang forensic sa nakaraan. Sa
kaibuturan ng mga pangyayari, iniwan ni Aristotle ang oratoryong
deliberative o pampolitika na nakatuon naman ang pansin sa
hinaharap. Dito sinasabing nagsimula ang malayang pagkilos at
talakayan o mga pagtatalong pampubliko (public debate). Si
Aristotle rin ang nagpasimula ng oratoryong panseseremonya o
epideictic na kakikitaan ng mga mabubulaklak at madamdaming
mga salita. Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay ng papuri. Ito
ang tinatawag natin sa Ingles na declamation.
17. KAHALAGAHAN NG RETORIKA
Ang kahalagahan ng Retorika ay maihahalintulad sa
mga sangkap o rekado sa isang putahe. Itoy
nakapagbibigay lasa sa isang sulatin o kayay kapag ang
isang tao ay may bumibigkas gamit ang retorika.
Nasusukat din dito ang kalaliman ng isang tao. Itoy pinag
iisipan. Napakasarap din pakinggan ng mga salitang
ginamitan ng Retorika.
18. Ang retorika ay sining ng mabisa at magandang
pagpapahayag na sumasaklay sa maraming sangkap na
may kaugnayan sa pagsusulat gaya ng pananalita, himig,
struktura at kalinawan sa pagpapahayag, sulat, memo, ulat,
pagsusuri, pamanahong papel, paghahanda sa mga
proposal ng mga proyekto o anu mang klase na may
kaugnayan sa pagsusulat o paglalarawan.
19. SANGKAP NG RETORIKA
Ang kaisipang gustong ipahayag- Ito ang pangunahing
dahilan kung bakit nais nating magpahayag. May mga
mahahalagang kaisipang nais ipahayag
Ang pagbuo o organisasyon- Ang pagkakaroon ng lohika ay
mabisang paglalahad, kumakatawan sa kahusayan ng
pagkakabuo.
Ang Istilo ng Pagpapahayag- Ito ay nagbibigay diin sa
ikatlong bahagdang kaugnayan sa istilo ang anyo o kaayusan
ng akda o komposisiyon ay nakasalalay sa mga para-paraan ng
pagpapahayag, hindi lamang sa kawastuhang ng balarila
kungdi maging sa panitikan.
20. LAYUNIN NG MARETORIKANG PAGPAPAHAYAG
Layunin ng retorika, anuman ang disiplinang ating
kinabibilangan, ang tayo ay makasulat nang mahusay. Kung kaya't
nililinang ng retorika ang pagkakaroon ng mapanuring kaisipan sa
pagbuo ng mga ideya, at makapamahala sa maangking kakayahan.
Bagamat nabubuo lamang ng mga sulat, memo, ulat, abstrak,
pagsusuri, pamanahong papel (term paper), mga panuto, at
paghahanda sa mga proposal ng mga proyekto ang malaking
bahagdan ng akademya, tiyak na kakailanganin pa rin ang
kahusayan sa pagpapahayag, bagay na tumutuon sa dalawang
pangunahing interbensiyon sa pag-aaral ng retorika: Kasanayan sa
Pagsusulat at Pagsasalita.
21. KAHALAGAHAN NG MARETORIKANG
PAGPAPAHAYAG
1. Kahalagahang Pangrehiyon - Napahihikat ang iyong tagapakinig na mananatili sa
kanyang paniniwala at huwag lumipat ng sasamahan.
2. Kahalagahang pampanitikan - ang mga nanunulat ay may responsibilidad na
palutangin ang mga kahalagahang makakatulong sa pagpapalawak ng karanasan.
3. Kahalagahang Pang-ekonomiya - ang sinumang nagnanais na umunlad ang kanyang
buhay ay may puhunang kilangan gampanan at ito ay palaguin. Taglay ang
maretorikang panga lot sa mga nagnanais na makakumbinsi.
4. Kahalagahang Pampulitika - marami sa mga matgumpay ngayon sa larangan ng
pulitka ay likha ng personalidad at popularidad ng maretorikang pahayag. Ang isa sa
pangunahing puhunan upang makakumbinsi ng mga taong boboto sa isang
kandidato.
22. KANON O BATAS NG RETORIKA
Imbensyon:
Ito ay tumutukoy sa malinaw na proseso ng paghahanap
ng mga argumento na magagamit para sa isang talumpati
na maaring sa paraang induktibo o deduktibo.
Induktibo- ay ang pagbuo ng pankalahatang kongklusyon
mula sa partikular na linya ng pangangatwiran.
Deduktibo- ay tumutukoy sa pangangatwiran o mga
impormal na anekdota.
23. Pagsasaayos:
Ito ay ang proseso ng pag-oorganisa sa talumpati gayundin sa pagsasaayos
o pagbabalangkas sa mga sumusunod:
I. Introduksyon o Panimula.
II. Narasyon o paglalahad ng mahahalagang punto tungkol sa isang isyu.
III.Paghahain ng mga patunay sa kasong tinatalakay.
IV. Ang pagpapabulaan o tunggalian ng mga katuwiran.
V. Kongklusyon na tumutukoy sa nabuong hinuha matapos mailahad ang
isang talumpati.
24. Istilo:
Ito ay ang proseso ng masining na pagsasatitik ng mga
nadiskubre o naihanay na kaisipan o ebidensya. Nauukol
ito sa masining na pagpili ng mga salita, pagbuo ng
istruktura ng mga pangungusap, paggamit ng tayutay na
nakadaragdag sa kabisaan at kagandahan ng
pagpapahayag.
25. Memorya:
Ito ay tumutukoy sa bahagi ng isinasaulo ang isang talumpati o
mga mahahalagang punto ng isang talumpati upang maging
maayos ang pagbigkas nito sa harap ng publiko.
Deliberasyon:
Tumutukoy sa aktuwal na deliberasyon o pagbigkas kung saan
kinokontrol ang modyulasyon ng tinig gayundin ang paglalapat ng
mga ankop na kumpas sa isang talumpati upang higit itong
maging mabisa.
26. ANG RETORIKA SA PROSESO NG MABISANG
PAGPAPAHAYAG
Sa mabisang pagpapahayag, ang retorika ay may
mahalagang papel na ginampanan. Kung susuriin ang isang
pangungusap o pahayag, maliwanag na makikita at lilitaw na hindi
sapat ang balarila lamang kundi kailangan din ang retorika upang
itoy maging mabisa. Wasto man ang gamit ng mga salita, kung
may kakulangan naman sa hikayat, kulay at kagandahan, hindi rin
maituturing na mabisa ang alinmang pahayag. Hindi maitatanggi
kung ganoon na ang retorika ay isang sangkap na kailangang
kasama ng balarila upang magkaroon ng init at buhay ang
pakikipagkomunikasyon at ang mga pahayag na binibitawan ng
tao.
27. KAHALAGAN NG RETORIKA
SA PASALITANG PAGPAPAHAYAG
1. Nagagawa ng tagapagsalita na magsaliksik bago magsalita, kaya,
lumalawak ang kanyang kabatiran at napapaunlad niya ang kanyang
kaisipan.
2. Walang nararamdamang kabagutan ang tagapakinig dahil napupukaw ang
kanilang interes o kawilihan dulot ng kasiningan sa pagpapahayag.
3. Pinagpag-isip ang tagapakinig. Hindi lang basta sila nakikinig. Ramdam ng
tagapakinig ang kanilang napapakinggan, nadarama, tumitimo sa
damdamin, nakikipagsimpatiya, nakarereleyt ang mambabasa sa kanilang
binabasa.
4. Nagiging maharaya, mabulaklak ang pananalita dahil napipili at napag-
aaralan ang mga salitang ginagamit.
5. Nalalantad ang talino at kagalingan ng tagapagsalita- ang pagiging
malikhain niya bilang mambibigkas.
28. 6. Nagkakaroon ng pagkakataong makapagbasa ng maraming artikulo na mapaghahanguan ng
mga ideya at
impormasyon.
7. Napaghuhusay ang kakayahan sa pagsulat dahil sa palagiang pagsusulat ng ibat ibang uri ng
artikulo.
8. Nakikipagpalitan ng kaisipan/ideya sa iba para sa pagpapayaman/ pagtatamo ng higit na
karunungan.
9. Nakapaglalaan ng oras sa panonood ng telebisyon, ng mga pelikula, ng mga panooring
entablado at iba
pang mapaghahanguan ng impormasyon.
10. Nakapaglalakbay ang diwa at naginging sensitibo sa pag-obserba ng paligid.
11. Nakapangangalap ng maraming impormasyon na naiimbak sa isipan at nagagamit sa
pagsulat.
12. Nakapagkikritik ng mga sulatin at nagagamit na modelo ang mga piyesa at obrang nabasa o
lekturang
29. KATANGIAN NG MASINING NA PAHAYAG
1. Taglay ang kalinawan sa diwa ng isinulat o ipinahayag sa tulong ng mga
angkop at piling salita.
2. Tamang gramatika ay nasunod o nagamit.
3. Kawili-wili ang sinasabi o ipinahahayag, walang pagkabagot, kapana-
panabik at maririkit ang pananalita, at may lalim ang talinghaga.
4. Ramdam ng tagabasa o tagapakinig ang sabstans ng pahayag.
5. Naiiba ang estilo sa iba pang panulat.
30. RETORIKA VS. SOPHISTRI
Sophistri- ang tawag sa pagpapahayag na naglalayong
baligtarin ang katotohanan, iligaw ang isyu at lituhin ang
tagapakinig sa mga pangyayari.
Retorika- ginagamit upang bigyang solusyon ang
anumang suliranin. Ang pinakamahusay na magbigay
katwiran ang lagi nang panalo sa usaping pasalita.