isang digmaan sa pagitan ng Dakilang Britanya at ng orihinal na Labintatlong mga Kolonya ng Britanya sa Amerika
Noong 1773 ay isang pangkat ng mga kolonista ang nagsuot ng kasuotan ng mga Katutubong Amerikano at nakapasok sa isang pangkalakal na bapor ng mga Ingles. Kanilang itinapon ang mga tone-toneladang tsaa sa pantalan ng Boston harbor sa Massachusetts. Silay nagprotesta sa ipinataw na buwis sa tsaa na inaangkat sa mga kolonya.
1. The document discusses different forms of government in Southeast and South Asia, including democracy, republic, federalism, totalitarianism, dictatorship, theocracy, Islamic republic, and communism.
2. It provides definitions and examples of each type of government, noting their key characteristics such as the concentration of power, role of religion, and ideology that forms the basis of rule.
3. Several Southeast and South Asian countries are mentioned as examples of specific forms of government, like Pakistan being a federal republic and Bhutan having a constitutional monarchy.
1. The document discusses different forms of government in Southeast and South Asia, including democracy, republic, federalism, totalitarianism, dictatorship, theocracy, Islamic republic, and communism.
2. It provides definitions and examples of each type of government, noting their key characteristics such as the concentration of power, role of religion, and ideology that forms the basis of rule.
3. Several Southeast and South Asian countries are mentioned as examples of specific forms of government, like Pakistan being a federal republic and Bhutan having a constitutional monarchy.
These regulations provide guidelines for proper treatment and display of the Philippine national flag. Some key points:
- The national flag has a prescribed design of blue, red and white with a yellow sun and three stars.
- It must be displayed daily in all government buildings and public spaces, and on certain national holidays in private buildings.
- Proper flag-raising and lowering ceremonies are outlined, including standing at attention while the national anthem plays.
- Guidelines are given for displaying the flag individually or with other flags, on land, at sea and in the air. Worn flags must be retired properly.
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docxJackeline Abinales
油
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya
Ang pagsisimula ng ika-20 siglo ay nangangahulugan ng pagpasok ng dalawang magkatunggaling ideolohiya sa Tsina. Lumaganap sa bansa ang ideolohiya ng demokrasya at komunismo. Ito ay nagdulot ng pagkakahati ng bansa at naghudyat ng tunggalian ng mga pinunong Tsino na nagsusulong ng demokrasya at komunismo.
Ideolohiyang Demokrasya sa China
Ang pagbagsak ng dinastiyang Manchu ay senyales ng pagwawakas ng mahigit sa 2,000 taon ng pamumuno ng mga dinastiya sa China. Hinarap ng mga Tsino ang isang malaking hamon sa kanilang bansa ito ay ang pagtukoy sa ipapalit na pamumuno ng mga emperador.
Sa panahon na ito ng kaguluhang pampolitikal at kawalan ng pagkakaisa nakilala si Sun Yat Sen. Nakapag-aral si Sun sa Hawaii at sa Hong Kong Medical School. Isinulong niya ang pagkakaisa ng mga Tsino gamit ang tatlong prinsipyo (three principles): ang San Min Chu-i o nasyonalismo, Min-Tsu-Chu-I o demokrasya at Min-Sheng-Chu-I o kabuhayang pantao. Binigyang-diin ni Sun na ang pagkakaisa ng mga Tsino ang susi sa tagumpay laban sa mga imperyalistang bansa. Naging ganap ang pamumuno ni Sun sa China nang pamunuan niya ang mga Tsino sa pagpapatalsik sa mga Manchu sa tanyag na Double Ten Revolution na naganap noong Oktubre 10, 1911. Tinawag itong Double Ten dahil naganap ito sa ika-sampung buwan ng taon (Oktubre) at ika-sampung araw ng buwan. Sa araw ding ito, itinatag ang bagong Republika ng China. Dahil sa kaniyang tagumpay, pansamantalang itinalaga si Sun bilang pangulo ng bansa noong Oktubre 29, 1911, tinagurian siya bilang Ama ng Republikang Tsino. Itinag ni Sun Yat-Sen ang Partido Kuomintang o Nationalist Party noong 1912. Naging batayan ng kaniyang pamumuno ang paggamit ng konsiliasyon (conciliation) at pagkakasundo (compromise) upang maiwasan ang alitan at maisulong ang kaunlaran ng bansa. Naniniwala din siya na dapat pagtuunan ng pansin ang regulasyon ng puhunan (regulation of capital) at pantay-pantay na pag-aari ng lupa (equalization of land ownership). Higit sa lahat, hindi naniniwala si Sun Yat-Sen na kailangan ang tunggalian ng mga uri o class struggle upang makamit ang pagkakaisa, kaayusang panlipunan at kaunlarang pang-ekonomiya.
Humalili si Heneral Chiang Kai Shek bilang pinuno ng Partido Kuomintang nang mamatay si Sun Yat-Sen noong Marso 12, 1925. Sa ilalim ng pamumuno ni Chiang Kai Shek ay ipinagpatuloy ng Kuomintang ang pakikipaglaban sa mga warlords (nagmamay-ari ng lupa na may sariling sandatahang lakas.
Matapos magapi ang mga warlords, hinarap ng Kuomintang ang isa pang kalaban ang pagpasok ng katunggaling ideolohiya sa China ang komunismo na ipinalaganap ni Mao Zedong sa China.
Ideolohiyang Komunismo sa China
Ang pagpasok ng ideolohiyang komunismo sa China ay nagsimula noong 1918. Naging tanyag ang komunismo sa China sa pamumuno ni Mao Zedong. Si Mao ay mula sa pamiya ng magbubukid sa probinsiya ng Hunan. Sinuportahan at isinulong ni Mao ang mga prin
Edukasyon Sa Pagpapakatao seksuwalidad pt 1.pptxDanethGutierrez
油
Ito ay isang presentasyon tungkol sa kawalan ng pag galang sa sekswalidad ng tao. Sa kasalukuyang lipunan, isa sa mga mahahalagang usaping panlipunan ay ang kawalan ng paggalang sa sekswalidad ng isang tao. Ang sekswalidad ay isang aspeto ng ating pagkatao na sumasaklaw sa ating pagkakakilanlan bilang lalaki, babae, o ibang kasarian, pati na rin sa ating oryentasyong sekswal at pagpapahayag ng ating sekswal na identidad. Gayunpaman, sa kabila ng kahalagahan nito, patuloy pa ring nararanasan ng maraming indibidwal ang diskriminasyon, pang-aabuso, at hindi makatarungang pagtrato dahil sa kanilang sekswalidad. Mga Anyo ng Kawalan ng Paggalang sa Sekswalidad
Diskriminasyon sa Kasarian at Sekswal na Oryentasyon
Isa sa mga pinaka-karaniwang anyo ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay ang diskriminasyon laban sa mga LGBTQ+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, at iba pa). Maraming indibidwal ang nakakaranas ng pangmamaliit, paglayo ng pamilya, kawalan ng oportunidad sa trabaho, at maging pang-aapi sa paaralan o lugar ng trabaho dahil lamang sa kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
Panggagahasa at Sekswal na Pang-aabuso
Ang sekswal na pang-aabuso ay isang marahas at hindi makatarungang anyo ng kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao. Kabilang dito ang panggagahasa, sapilitang pakikipagtalik, at iba pang uri ng sekswal na karahasan. Ang mga biktima nito ay madalas na pinapatahimik ng takot, stigma, at kakulangan ng suporta mula sa lipunan.
Catcalling at Sekswal na Panliligalig
Ang pambabastos sa lansangan o catcalling ay isang halimbawa ng kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao. Karaniwang biktima nito ay mga kababaihan, bagaman may mga kalalakihan ding nakakaranas nito. Ang sekswal na panliligalig ay nagdudulot ng matinding takot at kawalan ng seguridad sa mga biktima.
Sapilitang Pamantayan ng Pagpapakita ng Sekswalidad
Sa maraming kultura, may mga inaasahang pamantayan sa kung paano dapat ipahayag ng isang tao ang kanyang sekswalidad. Halimbawa, may mga babae na pinipilit na maging mahinhin at hindi dapat masyadong lantad sa kanilang sekswalidad, samantalang may mga lalaki naman na inaasahang maging agresibo o dominante. Ang ganitong mga pananaw ay nagpapalakas ng hindi pantay na pagtrato sa kasarian.
Paggamit ng Sekswalidad para sa Pagsasamantala
Sa media at industriya ng aliwan, madalas ginagamit ang sekswalidad ng mga tao, lalo na ng kababaihan, upang makabenta ng produkto o makakuha ng atensyon. May mga tao rin na napipilitang pumasok sa prostitusyon o pang-aabuso dahil sa kahirapan at kawalan ng pagpipilian. Ito ay isang malinaw na manipestasyon ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad.
Epekto ng Kawalan ng Paggalang sa Sekswalidad
Ang kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao ay may malalim at pangmatagalang epekto hindi lamang sa indibidwal na biktima kundi pati na rin sa buong lipunan. Ang ilan sa mga pangunahing epekto ay ang mga sumusunod:
Ang kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay isang seryosong suliranin na
Grade 1 Week 4 Quarter 3 GMRC Presentation for teachers of Grade 1 who are bu...estrellaagabe
油
DEMO TEACHING FOR GRADE 1 Q4 WEEK 3. for faster understanding of concepts. it is developed solely for Grade 1 Learners to enjoy learning in GMRC. it enables Grade 1 learners to achieve the objective at the targeted time. This presentation gives clarity and opportunity to develop concepts and understanding on the developing of values and good
Grade 3 PPT_Q4_W5_paraan ng pagpili ng pinuno.pptxAmmieRoseCata
油
Ang Kahulugan ng Ideolohiya (Repaired).docx
1. LEARNING ACTIVITY SHEET
GRADE 7
NAME: ________________________ YEAR AND SECTION: ___________________ DATE: _________ SCORE: ________
Ang Kahulugan ng Ideolohiya
Ang ideolohiya ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago
nito. Galing ito sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.
Si Desttutt de Tracy ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng mga kaisipan o ideya. May ibat ibang
kategorya ang Ideolohiya. Ito ay ang sumusunod:
1. Ideolohiyang Pangkabuhayan. - Nakasentro ito sa mga patakarang pang- ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan
para sa mga mamamayan. Nakapaloob dito ang ang mga karapatang makapagnegosyo, mamasukan, makapagtayo ng unyon, at magwelga kung
hindi magkasundo ang kapitalista at mga manggagawa.
2. Ideolohiyang Pampolitika. - Nakasentro naman ito sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala.
Ito ay mga pangunahing prinsipyong politikal at batayan ng kapangyarihang politikal. Karapatan ng bawat mamamayan na bumuo at
magpahayag ng opinyon at saloobin.
3. Ideolohiyang Panlipunan. - Tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing
aspeto ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Ang Ibat Ibang Ideolohiya
1. Kapitalismo. Tumutukoy ito sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksiyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga
pribadong mangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang ang papel ng pamahalaan sa mga patakarang pangkabuhayan.
2. Demokrasya. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. Sa demokrasya, maaaring makilahok ang mga mamamayan
nang tuwiran o di-tuwiran. Ito ay tinatawag na direct o tuwirang demokrasya kung ibinoboto ng mamamayan ang gusto nilang mamuno sa
pamahalaan. Karaniwang pumipili ang mga tao, sa pamamagitan ng halalan, ng mga kinatawan na siyang hahawak sa kapangyarihan o
pamahalaan sa ngalan nila. Tinatawag ang pamamaraang ito na representative o kinatawang demokrasya. Maaari rin namang di-tuwiran ang
demokrasya kung ang ibinoboto ng mamamayan ay mga kinatawan nila sa pamahalaan na siya namang pipili ng mga pinuno sa pamahalaan.
Mayroon ding uri ng demokrasya na nagiging diktadura. Ito ay nagaganap kapag ang inatasan ng mga tao upang mamuno ay magsimulang
mangamkam ng kapangyarihan at isawalang-bahala ang kagustuhan ng mga tao. Ang diktador ay namumuno batay sa kaniyang sariling
kagustuhan at hindi sa kagustuhan ng mga tao.
3. Awtoritaryanismo. - Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan. Makikita ito sa pamahalaan
ng Iran, kung saan ang namumuno ay siya ring puno ng relihiyon ng estado, ang Islam. May napakalawak na kapangyarihan na sinusunod ng
mga mamamayan ang namumuno. Mayroon ding tinatawag na konstitusyonal na awtoritaryanismo kung saan ang kapangyarihan ng
namumuno ay itinakda ng Saligang-Batas. Ito ang tawag ng dating Pangulong Marcos sa kaniyang pamamahala sa ilalim ng Batas Militar noong
1972 hanggang sa mapatalsik siya noong Pebrero 1986.
4. Totalitaryanismo. - Ang pamahalaang totalitaryan ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan. Sa
ilalim ng ganitong pamahalaan, may ideolohiyang pinaniniwalaan at may partidong nagpapatupad nito. Limitado ang karapatan ng mga
mamamayan sa malayang pagkilos, pagsasalita, at pagtutol sa pamahalaan. Pati ang pagpapahayag ng relihiyon ay hindi lubusang sinasang-
ayunan, ngunit hindi rin naman tahasang ipinagbabawal. Lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at kabuhayan ay nasa kamay din ng isang
grupo o ng diktador. Nasa kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng mga lupain, kayamanan ng bansa, at mga industriya. Halimbawa nito ang
pamahalaan ni Hitler sa Germany at ni Mussolini sa Italy bago at habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang uri ng
pamahalaang totalitaryan ang sistemang diktatoryal. Unang ginamit ang sistemang ito noong sinaunang panahon tuwing may mga kagipitan o
labanan at may pangangailangang magtakda ng isang punong militar na may kapangyarihang diktatoryal.
Subalit, matapos ang kagipitan, ay umalis ang ganitong katungkulan. Sa sinaunang panahon, maraming bansa ang yumakap sa sistemang ito, na
ang pinuno ay isang diktador. Naging palasak ito sa mga bansa sa Timog Amerika at iba pang lugar sa Asya at Africa ngunit higit na
makapangyarihan kaysa sinaunang mga diktador ang makabagong diktadurya. Napananatili ang kapangyarihan sa diktador sa pamamagitan ng
pagkontrol sa pamahalaan, ekonomiya, mass media o mga uri ng pamamahayag, simbahan, at pati kaisipan ng mga mamamayan.
5. Sosyalismo. - Isang doktrina ito na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay
ng isang grupo ng tao. Ang grupong ito ang nagtatakda sa pagmamay-ari at sa pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismo ng produksyon. Ang
mga industriya at lahat ng mga kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan ay nasa kamay rin ng pamahalaan. Hangad ng
sosyalismo ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa. Binibigyang-diin nito
ang pagtutulungan habang ang mahahalagang industriya ay pag-aari ng pamahalaan. Halimbawa ng ganitong pamahalaan ang namayani sa
Tsina at ang dating Unyong Sobyet, kung saan ang teorya ni Karl Marx ay sinubukang bigyang katuparan.
Ibat ibang ideolohiya ang sinusunod ng mga bansa sa daigdig. Ayon ito sa kanilang kasaysayan, paniniwala at kultura. Anuman ang ideolohiya
ng bawat isa, nararapat na ito ay makatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan at maging daan sa pag-unlad ng bansa.
GAWAIN 5: TALAHANAYAN, PUNAN MO!
Subukan natin ngayon ang iyong kaalaman sa paksang binasa. Punan ng impormasyon ang kasunod na data retrieval chart.
MGA IDEOLOHIYA KATANGIAN MGA BANSANG NAGTAGUYOD
1.
2.
3.
4
5
2. 6. Komunismo ----Nagsimula sa salitang komun ang katawagang komunismo na ang ibig sabihin ay pantay-pantay o pangkaraniwan at walang uri na
nakahihigit sa kapwa tao. Tumutukoy rin ito sa Marxist-Leninist na doktrinang political at panlipunang kabuhayan na gumabay sa USSR hanggang
sa pagbagsak nito noong 1991 at ng pamahalaang pulitikal sa China at silangang Europe. Umusbong mula sa sosyalismo ang Komunismo noong ika-
19 na siglo.
Ayon sa ideolohiyang komunismo, walang uri ang mga tao sa lipunan, pantaypantay ang lahat, walang mayaman at walang mahirap. Tatanggap ang
lahat ng tao ng yaman batay sa kanilang pangangailangan. Pag-aari ng mga mamamayan at ng estado ang produksyon na inilalabas sa mga
pagawaan at lahat ng negosyo sa bansa. Kailangan ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa ngunit hindi ito prayoridad ng komunistang bansa,
sapagkat alam nilang kontrolado ng mga kapitalistang bansa ang pakikipagkalakalan.
Gawain 1:Talahanayan, Punan Mo! Panuto: Punan ang impormasyon ang kasunod na data retrieval chart.
Ibat ibang kategorya ang Ideolohiya Katangian
1.
2
3
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ibat ibang uri ng ideolohiya sa daigdig?
2. Anong mga bansa ang nagtaguyod ng mga ideolohiyang ito?
3. Paano nagkakaiba ang kanilang patakaran at katangian?
4. Paano nakaapekto ang ideolohiya ng bansa sa pag-unlad ng kabuhayan nito?
5. Sa mga ideolohiyang iyong nabasa, alin ang higit mong pinaniniwalaan? Bakit?
GAWAIN 6: HAGDAN NG MGA IDEYA
Gamit ang kasunod na ladder web , isulat ang kahalagahang ginagampanan ng ideolohiya sa isang bansa.
IDEOLOHIYA
3. Gawain Blg. 4: Map Analysis: Mapa ng Timog at Kanlurang Asya
Suriin ang mapa. Kulayan ng asul ang mga bansang naniniwala sa ideolohiyang demokrasya; kulay
dilaw, kung sosyalismo, kulay green kung Pasismo at kulay pula kung komunismo.
Gawain Blg. 4: Map Analysis: Mapa ng Timog at Kanlurang Asya
Suriin ang mapa. Kulayan ng asul ang mga bansang naniniwala sa ideolohiyang demokrasya; kulay
dilaw, kung sosyalismo, kulay green kung Pasismo at kulay pula kung komunismo.
AFGHANISTAN
PAKISTAN
INDIA
NEPAL
BHUTAN
MYANMAR
BANGLADESH
SRI LANKA
MALDIVES
4. Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano-ano ang mga bansang naniniwala sa demokrasya?
2. Ano-ano ang mga bansang naniniwala sa sosyalismo?
3. Ano-ano ang mga bansa na naniniwala sa komunismo?
4. Ano-ano ang mga bansa na naniniwala sa pasismo?
Gawain Blg. 4: Map Analysis: Mapa ng Timog at Kanlurang Asya
Suriin ang mapa. Kulayan ng asul ang mga bansang naniniwala sa ideolohiyang demokrasya; kulay
dilaw, kung sosyalismo, kulay green kung Pasismo at kulay pula kung komunismo.
5. NAME: ________________________ YEAR AND SECTION: ___________________ DATE: _________ SCORE: ________
PANUTO: Basahing mabuti at sagutin ng buong husay. isulat lamang ang letra ng tamang sagot.
1. Sino ang HINDI kabilang sa pangkat ng mga lider ng Komunismo sa Rusya?
6. A. Nicolai Lenin
B. Karl Marx
C. Joseph Stalin
D. Leon Trotsky
2. Ayon sa kaisipang komunismo, ang mga manggagawa ang siyang magiging tagapamalakad ng pamahalaan at magbibigay daan
sa pagwawakas ng:
A. awtoritaryanismo
B. fascismo
C. kapitalismo
D.monarkiya
3. Ano sa palagay mo ang kaisipang hindi gaanong naaapektuhan ng anumang ideolohiya?
A. Pampulitika
B. Pangkabuhayan
C. Pangsining
D. Panlipunan
4. Sa ilalim ng isang demokratikong bansa, ang pakikilahok ng mga mamamayan sa pagpili ng mga pinuno ay maaaring:
A. Check and Balance
B. Natatakdaan at Di-natatakdaan
C. Tagapagbatas at Tagapagpaganap
D. Tuwiran at Di-tuwirang pagboto
5. Ang bawat bansa ay may sinusunod na ideolohiya, alin sa mga sumusunod na tambalan ng ideolohiya at bansa ang HINDI
magkatugma?
A. Demokrasya - Timog Korea
B. Komunismo Tsina
C. Monarkiya Inglatera
D. Totalitaryanismo Hapon
6. Kung ating susundin ang kaisipang komunismo, ang mga manggagawa ang magiging tagapamahala at ito ang magpapahina at
tuluyang tatapos sa:
A. Fascismo
B. Kapitalismo
C. Monarkiya
D. Totalitaryan
7. Ang tanggapang ito ay kailangan magkaroon ng maliit o limitadong saklaw sa ekonomiya ng isang bansa at patuloy na umunlad
ang mga namumuhunan sa kalakalan.
A. Dayuhang Bangko at Institusyon
B. Korte Suprema
C. Militar
D. Pamahalaan
8. Sa mga lider komunista sa Rusya, sino sa apat na ito ang HINDI kasali?
A. Nicolai Lenin
B. Karl Marx
C. Joseph Stalin
D. Leon Trotsky
9. Ang demokratikong pagpili ng sambayanan sa mga pinuno ng bansa ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng:
A. Check and Balance
B. Natatakdaan at Di-natatakdaan
C. Tagapagbatas at Tagapagpaganap
D. Tuwiran at Di-tuwiran
10. Alin sa mga sumusunod na aspeto ng ideolohiya ang HINDI kasama batay sa mga nabasa at natutunan mo sa ating mga
aralin?
A. Ideolohiyang Pampulitika
B. Ideolohiyang Pangkabuhayan
C. Ideolohiyang Pangsining
D. Ideolohiyang Panlipunan
11. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa mga prinsipyo ng Nazismo na nakapaloob sa Mein Kamp maliban sa:
A. Pagbuwag sa kasunduan sa Versailles sanhi ng mga suliranin sa Alemanya.
B. Pagtatatag ng diktadurya ng mga manggagawa na tatayong mas makapangyarihan sa pamahalaan.
C. Pagwasak sa Republika at pagtatatag ng Third Reich na isang estadong totalitaryan ng Nazismo.
D. Paniniwala ng mga Aleman na sila ang pangunahing lahi sa mundo mga Aryano
12. Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang HINDI kabilang sa prinsipyo ng Komunismo?
A. Ang manggagawa ang supremo sa pamahalaan.
B. Lubos na paghihiwalay ng simbahan at Estado.
C. Pagpapalakas ng mga mangangalakal sa pribadong negosyo.
D. Pagwawakas ng kapitalismo.
13. Ang mga sumusunod na tugma ng bansa at ideolohiya ay tungkol sa katangiang sinusunod ng bawat isa MALIBAN sa:
A. Estados Unidos-Demokrasya
B. Pilipinas-Totalitaryanismo
C. Thailand-Monarkiya
D. Vietnam-Komunismo
14. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa prinsipyo ng komunismo maliban sa:
A. Pagbibigay-daan sa paghina at tuluyang pagkawala ng mga kapitalista sa ekonomiya.
B. Paghihiwalay sa kapangyarihan ng Estado at Simbahan.
C. Pagkilala sa mga manggagawa bilang pinakamakapangyarihan sa pamahalaan.
D. Pagsusulong sa kapakanan ng mga mangangalakal sa lipunan at pampamahalaan.
15. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa pagsilang ng Fasismo sa Italya, maliban sa isa:
A. Kawalan ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo tulad ng pagkain at gamot.
B. Mahinang mga pinuno na hindi makatugon sa mga suliranin ng bayan.
C. Negatibong dulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa pamumuhay ng mga Italyano.
D. Pagpapahirap sa milyong Hudyo na nanirahan sa Europa