Grade 6-Q1-M4
ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino
social,moral,economic issues in Philippine society
social,moral,economic issues in Philippine societysocial,moral,economic issues in Philippine societysocial,moral,economic issues in Philippine societysocial,moral,economic issues in Philippine societysocial,moral,economic issues in Philippine society
Pagtugon sa mga Suliranin, Isyu at Hamon sa Kasarinlan ng Bansa (1946-1972)JuanitaNavarro4
油
Ang ppt na ito ay tungkol sa Pagtugon sa mga Suliranin, Isyu at Hamon ng Bansang Pilipinas. Paano nga ba natin maipagtatanggol ang ating bansa laban sa mga mananakop na minsan ng nagpadilim sa buhay ng mga mamamayang Pilipino?
Grade 6-Q1-M4
ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino
social,moral,economic issues in Philippine society
social,moral,economic issues in Philippine societysocial,moral,economic issues in Philippine societysocial,moral,economic issues in Philippine societysocial,moral,economic issues in Philippine societysocial,moral,economic issues in Philippine society
Pagtugon sa mga Suliranin, Isyu at Hamon sa Kasarinlan ng Bansa (1946-1972)JuanitaNavarro4
油
Ang ppt na ito ay tungkol sa Pagtugon sa mga Suliranin, Isyu at Hamon ng Bansang Pilipinas. Paano nga ba natin maipagtatanggol ang ating bansa laban sa mga mananakop na minsan ng nagpadilim sa buhay ng mga mamamayang Pilipino?
Ang **akdang naratibo** ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng isang kwento o karanasan. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari na may layuning magbigay aliw, magturo, o magbigay aral sa mga mambabasa. Kadalasang gumagamit ng mga tauhan, tagpuan, at kaganapan upang maipahayag ang isang kwento sa isang tiyak na ayos o pagkakasunod-sunod.
Ang **akdang naratibo** ay may mga pangunahing elemento tulad ng **tauhan**, **tagpuan**, **tema**, **salungatan**, at **banghay**. Ang **tauhan** ang mga karakter na gumaganap sa kwento, mula sa pangunahing tauhan hanggang sa mga sumusuportang karakter. Ang **tagpuan** ay ang lugar at oras kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa kwento. Ang **tema** naman ay ang pangunahing ideya o mensahe na nais iparating sa mambabasa. Ang **salungatan** ay ang problema o hamon na kinakaharap ng mga tauhan sa kwento, at ang **banghay** ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna, hanggang sa wakas.
Halimbawa ng akdang naratibo ay ang mga **maikling kwento**, **nobela**, at **talambuhay**. Sa mga akdang ito, ang manunulat ay nagkukuwento ng isang kwento na may mga tauhan at nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang matutunan ang mga aral na dulot ng kwento. Ang isang akdang naratibo ay maaaring magtaglay ng iba't ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, takot, at pagmamahal, na nakatutulong upang mas maging makulay at buhay ang kwento.
Sa kabuuan, ang akdang naratibo ay isang mahalagang anyo ng panitikan na naglalaman ng mga kwento at karanasan na makapagbibigay ng kasiyahan at aral sa mga mambabasa.
2. Araling Panlipunan Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan Modyul 5: Ang Deklarasyon ng Kasarinlan at Pagtatatag ng Unang
Republika
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Printed in the Philippines by ________________________
Department of Education Region VI-Western Visayas
Office Address: Duran Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Telefax: (033) 336-2816, (033) 509-7653
E-mail Address: deped6@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Mitzel M. Alvaran, Marife E. Cajutol
Editor: Carmela M. De Gracia, Jewelyn Q. Cadigal, Venetia Anne A. Tropa,
Blas P. Tabayag, Jr.
Tagasuri: Blas P. Tabayag, Jr., Mary Helen M. Bocol, Junry M. Esparar
Tagaguhit: Roland B. Tarrazona
Tagalapat: Jewelyn Q. Cadigal
Tagapamahala: Ramir B. Uytico Pedro T. Escobarte, Jr.
Portia M. Mallorca Nelly E. Garrote
Elena P. Gonzaga Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV Junry M. Esparar
Mary Helen M. Bocol Blas P. Tabayag, Jr.
Jewelyn Q. Cadigal Emee Ann P. Valdez
4. Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng ibat ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ng SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo an gating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
5. 1 CO_Q1_AP6_Module5
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa ikaunlad ng iyong
kaalaman. Sa modyul na ito iyong malalaman ang plano ng mga Amerikano laban
sa mga Pilipno at Espa単ol. Matatalakay mo rin ang mga plano ni Heneral Emilio
Aguinaldo sa pamahalaan nang magkausap sila ni Komador George Dewey, pinuno
ng hukbo ng Amerikano na namagitan sa Pilipino at mga Espa単ol. Gusto mo bang
malaman kung ano ang mga naganap na pangyayari bago ideneklara ang kasarinlan
o ang pagiging malaya ng Pilipinas laban sa mga Espa単ol?
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, maaari mo nang magawa ang
sumusunod:
Matutukoy ang mga detalyeng naganap bago napasinayahan ang Kongreso ng
Malolos;
Malalaman ang ganap na layunin ng Kongreso;
Makakagawa ng timeline ng Himagsikang 1896 hanggang sa Pamahalaang
Rebolusyonaryo 1898;
Matatalakay ang mga layunin ng Saligang Batas na ipinatupad sa ilalim ng
Republika ng Pilipinas; at
Napapahalagahan ang Saligang Batas na unang ginawa ng Kongreso ng
Malolos na siyang kauna-unahang batas na ipinatupad sa pagdeklara ng
kasarinlan ng Pilipinas.
6. 2 CO_Q1_AP6_Module5
Panuto: Alamin kung ano ang tinutukoy sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang-papel.
_______ 1. Unang ipanahayag ang kasarinlan ng bansang Pilipinas
_______ 2. Itinatag ni Aguinaldo ang isang Pamahalaang Diktatoryal
_______ 3. Pinasinayaan sa simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan ang
Kongreso ng Malolos
_______ 4. Namuno sa Kongreso sa Malolos
_______ 5. Dumating ang barkong pandigmang Maine ng Estados Unidos sa
Havana, Cuba
_______ 6. Nagsilbing tagapayo ng pangulo sa mga bagay na may kaugnayan
sa kapakanan ng mga mamamayan
_______ 7. Pinalitan ni Emilio Aguinaldo ang Pamahalaang Diktatoryal ng
Pamahalaang Rebolusyonaryo ayon sa payo ni Apolinario Mabini
_______ 8. Pagsabog ng barkong Maine
_______ 9. Kinatawan ng America sa samahang Hong Kong Junta
_______ 10.Kinatawan ng England sa samahang Hong Kong Junta
A. Enero 25, 1898
B. Hunyo 12, 1898
C. Mayo 24, 1898
D. Felipe Agoncillo
E. Setyembre 15,1898
F. Pedro Paterno
G. Hunyo 23,1898
H. Apolinario Mabini
I. Antonio Regidor
J. Abril 21,1898
7. 3 CO_Q1_AP6_Module5
Alam mo ba ang mga kaganapan sa ating bansa sa ilalim ng pamumuno ni
Hen. Emilio Aguinaldo matapos ang Kasunduan sa Biak-na-Bato? Alam mo ba ang
mithiin ng heneral sa paglaban sa mga Espa単ol? Ano naman kaya ang naging ambag
ng Utak ng Rebolusyon na si Apolinario Mabini sa kaganapang ito? Malalaman mo
sa modyul na ito ang mga pangyayaring naging simula ng pagkakamit ng kalayaan
ng Pilipinas sa mga Espa単ol.
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mahahalagang pangyayari na naganap sa
kasaysayan ng Pilipinas. Gamitin ang mga bilang 1 hanggang 10. Isulat
ang sagot sa sagutang-papel.
_______1. Sigaw sa Pugad Lawin
_______2. Kumbensiyon sa Tejeros
_______3. Pagtatatag ng Kongreso ng Malolos
_______4. Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas
_______5. Kasunduan sa Biak-na-Bato
_______6. Pagbabalik ni Aguinaldo mula sa Hong Kong
_______7. Pagbubunyag ng Katipunan
_______8. Pagtatag ng Katipunan
_______9. La Liga Filipina
_______10. Unang Republika ng Pilipinas
Aralin
1
Deklarasyon ng Kasarinlan
ng Unang Republika
8. 4 CO_Q1_AP6_Module5
Illustration on this page is made by Roland B. Tarrazona
Alam ba ninyo na matapos matalo ng mga Amerikano ang mga Espa単ol sa
labanan sa Maynila ay agad na bumuo ang ilang manghihimagsik ng mga plano para
sa kalayaan ng Pilipinas mula sa sa mga Espa単ol?
Representasyon ng Deklarasyon ng Araw ng Kalayaan sa
Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898
Ang paglaban ng mga bayani sa ating kasiranlan ay nagbigay daan sa ating
mga Pilipino na isabuhay ang mga ginawa ng ating bayani upang makamit ang ating
kalayaan. Sa ngayon, tinatamasa na natin ang kasarinlan ng ating bansa.
Mula sa kaganapan ng pagbabalik ni Emilio Aguinaldo galing Hong Kong sa
kadahilanan na hindi tumupad ang Espanya sa Kasunduan sa Biak-na-Bato,
gayunpaman hindi rin natupad ng mga Pilipino ang kanilang pangako na ibalik ang
mga armas. Naging matatag si Aguinaldo sa pagtatatag ng Pamahalaang Republika
sa tulong ng kanyang tagapayo na si Apolinario Mabini. Tinatag ang Kongreso ng
Malolos upang makabuo ng Saligang Batas ng Malolos. Si Hen. Emilio Aguinaldo ang
hinirang ng Kongreso bilang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.
9. 5 CO_Q1_AP6_Module5
Saligang Batas ng Malolos
1. Paghihiwalay ng simbahan at estado
2. Pagkilala sa karapatan ng bawat tao
3. Libreng edukasyon sa elementarya
4. Probisyon tungkol sa kapangyarihan ng ehekutibo, lehislatura at hukuman
Pamahalaang Diktatoryal
Sa pagbabalik ni Aguinaldo mula Hong Kong ay nagdesisyon siya na magtatag
ng isang panibagong pamahalaang Pilipino. Dahil dito, nagtatag muna si Aguinaldo
ng isang Pamahalaang Diktatoryal noong Mayo 24, 1898 kung saan hinawakan niya
ang kapangyarihan ng isang diktador. Binigyan diin ni Aguinaldo na ang
kapangyarihang ito ay pansamantala lamang dahil na rin sa pangangailangan ng
sitwasyon. Sinunod niya ang payo ng abogadong si Ambrosio Rianzares Bautista na
kailangan muna na magtatag ng isang pamahalaang diktatoryal upang ganap na
masaklawan ang buong bansa at madaling mapagtagumpayan ang pakikidigma. Ang
Pamahalaang Diktatoryal ay mananatili habang may digmaan. Ito ay hahalinhan ng
isang republikang magtatayo ng isang pamahalaang federal na itinadhana ng
Saligang Batas na dala niya mula sa Hongkong at isinulat ni Mariano Ponce.
Noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite unang ipinahayag ang kasarinlan ng
Pilipinas. Ang mga pinuno ng himagsikan ay lumagda sa kasulatan na ginagawaran
si Aguinaldo ng sapat na kapangyarihan upang pamunuan ang pamahalaan. Ang
Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ay inihanda, sinulat at binasa ni Ambrosio
Rianzares Bautista sa wikang Kastila. Ang pagpapahayag ay inilagda ng 98 katao,
kabilang na dito ay isang opisyal ng hukbong Amerikano na siyang nakasaksi sa
proklamasyon. Si Apolinario Mabini ang naglingkod bilang pinunong tagapayo ni
Aguinaldo.
Kaalinsabay nito, unang iwinagayway ang bandilang Pilipino sa tugtog
ng Marcha Filipina Magdalo bilang pambansang awit na kilala ngayon bilang Lupang
Hinirang. Ito ay isinulat ni Julian Felipe at nang naglaon ay nilapatan ng titik ni Jose
Palma. Ang bandila ng Pilipinas ay tinahi nina Marcela Agoncillo, Josefa Herbosa
de Natividad at Lorenza de Agoncillo sa Hong Kong.
Ang Pamahalang Rebolusyonaryo
Noong Hunyo 23, 1898 bilang pagsunod sa payo ni Mabini, pinalitan ni
Aguinaldo ang Pamahalaang Diktatoryal ng Pamahalaang Rebolusyonaryo.
Hinalinhan ang tawag na diktador at ipinalit ang pangulo bilang katawagan sa
pinuno ng pamahalaang rebolusyonaryo.
Sa pamahalaang ito, ang pangulo ay tutulungan ng isang Kongreso ng
Panghimagsikan na binubuo ng mga kinatawan mula sa ibat-ibang lalawigan
tagapagpaganap upang gumawa ng mga batas para tiyak na mamalagi ang
10. 6 CO_Q1_AP6_Module5
kaayusang panloob at mapangalagaan ang bansa laban sa dayuhang mananakop.
Layunin ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ang ipagpatuloy ang pakikipaglaban ng
Pilipinas para sa kalayaan at ihanda ang bansa upang maitayo ang isang
Pamahalaang Republika.
Matapos mapagtibay ang Saligang Batas ng Kongreso, ipinalabas sa Malolos ang
proklamasyon ng Republika noong Enero 23, 1899. Inihalal si Emilio Aguinaldo
bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas ayon sa tadhanang ipinagtibay sa Saligang
Batas. Si Pedro A. Paterno ang naging Pangulo ng Kongreso. Kaagad na nanumpa si
Aguinaldo bilang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas. Hangad ni Aguinaldo na
maipabatid sa ibang bansa ang kalayaang pagsasarili ng Pilipinas. Kasabay nito,
lumikha siya ng mga lupon pangdiplomasiya sa labas ng bansa. Ang layunin nito ay
para makipag-ugnayan sa ibang bansa upang maglarawan ng magandang kalagayan
ng Pilipinas. Itinatag ang Hong Kong Junta na ang mga kasapi ay kumakatawan sa
ibat-ibang bansa. Kabilang sa mga nahirang ay sina:
Felipe Agoncillo- kinatawan para sa America;
Antonio Regidor- kinatawan para sa England;
Edilberto Zarcal- kinatawan para sa Australia; at
Mariano Ponce, Faustino Lichauco, Juan Luna, Pedro Roxas- mga kinatawan
para sa Japan.
Gawin ang sumusunod.
Panuto: Gamit ang Concept Map, ilahad ang mga kontribusyon ni Emilio Aguinaldo
sa kahalagahan ng pagtatag ng Kongreso ng Malolos.
Mga Kontribusyon ni
Emilio Aguinaldo
11. 7 CO_Q1_AP6_Module5
Panuto: Buuin ang crossword puzzle sa pagtukoy ng hinihinging konsepto at
kaisipan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang-papel.
Pahalang:
2. Pangalan ng barkong sinakyan ni Aguinaldo
3. Sa barkong ito nagpulong sina George Dewey at Aguinaldo
5. Pinuno ng plota ng mga Amerikano sa silangan
6. Utak ng Rebolusyon
7. Namuno sa Kongreso ng Malolos
Pababa:
1. Ipinalit sa Pamahalaang Diktatoryal
4. Dito pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos
8. Nagtungo sa Hong Kong noong Disyembre 27, 1897
12. 8 CO_Q1_AP6_Module5
Bilang pagtupad sa nilalaman ng Kasunduan sa Biak-na-Bato, nilisan ni
Aguinaldo ang Pilipinas papuntang Hong Kong kasama ang 36 na iba pang
rebolusyonaryo noong Disyembre 27, 1897. Pansamantalang natigil ang himagsikan
sa pagitan ng mga Pilipino at mga Espa単ol.
Noong Mayo 19, 1898, bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas mula Hong Kong
sakay ng barkong McCulloch sa utos ni Komador George Dewey na siyang pinuno
ng plota ng mga Amerikano sa Silangan. Nagpulong ang dalawa sa barkong Olympia
sa baybayin ng Cavite na kung saan ipinahayag ni George Dewey na ang tanging
layunin ng mga Amerikano sa Pilipinas ay tulungan itong makalaya sa mga Espa単ol.
Napaniwala si Aguinaldo na maganda ang layunin ng mga Amerikano kaya agad
niyang ipinulong ang mga rebolusyonaryong Pilipino na matagal nang naghihintay
sa kanyang pagbabalik. Noong Mayo 24, 1898, itinatag ni Aguinaldo ang isang
Pamahalaang Diktatoryal na ang layunin ay muling mapag-isa ang mga
rebolusyonaryo sa ilalim ng isang pamahalaan.
Noong Hunyo 23, 1898 sa payo ni Apolinario Mabini, na siyang tagapayo ni
Aguinaldo at Utak ng Himagsikan, ang Pamahalaang Diktatoryal ay pinalitan ng
Pamahalaang Rebolusyonaryo. Sa ilalim ng pamahalaang ito, pinangunahan ni
Aguinaldo ang pamahalaan bilang pangulo sa halip na isang diktador. Sa
pamamagitan ng Pamahalaang Rebolusyonaryo, ipinatupad ang pagtatayo ng ibat
ibang sangay ng pamahalaan tulad ng pamahalaang lokal at ang kongreso. Kaya
naman noong Setyembre 15, 1898, pinasinayaan sa simbahan ng Barasoain sa
Malolos, Bulacan ang Kongreso ng Malolos na pinamumunuan ni Pedro Paterno.
Ngunit ayon sa dekretong lumikha dito, ang Kongreso ng Malolos ay walang
kapangyarihang gumawa ng batas kundi ito ay magsisilbi lamang tagapayo ng
pangulo.
Ang Saligang Batas ng Malolos ang pinakamahalagang nagawa ng kongresong
panghimagsikan. Itinatadhana ng Saligang Batas ng Malolos ang isang republikang
tumatanggap, kumakatawan at nananagutan sa mga mamamayan. Unang
ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite.
Kaalinsabay nito ay iwinagayway ang bandilang Pilipino sa saliw ng Marcha Magdalo
na siyang naging pambansang awit ng Pilipinas.
13. 9 CO_Q1_AP6_Module5
Panuto: Isa-isahin ang mga petsa ng kaganapan at pangyayari mula 1897 hanggang
1898. Iguhit ang organiser at isulat ang sagot sa sagutang-papel. Pumili ng sagot sa
loob ng kahon sa ibaba.
Petsa Kaganapan
1. Disyembre 27,1897
2. Mayo 19,1898
3. Mayo 24, 1898
4. Hunyo 12, 1898
5. Hunyo 23,1898
6. Setyembre 15,1898
Panuto: Ayusin ang mga detalye at pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod-sunod
ng mga ito. Gamitin ang mga bilang 1 hanggang 10.
_________ 1. Sa payo ni Apolinario Mabini, pinalitan ang Pamahalaang
Diktatoryal ng Pamahalaang Rebolusyonaryo.
_________ 2. Agad na pinulong ni Aguinaldo ang mga rebolusyonaryong Pilipino.
_________ 3. Nilisan ni Aguinaldo ang Pilipinas patungong Hongkong kasama
ang 36 na rebolusyonaryo.
Pagdeklara ng kasarinlan ng
Pilipinas
Nagtungo sa Hong Kong si
Aguinaldo
Pinasinayaan ang Kongreso ng
Malolos
Bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas
sakay ng Barkong McCulloch
Itinatag ni Aguinaldo ang
Pamahalaang Diktatoryal
Pinalitan ng Pamahalaang
Rebolusyonaryo ang Pamahalaang
Diktatoryal
14. 10 CO_Q1_AP6_Module5
_________ 4. Magsisilbi lamang na tagapayo ang Kongreso ng Malolos at hindi
gagawa ng batas.
_________ 5. Napag-isahan na ipatupad ang pagtatayo ng ibat ibang sangay ng
pamahalaan tulad ng lokal at kongreso.
_________ 6. Pinasinayaan sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan ang
Kongreso ng Malolos.
_________ 7. Itinatag ni Aguinaldo ang isang Pamahalaang Diktatoryal na ang
layunin ay muling mapag-isa ang mga rebolusyonaryo sa ilalim ng
isang pamahalaan.
_________ 8. Natigil ang himagsikan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Espa単ol.
_________ 9. Naging pangulo si Aguinaldo sa ilalim ng Pamahalaang
Rebolusyonaryo.
_________ 10. Bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas mula sa Hong Kong.
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
1. Bakit mahalaga ang pagkakabuo ng Saligang Batas ng Malolos?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang pinakamahalagang nagawa ng Kongreso ng Malolos?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Anong uri ng pamahalaan ang Pamahalaang Rebolusyonaryo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Anong uri ng pamahalaan ang Pamahalaang Diktatoryal?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Ano ang hangarin ni Aguinaldo para sa bansa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
15. 11 CO_Q1_AP6_Module5
Alvenia P. Palu-ay. Makabayan Kasaysayang Pilipino 5: Quezon City, LG & M
Corporation, 2010, 126-132.
Estrelita B. Capi畤a and Gloria P. Barrientos. Pilipinas: Bansang Malaya 5
(Heograpiya, Kasaysayan at Sibika): Quezon City:SD Publications, Inc., 2000,
112-117.
Juan Alvin B. Tiamson. Pilipinas Serye ng Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika 6:
Sampaloc, St. Augustine Publications, Inc., 2009, 186-187.
Rosario M. Santiago. Pilipinas Perlas ng Silanganan 6: Manila, Innovative
Educatonal Materials, Inc. 2002, 148-153.
Subukin
1.
B
6.
H
2.
C
7.
G
3.
E
8.
J
4.
F
9.
D
5.
A
10.
I
Balikan
1.
3
2.
4
3.
9
4.
7
5.
5
6.
6
7.
8
8.
2
9.
1
10.
10
Pagyamanin
Pahalang
2.
MCCULLOCH
3.
OLYMPIA
5.
GEORGEDEWEY
6.
APOLINARIOMABINI
7.
PEDROPATERNO
Pababa
1.
REBOLUSYONARYO
4.
BARASOAIN
8.
AGUINALDO
Isagawa
1.
Nagtungo
sa
Hongkong
si
Aguinaldo
2.
Bumalik
si
Aguinaldo
sa
Pilipinas
sakay
ng
Barkong
McCulloch
3.
Itinatag
ni
Aguinaldo
ang
Pamahalaang
Diktatoryal
4.
Pagdeklara
ng
kasarinlan
ng
Pilipinas
5.
Pinalitan
ng
Pamahalaang
Rebolusyonaryo
ang
Pamahalaang
Diktatoryal
6.
Pinasinayaan
ang
Kongreso
ng
Malolos
Tayahin
1.
6
2.
8
3.
1
4.
10
5.
5
6.
9
7.
4
8.
2
9.
7
10.
3
Karagdagang
Gawain
1.
Mahalaga
ang
pagkakabuo
ng
Saligang
Batas
ng
Malolos
dahil
ang
batas
na
ito
ay
naging
saligan
ng
pagkakatatag
ng
isang
republika.
2.
Ang
pinakamahalagang
nagawa
ng
Kongreso
ng
Malolos
ay
ang
pagsulat
ng
Saligang
Batas.
3.
Ang
Pamahalaang
Rebolusyonaryo
ay
uri
ng
pamahalaan
na
pinamumunuan
ng
isang
pangulo
na
may
pitong
sangay.
Napapailalaim
din
dito
ang
isang
Kongreso.
Layunin
din
ng
Pamahalaang
Rebolusyonaryo
na
ipagpatuloy
ang
laban
para
sa
kalayaan.
4.
Ang
Pamahalaang
Diktatoryal
ay
uri
ng
pamahalaan
na
binuo
nina
Mariano
Ponce
at
Aguinaldo
upang
ihanda
ang
Pilipinas
para
sa
kasarinlan.
5.
Ang
hangarin
ni
Aguinaldo
sa
Pilipinas
ay
ang
kalayaang
makapagsarili.
16. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph