際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
Juan Dela Cruz
Isinulat ni Lucky Wilmar L. Cimatu
Taglay ko ang dugot diwa na nanalaytay sa bawat
Pilipinong nangangarap na balang araw babangon ang
Pilipinas mula sa pagkakahimlay nito sa kahirapan at
labis na pagkagipit.
Habang binabalangkas ko ang artikulo na to sa harap
ng aking kompyuter. Tila nagkaroon ng mahika ang
kompyuter at ipinadpad ako sa mundong puno ng pasakit.
Animoy nasa mapayapa akong daigdig at ang mga
taoy tila ibong malayang lumilipad. Ngunit maya-mayay
nagsimula na ang sigawan at iyakan ng mga taong ito. Sa
kabilang banda naman ay ang mga Kastila na hawak-hawak ang kanilang mga naglalakihang baril
habang nagtatawanan sa di malamang dahilan.
Ang mga taong iwinangis ko sa ibong malaya ay walang-awang ikinulong sa hawlang puno ng
pasakit at pahirap na sinumang lumapit at magpangahas na palayain ang mga ibong ito ay walang awang
pinapatay.
Ngunit kasabay ng pagsibol ng araw ay ang paglabas din ng mga bayaning may paninindigan at
dala-dala ang armas upang putulin ang kadenang nakapulupot sa hawla ng mga ibong bulag at
nagbubulag-bulagan sa kahirapan dulot ng mga Kastila.
Dumanak ang dugo sa lupang tinatapakan ko. Maraming namatay. Maraming umiiyak. Pero ang
pinaglaban ng mga bayani ay hindi napunta sa wala sapagkat nakamtan ng Pilipinas ang kalayaan laban
sa Espanya noong 1898.
Subalit pagkalipas ng ilang taon tila nanumbalik ang nakaraang ayaw na natin sanang maulit
pa.
Maingay, maraming sumisigaw, maraming umiiyak dahil sa gutom at kahirapan, habang ang iba
naman ay nakangiting nagsasalita tungkol sa kanilang propaganda, talk show, at iba pa na lagi kong
nakikita sa aking telebisyon.
Masakit isipin na lumalaki ang distansya ng mga mahihirap sa mga mayayaman. Mas lalong
yumayaman ang mga mayayaman, at mas lalong humihirap ang mga mahihirap. Nakikita mo ba ang mga
bagay na to o isa ka sa rin sa mga Pilipinong pilit tinatakpan ang kanilang mga tenga at mga mata upang
hindi marinig ang sigaw at iyak ng kahirapan.?
Mas lalong lumakas ang iyak na kanina ko pa naririnig. Hindi ako nagpatumpik-tumpik at
sinundan ko ang iyak na to. Sa aking paglalakbay nasilayan ko ang mga peklat ng Pilipinas na pilit
tinatago ng ating mga lider.
Ang iyak na sinusundan ko ay nadagdagan pa ng paulit-ulit na katagang nagsasabing. Tulungan
mo ako, tulungan mo ako.
Pinagpatuloy ko ang paglaklakbay patungo sa batang umiiyak. Hanggang sa laking gulat ko
nang nakarating na pala ako sa Luneta at doon ko nakita ang batang umiiyak- nakapormal na kasuotan
at may hawak-hawak na kwaderno. Nakatingala sa rebulto ng ating Pambansang Bayani.
Akoy humakbang papunta sa kanya at nang malapit na ako sa kanya. Bigla siyang lumingon sa
akin at binato ang mga katagang tumatagos mula sa aking kalamnam patungo sa aking kaluluwa
Juan dela Cruz! Ang bumubuo sa dugot diwa ng Pilipino sinayang niyo ang dugot pawis ng
mga bayaning Pilipinong inalay ang kanilang buhay upang palayain ang mga ibong kinulong sa hawla
ng mga Kastila. Makasarili kayo! Patuloy kayo sa paglakbay patungo sa kayamanan at karangyaan kahit
alam niyo na may natatapakan kayong iba
Akala koy napalaya na namin ang mga ibong nakakulong sa hawla ngunit tila kinulong niyo ulit
sila sa kahirapan Wala kayong awa Ang mga Pilipino na pilit binabangon ang Pilipinas ay walang
awa niyong pinapababa sa pwesto. Nagpapatayan kayo nagbabatuhan ng putik at pilit naghihilahan
pababa
Mahirap bang magtulungan? Mahirap bang iabot ang kamay at tulungang bumangon ang
nadapa? Mahirap bang magbigay ng pagkain sa mga nangangailangan kaysa sa itapon ito?Mahirap
bang magkaroon ng malinis na eleksyong walang patayan at walang pandaraya? Mahirap bang
suportahan ang bawat lider na tumutulong upang ibangon ang Pilipinas mula sa pagkakahimlay
nito?Mahirap bang imulat ang mga mata at sabihing kailangan ako ng Pilipinas?.... Mahirap ba Juan
Dela Cruz? Mahirap ba?!
Tulungan niyo ako! Tulungan niyo akong iparating ito sa mga Pilipino, lalong lalo na sa mga
Pilipinong tulog ang diwa.Tulungan niyo ako! patuloy ang kanyang pag-iyak hawak-hawak ang aking
balikat habang humihingi ng tulong.
Kasunod nito ang pagbigay niya sa akin ang isang pluma. Kasabay ng aking paghawak sa plumang
ito ay ang pagliwanag ng kapiligiran na naghudyat sa aking pag-gising.
Panaginip lang pala ang lahat
Nagising ako sa harapan ng aking computer dala-dala ang pag-asang makakatulong ang
artikulong ito para magamot ang lumpong sistema ng ating lipunan.
Sa artikulong ito, hindi ako si Juan Dela Cruz, hindi ka si Juan Dela Cruz, kundi TAYO si Juan Dela
Cruz. Ang sumisimbolo sa lahat ng Pilipino.
Imulat natin ang ating mga mata. Tayo mismo ang magtutulungan. Hindi sila, hindi ikaw, at mas
lalong hindi ako kundi TAYO
Dahil, Kung hindi ngayon, kailan pa? Kung hindi tayo, Sino pa?

More Related Content

Juan dela cruz

  • 1. Juan Dela Cruz Isinulat ni Lucky Wilmar L. Cimatu Taglay ko ang dugot diwa na nanalaytay sa bawat Pilipinong nangangarap na balang araw babangon ang Pilipinas mula sa pagkakahimlay nito sa kahirapan at labis na pagkagipit. Habang binabalangkas ko ang artikulo na to sa harap ng aking kompyuter. Tila nagkaroon ng mahika ang kompyuter at ipinadpad ako sa mundong puno ng pasakit. Animoy nasa mapayapa akong daigdig at ang mga taoy tila ibong malayang lumilipad. Ngunit maya-mayay nagsimula na ang sigawan at iyakan ng mga taong ito. Sa kabilang banda naman ay ang mga Kastila na hawak-hawak ang kanilang mga naglalakihang baril habang nagtatawanan sa di malamang dahilan. Ang mga taong iwinangis ko sa ibong malaya ay walang-awang ikinulong sa hawlang puno ng pasakit at pahirap na sinumang lumapit at magpangahas na palayain ang mga ibong ito ay walang awang pinapatay. Ngunit kasabay ng pagsibol ng araw ay ang paglabas din ng mga bayaning may paninindigan at dala-dala ang armas upang putulin ang kadenang nakapulupot sa hawla ng mga ibong bulag at nagbubulag-bulagan sa kahirapan dulot ng mga Kastila. Dumanak ang dugo sa lupang tinatapakan ko. Maraming namatay. Maraming umiiyak. Pero ang pinaglaban ng mga bayani ay hindi napunta sa wala sapagkat nakamtan ng Pilipinas ang kalayaan laban sa Espanya noong 1898. Subalit pagkalipas ng ilang taon tila nanumbalik ang nakaraang ayaw na natin sanang maulit pa. Maingay, maraming sumisigaw, maraming umiiyak dahil sa gutom at kahirapan, habang ang iba naman ay nakangiting nagsasalita tungkol sa kanilang propaganda, talk show, at iba pa na lagi kong nakikita sa aking telebisyon.
  • 2. Masakit isipin na lumalaki ang distansya ng mga mahihirap sa mga mayayaman. Mas lalong yumayaman ang mga mayayaman, at mas lalong humihirap ang mga mahihirap. Nakikita mo ba ang mga bagay na to o isa ka sa rin sa mga Pilipinong pilit tinatakpan ang kanilang mga tenga at mga mata upang hindi marinig ang sigaw at iyak ng kahirapan.? Mas lalong lumakas ang iyak na kanina ko pa naririnig. Hindi ako nagpatumpik-tumpik at sinundan ko ang iyak na to. Sa aking paglalakbay nasilayan ko ang mga peklat ng Pilipinas na pilit tinatago ng ating mga lider. Ang iyak na sinusundan ko ay nadagdagan pa ng paulit-ulit na katagang nagsasabing. Tulungan mo ako, tulungan mo ako. Pinagpatuloy ko ang paglaklakbay patungo sa batang umiiyak. Hanggang sa laking gulat ko nang nakarating na pala ako sa Luneta at doon ko nakita ang batang umiiyak- nakapormal na kasuotan at may hawak-hawak na kwaderno. Nakatingala sa rebulto ng ating Pambansang Bayani. Akoy humakbang papunta sa kanya at nang malapit na ako sa kanya. Bigla siyang lumingon sa akin at binato ang mga katagang tumatagos mula sa aking kalamnam patungo sa aking kaluluwa Juan dela Cruz! Ang bumubuo sa dugot diwa ng Pilipino sinayang niyo ang dugot pawis ng mga bayaning Pilipinong inalay ang kanilang buhay upang palayain ang mga ibong kinulong sa hawla ng mga Kastila. Makasarili kayo! Patuloy kayo sa paglakbay patungo sa kayamanan at karangyaan kahit alam niyo na may natatapakan kayong iba Akala koy napalaya na namin ang mga ibong nakakulong sa hawla ngunit tila kinulong niyo ulit sila sa kahirapan Wala kayong awa Ang mga Pilipino na pilit binabangon ang Pilipinas ay walang awa niyong pinapababa sa pwesto. Nagpapatayan kayo nagbabatuhan ng putik at pilit naghihilahan pababa Mahirap bang magtulungan? Mahirap bang iabot ang kamay at tulungang bumangon ang nadapa? Mahirap bang magbigay ng pagkain sa mga nangangailangan kaysa sa itapon ito?Mahirap bang magkaroon ng malinis na eleksyong walang patayan at walang pandaraya? Mahirap bang suportahan ang bawat lider na tumutulong upang ibangon ang Pilipinas mula sa pagkakahimlay nito?Mahirap bang imulat ang mga mata at sabihing kailangan ako ng Pilipinas?.... Mahirap ba Juan Dela Cruz? Mahirap ba?! Tulungan niyo ako! Tulungan niyo akong iparating ito sa mga Pilipino, lalong lalo na sa mga Pilipinong tulog ang diwa.Tulungan niyo ako! patuloy ang kanyang pag-iyak hawak-hawak ang aking balikat habang humihingi ng tulong. Kasunod nito ang pagbigay niya sa akin ang isang pluma. Kasabay ng aking paghawak sa plumang ito ay ang pagliwanag ng kapiligiran na naghudyat sa aking pag-gising. Panaginip lang pala ang lahat
  • 3. Nagising ako sa harapan ng aking computer dala-dala ang pag-asang makakatulong ang artikulong ito para magamot ang lumpong sistema ng ating lipunan. Sa artikulong ito, hindi ako si Juan Dela Cruz, hindi ka si Juan Dela Cruz, kundi TAYO si Juan Dela Cruz. Ang sumisimbolo sa lahat ng Pilipino. Imulat natin ang ating mga mata. Tayo mismo ang magtutulungan. Hindi sila, hindi ikaw, at mas lalong hindi ako kundi TAYO Dahil, Kung hindi ngayon, kailan pa? Kung hindi tayo, Sino pa?