Ang **akdang naratibo** ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng isang kwento o karanasan. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari na may layuning magbigay aliw, magturo, o magbigay aral sa mga mambabasa. Kadalasang gumagamit ng mga tauhan, tagpuan, at kaganapan upang maipahayag ang isang kwento sa isang tiyak na ayos o pagkakasunod-sunod.
Ang **akdang naratibo** ay may mga pangunahing elemento tulad ng **tauhan**, **tagpuan**, **tema**, **salungatan**, at **banghay**. Ang **tauhan** ang mga karakter na gumaganap sa kwento, mula sa pangunahing tauhan hanggang sa mga sumusuportang karakter. Ang **tagpuan** ay ang lugar at oras kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa kwento. Ang **tema** naman ay ang pangunahing ideya o mensahe na nais iparating sa mambabasa. Ang **salungatan** ay ang problema o hamon na kinakaharap ng mga tauhan sa kwento, at ang **banghay** ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna, hanggang sa wakas.
Halimbawa ng akdang naratibo ay ang mga **maikling kwento**, **nobela**, at **talambuhay**. Sa mga akdang ito, ang manunulat ay nagkukuwento ng isang kwento na may mga tauhan at nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang matutunan ang mga aral na dulot ng kwento. Ang isang akdang naratibo ay maaaring magtaglay ng iba't ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, takot, at pagmamahal, na nakatutulong upang mas maging makulay at buhay ang kwento.
Sa kabuuan, ang akdang naratibo ay isang mahalagang anyo ng panitikan na naglalaman ng mga kwento at karanasan na makapagbibigay ng kasiyahan at aral sa mga mambabasa.
Ang **akdang naratibo** ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng isang kwento o karanasan. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari na may layuning magbigay aliw, magturo, o magbigay aral sa mga mambabasa. Kadalasang gumagamit ng mga tauhan, tagpuan, at kaganapan upang maipahayag ang isang kwento sa isang tiyak na ayos o pagkakasunod-sunod.
Ang **akdang naratibo** ay may mga pangunahing elemento tulad ng **tauhan**, **tagpuan**, **tema**, **salungatan**, at **banghay**. Ang **tauhan** ang mga karakter na gumaganap sa kwento, mula sa pangunahing tauhan hanggang sa mga sumusuportang karakter. Ang **tagpuan** ay ang lugar at oras kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa kwento. Ang **tema** naman ay ang pangunahing ideya o mensahe na nais iparating sa mambabasa. Ang **salungatan** ay ang problema o hamon na kinakaharap ng mga tauhan sa kwento, at ang **banghay** ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna, hanggang sa wakas.
Halimbawa ng akdang naratibo ay ang mga **maikling kwento**, **nobela**, at **talambuhay**. Sa mga akdang ito, ang manunulat ay nagkukuwento ng isang kwento na may mga tauhan at nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang matutunan ang mga aral na dulot ng kwento. Ang isang akdang naratibo ay maaaring magtaglay ng iba't ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, takot, at pagmamahal, na nakatutulong upang mas maging makulay at buhay ang kwento.
Sa kabuuan, ang akdang naratibo ay isang mahalagang anyo ng panitikan na naglalaman ng mga kwento at karanasan na makapagbibigay ng kasiyahan at aral sa mga mambabasa.
8. Mga Tanong:
1. Ano ang salita o mga salita na iyong naiisip
habang pinagmamasdan ang larawan?
2. Ano ang sinisimbolo ipinapahiwatig ng
larawan? Ipaliwanagng sagot.
9. 3. Sinasabi na ang pagpapasya ay isang kilos na
ginagawa ng tao sa pang-araw-araw. Anong uri ng
pagpapasya ang iyong ginagawa?
4. Ano ang pagpapasyang madali o mahirap para
sa iyo na gawin? Ipaliwanag ang sagot
5. May mga pagpapasya na nangangailangang
timbangin sapagkat may mabuti o masama itong
naidudulot. Kung ikaw ay nasa situwasyong ito, ano
ang iyong ginagamit na batayan upang makabuo ng
isang desisyon sa kung ano ang iyong nararapat
gawin?
10. PAGHAWAN NG BOKABOLARYO
Marahil naririnig mo ang payo na, Gawin mong gabay ang iyong
konsensiya, sa tuwing nahaharap ka sa isang mahalagang
pagpapasya. Maraming paniniwala ang nakakabit sa salitang ito,
gayundin ang ibat ibang pakahulugan dito. Isulat mo sa mga kahon
ang pagkakaunawa mo
sa salitang konsensiya.
11. MGA URI NG KONSENSYA
Marahil narinig o nasabi mo na ang mga
katagang: Malinis ang konsensiya ko o kaya
naman Hindi maatim ng aking konsensiya
Ano nga ba ang konsensiya?
12. MGA URI NG KONSENSYA
Ang konsensiya ba ay tama sa lahat ng
pagkakataon? Ang salitang konsensiya ay
mula sa salitang Latin na cum na ibig sabihin
ay with o mayroon at scientia, na ibig
sabihin ay knowledge o kaalaman.
Samakatuwid, ang konsensiya ay
nangangahulugang with knowledge o
mayroong kaalaman.
13. Ang konsensiya ay ang personal na
pamantayang moral ng tao. Ito ang
kakayahang isagawa ang mga
malalawak na pangkalahatang batas-
moral sa pamamagitan ng sariling
kilos. Ito ang ginagamit sa pagpapasya
kung ano ang tama at kung ano ang
mali sa kasalukuyang pagkakataon
Halimbawa, bagamat isang obligasyon ang pagsisimba, may
pagkakataong hindi makadalo ang isang tao dahil may tungkulin siyang
alagaan ang isang kasapi ng pamilya na maysakit. Ito ang situwasyon na
walang katapat na pangkalahatang batas para matugunan. Ang
kailangan dito ay personal na pagpapasya kung saan ginagamit ng tao ang
kaniyang konsensiya.
14. Ang konsensiya ay ang personal na pamantayang
moral ng tao. Ito ang kakayahang isagawa ang mga
malalawak na pangkalahatang batas-moral sa
pamamagitan ng sariling kilos. Ito ang ginagamit sa
pagpapasya kung ano ang tama at kung ano ang mali sa
kasalukuyang pagkakataon.
Halimbawa, bagamat isang obligasyon ang pagsisimba, may pagkakataong hindi
makadalo ang isang tao dahil may tungkulin siyang alagaan ang isang kasapi ng
pamilya na maysakit. Ito ang situwasyon na walang katapat na pangkalahatang
batas para matugunan. Ang kailangan dito ay personal na pagpapasya kung saan
ginagamit ng tao ang kaniyang konsensiya. Kailangan lagi ang isang paghatol sa
pagsasagawa ng isang pamantayan o pagtupad sa batas moral at dito kailangan ang
konsensiya. Subalit, kung ang paghatol ay hindi naaayon sa Likas na Batas Moral,
ang konsensiya ay maaari pa ring magkamali. Maaaring magkaroon ng kalituhan
kung anong panuntunan ng kilos ang gagamitin. Maaari ring magkamali sa paraan ng
paggamit ng panuntunang ito.
15. URI NG KONSENSYA, Agapay 1991
1. Tama
Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung lahat ng
kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng
obhektibong pamantayan ay naisakatuparan nang walang
pagkakamali. Tama ang konsensiya kung hinuhusgahan nito ang
tama bilang tama at bilang mali ang mali.
Halimbawa, inutusan kang bumili ng tinapay isang araw.
Napansin mong sobra ng dalawampung piso ang sukling
ibinigay sa iyo ng tindera. Nang araw ding iyon hindi ka
binigyan ng baon ng iyong ina dahil kulang ang kinita ng iyong
ama sa pamamasada. Wala ka mang baon, subalit isinauli mo
ang sobrang sukli na ibinigay sa iyo. Katuwiran mo, hindi sa
16. URI NG KONSENSYA, Agapay 1991
2. Mali
Halimbawa,ito ang mali bilang tama at ng tama ang mali. Kaugnay
ng naunang halimbawa, naisip mo na biyaya sa iyo ang sobrang
sukli dahil nagkaroon ka ng baon sa araw na iyon. Katuwiran mo
pa, hindi mo naman ginusto na magkamali ang tindera sa
pagsusukli. Hindi masama na itinago mo ang pera. Nagpasalamat
ka pa dahil nagkamali ang tindera.
Ang paghusga ng konsensiya ay nagkakamali kapag ito ay
nakabatay sa mga maling prinsipyo o nailapat ang tamang
prinsipyo sa maling paraan. Ayon pa kay Agapay, mali ang
konsensiya kung hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at
ng tama ang mali.
17. Ang Dalawang Uri ng Kamangmangan
Maaaring magkamali ang paghuhusga ng
konsensiya kung tama o mali ang isang kilos.
Ngunit hindi lahat ng maling gamit ng
konsensiya ay maituturing na
masamang kagustuhan ng tao. Ito ay dahil sa
KAMANGMANGAN at KAWALAN
NG KAALAMAN sa isang bagay
18. Ang Dalawang Uri ng Kamangmangan
1. Kamangmangang Madaraig (vincible
ignorance)
Ang kamangmangang madaraig ay kung
saan magagawa ng isang tao na
magkaroon ng kaalaman sa pamamagitan
ng pag-aaral.
19. Ang Dalawang Uri ng Kamangmangan
2.Kamangmangan na Di Madaraig
(invincible ignorance)
Ang kamangmangan ay di madaraig
kung walang pamamaraan na magagawa
ang isang tao upang ito ay malampasan.
20. Ang Konsensiya sa Larangan ng
Panahon (Ilagan, 2020)
Mahalagang malaman mo kung paano kumikilos
ang konsensiya upang may kamalayan ang pag-
iisip o pangangatuwiran sa isang pasya o kilos
batay sa Likas na Batas Moral o hindi. Ang
konsensiya ay kumikilos bago ang kilos
(antecedent), habang isinasagawa ang kilos
(concomitant), at pagkatapos gawin ang kilos
(consequent).
Ikalawang Araw
21. 1. Bago ang Kilos (Antecedent)
Tinutulungan tayo ng konsensiya na suriin
ang isang pasya o kilos bago ito isagawa.
Halimbawa, sasama ba ako sa lakad ng aking
mga kaibigan o tatapusin ang aking takdang-
aralin nang maaga? Pinatutunayan nito na
kumikilos na ang ating konsensiya sa pagbuo
pa lamang ng isang pasya.
22. 2. Habang Isinasagawa ang Kilos
(Concomitant)
Tumutukoy ito sa kamalayan ng isang
tao sa pagiging mabuti o masama ng
isang kilos habang isinasagawa ito.
23. 3. Pagkatapos Gawin ang Kilos
(Consequent)
Ito ang proseso ng pagbabalik-tanaw o
pagninilay sa isang pasya o kilos
nanaisagawa. Mahalaga ang prosesong ito
dahil nakikita natin ang ating kalakasan at
kahinaan sa pagbuo ng isang mabuting
pasya. Pinalalalim ng uri ng konsensiyang
ito ang ating pananagutan sa kilos na
isinagawa
24. GAWAIN 3
Panuto: (Isahang Gawain)
Basahin nang may pag-unawa ang situwasyon. Suriin ang magiging
desisyon o kilos mo para matugunan ang suliranin sa pamamagitan
ng pagsagot sa sumusunod na tanong.
25. MGA TANONG SA TALAKAYAN:
1. May pagkakapareho ba o pagkakaiba ang mga
kasagutan ninyo sa bawat situwasyon? Magbigay ng
mga detalye.
2. Bakit sa palagay mo ay may pagkakapareho o
pagkakaiba ang inyong kasagutan? Ipaliwanag ang
sagot.
3. Ano ang mga salik na may impluwensiya sa paghubog
ng konsensiya?
4. Sa iyong personal na buhay, ano-ano ang mga naging
impluwensiya mo sa paghuhusga ng kawastuhan o
kamalian ng isang kilos?
5. Paano mo malilinang ang iyong sarili na itaguyod sa
lahat ng pagkakataon ang Likas na Batas Moral?
29. Panuto: (Isahang Gawain) Suriin ang sarili at pagnilayan ang
mga kilos at gawain mo sa pang-araw-araw. May mga
ginagagawa ka ba na nakatutulong o nakakasama sa paghubog
ng tamang konsensiya? Isulat ang mga gawain mo na
nakatutulong sa paghubog ng tamang konsensiya sa kaliwang
kahon. Sa kanang kahon naman ay isulat ang mga gawain mo na
nakakasama sa paghubog ng konsensiya. Itala rin ang mga
taong nagsisilbing gabay at tagahubog ng iyong konsensiya sa
pagpili ng tamang kilos.
TAMA O MALI, PAANO PIPILI? (SIASON,
2023)
31. Pamprosesong Tanong:
1. Naging mahirap ba o madali para sa iyo ang pagsusuring ginawa?
Bakit/Bakit hindi?
2. Ano ang mga salik na nagbibigay-daan upang maisagawa mo ang tamang
pagpapasya at pagkilos? Ipaliwanag ang sagot.
3. Ano naman ang mga hadlang upang ikaw ay magpasya at kumilos ng t
tama? Ipaliwanag ang sagot
4. Sino ang mga itinuturing mo na katuwang at gabay sa paghubog ng
tamang konsensiya? Ibahagi kung paano sila nakatulong sa iyo.
5. Paano mo pa mapapalawak ang iyong kaalaman at kasanayan sa paghubog
ng tamang konsensiya?
32. Mga Paraan sa Paghubog ng Tamang Konsensiya
Mahuhubog ang konsensiya ng tao upang kumiling ito sa
mabuti sa tulong ng sumusunod:
1. Edukasyon at Moral na Pormasyon:
Ang isang makabuluhang edukasyon na may kasamang mga
aral sa etika ay makakatulong sa pormasyon ng mabuting
konsensiya.
2.Etikal na Pagninilay-nilay at Pagsusuri ng Sarili:
Ang regular na pagninilay?nilay sa sariling mga gawain, motibo,
at mga pagpapahalaga ay makatutulong sa pagbuo ng mas
mabuting konsensiya.
33. 3. Pagsasanay ng mga Birtud:
Ang pagtuon sa pagsasanay ng mga
birtud tulad ng katapatan, integridad, tapang,
at pagpapakumbaba ay maaaring makatulong
sa pormasyon ng mabuting konsensiya. Ang
birtud etika ay nagbibigay-diin sa kahalagahan
ng pagbuo ng karakter
34. 4. Pagkakaroon ng Social Support at Modelong
Moral:
Ang mga tao ay natututo sa pamamagitan ng
pagmamasid sa iba. Nagpupursige rin siyang
gumawa ng tama kung malakas ang suporta na
natatanggap mula sa kaniyang pamilya at
komunidad. Ang matuto mula sa karanasan ng
mga taong may mabuting ehemplo at ang
pakikilahok sa isang sumusuportang komunidad ay
maaaring makatulong sa positibong impluwensiya
sa pagbuo ng mabuting
konsensiya
35. 5. Regular na Panalangin Kasama ang Pamilya:
Ang pakikipag-ugnayan sa Diyos ay
nakatutulong sa pagpapanatag ng kalooban,
paglinaw ng pag-iisip, at kapayapaan ng puso.
36. 6. Relihiyosong Gabay at Banal na Kasulatan:
Maraming relihiyosong tradisyon
ang nagbibigay ng moral na gabay at mga
alituntunin para sa tamang pamumuhay. Ang
pagsunod sa mga aral at mga utos na
matatagpuan sa mga kasulatan na ito ay
makakatulong sa pagbuo ng mabuting konsensiya
37. Ang mga aral na nagtuturo ng pagmamahal sa kapuwa at
pagsusumikap sa kabutihan ay naglalagay ng pundasyon
para sa isang konsensiyang nagpapahalaga sa moral na
pagkilos. Ang pagbibigay, pagpapatawad, at pagmamahal
sa kapuwa ay nagiging bahagi ng pangunahing
oryentasyon ng konsensiyang ito.
Mga Katuruang Panrelihiyon at Impluwensiya
nito sa Paghubog ng Konsensiya
1. Mga Aral ng Pagmamahal at Kabutihan
38. 2. Katarungan at Paggalang sa Buhay
Ang mga aral na naglalaman ng katarungan at
pagpapahalaga sa buhay ay nagbibigay
inspirasyon para sa isang konsensiyang tapat at
makatarungan. Ang mga Muslim, halimbawa, ay
itinuturo na pangalagaan ang buhay, ituring ang
bawat isa nang pantay-pantay, at magtaguyod
ng katarungan sa lahat ng aspekto ng buhay.
39. 3. Pagpapahalaga sa Pagsusumikap at
Integridad
Ang mga katuruan sa pagsisikap, tamang
pamumuhay, at integridad, ay nagiging pundasyon
ng konsensiyang naglalaman ng pagtataguyod sa
tamang pamumuhay at pagkiling sa kabutihan.
40. 4. Pagsunod sa Kalooban ng Diyos
Ang pagtuturo ng pagsunod sa kalooban ng Diyos
ay nagbibigay ng oryentasyon sa pagbuo ng
konsensiyang itinuturing ang Diyos bilang
batayan ng moral na pamumuhay.
41. . Kababaang-loob at Pagmamalasakit
Ang pagtuturo ng kababaang-loob at
pagmamalasakit sa lahat ng nilalang ay ng
pundasyon para sa konsensiyang nagpapahalaga
sa pagiging mabuti at may malasakit sa iba. Ang
mga katuruang panrelihiyon ay nagbibigay ng
moral na pamantayan, nagpapahalaga sa
katarungan, at nagtuturo ng tamang asal. Sa
pamamagitan ng mga aral na ito, nabubuo ang
konsensiyang nagiging gabay sa mga indibidwal
sa kanilang mga pagpapasya at kilos
42. IKAAPAT NA ARAW
Kaugnay na Paksa 3:
Epekto ng Mabuting Konsensiya sa Pagkilos,
Paghuhusga, at Pagpapasya
Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng
mabuting konsensiya sa pagpapalalim ng
kabatiran sa mga mabuting kilos at pag-
uugali sa pangaraw-araw na buhay?
43. Ang mabuting konsensiya ay isang
pundamental na bahagi ng moralidad at pagkatao
ng bawat tao. Ito ay naglalarawan ng kakayahang
makilala at husgahan ang tama at mali, at
nagiging gabay sa paggawa ng mga desisyon sa
araw-araw na buhay. Ang epekto ng mabuting
konsensiya ay malalim at masusing inuugnay sa
iba't ibang aspekto ng ating pagkilos, paghuhusga,
at pagpapasya.
44. Ang konsensiya ay nagbubukas ng daan
para sa pagiging makatarungan at makatao sa
ating mga gawain. Ito ang nagtuturo sa atin na
gawin ang nararapat, kahit na walang
nakakakita o nakakakilala sa atin. Kapag may
mabuting konsensiya, mas binibigyan natin ng
halaga ang integridad at moralidad sa bawat
hakbang na ating ginagawa. Ito ay naglalabas
ng diwa ng pagiging tapat sa sarili at sa iba.
45. Nagbibigay-daan ang paggamit ng
konsensiya sa masusing paghuhusga sa pagitan
ng tama at mali. Ito ang nagtuturo sa atin na
magkaroon ng malasakit sa kapuwa at maging
responsable sa ating mga desisyon at gawain. Sa
pamamagitan ng mabuting konsensiya, mas
nauunawaan natin ang kahalagahan ng
pagrespeto sa iba't ibang pananaw at damdamin
ng iba
46. Ito ay nagbibigay-daan sa atin upang
magkaroon ng wastong pananaw at
pananagutan sa bawat hakbang na tatahakin
natin. Kapag may mabuting konsensiya, mas
malamang na tayo ay magdedesisyon ayon sa
prinsipyong moral at hindi lamang base sa
sariling interes. Ito ay nagiging pundasyon ng
isang maligaya, makabuluhan, at matagumpay
na buhay.
47. Sa pangkalahatan, ang epekto ng
mabuting konsensiya sa pagkilos,
paghuhusga, at pagpapasya ay
nagbubunga ng mas makatao at
makatarungan na lipunan. Ito ay
nagbibigay-daan sa pag-unlad ng moral
na kamalayan at nagtuturo sa atin na
maging responsableng mamamayan ng
mundo.
48. Sa ating pang-araw-araw na pakikibaka sa
buhay, ginagamit natin ang ating konsensiya nang
hindi natin namamalayan. Mahalagang maunawaan
natin kung ano talaga ang naitutulong nito sa sa
ating pagkatao, sa ugnayan natin sa ating kapuwa at
sa Diyos, at sa pagtugon sa mga panlipunan o
pandaigdigang suliranin. Ang konsensiya ang
munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo
sa tao at nag-uutos sa kaniya sa gitna ng isang moral
na pagpapasya kung paano kumilos sa isang
kongkretong situwasyon.
49. Kuwentong Tampok, Buhay na Sinubok
(Siason, 2023)
Ang pakikipanayam sa isang tao na nakaranas ng isang
panlipunan o moral na krisis at piniling sundin ang kaniyang
konsensiya at gawin ang tama ay maaaring magbigay ng
mahahalagang kaalaman ukol sa
kanilangproseso sa paggawa ng desisyon at sa mga
prinsipyong gumagabay sa kanilang mga aksyion. Ang mga
mag-aaral ay hahatiin sa maliit na pangkat. Ang bawat grupo
ay magsasagawa ng isang panayam sa isang tao na pumiling
gumawa ng tama para sa kabutihan at kapakanan ng kaniyang
kapuwa o lipunan. Hilingin sa kinapanayam na magbahagi ng
mga detalye kaugnay sa kaniyang karanasan sa pagpili ng
tamang pasya at kilos.
50. Gawain 8: Pasya Ko at ang Epekto Nito sa
Ibang Tao (10 minuto)
Panuto: (Isahang Gawain)
Suriin nang maayos ang sumusunod na mga
situwasyon. Sa tapat ng bawat situwasyon,
gumawa ng sariling pasya at ipaliwanag kung bakit
ito ang naging pasya. Magbigay rin ng mga
epekto ng pasyang gagawin sa sarili at mga taong
may kaugnayan sa situwasyon.
53. Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang
sumusunod na tanong at piliin ang pinakaangkop
na sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot
1. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa
paggamit ng maling konsensiya?
A. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan.
B. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan.
C. Makakamit ng tao ang kapayapaan at
katarungan.
D. Lahat ng nabanggit.
54. 2. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensiya ng
bawat tao. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at
kakayahan ng isip ng tao.
B. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na
nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
C. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na
nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama.
D. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan,
kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
55. 3. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang
konsensiya?
A. Mapalalaganap ang magandang buhay.
B. Makakamit ng tao ang tagumpay.
C. Maaabot ng tao ang kaniyang kaganapan.
D. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan.
56. 4. Ang sumusunod ay katangian ng
konsensiya maliban sa:
A. Sa pamamagitan ng konsensiya, nakikilala ng tao
na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa.
B. Sa pamamagitan ng konsensiya, nakikilala ng tao
ang tamang bagay na dapat gawin at masamang
dapat may pagdadalawang-isip pa.
C. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan
kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang
maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali.
D. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan ng
tao kung may bagay na dapat siyang ginawa subalit
hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit
ginawa.
57. 5. Paano nakatutulong ang konsensiya ng isang
tao sa paggabay sa kaniya na pumili ng
makatarungan at etikal na desisyon sa gitna ng
mapaghamong buhay?
A. Nagbibigay ito ng patnubay sa pag-unawa
ng tamang kilos na dapat gawin.
B. Nakikiramdam ito sa mali na dapat iwasan.
C. Nagpapasya ito ayon sa subhektibong pang-
unawa ng tao.
D. Hindi ito nagbibigay ng anomang epekto sa
desisyon
59. II. Basahin at suriing mabuti ang situwasyon.
Pagnilayan ang nararapat na pagpapasya sa
ganitong pagkakataon. Sagutin ang mga gabay na
tanong.
Nahuli ng guro ang isang mag-aaral na
nangongopya sa pagsusulit. Nang tanungin kung
bakit, sinabi niya na hindi siya nakapag-aral dahil
sa pagod. Dagdagan pa ng sobrang hirap ng aralin,
kaya napilitan na lang siyang gumamit ng kodigo.
Humingi pa ng pabor ang mag-aaral sa guro na
kung maaari ay huwag sabihin sa kamag-anak lalo
na sa kaniyang inang OFW.
60. Mga tanong:
1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mag-aaral,
mangongopya ka rin ba dala
ng alanganing situwasyon? Ipaliwanag ang
sagot.
___________________________________________________________
________________
2. Paano kaya pamahalaan ng guro ang ganitong
situwasyon?
#7: Gawain 1: Tingnan ang
worksheet para sa aktibidad na
gagawin ng mga mag-aaral
#8: Ang sumusunod ay mga inaasahang tugon sa
una, ikalawa, at ikalimang tanong:
1. kasamaan, kabutihan, konsensiya, tama o maling pagpipilian, pagpapasya
2. Ang larawan na ito ay karaniwang ginagamit upang ilarawan ang konsepto ng
konsensiya. Ipinapahiwatig nito ang isang pagpapasya na nagsasaalang-alang sa
kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
3. Katuruan ng pamilya, guro/paaralan, o relihiyon; dikta ng konsensiya
#9: Ang sumusunod ay mga inaasahang tugon sa
una, ikalawa, at ikalimang tanong:
1. kasamaan, kabutihan, konsensiya, tama o maling pagpipilian, pagpapasya
2. Ang larawan na ito ay karaniwang ginagamit upang ilarawan ang konsepto ng
konsensiya. Ipinapahiwatig nito ang isang pagpapasya na nagsasaalang-alang sa
kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
3. Katuruan ng pamilya, guro/paaralan, o relihiyon; dikta ng konsensiya
#10: Gawain 2: Tingnan ang
worksheet para sa aktibidad na
gagawin ng mga mag-aaral
Mga Sagot:
1. Konsensiya
2. Likas na Batas Moral
3. Kamangmangan
4. Pagpapasya
5. Paghuhusga
#11: Pagpropeso ng Pag-unawa
Ipasagot sa mga mag-aaral ang
dalawang tanong bago
magpatuloy sa pagtalakay ng
uri ng konsensiya at
kamangmangan.
#12: Pagpropeso ng Pag-unawa
Ipasagot sa mga mag-aaral ang
dalawang tanong bago
magpatuloy sa pagtalakay ng
uri ng konsensiya at
kamangmangan.