Ang akdang "Ang Tinig ng Ligaw na Gansa" ay isang tula mula sa Egypt. Ang powerpoint presentation na ito ay naglalaman ng kompletong aralin sa Modyul 1, Aralin 1.6 ng Gr.10-Filipino. Maaari ninyo itong i-download upang magamit sa pagtuturo.
Grade 1 Week 4 Quarter 3 GMRC Presentation for teachers of Grade 1 who are bu...estrellaagabe
油
DEMO TEACHING FOR GRADE 1 Q4 WEEK 3. for faster understanding of concepts. it is developed solely for Grade 1 Learners to enjoy learning in GMRC. it enables Grade 1 learners to achieve the objective at the targeted time. This presentation gives clarity and opportunity to develop concepts and understanding on the developing of values and good
Edukasyon Sa Pagpapakatao seksuwalidad pt 1.pptxDanethGutierrez
油
Ito ay isang presentasyon tungkol sa kawalan ng pag galang sa sekswalidad ng tao. Sa kasalukuyang lipunan, isa sa mga mahahalagang usaping panlipunan ay ang kawalan ng paggalang sa sekswalidad ng isang tao. Ang sekswalidad ay isang aspeto ng ating pagkatao na sumasaklaw sa ating pagkakakilanlan bilang lalaki, babae, o ibang kasarian, pati na rin sa ating oryentasyong sekswal at pagpapahayag ng ating sekswal na identidad. Gayunpaman, sa kabila ng kahalagahan nito, patuloy pa ring nararanasan ng maraming indibidwal ang diskriminasyon, pang-aabuso, at hindi makatarungang pagtrato dahil sa kanilang sekswalidad. Mga Anyo ng Kawalan ng Paggalang sa Sekswalidad
Diskriminasyon sa Kasarian at Sekswal na Oryentasyon
Isa sa mga pinaka-karaniwang anyo ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay ang diskriminasyon laban sa mga LGBTQ+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, at iba pa). Maraming indibidwal ang nakakaranas ng pangmamaliit, paglayo ng pamilya, kawalan ng oportunidad sa trabaho, at maging pang-aapi sa paaralan o lugar ng trabaho dahil lamang sa kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
Panggagahasa at Sekswal na Pang-aabuso
Ang sekswal na pang-aabuso ay isang marahas at hindi makatarungang anyo ng kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao. Kabilang dito ang panggagahasa, sapilitang pakikipagtalik, at iba pang uri ng sekswal na karahasan. Ang mga biktima nito ay madalas na pinapatahimik ng takot, stigma, at kakulangan ng suporta mula sa lipunan.
Catcalling at Sekswal na Panliligalig
Ang pambabastos sa lansangan o catcalling ay isang halimbawa ng kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao. Karaniwang biktima nito ay mga kababaihan, bagaman may mga kalalakihan ding nakakaranas nito. Ang sekswal na panliligalig ay nagdudulot ng matinding takot at kawalan ng seguridad sa mga biktima.
Sapilitang Pamantayan ng Pagpapakita ng Sekswalidad
Sa maraming kultura, may mga inaasahang pamantayan sa kung paano dapat ipahayag ng isang tao ang kanyang sekswalidad. Halimbawa, may mga babae na pinipilit na maging mahinhin at hindi dapat masyadong lantad sa kanilang sekswalidad, samantalang may mga lalaki naman na inaasahang maging agresibo o dominante. Ang ganitong mga pananaw ay nagpapalakas ng hindi pantay na pagtrato sa kasarian.
Paggamit ng Sekswalidad para sa Pagsasamantala
Sa media at industriya ng aliwan, madalas ginagamit ang sekswalidad ng mga tao, lalo na ng kababaihan, upang makabenta ng produkto o makakuha ng atensyon. May mga tao rin na napipilitang pumasok sa prostitusyon o pang-aabuso dahil sa kahirapan at kawalan ng pagpipilian. Ito ay isang malinaw na manipestasyon ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad.
Epekto ng Kawalan ng Paggalang sa Sekswalidad
Ang kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao ay may malalim at pangmatagalang epekto hindi lamang sa indibidwal na biktima kundi pati na rin sa buong lipunan. Ang ilan sa mga pangunahing epekto ay ang mga sumusunod:
Ang kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay isang seryosong suliranin na
2. Sa iyong pagsagot sa mga gawain, inaasahang
matutuhan mo ang sumusunod na mga layunin:
a. nahihinuha ang katangian ng tauhan sa
napakinggang epiko (Koda F10PN-Ie-f-65);
b. naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga
kinahaharap sa suliranin ng tauhan (Koda F10-PB-
Ie-f-65);
3. c. napangangatuwiranan ang kahalagahan ng
epiko bilang akdang pandaigdig na
sumasalamin ng isang bansa (Koda F10-PB-
Ie-f-66);
.
4. d. naisusulat nang wasto ang pananaw tungkol sa
pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga epikong
pandaigdig: ang paliwanag tungkol sa isyung
pandaigdig na nag-uugnay sa buhay ng mga
Pilipino: sariling damdamin at saloobin tungkol sa
sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng
ibang bansa (Koda F10-PU-Ie-f-67)
5. Ang dalawang ilog na tinutukoy ng pangalan
nito ay ang Ilog ng Tigres at Euphrates at ang
kalupaan ay kilala bilang Al Jazirah (ang isla)
ayon sa Egyptologist na si J.H. Breasted na sa
kalaunan ay tinawag na Fertile Crescent kung
saan nagmula ang sibilisasyon ng
Mesopotamia.
6. Ang kanilang panitikan ay tunay na
kasasalaminan ng kanilang angking kultura.
Makilala sa pag-aaral na ito ang kanilang
paniniwala, pilosopiya, paraan ng pamumuhay,
ugali, at iba pa na mapagkilanlan ng kanilang
lahi.
8. Panuto: Pumili ng mga salita mula sa kasunod na kahon
na may kaugnayan sa tulang
liriko at isulat ito sa concept web. Ipaliwanag sa isa
hanggang tatlong
pangungusap ang konseptong nabuo.
11. Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawput isa, isinugo ang buhay
Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi na
matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di- mabigkas na
pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwalat dili panghihina at pagbagsak!
12. Ano ang naiwan!
Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan,
Aklat, talaarawan at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan,
gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang
halakhak
At ang ligayang di- malilimutan.
13. Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha at pighati
Bilang paggalang sa kanyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga matay nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
O ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala
14. Pema, ang immortal na pangalan
Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang
bukid ay nadaanan
ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.
15. 1. Tungkol saan ang tula?
2. Anong damdamin ang
nangingibabaw sa tula?
3. Ano-ano ang mga simbolismong
ginamit upang mapalitaw nang
malinaw ang mensahe ng tula?
16. Ang tulang liriko o tula ng damdamin
ay puno ng masidhing damdamin ng
tao tulad ng pag-ibig, kalungkutan,
kabiguan, kaligayahan, tagumpay, at
iba pa? Maikli at payak ang ganitong
uri ng tula.
17. Uri ng Tulang Liriko:
1. Pastoral- ang salitang pastoral ay mula sa
salitang Latin na pastor. Ang
tulang pastoral ay hindi lamang tungkol sa
buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ito
ay tulang pumapaksa at naglalarawan ng
simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig,
at iba pa.
18. Ang tulang pastoral ay maaaring pag-
aralan bilang:
a. isang alegorya na gumagamit ng
simbolismo
b. paglagay ng komplikado sa simple
c. panitikang nagbibigay ng pagkakataon sa
mga mambabasa na maranasan
ang pagtakas sa magulong buhay at
madama pansamantala ang malaya at
walang kaguluhang buhay.
19. 2. Elehiya - Isang tula ng pamamanglaw na
madaling makilala ayon sa paksa,
gaya ng kalungkutan, kamatayan, at iba pa.
3. Soneto - tulang may labing-apat na
taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan
at pananaw sa buhay ng tao, may malinaw
na kabatiran ng likas na
pagkatao. Sa kabuuan, itoy naghahatid aral
sa mambabasa.
20. 4. Oda - nagpapahayag ng papuri,
panaghoy, o iba pang uri ng damdamin,
walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na
bilang ng taludtod sa isang saknong
5. Awit - Ang karaniwang pinapaksa nito ay
may kinalaman sa pag-ibig,
kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba,
poot, at kaligayahan.
21. 6. Dalit - Ito ay isang awitin patungkol sa
paglilingkod sa Diyos at
pananampalataya.
23. Sukat- Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig
sa bawattaludtod ng isang saknong.
Saknong- Ito ay binubuo ng mga taludtod o
maraming linya sa loob ng isang tula.
Tugma- Itoy ang pagkakasintunugan ng
mga salita sahuling pantig ng bawat
taludtod.
24. Kariktan- Itoy ang malinaw at di-
malilimutang impresyon na nakikintal sa
isipan ng mambabasa.
Talinghaga- Ito ang nagbibigay-kulay sa
mensaheng nais iparating ng may-akda.
Anyo- Ito ay tumutukoy sa porma o ayos ng
tula.
25. Tono - Ito ay tumutukoy sa diwa
ng tula.
Persona - Ito ay tumutukoy sa
nagsasalita sa tula.
26. (Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat mula sa
Ingles na salin ni William Kelly Simpson)
27. Ang tinig ng ligaw na gansa
Nahuli sa pain, umiyak
Akoy hawak ng iyong pag-ibig,
Hindi ako makaalpas.
28. Lambat ko ay aking itatabi,
subalit kay inay anong masasabi?
Sa araw-araw akoy umuuwi,
karga ang aking mga huli
Di ko inilagay ang bitag
sapagkat sa pag-ibig moy
nabihag.
29. 1. Ano ang pangunahing tema ng
tula?
2. Ipakilala ang persona ng tula.
Ano ang kaniyang madalas na
gawain sa araw-araw?
3. Anong damdamin ang
nakapaloob sa tula? Bakit
30. 4. Sa paanong paraan
naramdaman at naiparating ang
mensahe ng tula?
5. Bakit inihalintulad sa isang
gansa ang damdamin ng persona
sa tula? Ano-ano ang mga naging
kadahilanan?
31. 6. Sa iyong palagay, ano-ano ang
positibo at negatibong nagagawa
ng tao nang dahil sa pag-ibig?
Magbigay ng halimbawa at
ipaliwanag.
7. Paano maiiwasan ang
negatibong bunga ng pag-ibig?
35. Ang ugnayan ng tauhan
sa tula at pwersa ng
kalikasan sa
Tauhan sa Tula Pwersa ng Kalikasan
PAG-IBIG
BUHAY
36. Bumuo ng dalawa hanggang
tatlong taludtod na tulang
pastoral batay sa iyong sariling
karanasan na makapagbibigay
payo sa iyong mambabasa.
38. PAMANTAYAN SA PAGBUO NG
TULA
Malinaw na mensahe
-piling-pili ang mga salitang ginamit
-may malinaw na pagpapahayag ng
damdamin
10 puntos
B. Matalinhaga
-malalim ang kahulugan/may
simbolismo
-malikhain at matayutay na
pagpapahayag ng kaisipan
10 puntos
C. May kariktan
- may kakintalan
-mapagparanas
10 puntos
KABUUANG PUNTOS
30 puntos