ºÝºÝߣ

ºÝºÝߣShare a Scribd company logo
CO_Q2_AP 6_ Module 1
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Ang Pamahalaang Komonwelt
6
Araling Panlipunan – Baitang 6
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ang Pamahalaang Komonwelt
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region VI
Office Address: Duran Street, Iloilo City
Telefax: (033) 336-2816, (033) 509-7653
E-mail Address: region6@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Carmela M. De Gracia
Editor: Alma J. Gascon, Jewelyn Q. Cadigal, Blas P. Tabayag, Jr.
Tagasuri: Blas P. Tabayag, Jr., Mary Helen M. Bocol, Junry M. Esparar
Tagaguhit: Cherry Dawn M. Macatubal
Tagalapat: Jewelyn Q. Cadigal, Joel F. Capus
Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma Josilyn S. Solana
Portia M. Mallorca Peter J. Galimba
Elena P. Gonzaga Donald T. Genine
Jerry A. Oquendo Junry M. Esparar
Mary Helen M. Bocol Blas P. Tabayag, Jr.
6
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Ang Pamahalaang Komonwelt
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
1 CO_Q2_AP 6_ Module 1
Sa modyul na ito ay iyong malalaman ang proseso o hakbang na
pinagdaanan ng Pilipinas sa pagpapatibay ng Saligang Batas ng 1935 at ang
pagkakabuo ng Pamahalaang Komonwelt, sa pamumuno nina Manuel L.
Quezon at Sergio Osmeña, Sr. bilang Pangulo at Ikalawang Pangulo. Kasama
ding tatalakayin sa modyul na ito ang mahahalagang naisagawa ng
Pamahalaang Komonwelt tungo sa adhikaing pagsasarili.
May dalawang aralin sa modyul na ito:
• Aralin 1- Ang Saligang Batas ng 1935
• Aralin 2- Ang Pamahalaang Komonwelt
Pagkatapos mong gawin ang mga aralin sa dyul na ito ay inaasahang
magagawa mo ang sumusunod na kasanayan:
1. matutukoy ang mga dinaanang proseso tungo sa pagpapatibay ng
Saligang Batas ng1935;
2. maibibigay ang mahahalagang naisagawa ng mga Pilipino sa
pagkakamit ng adhikaing pagsasarili;
3. mailalarawan ang balangkas at layunin ng Pamahalaaang Komonwelt;
4. naisa-isa ang mga nagawa ng mga Pilipino sa Pamahalaang Komonwelt:
at
5. nasusuri ang pamahalaang Komonwelt.
2 CO_Q2_AP 6_ Module 1
Bago ka magsimula sa iyong bagong aralin, subukan mo munang
sagutan ang katanungan sa ibaba.
A. Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa
sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang pinakamagandang pagbabagong naganap sa
larangan ng politika sa panahon ng Komonwelt?
A. libreng pag-aaral at kagamitan sa paaralan sa pampublikong paaralan
B. makapag-aari ng sariling negosyo at kabuhayan
C. paglaganap ng kaisipang kolonyal
D. pagkakaroon ng karapatang makaboto at maiboto ang mga kababaihan
2. Pinagtibay ang Saligang-Batas ng 1935 matapos ang plebisito na sinang-
ayunan ng nakararaming Pilipino. Kasunod nito ay pinili ang mga
delegado na magsasagawa nito. Ipinakita ng mga Pilipino na sila ay may:
A. kalayaan sa pagsapi sa Estados Unidos bilang opisyal na teritoryo
B. karapatang mahalal at maghalal ng pinuno sa pamahalaan
C. karapatang makapag-aral ang bawat Pilipino
D. pantay na karapatan sa pakikipagkalakalan sa mga dayuhang bansa
3. Ano ang pinakamahalagang likhang–kultural na nagpaunlad sa layuning
kasarinlan?
A. Pagdami ng banyagang produkto sa lokal na pamilihan
B. Paggamit ng Wikang Ingles sa mga pampublikong paaralan
C. Pagpapamalas ng kagalingan ng mga Pilipino sa pamumuno ng
pamahalaan
D. Pagsapi ng mga Pilipino sa Sandatahang Lakas ng Estados Unidos
3 CO_Q2_AP 6_ Module 1
4. Anong batas ang nagtadhana ng pagtatatag ng pamahalaang Komonwelt?
A. Batas Tydings-Mc Duffie
B. Saligang Batas ng 1935
C. Batas Pilipinas 1902
D. Batas Jones
5. Saang kapwa nabibilang sina Quezon at Osmeña Sr.?
A. Komisyon ng Halalan
B. Surian ng Wikang Pambansa
C. Partido Nacionalista
D. Hukuman ng Relasyong Pang-industriya
B. Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat
ang Tama o Mali sa sagutang papel.
1. Itinuring na mahalaga ang Batas Hare-Hawes-Cutting at Batas Tydings-
McDuffie dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may batas na
nagtatadhana ng sampung taong paghahanda ng mga Pilipino para sa
pagsasarili.
2. Ang Saligang-Batas ng 1935 ay maingat na inihanda ng mga Pilipino
upang maging batayan ng Estados Unidos sa kakayahan ng mga Pilipino
tungo sa pagsasarili.
3. Ang Saligang-Batas ng 1935 ay napagtibay sa pamamagitan ng plebisito
na sinang-ayunan ng nakararaming Pilipino, kaugnay nito ay tiniyak din
ang malayang pagpili sa mga kakatawan na magsasagawa ng mga
probisyong nasa Saligang-Batas ng 1935.
4. Pinasinayaan noong Setyembre 17, 1935 ang Pamahalaang Komonwelt sa
pamumuno nina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña bilang Pangulo at
Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.
5. Isa sa prosesong pinagdaanan sa paggawa ng Saligang Batas ng 1935 ay
ang pagpirma ng Pangulo ng Estados Unidos sa Saligang Batas ng 1935.
4 CO_Q2_AP 6_ Module 3
Sa araling ito iyong pag-aralan ang tungkol sa Saligang Batas ng 1935
at ang naging ambag nito tungo sa pagsasarili ng bansa. Handa ka na ba?
Bago ka magsimula sa iyong bagong aralin ay sikapin mo munang
hanapin ang mga apelyido ng mga tao na may kaugnayan sa pagkamit ng
Misyong Pangkalayaan Tungo sa Pagsasarili. Talasan ang iyong mga mata.
Ang mga salitang hahanapin mo ay maaaring patayo, pahiga o pahalang.
Isulat sa sagutang papel.
Aralin
1 Ang Saligang Batas ng 1935
O O S M E Ň A V B M K L T
C O W A T R O X A S E O Y
U H M C D U F F I E G P D
T A E Ň U T B K Z V F K I
T R O O S E V E L T A J N
I E R E C T O W M R E G G
N V Ň O H A W E S H R Ň S
G D C A C S Q U E Z O N Ň
5 CO_Q2_AP 6_ Module 3
1. ____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________
Panuto: Tingnan ang larawan. Sumulat ng tatlong pangungusap patungkol
sa larawan. Isulat sa sagutang papel.
Manuel L. Quezon
6 CO_Q2_AP 6_ Module 3
Ang Saligang Batas ng 1935
Nabuo ang Saligang Batas ng 1935 noong Pebrero 8, 1935 dahil sa
probisyon ng Batas Tydings-McDuffie na magkaroon na ng pagsasarili ang
bansa. Ginawa ito sa loob ng anim na buwan (Agosto 1934 hanggang Pebrero
1935). Nang mapagtibay ng Pilipinas ang Batas Tydings-Mc Duffie, kaagad
itinatag ang Kumbensyong Konstitusyonal noong Hulyo 10, 1934. Naganap
ang halalan para sa dalawandaan at dalawang (202) delegado. Napili na
Pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal si Claro M. Recto, at pinamunuan
niya ang pagbuo ng Saligang Batas ng 1935. Nilagdaan ito noong Pebrero 19,
1935 at pinagtibay ito ni Pangulong Franklin Delano Roosevelt noong Marso
23, 1935. Sinang-ayunan naman ito ng sambayanang Pilipino sa isang
plebisito noong Mayo 14, 1935.
Ang mga nilalaman ng Saligang Batas ng 1935 ay halos mula sa
Saligang Batas ng Estados Unidos maliban sa pagkakaroon ng isang
Kapulungan sa Lehislatura (Unicameral National Assembly). Sinikap ng mga
Pilipino na makabuo ng Saligang Batas na katanggap-tanggap sa Pangulo ng
Estados Unidos dahil ito ay isang proseso na dapat mangyari upang makalaya
ang Pilipinas.
Ang mga ginamit na batayan sa pagbuo ng Saligang Batas ng 1935 ay
ang sumusunod:
• Saligang Batas ng Biak na Bato,
• Saligang Batas ng Malolos,
• Ulat ng dalawang Komisyon sa Pilipinas (Schurman at Taft),
• Batas Jones,
• Saligang Batas ng Mexico at
• Estados Unidos
7 CO_Q2_AP 6_ Module 3
Ang Saligang Batas ay nagtakda ng tatlong sangay ng pamahalaan na
magkahiwalay subalit magkakapantay ang mga tungkulin at pananagutan.
1. Tagapagpaganap o Executive– Pinamumunuan ito ng pangulo at ng
pangalawang pangulo na inihalal ng kwalipikadong mga botante. Ang
pangulo ng Pilipinas ang siyang tagapagpaganap at puno ng bansa.
Ang mga tungkulin at kapangyarihan ng isang tagapagpaganap ay ang
sumusunod:
a. Pamahalaan at kontrolin ang mga kagawarang tagapagpaganap, mga
kawanihan, at tanggapan;
b. Ipatupad ang lahat ng mga batas;
c. Hirangin ang karapat-dapat sa tungkulin;
d. Makipag-ugnayan at managot ng mga pagkakautang ng bansa;
e. Pumasok sa kasunduang pambansa o kasunduang panlalawigan;
f. Iharap sa kongreso ang pambansang badyet;
g. Ipasailalim sa Batas Militar ang bansa o alinmang bahagi nito; at
h.Magkaloob ng kapatawaran sa nagkasalang nagpakabuti.
2. Tagapagbatas o Legislative- Ang Kongreso ng Pilipinas ang humahawak ng
kapangyarihan ng tagapagbatas. Ang paggawa, pagsusog at pagwawalang-
bisa ng mga batas ang pangunahing gawain nito. Binubuo ng dalawang
kapulungan ang Kongreso―ang Mataas na Kapulungan o Senado at ang
Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan.
3. Tagapaghukom o Judiciary – Ang Korte Suprema at mabababang korte
ang bumubuo nito. Ito ang may karapatang magbigay ng interpretasyon o
magpaliwanag sa tunay na kahulugan ng batas. Ang hukuman ang
nagpapasya upang pangalagaan ang mga karapatan, buhay, ari-arian ng
bawat mamamayan ng bansa.
Mga Kapangyarihan ng Korte Suprema:
a. Magtalaga ng mga pansamantalang hukom sa mga mababang
hukuman;
b. Humirang ng mga pinuno at kawani ng mga hukuman ayon sa
serbisyo sibil;
c. Magkaroon ng superbisyon sa lahat ng mga hukuman at sa mga
tauhan nito;
8 CO_Q2_AP 6_ Module 3
d. Disiplinahin ang lahat ng hukom o iatas ang kanilang pagtiwalag sa
tungkulin;
e. Iatas ang pagbabago ng lugar ng paglilitis upang maiwasan ang
pagbabago ng pagpapairal ng batas;
f. Gumamit ng orihinal na hurisdiksyon sa usaping may kinalaman sa
ambasador at iba pang mga ministro;
g. Muling, pag-aralan, resibahin, baligtarin, o pagtibayin ang pag-apela
ng isang kaso;
h.Magtakda ng mga alituntunin tungkol sa pangangalaga at
pagpapatupad ng mga karagdagang konstitusyonal; at
i. Lumikha at pangasiwaan ang isang Judicial at Bar Council.
Sagutin Mo
Panuto: Punan ng wastong titik ang bawat kahon upang mabuo ang salitang
tinutukoy. Isulat sa sagutang papel ang buong salita.
1. Sangay na pinamumunuan ng pangulo at ng pangalawang pangulo na
inihalal ng kwalipikadong mga botante.
2. Ito ay binubuo ng hindi hihigit sa 120 kinakatawang inihalal na
manunungkulan sa loob ng tatlong taon lamang. Sila ang tagagawa ng
batas.
3. Ito ang may karapatang magbigay ng interpretasyon o magpaliwanag
sa tunay na kahulugan ng batas.
T P N
P T S
K T S P
9 CO_Q2_AP 6_ Module 3
4. Ang pangulo ng Estados Unidos na naglagda sa Saligang Batas ng 1935.
5. Isa sa ginamit na batayan sa pagbuo ng Saligang Batas ng 1935.
Ang prosesong pinagdaanan sa paggawa ng Saligang Batas ng 1935 ay ang
sumusunod:
1. Paghalal sa mga delegado ng Kumbensyong Konstitusyonal na gagawa
ng Saligang Batas ng 1935;
2. Pagsulat at pagbuo ng mga delegado na gagawa ng Saligang Batas;
3. Pagdaraos ng plebisito upang mapagtibay ang Saligang Batas;
4. Pagpapatibay at pagpapairal ng Saligang Batas ng 1935 bilang batayan
sa Pamahalaang Komonwelt; at
5. Pagpirma ng Pangulo ng Estados Unidos sa Saligang Batas ng 1935.
O S T
B S J S
10 CO_Q2_AP 6_ Module 3
Pamahalaang Komonwelt
Gawin Mo
Ano ang mga tamang proseso na ginawa ng mga Pilipino tungo sa
paggawa ng Saligang Batas ng 1935? Isulat sa bawat kahong may tandang
pananong ang wastong kronolohikal na hakbang. Pumili sa listahan sa ibaba.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
• Pagbuo ng mga delegado sa Saligang Batas ng 1935
• Pagdaraos ng plebisito upang mapagtibay ang Saligang Batas
• Paghalal ng mga delegado ng Kumbensyong Konstitusyonal na
gagawa ng Saligang Batas ng 1935
• Pagpapatibay at pagpapairal ng Saligang Batas ng 1935 bilang
batayan sa Pamahalaang Komonwelt
• Pagpirma ng Pangulo ng Estados Unidos sa Saligang Batas ng
1935
1.
2.
3.
4.
5.
Batas Tydings-McDuffie
11 CO_Q2_AP 6_ Module 3
Tama o Mali. Isulat ang Tama kung ang ipinahahayag sa pangungusap ay
wasto. Kung Mali, palitan ang salitang nasalungguhitan upang maging wasto
ang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang Kongreso ng Pilipinas ang humahawak ng kapangyarihan ng
tagapagbatas.
2. Ang hukuman ang nagpapasya upang pangalagaan ang mga karapatan,
buhay, ari-arian ng bawat mamamayan ng bansa.
3. Ang Tagapagpaganap ay pinamumunuan ito ng pangulo at ng
pangalawang pangulo na inihalal ng kwalipikadong mga botante.
4. Itinakda ng Saligang Batas ng 1935 ang apat na sangay ng pamahalaan
na magkahiwalay subalit magkakapantay ang mga tungkulin at
pananagutan.
5. Ang Saligang Batas ng 1935 ay ginawa sa loob ng limang buwan.
6. Napili na Pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal si Claro M. Recto.
7. Si Manuel L. Quezon ang namuno sa pagbuo ng Saligang Batas ng 1935.
8. Ang mga nilalaman ng Saligang Batas ng 1935 ay halos mula sa Saligang
Batas ng España.
9. Nabuo ang Saligang Batas ng 1935 noong Pebrero 8, 1935 dahil sa
probisyon ng Batas Tydings-McDuffie na magkaroon na ng pagsasarili ang
bansa.
10. Pagpirma ng Pangulo ng Estados Unidos sa Saligang Batas ng 1935 isa sa
prosesong pinagdaanan sa paggawa ng Saligang Batas ng 1935.
12 CO_Q2_AP 6_ Module 3
Isulat ang petsa sa sagutang papel ng sumusunod na pangyayari.
_______________ 1. Plebesitong naganap para sa unang Saligang Batas
ng Pilipinas.
_______________ 2. Nilagdaan ni Pangulong Roosevelt ang Saligang
Batas 1935.
_______________ 3. Pinagtibay ang Saligang Batas ng 1935 ni
Pangulong Roosevelt.
_______________ 4. Nabuo ang Saligang Batas ng 1935.
_______________ 5. Itinatag ang Kumbensyong Konstitusyonal.
13 CO_Q2_AP 6_ Module 3
Kumusta na? Sa mga nakaraang aralin napag-aralan mo ang mga
pangyayaring may kinalaman sa paghahanda sa pagsasarili ng ating bansa.
Sa araling ito, iyong malalaman at masusuri ang pagtatatag ng Pamahalaang
Komonwelt.
Napag-aralan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa pagbuo ng
Saligang Batas 1935. Natatandaan mo pa kaya ito? Subukin mong sagutin
ang mga tanong sa ibaba.
Panuto: Sagutin ang BLOCKBUSTER. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
R ___________ 1. Sinong R ang pangulo ng Estados Unidos na
pumirma sa Saligang Batas ng 1935?
C ___________ 2. Sinong C ang napili na Pangulo ng Kumbensyong
Konstitusyonal at namuno sa pagbuo ng Saligang
Batas ng 1935?
S ___________ 3. Anong S ang nabuo noong Pebrero 8, 1935 dahil
sa probisyon ng Batas Tydings-McDuffie?
T ___________ 4. Anong T na sangay na pinamumunuan ito ng
pangulo at ng pangalawang pangulo na inihalal ng
kwalipikadong mga botante?
T ___________ 5. Anong T na sangay na may karapatang magbigay
ng interpretasyon o magpaliwanag sa tunay na
kahulugan ng batas?
Aralin
2 Ang Pamahalaang Komonwelt
14 CO_Q2_AP 6_ Module 3
Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na maging lider sa inyong silid
aralan, ano-ano ang mga programa o bagay na gusto mong gawin para sa
inyong silid aralan?
Panuto: Magbigay ng dalawang programa o plano at punan ang tsart sa ibaba.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Ang Aking Programa o Plano Paano ko ito maipatutupad?
Ang pagpapatibay ng Batas Tydings-McDuffie ang naging wakas ng
mapayapang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan. Nakatitiyak na
ang mga Pilipino na malapit ng dumating ang araw ng pagsasarili mula sa
pananakop ng mga Amerikano.
Sa pagtatatag ng pamahalaang Komonwelt ay nagbigay ng bagong pag-
asa sa mga Pilipino tungo sa bagong panahon sa kasaysayan ng bansa.
Noong Nobyembre 15, 1935, pinasinayaan ang Pamahalaang
Komonwelt sa Gusali ng Lehislatura. Sa harap ng halos kalahating milyong
15 CO_Q2_AP 6_ Module 3
Pilipino na nagtipon sa Sunken Garden sa Maynila ay nanumpa sina Manuel
L. Quezon bilang Pangulo at Sergio Osmeña, Sr. bilang Pangalawang Pangulo
sa harap ni Punong Mahistrado Ramon Avanceña ng Korte Suprema. Silang
dalawa ang nagwagi sa naganap na halalan noong Setyembre 17, 1935 laban
kina Emilio Aguinaldo (pinuno ng Himagsikan at Unang Pangulo ng
Republika ng Pilipinas), Gregorio Aglipay (nagtatag ng Iglesia Filipina
Independiente), at Pascual Racuyal (nagtatag ng National Medical Hospital sa
Mandaluyong). Ang pagkapanalo at pagsanib nina Quezon at Osmeña, ay
siyang hudyat sa pagsasarili ng mga Pilipino tungo sa kalayaan.
Pangunahin simulain ni Pangulong Quezon sa kanyang pamamahala
ang pangunguna ng pamahalaan kaysa pulitika; at patakarang walang
mamamayan na mula sa punong tagapagpaganap hanggang sa pinakamaliit
na mamamayan ang mas mataas kaysa batas.
Isa sa mga ginawa ni Pangulong Quezon matapos manumpa sa
tungkulin ang pagbabagong tatag ng pamahalaan. May mga kawanihan at
tanggapan na binago o inalis si Quezon at may bagong tanggapan itinatag.
Tulad ng National Economic Council, Komisyon ng Mindanao at Sulu at
Surian ng Wikang Pambansa.
Isinagawa ang pagbabago sa balangkas ng pamahalaan upang
matugunan ang mga probisyon ng Saligang Batas ng 1935 at upang matupad
ang pangako ni Pangulong Quezon na bawasan ang pamumulitika at
pasiglahin ang pamamahala.
Mga Naisagawa ng Pamahalaang Komonwelt Tungo sa Adhikaing
Pagsasarili
Ano - ano ang mga nagawa ng mga Pilipino sa panahon ng Komonwelt?
Isa isahin natin:
Ekonomiya
1. Itinatag ang Sanggunian ng Pambansang Kabuhayan upang
tumugon sa suliraning pangkabuhayan.
2. Lumaganap ang industriya ng pagmimina, tela, tabako, langis ng
niyog, bigas at mais na pinangasiwaan ng National Rice and Corn
Corporation.
3. Napabuti rin ang suplay ng kuryente at tubig.
16 CO_Q2_AP 6_ Module 3
Lipunan
1. Pagbibigay ng sapat na sahod (Minimum Wage) sa mga
manggagawa, pagtatakda sa 8 oras na paggawa, at pagbuo ng
hukumang lilitis sa pang-aabuso sa mga manggagawa.
2. Pagbabahagi ng lupain sa mga magsasaka.
3. Pagbibigay ng lupa sa mga Muslim sa pamamagitan ng Homestead
Act.
4. Itinaguyod ang Kodigo ng Kagandahang Asal o Quezon Code of
Ethics.
Pulitika
1. Paghihiwalay ng Simbahan at Estado.
2. Pagkakaroon ng mga sangay, kagawaran at ahensya ng
pamahalaan na tumitiyak sa maayos na serbisyong publiko tulad
ng pananalapi, katarungan, pangangalakal, paggawa, at
edukasyon.
3. Kauna-unahang pagkakataon na makaboto ang mga babae na
dating gawain ng mga lalaki lamang.
Relihiyon
1. Pagdating ng Protestantismo o ang pagiging malaya sa pagpili ng
relihiyon.
2. Pagpapatuloy ng Katolisismo sa bansa.
Kultura
1. Malawak ang impluwensyang naiwan ng mga Amerikano sa ating
sining sa sayaw tulad ng rhumba, jazz, samba, at polka.
2. Kundiman at banyagang musika sa mga komposisyon nina Nicanor
Abelardo at Felipe Buencamino.
3. Mga pinta nina Fernando Amorsolo at Fabian Dela Rosa tungkol sa
pamumuhay sa nayon.
17 CO_Q2_AP 6_ Module 3
4. Nakilala si Guillermo Tolentino sa larangan ng iskultura.
5. Sa larangan ng arkitektura ay naging bantog sina Juan Nakpil at
Juan Arellano.
6. Sa panitikan ay nakilala sina Lope K. Santos, Severino Reyes, at
Rafael Palma. Dumami rin ang mga manunulat dahil sa kalayaang
tinatamasa ng mga Pilipino. Dumami ang mga pahayagan at
magasin.
7. Pagkahilig natin sa mga artistang mula sa Hollywood.
Libangan
1. Larong baseball, football, bowling, volleyball, billiard.
2. Pagsikat ng larong basketball na kinagigiliwan ng maraming
Pilipino.
Edukasyon
1. Tumaas ang karunungan (literacy) sa pamamagitan ng
malawakang edukasyon sa elementarya, adult education,
bokasyonal, at paghihikayat sa mga pribadong paaralan.
2. Paggamit ng wikang Ingles sa paaralan at pang-araw-araw na
pakikipag-usap.
Wikang Pambansa
1. Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa noong Nobyembre 13,
1936 sa pamamagitan ng Batas Blg. 184 na nagsasagawa ng pag-
aaral tungkol sa Pambansang Wika. Dahil dito itinuring na Ama ng
Wikang Pambansa si Pangulong Quezon.
2. Naging batayan ang Tagalog sa pagbuo ng Pilipino bilang Wikang
Pambansa noong Hulyo 4, 1946 ayon sa Batas Blg. 570.
Transportasyon at Komunikasyon
1. Lumaganap ang paggamit ng tren, mga sasakyang pandagat,
panlupa at panghimpapawid.
2. Mayroon na ring telepono, radyo at sistema ng koreo.
18 CO_Q2_AP 6_ Module 3
Totoong malawak at maraming nagawa ang Pamahalaang Komonwelt,
subalit nag-iwan din ito ng malalim na tatak sa ating kaisipan na kung
tawagin ay colonial mentality o ang pagkahilig natin sa mga dayuhang
produkto lalo na iyong tinatawag na stateside.
Ngayon alam mo na ang tungkol sa Pamahalaang Komonwelt. Subukin
mong sagutin ang sumusunod na gawain.
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang
tamang sagot na tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel.
1. Sino ang tanyag sa pagpinta tungkol sa pamumuhay sa nayon?
(Felipe Buencamino, Fernando Amorsolo)
2. Sino ang tinaguriang Ama ng Pambasang Wika?
(Claro M. Recto, Manuel L. Quezon)
3. Anong wika ang naging batayan sa pagbuo ng Wikang Pambansa noong
Hulyo 4, 1946 ayon sa Batas Blg. 570?
(Tagalog, Ingles)
4. Sa anong larangan nakilala si Guillermo Tolentino?
(iskultura, agrikultura)
5. Sino ang Pangalawang Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt?
(Manuel L. Quezon, Sergio Osmeña Sr.)
19 CO_Q2_AP 6_ Module 3
➢ Pinasinayaan noong Nobyembre 15,1935 ang Pamahalaang Komonwelt
sa pamumuno nina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña bilang Pangulo
at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.
➢ Maraming naisagawa ang Pamahalaang Komonwelt sa larangan ng
ekonomiya, lipunan, pulitika, relihiyon, kultura, libangan, edukasyon,
tanggulang pambansa, wikang pambansa, transportasyon at
komunikasyon.
➢ Lumaganap din ang kaisipang dayuhan o Colonial Mentality o ang
pagkahilig natin sa mga dayuhang produkto.
A. Suriin kung WASTO o MALI ang sinasaad ng bawat pangungusap. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
__________ 1. Ang Saligang Batas ng Pilipinas ay pinagtibay ng mga
kinatawan sa Kumbensyong Konstitusyonal.
__________ 2. Tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa si Pangulong
Osmeña.
__________ 3. Naging bihasa ang mga Pilipino sa pagsasalita ng Ingles.
__________ 4. Nabigyan ng karapatan ang mga babae na makaboto at
maiboto.
__________ 5. Naging maunlad ang transportasyon at komunikasyon.
20 CO_Q2_AP 6_ Module 3
B. Isulat ang petsa ng sumusunod na pangyayari. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
__________ 1. Unang pambansang halalan ng Pamahalaang Komonwelt.
__________ 2. Pagpapasinaya sa Pamahalaang Komonwelt.
__________ 3. Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa sa bisa ng Batas
Blg. 184.
__________ 4. Naging batayan ang Tagalog sa pagbuo ng Pilipino bilang
Wikang Pambansa.
__________ 5. Itinatag ang Kumbensyong Konstitusyonal.
21 CO_Q2_AP 6_ Module 3
Panuto: Piliin sa hanay B ang tinutukoy ng hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Naging unang pangulo ng Komonwelt A. Pebrero 8, 1935
2. Unang pangalawang pangulo ng
Komonwelt
B. 202
3. Batas na nagsasaad ng pagsusuri ng
isang pambansang wika
C. Manuel L. Quezon
4. Wikang naging batayan ng
pambansang wika
D. Sergio Osmeña, Sr.
5. Pagkamahilig sa produktong
stateside
E. Tagalog
6. Kilala sa larangan ng iskultura F. Batas Komonwelt
Blg. 184
7. Ang partido nina Quezon at Osmena G. colonial mentality
8. Karapatan ng mga kababaihan H. Guillermo Tolentino
9. Bilang na naihalal na delegado sa
Kumbensyong Konstitusyonal
I. maiboto at makaboto
10. Pinagtibay ng Kumbensyon ang
Saligang Batas
J. Partido Nacionalista
22 CO_Q2_AP 6_ Module 3
Sagutin Mo
Bakit mahalaga sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng Pamahalaang
Komonwelt? Magbigay ng tatlong (3) dahilan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
23 CO_Q2_AP 6_ Module 3
Balikan
Isagawa
Patayo:
CUTTING
HARE
TYDINGS
Pahiga:
OSMEŇA
ROXAS
MCDUFFIE
ROOSEVELT
RECTO
HAWES
QUEZON
Gawin
Mo
Nasa
ibaba
ang
tamang
pagkakasunud-sunod
ng
mga
naganap
sa
pagkakatatag
ng
Pamahalaang
Komunwelt.
•
Pagbuo
ng
mga
delegado
sa
Saligang-Batas
ng
1935
•
Pagdaraos
ng
Plebesito
upang
mapagtibay
ang
Saligang
Batas
•
Paghalal
sa
mga
delegado
ng
Kumbensyong
Konstitusyonal
na
gagawa
ng
Saligang-Batas
ng
1935
•
Pagpatibay
at
pag-iral
ng
Saligang-Batas
ng
1935
bilang
batayan
sa
Pamahalaang
Komonwelt
•
Pagpirma
ng
Pangulo
ng
Estados
Unidos
sa
Saligang-Batas
ng
1935
Tuklasin
Pagyamanin
Tayahin
Karagdagang
Gawain
Tanggapin
ang
sagot
ng
bata
basta
naaayon
sa
hinihinging
sagot.
Sagutin
Mo
1.
Tagapagpaganap
2.
Pambatasan
3.
Korte
Suprema
4.
Roosevelt
5.
Batas
Jones
1.
Tama
2.
Tama
3.
Tama
4.
tatlo
5.
anim
6.
tama
7.
Claro
M.
Recto
8.
Estados
Unidos
9.
Tama
10.
Tama
1.
14
Mayo
1935
2.
19
Pebrero
1935
3.
23
Marso
1935
4.
8
Pebrero
1934
5.
10
Hulyo
1934
24 CO_Q2_AP 6_ Module 3
Balikan
Pagyamanin
1.
ROOSEVELT
2.
CLARO
M.
RECTO
3.
SALIGANG
BATAS
NG
1935
4.
TAGAPAGPAGANAP
5.
TAGAPAGHUKOM
1.
Fernando
Amorsolo
2.
Manuel
L.
Quezon
3.
Tagalog
4.
iskultura
5.
Sergio
Osmeña
Sr.
Tuklasin
Isagawa
Tayahin
Karagdagang
Gawain
Tanggapin
ang
sagot
ng
bata
basta
naaayon
sa
hinihinging
sagot.
A.
1.
Wasto
2.
Mali
3.
Wasto
4.
Wasto
5.
Wasto
B.
1.
17
Setyembre
1935
2.
15
Nobyembre
1935
3.
13
Nobyembre
1936
4.
4
Hulyo
1946
5.
10
Hulyo
1934
1.
C
2.
D
3.
F
4.
E
5.
G
6.
H
7.
J
8.
I
9.
B
10.
A
1.
Matutong
mamuno
sa
sariling
bansa.
2.
Ito
na
ang
panahon
na
hinhintay
na
maging
malaya
na
pagkatapos
ng
10
taong
transisyon
period.
3.
Upang
maibigay
ang
ninanais
ng
mga
Pilipino
na
mabuting
buhay
sa
sariling
pamamaraan.
25 CO_Q2_AP 6_ Module 3
Estelita B. Capiña and Gloria P. Barrientos. Pilipinas: Bansang Malaya,
Batayang Aklat Heograpiya, Kasaysayan at Sibika Quezon City: SD
Publications, Inc., 2000, 154-160.
Florencia C. Domingo, Ph.D. et al., Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap,
Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 1 Makati City: EdCrisch
International, Inc., 2006, 200-208.
Marites B. Cruz et al., Yaman Ng Pilipinas, Batayang Aklat, Heograpiya,
Kasaysayan at Sibika 6 Makati City: EdCrisch International, Inc.,
2007, 91-93, 142-145.
Project EASE (Effective and Alternative Secondary Education). Araling
Panlipunan I, Modyul 13, Ang Paghahanda para sa Pagsasarili,
Department of Education, 2014.
Program for Decentralized Education Development (PRODED). Ang Pilipinas
sa Iba’t Ibang Panahon, Batayang Aklat sa Kasaysayan, Heograpiya at
Sibika para sa Ikalimang Baitang, Unang Edisyon, 1987, 152-159.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

More Related Content

Similar to AP6_Q2_Mod3_AngPamahalaangKomonwelt_V4.pdf (20)

493210558-AP-WEEK-2-PPT.pptx
493210558-AP-WEEK-2-PPT.pptx493210558-AP-WEEK-2-PPT.pptx
493210558-AP-WEEK-2-PPT.pptx
RobinMallari
Ìý
AP6_q1_mod5_ang deklarasyon ng kasarinlan at pagtatatag ng unang republika_v2...
AP6_q1_mod5_ang deklarasyon ng kasarinlan at pagtatatag ng unang republika_v2...AP6_q1_mod5_ang deklarasyon ng kasarinlan at pagtatatag ng unang republika_v2...
AP6_q1_mod5_ang deklarasyon ng kasarinlan at pagtatatag ng unang republika_v2...
rochellelittaua
Ìý
SLMQ1G6AralingPanlipunanM5_v2.pdfself learning module
SLMQ1G6AralingPanlipunanM5_v2.pdfself learning  moduleSLMQ1G6AralingPanlipunanM5_v2.pdfself learning  module
SLMQ1G6AralingPanlipunanM5_v2.pdfself learning module
saramaymallare
Ìý
AP 6 Q2 -11 Nailalarawan ang balangkas at layunin ng Pamahalaan Komonwelt.pptx
AP 6 Q2 -11 Nailalarawan ang balangkas at layunin ng Pamahalaan Komonwelt.pptxAP 6 Q2 -11 Nailalarawan ang balangkas at layunin ng Pamahalaan Komonwelt.pptx
AP 6 Q2 -11 Nailalarawan ang balangkas at layunin ng Pamahalaan Komonwelt.pptx
MARYJEANDECRETALES
Ìý
ARALING-PANLIPUNAN-6-Q2-table of specifications and test questions.docx
ARALING-PANLIPUNAN-6-Q2-table of specifications and test questions.docxARALING-PANLIPUNAN-6-Q2-table of specifications and test questions.docx
ARALING-PANLIPUNAN-6-Q2-table of specifications and test questions.docx
sofiyahdayag12
Ìý
The Hare-Hawes Cutting and Tydings-Mcduffie Law
The Hare-Hawes Cutting and Tydings-Mcduffie LawThe Hare-Hawes Cutting and Tydings-Mcduffie Law
The Hare-Hawes Cutting and Tydings-Mcduffie Law
ruvyann
Ìý
33 panahong amerikano pulitikal
33 panahong amerikano pulitikal33 panahong amerikano pulitikal
33 panahong amerikano pulitikal
vardeleon
Ìý
AP6-ADM-WEEK-1-4.pdf
AP6-ADM-WEEK-1-4.pdfAP6-ADM-WEEK-1-4.pdf
AP6-ADM-WEEK-1-4.pdf
PrinceJallieBienGura1
Ìý
Pantulong na Kaisipan ng Baitang 8-Ikalawang Markahan
Pantulong na Kaisipan ng Baitang 8-Ikalawang MarkahanPantulong na Kaisipan ng Baitang 8-Ikalawang Markahan
Pantulong na Kaisipan ng Baitang 8-Ikalawang Markahan
JenibellePillotes1
Ìý
AP6 Q3 MODYUL5.pdf
AP6 Q3 MODYUL5.pdfAP6 Q3 MODYUL5.pdf
AP6 Q3 MODYUL5.pdf
YattsDeLaCuesta
Ìý
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdfAP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
DianaValiente5
Ìý
DLP_ARALING PANLIPUNAN 6_Q2_W3 (1).docx
DLP_ARALING PANLIPUNAN 6_Q2_W3 (1).docxDLP_ARALING PANLIPUNAN 6_Q2_W3 (1).docx
DLP_ARALING PANLIPUNAN 6_Q2_W3 (1).docx
FremaAlejandro1
Ìý
Hekasi presentation
Hekasi presentationHekasi presentation
Hekasi presentation
doris Ravara
Ìý
Day 10 at Saligang Batas 1935.. .pptx
Day 10 at Saligang Batas 1935..    .pptxDay 10 at Saligang Batas 1935..    .pptx
Day 10 at Saligang Batas 1935.. .pptx
MARYJEANDECRETALES
Ìý
Grade 6 PPT_AP_Q2_W4_Katarungang Panlipunan.pptx
Grade 6 PPT_AP_Q2_W4_Katarungang Panlipunan.pptxGrade 6 PPT_AP_Q2_W4_Katarungang Panlipunan.pptx
Grade 6 PPT_AP_Q2_W4_Katarungang Panlipunan.pptx
Johnisaias1
Ìý
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdfAP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
VANESSA647350
Ìý
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdfAP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
FranciscoVelasquezJr1
Ìý
AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
rochellelittaua
Ìý
493210558-AP-WEEK-2-PPT.pptx
493210558-AP-WEEK-2-PPT.pptx493210558-AP-WEEK-2-PPT.pptx
493210558-AP-WEEK-2-PPT.pptx
RobinMallari
Ìý
AP6_q1_mod5_ang deklarasyon ng kasarinlan at pagtatatag ng unang republika_v2...
AP6_q1_mod5_ang deklarasyon ng kasarinlan at pagtatatag ng unang republika_v2...AP6_q1_mod5_ang deklarasyon ng kasarinlan at pagtatatag ng unang republika_v2...
AP6_q1_mod5_ang deklarasyon ng kasarinlan at pagtatatag ng unang republika_v2...
rochellelittaua
Ìý
SLMQ1G6AralingPanlipunanM5_v2.pdfself learning module
SLMQ1G6AralingPanlipunanM5_v2.pdfself learning  moduleSLMQ1G6AralingPanlipunanM5_v2.pdfself learning  module
SLMQ1G6AralingPanlipunanM5_v2.pdfself learning module
saramaymallare
Ìý
AP 6 Q2 -11 Nailalarawan ang balangkas at layunin ng Pamahalaan Komonwelt.pptx
AP 6 Q2 -11 Nailalarawan ang balangkas at layunin ng Pamahalaan Komonwelt.pptxAP 6 Q2 -11 Nailalarawan ang balangkas at layunin ng Pamahalaan Komonwelt.pptx
AP 6 Q2 -11 Nailalarawan ang balangkas at layunin ng Pamahalaan Komonwelt.pptx
MARYJEANDECRETALES
Ìý
ARALING-PANLIPUNAN-6-Q2-table of specifications and test questions.docx
ARALING-PANLIPUNAN-6-Q2-table of specifications and test questions.docxARALING-PANLIPUNAN-6-Q2-table of specifications and test questions.docx
ARALING-PANLIPUNAN-6-Q2-table of specifications and test questions.docx
sofiyahdayag12
Ìý
The Hare-Hawes Cutting and Tydings-Mcduffie Law
The Hare-Hawes Cutting and Tydings-Mcduffie LawThe Hare-Hawes Cutting and Tydings-Mcduffie Law
The Hare-Hawes Cutting and Tydings-Mcduffie Law
ruvyann
Ìý
33 panahong amerikano pulitikal
33 panahong amerikano pulitikal33 panahong amerikano pulitikal
33 panahong amerikano pulitikal
vardeleon
Ìý
Pantulong na Kaisipan ng Baitang 8-Ikalawang Markahan
Pantulong na Kaisipan ng Baitang 8-Ikalawang MarkahanPantulong na Kaisipan ng Baitang 8-Ikalawang Markahan
Pantulong na Kaisipan ng Baitang 8-Ikalawang Markahan
JenibellePillotes1
Ìý
AP6 Q3 MODYUL5.pdf
AP6 Q3 MODYUL5.pdfAP6 Q3 MODYUL5.pdf
AP6 Q3 MODYUL5.pdf
YattsDeLaCuesta
Ìý
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdfAP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
DianaValiente5
Ìý
DLP_ARALING PANLIPUNAN 6_Q2_W3 (1).docx
DLP_ARALING PANLIPUNAN 6_Q2_W3 (1).docxDLP_ARALING PANLIPUNAN 6_Q2_W3 (1).docx
DLP_ARALING PANLIPUNAN 6_Q2_W3 (1).docx
FremaAlejandro1
Ìý
Hekasi presentation
Hekasi presentationHekasi presentation
Hekasi presentation
doris Ravara
Ìý
Day 10 at Saligang Batas 1935.. .pptx
Day 10 at Saligang Batas 1935..    .pptxDay 10 at Saligang Batas 1935..    .pptx
Day 10 at Saligang Batas 1935.. .pptx
MARYJEANDECRETALES
Ìý
Grade 6 PPT_AP_Q2_W4_Katarungang Panlipunan.pptx
Grade 6 PPT_AP_Q2_W4_Katarungang Panlipunan.pptxGrade 6 PPT_AP_Q2_W4_Katarungang Panlipunan.pptx
Grade 6 PPT_AP_Q2_W4_Katarungang Panlipunan.pptx
Johnisaias1
Ìý
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdfAP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
VANESSA647350
Ìý
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdfAP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
FranciscoVelasquezJr1
Ìý
AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
AP6_q1_mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
rochellelittaua
Ìý

More from judemartinpalvarez (10)

Q3 - LESSON 2 - RENAISSANCE PERIOD - MSCS.pptx
Q3 - LESSON 2 - RENAISSANCE PERIOD - MSCS.pptxQ3 - LESSON 2 - RENAISSANCE PERIOD - MSCS.pptx
Q3 - LESSON 2 - RENAISSANCE PERIOD - MSCS.pptx
judemartinpalvarez
Ìý
Q3 - LESSON 1 - MUSEUMS IN UAE - MSCS 6.pptx
Q3 - LESSON 1 - MUSEUMS IN UAE - MSCS 6.pptxQ3 - LESSON 1 - MUSEUMS IN UAE - MSCS 6.pptx
Q3 - LESSON 1 - MUSEUMS IN UAE - MSCS 6.pptx
judemartinpalvarez
Ìý
Q3 - LESSON 1 - SETTING GOALS- CHARED.pptx
Q3 - LESSON 1 - SETTING GOALS- CHARED.pptxQ3 - LESSON 1 - SETTING GOALS- CHARED.pptx
Q3 - LESSON 1 - SETTING GOALS- CHARED.pptx
judemartinpalvarez
Ìý
ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 KONGRESO NG MALOLOS
ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 KONGRESO NG MALOLOSARALING PANLIPUNAN GRADE 6 KONGRESO NG MALOLOS
ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 KONGRESO NG MALOLOS
judemartinpalvarez
Ìý
HG-G6 Module 5 RTP.pdf Homeroom Guidance Program
HG-G6 Module 5 RTP.pdf Homeroom Guidance ProgramHG-G6 Module 5 RTP.pdf Homeroom Guidance Program
HG-G6 Module 5 RTP.pdf Homeroom Guidance Program
judemartinpalvarez
Ìý
617404009-AP-6-Week-6-Digmaang-Pilipino-Amerikano-PPT.pptx
617404009-AP-6-Week-6-Digmaang-Pilipino-Amerikano-PPT.pptx617404009-AP-6-Week-6-Digmaang-Pilipino-Amerikano-PPT.pptx
617404009-AP-6-Week-6-Digmaang-Pilipino-Amerikano-PPT.pptx
judemartinpalvarez
Ìý
HG-G6 Module 5 Homeroom Guidance Program
HG-G6 Module 5 Homeroom Guidance ProgramHG-G6 Module 5 Homeroom Guidance Program
HG-G6 Module 5 Homeroom Guidance Program
judemartinpalvarez
Ìý
448971928-Respect-powerpowerpoint-ppt.ppt
448971928-Respect-powerpowerpoint-ppt.ppt448971928-Respect-powerpowerpoint-ppt.ppt
448971928-Respect-powerpowerpoint-ppt.ppt
judemartinpalvarez
Ìý
Lesson 6 The Late Middle Ages Moral, Social and Cultural Studies
Lesson 6 The Late Middle Ages Moral, Social and Cultural StudiesLesson 6 The Late Middle Ages Moral, Social and Cultural Studies
Lesson 6 The Late Middle Ages Moral, Social and Cultural Studies
judemartinpalvarez
Ìý
Pangkalahatang Rubriks na magagamit sa pagpeperform
Pangkalahatang Rubriks na magagamit sa pagpeperformPangkalahatang Rubriks na magagamit sa pagpeperform
Pangkalahatang Rubriks na magagamit sa pagpeperform
judemartinpalvarez
Ìý
Q3 - LESSON 2 - RENAISSANCE PERIOD - MSCS.pptx
Q3 - LESSON 2 - RENAISSANCE PERIOD - MSCS.pptxQ3 - LESSON 2 - RENAISSANCE PERIOD - MSCS.pptx
Q3 - LESSON 2 - RENAISSANCE PERIOD - MSCS.pptx
judemartinpalvarez
Ìý
Q3 - LESSON 1 - MUSEUMS IN UAE - MSCS 6.pptx
Q3 - LESSON 1 - MUSEUMS IN UAE - MSCS 6.pptxQ3 - LESSON 1 - MUSEUMS IN UAE - MSCS 6.pptx
Q3 - LESSON 1 - MUSEUMS IN UAE - MSCS 6.pptx
judemartinpalvarez
Ìý
Q3 - LESSON 1 - SETTING GOALS- CHARED.pptx
Q3 - LESSON 1 - SETTING GOALS- CHARED.pptxQ3 - LESSON 1 - SETTING GOALS- CHARED.pptx
Q3 - LESSON 1 - SETTING GOALS- CHARED.pptx
judemartinpalvarez
Ìý
ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 KONGRESO NG MALOLOS
ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 KONGRESO NG MALOLOSARALING PANLIPUNAN GRADE 6 KONGRESO NG MALOLOS
ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 KONGRESO NG MALOLOS
judemartinpalvarez
Ìý
HG-G6 Module 5 RTP.pdf Homeroom Guidance Program
HG-G6 Module 5 RTP.pdf Homeroom Guidance ProgramHG-G6 Module 5 RTP.pdf Homeroom Guidance Program
HG-G6 Module 5 RTP.pdf Homeroom Guidance Program
judemartinpalvarez
Ìý
617404009-AP-6-Week-6-Digmaang-Pilipino-Amerikano-PPT.pptx
617404009-AP-6-Week-6-Digmaang-Pilipino-Amerikano-PPT.pptx617404009-AP-6-Week-6-Digmaang-Pilipino-Amerikano-PPT.pptx
617404009-AP-6-Week-6-Digmaang-Pilipino-Amerikano-PPT.pptx
judemartinpalvarez
Ìý
HG-G6 Module 5 Homeroom Guidance Program
HG-G6 Module 5 Homeroom Guidance ProgramHG-G6 Module 5 Homeroom Guidance Program
HG-G6 Module 5 Homeroom Guidance Program
judemartinpalvarez
Ìý
448971928-Respect-powerpowerpoint-ppt.ppt
448971928-Respect-powerpowerpoint-ppt.ppt448971928-Respect-powerpowerpoint-ppt.ppt
448971928-Respect-powerpowerpoint-ppt.ppt
judemartinpalvarez
Ìý
Lesson 6 The Late Middle Ages Moral, Social and Cultural Studies
Lesson 6 The Late Middle Ages Moral, Social and Cultural StudiesLesson 6 The Late Middle Ages Moral, Social and Cultural Studies
Lesson 6 The Late Middle Ages Moral, Social and Cultural Studies
judemartinpalvarez
Ìý
Pangkalahatang Rubriks na magagamit sa pagpeperform
Pangkalahatang Rubriks na magagamit sa pagpeperformPangkalahatang Rubriks na magagamit sa pagpeperform
Pangkalahatang Rubriks na magagamit sa pagpeperform
judemartinpalvarez
Ìý

Recently uploaded (20)

Matatag G4-4th quarter Ikalawang linggo.pptx
Matatag G4-4th quarter Ikalawang linggo.pptxMatatag G4-4th quarter Ikalawang linggo.pptx
Matatag G4-4th quarter Ikalawang linggo.pptx
KimberlyVolfango1
Ìý
FILIPINO 6 PPT Q4 W4 - Pagsagot sa mga Literal na Tanong Tungkol sa Talatang...
FILIPINO 6 PPT Q4 W4 -  Pagsagot sa mga Literal na Tanong Tungkol sa Talatang...FILIPINO 6 PPT Q4 W4 -  Pagsagot sa mga Literal na Tanong Tungkol sa Talatang...
FILIPINO 6 PPT Q4 W4 - Pagsagot sa mga Literal na Tanong Tungkol sa Talatang...
LainezzyJM
Ìý
Karapatang Pantao-Quarter 4 Week 4 ppwerpoint
Karapatang Pantao-Quarter 4 Week 4 ppwerpointKarapatang Pantao-Quarter 4 Week 4 ppwerpoint
Karapatang Pantao-Quarter 4 Week 4 ppwerpoint
MercedesTungpalan
Ìý
Q4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptxQ4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptx
Q4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptxQ4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptxQ4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptxQ4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptx
Q4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptxQ4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptx
keziahmatandog1
Ìý
PANGKAT 2.pptx- Grade 9- Filipino- powerpoint ko
PANGKAT 2.pptx- Grade 9- Filipino- powerpoint koPANGKAT 2.pptx- Grade 9- Filipino- powerpoint ko
PANGKAT 2.pptx- Grade 9- Filipino- powerpoint ko
mariafloriansebastia1
Ìý
Ibat-Ibang-Uri-ng-Ulap GRADE 3 SCIENCE COT
Ibat-Ibang-Uri-ng-Ulap GRADE 3 SCIENCE COTIbat-Ibang-Uri-ng-Ulap GRADE 3 SCIENCE COT
Ibat-Ibang-Uri-ng-Ulap GRADE 3 SCIENCE COT
donalyncalanog3
Ìý
GMRC 4 Q4W4 PPT.POWER POINT PRESENTATION
GMRC 4 Q4W4 PPT.POWER POINT PRESENTATIONGMRC 4 Q4W4 PPT.POWER POINT PRESENTATION
GMRC 4 Q4W4 PPT.POWER POINT PRESENTATION
malubaybudek
Ìý
MYSTERY-BOX HAMON ASEANnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn
MYSTERY-BOX HAMON ASEANnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnMYSTERY-BOX HAMON ASEANnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn
MYSTERY-BOX HAMON ASEANnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn
LYRICOMAG
Ìý
AP10-History of Human Rights_20250304_214420_0000.pptx
AP10-History of Human Rights_20250304_214420_0000.pptxAP10-History of Human Rights_20250304_214420_0000.pptx
AP10-History of Human Rights_20250304_214420_0000.pptx
jerzonjulio31
Ìý
Introduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptx
Introduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptxIntroduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptx
Introduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptx
CATABAYJORDAND
Ìý
GRADE 1-FILIPINO TUNOG NA BUMUBUO SA PANTIG -PPT (1).pptx
GRADE 1-FILIPINO TUNOG NA BUMUBUO SA PANTIG -PPT (1).pptxGRADE 1-FILIPINO TUNOG NA BUMUBUO SA PANTIG -PPT (1).pptx
GRADE 1-FILIPINO TUNOG NA BUMUBUO SA PANTIG -PPT (1).pptx
MariffiBOngTangco
Ìý
Paninindidigan sa Katotohanan (Katotohanan bilang ilaw ng tao sa pagtuklas n...
Paninindidigan sa Katotohanan  (Katotohanan bilang ilaw ng tao sa pagtuklas n...Paninindidigan sa Katotohanan  (Katotohanan bilang ilaw ng tao sa pagtuklas n...
Paninindidigan sa Katotohanan (Katotohanan bilang ilaw ng tao sa pagtuklas n...
goada1997
Ìý
KABANATA 35 EL FILIBUSTERISMO"ANG PIGING".pptx
KABANATA 35 EL FILIBUSTERISMO"ANG PIGING".pptxKABANATA 35 EL FILIBUSTERISMO"ANG PIGING".pptx
KABANATA 35 EL FILIBUSTERISMO"ANG PIGING".pptx
riofloridoaaron1
Ìý
United-Nations-UN-at-Pilipinas-Isang-Pagsusuri.pptx
United-Nations-UN-at-Pilipinas-Isang-Pagsusuri.pptxUnited-Nations-UN-at-Pilipinas-Isang-Pagsusuri.pptx
United-Nations-UN-at-Pilipinas-Isang-Pagsusuri.pptx
EricksonLaoad
Ìý
Pagbibigay ng Sanhi at Bunga Filipino 5 Quarter 4
Pagbibigay ng Sanhi at Bunga Filipino 5 Quarter 4Pagbibigay ng Sanhi at Bunga Filipino 5 Quarter 4
Pagbibigay ng Sanhi at Bunga Filipino 5 Quarter 4
antonettealbina
Ìý
APAN7_Q4_HAMON NA KINAKAHARAP NG ASEAN.pptx
APAN7_Q4_HAMON NA KINAKAHARAP NG ASEAN.pptxAPAN7_Q4_HAMON NA KINAKAHARAP NG ASEAN.pptx
APAN7_Q4_HAMON NA KINAKAHARAP NG ASEAN.pptx
LYRICOMAG
Ìý
PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN AT PANGANGALAGA SA KALIKASAN.pptx
PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN AT PANGANGALAGA SA KALIKASAN.pptxPAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN AT PANGANGALAGA SA KALIKASAN.pptx
PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN AT PANGANGALAGA SA KALIKASAN.pptx
MichelleBarcelona3
Ìý
DLL MATATAG _ARALING PANLIPUNAN 7 Q4 W5.docx
DLL MATATAG _ARALING PANLIPUNAN 7 Q4 W5.docxDLL MATATAG _ARALING PANLIPUNAN 7 Q4 W5.docx
DLL MATATAG _ARALING PANLIPUNAN 7 Q4 W5.docx
JOHNERROLCARCELLAR
Ìý
Aralin-1-Fil-7-Kaharian-Ng-Berbanya at Pamilya nito.pptx
Aralin-1-Fil-7-Kaharian-Ng-Berbanya at Pamilya nito.pptxAralin-1-Fil-7-Kaharian-Ng-Berbanya at Pamilya nito.pptx
Aralin-1-Fil-7-Kaharian-Ng-Berbanya at Pamilya nito.pptx
HelenLanzuelaManalot
Ìý
MATHEMATICS_FOR_ELEMENTARY_WEEK8_Q4.pptx
MATHEMATICS_FOR_ELEMENTARY_WEEK8_Q4.pptxMATHEMATICS_FOR_ELEMENTARY_WEEK8_Q4.pptx
MATHEMATICS_FOR_ELEMENTARY_WEEK8_Q4.pptx
MarilynAcosta11
Ìý
Matatag G4-4th quarter Ikalawang linggo.pptx
Matatag G4-4th quarter Ikalawang linggo.pptxMatatag G4-4th quarter Ikalawang linggo.pptx
Matatag G4-4th quarter Ikalawang linggo.pptx
KimberlyVolfango1
Ìý
FILIPINO 6 PPT Q4 W4 - Pagsagot sa mga Literal na Tanong Tungkol sa Talatang...
FILIPINO 6 PPT Q4 W4 -  Pagsagot sa mga Literal na Tanong Tungkol sa Talatang...FILIPINO 6 PPT Q4 W4 -  Pagsagot sa mga Literal na Tanong Tungkol sa Talatang...
FILIPINO 6 PPT Q4 W4 - Pagsagot sa mga Literal na Tanong Tungkol sa Talatang...
LainezzyJM
Ìý
Karapatang Pantao-Quarter 4 Week 4 ppwerpoint
Karapatang Pantao-Quarter 4 Week 4 ppwerpointKarapatang Pantao-Quarter 4 Week 4 ppwerpoint
Karapatang Pantao-Quarter 4 Week 4 ppwerpoint
MercedesTungpalan
Ìý
Q4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptxQ4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptx
Q4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptxQ4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptxQ4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptxQ4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptx
Q4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptxQ4_FILIPINO_DLL_WEEK 2.pptx
keziahmatandog1
Ìý
PANGKAT 2.pptx- Grade 9- Filipino- powerpoint ko
PANGKAT 2.pptx- Grade 9- Filipino- powerpoint koPANGKAT 2.pptx- Grade 9- Filipino- powerpoint ko
PANGKAT 2.pptx- Grade 9- Filipino- powerpoint ko
mariafloriansebastia1
Ìý
Ibat-Ibang-Uri-ng-Ulap GRADE 3 SCIENCE COT
Ibat-Ibang-Uri-ng-Ulap GRADE 3 SCIENCE COTIbat-Ibang-Uri-ng-Ulap GRADE 3 SCIENCE COT
Ibat-Ibang-Uri-ng-Ulap GRADE 3 SCIENCE COT
donalyncalanog3
Ìý
GMRC 4 Q4W4 PPT.POWER POINT PRESENTATION
GMRC 4 Q4W4 PPT.POWER POINT PRESENTATIONGMRC 4 Q4W4 PPT.POWER POINT PRESENTATION
GMRC 4 Q4W4 PPT.POWER POINT PRESENTATION
malubaybudek
Ìý
MYSTERY-BOX HAMON ASEANnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn
MYSTERY-BOX HAMON ASEANnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnMYSTERY-BOX HAMON ASEANnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn
MYSTERY-BOX HAMON ASEANnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn
LYRICOMAG
Ìý
AP10-History of Human Rights_20250304_214420_0000.pptx
AP10-History of Human Rights_20250304_214420_0000.pptxAP10-History of Human Rights_20250304_214420_0000.pptx
AP10-History of Human Rights_20250304_214420_0000.pptx
jerzonjulio31
Ìý
Introduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptx
Introduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptxIntroduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptx
Introduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptx
CATABAYJORDAND
Ìý
GRADE 1-FILIPINO TUNOG NA BUMUBUO SA PANTIG -PPT (1).pptx
GRADE 1-FILIPINO TUNOG NA BUMUBUO SA PANTIG -PPT (1).pptxGRADE 1-FILIPINO TUNOG NA BUMUBUO SA PANTIG -PPT (1).pptx
GRADE 1-FILIPINO TUNOG NA BUMUBUO SA PANTIG -PPT (1).pptx
MariffiBOngTangco
Ìý
Paninindidigan sa Katotohanan (Katotohanan bilang ilaw ng tao sa pagtuklas n...
Paninindidigan sa Katotohanan  (Katotohanan bilang ilaw ng tao sa pagtuklas n...Paninindidigan sa Katotohanan  (Katotohanan bilang ilaw ng tao sa pagtuklas n...
Paninindidigan sa Katotohanan (Katotohanan bilang ilaw ng tao sa pagtuklas n...
goada1997
Ìý
KABANATA 35 EL FILIBUSTERISMO"ANG PIGING".pptx
KABANATA 35 EL FILIBUSTERISMO"ANG PIGING".pptxKABANATA 35 EL FILIBUSTERISMO"ANG PIGING".pptx
KABANATA 35 EL FILIBUSTERISMO"ANG PIGING".pptx
riofloridoaaron1
Ìý
United-Nations-UN-at-Pilipinas-Isang-Pagsusuri.pptx
United-Nations-UN-at-Pilipinas-Isang-Pagsusuri.pptxUnited-Nations-UN-at-Pilipinas-Isang-Pagsusuri.pptx
United-Nations-UN-at-Pilipinas-Isang-Pagsusuri.pptx
EricksonLaoad
Ìý
Pagbibigay ng Sanhi at Bunga Filipino 5 Quarter 4
Pagbibigay ng Sanhi at Bunga Filipino 5 Quarter 4Pagbibigay ng Sanhi at Bunga Filipino 5 Quarter 4
Pagbibigay ng Sanhi at Bunga Filipino 5 Quarter 4
antonettealbina
Ìý
APAN7_Q4_HAMON NA KINAKAHARAP NG ASEAN.pptx
APAN7_Q4_HAMON NA KINAKAHARAP NG ASEAN.pptxAPAN7_Q4_HAMON NA KINAKAHARAP NG ASEAN.pptx
APAN7_Q4_HAMON NA KINAKAHARAP NG ASEAN.pptx
LYRICOMAG
Ìý
PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN AT PANGANGALAGA SA KALIKASAN.pptx
PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN AT PANGANGALAGA SA KALIKASAN.pptxPAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN AT PANGANGALAGA SA KALIKASAN.pptx
PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN AT PANGANGALAGA SA KALIKASAN.pptx
MichelleBarcelona3
Ìý
DLL MATATAG _ARALING PANLIPUNAN 7 Q4 W5.docx
DLL MATATAG _ARALING PANLIPUNAN 7 Q4 W5.docxDLL MATATAG _ARALING PANLIPUNAN 7 Q4 W5.docx
DLL MATATAG _ARALING PANLIPUNAN 7 Q4 W5.docx
JOHNERROLCARCELLAR
Ìý
Aralin-1-Fil-7-Kaharian-Ng-Berbanya at Pamilya nito.pptx
Aralin-1-Fil-7-Kaharian-Ng-Berbanya at Pamilya nito.pptxAralin-1-Fil-7-Kaharian-Ng-Berbanya at Pamilya nito.pptx
Aralin-1-Fil-7-Kaharian-Ng-Berbanya at Pamilya nito.pptx
HelenLanzuelaManalot
Ìý
MATHEMATICS_FOR_ELEMENTARY_WEEK8_Q4.pptx
MATHEMATICS_FOR_ELEMENTARY_WEEK8_Q4.pptxMATHEMATICS_FOR_ELEMENTARY_WEEK8_Q4.pptx
MATHEMATICS_FOR_ELEMENTARY_WEEK8_Q4.pptx
MarilynAcosta11
Ìý

AP6_Q2_Mod3_AngPamahalaangKomonwelt_V4.pdf

  • 1. CO_Q2_AP 6_ Module 1 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ang Pamahalaang Komonwelt 6
  • 2. Araling Panlipunan – Baitang 6 Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ang Pamahalaang Komonwelt Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816, (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Carmela M. De Gracia Editor: Alma J. Gascon, Jewelyn Q. Cadigal, Blas P. Tabayag, Jr. Tagasuri: Blas P. Tabayag, Jr., Mary Helen M. Bocol, Junry M. Esparar Tagaguhit: Cherry Dawn M. Macatubal Tagalapat: Jewelyn Q. Cadigal, Joel F. Capus Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma Josilyn S. Solana Portia M. Mallorca Peter J. Galimba Elena P. Gonzaga Donald T. Genine Jerry A. Oquendo Junry M. Esparar Mary Helen M. Bocol Blas P. Tabayag, Jr.
  • 3. 6 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ang Pamahalaang Komonwelt
  • 4. Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag- aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
  • 5. 1 CO_Q2_AP 6_ Module 1 Sa modyul na ito ay iyong malalaman ang proseso o hakbang na pinagdaanan ng Pilipinas sa pagpapatibay ng Saligang Batas ng 1935 at ang pagkakabuo ng Pamahalaang Komonwelt, sa pamumuno nina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña, Sr. bilang Pangulo at Ikalawang Pangulo. Kasama ding tatalakayin sa modyul na ito ang mahahalagang naisagawa ng Pamahalaang Komonwelt tungo sa adhikaing pagsasarili. May dalawang aralin sa modyul na ito: • Aralin 1- Ang Saligang Batas ng 1935 • Aralin 2- Ang Pamahalaang Komonwelt Pagkatapos mong gawin ang mga aralin sa dyul na ito ay inaasahang magagawa mo ang sumusunod na kasanayan: 1. matutukoy ang mga dinaanang proseso tungo sa pagpapatibay ng Saligang Batas ng1935; 2. maibibigay ang mahahalagang naisagawa ng mga Pilipino sa pagkakamit ng adhikaing pagsasarili; 3. mailalarawan ang balangkas at layunin ng Pamahalaaang Komonwelt; 4. naisa-isa ang mga nagawa ng mga Pilipino sa Pamahalaang Komonwelt: at 5. nasusuri ang pamahalaang Komonwelt.
  • 6. 2 CO_Q2_AP 6_ Module 1 Bago ka magsimula sa iyong bagong aralin, subukan mo munang sagutan ang katanungan sa ibaba. A. Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. 1. Alin sa mga sumusunod ang pinakamagandang pagbabagong naganap sa larangan ng politika sa panahon ng Komonwelt? A. libreng pag-aaral at kagamitan sa paaralan sa pampublikong paaralan B. makapag-aari ng sariling negosyo at kabuhayan C. paglaganap ng kaisipang kolonyal D. pagkakaroon ng karapatang makaboto at maiboto ang mga kababaihan 2. Pinagtibay ang Saligang-Batas ng 1935 matapos ang plebisito na sinang- ayunan ng nakararaming Pilipino. Kasunod nito ay pinili ang mga delegado na magsasagawa nito. Ipinakita ng mga Pilipino na sila ay may: A. kalayaan sa pagsapi sa Estados Unidos bilang opisyal na teritoryo B. karapatang mahalal at maghalal ng pinuno sa pamahalaan C. karapatang makapag-aral ang bawat Pilipino D. pantay na karapatan sa pakikipagkalakalan sa mga dayuhang bansa 3. Ano ang pinakamahalagang likhang–kultural na nagpaunlad sa layuning kasarinlan? A. Pagdami ng banyagang produkto sa lokal na pamilihan B. Paggamit ng Wikang Ingles sa mga pampublikong paaralan C. Pagpapamalas ng kagalingan ng mga Pilipino sa pamumuno ng pamahalaan D. Pagsapi ng mga Pilipino sa Sandatahang Lakas ng Estados Unidos
  • 7. 3 CO_Q2_AP 6_ Module 1 4. Anong batas ang nagtadhana ng pagtatatag ng pamahalaang Komonwelt? A. Batas Tydings-Mc Duffie B. Saligang Batas ng 1935 C. Batas Pilipinas 1902 D. Batas Jones 5. Saang kapwa nabibilang sina Quezon at Osmeña Sr.? A. Komisyon ng Halalan B. Surian ng Wikang Pambansa C. Partido Nacionalista D. Hukuman ng Relasyong Pang-industriya B. Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang Tama o Mali sa sagutang papel. 1. Itinuring na mahalaga ang Batas Hare-Hawes-Cutting at Batas Tydings- McDuffie dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may batas na nagtatadhana ng sampung taong paghahanda ng mga Pilipino para sa pagsasarili. 2. Ang Saligang-Batas ng 1935 ay maingat na inihanda ng mga Pilipino upang maging batayan ng Estados Unidos sa kakayahan ng mga Pilipino tungo sa pagsasarili. 3. Ang Saligang-Batas ng 1935 ay napagtibay sa pamamagitan ng plebisito na sinang-ayunan ng nakararaming Pilipino, kaugnay nito ay tiniyak din ang malayang pagpili sa mga kakatawan na magsasagawa ng mga probisyong nasa Saligang-Batas ng 1935. 4. Pinasinayaan noong Setyembre 17, 1935 ang Pamahalaang Komonwelt sa pamumuno nina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. 5. Isa sa prosesong pinagdaanan sa paggawa ng Saligang Batas ng 1935 ay ang pagpirma ng Pangulo ng Estados Unidos sa Saligang Batas ng 1935.
  • 8. 4 CO_Q2_AP 6_ Module 3 Sa araling ito iyong pag-aralan ang tungkol sa Saligang Batas ng 1935 at ang naging ambag nito tungo sa pagsasarili ng bansa. Handa ka na ba? Bago ka magsimula sa iyong bagong aralin ay sikapin mo munang hanapin ang mga apelyido ng mga tao na may kaugnayan sa pagkamit ng Misyong Pangkalayaan Tungo sa Pagsasarili. Talasan ang iyong mga mata. Ang mga salitang hahanapin mo ay maaaring patayo, pahiga o pahalang. Isulat sa sagutang papel. Aralin 1 Ang Saligang Batas ng 1935 O O S M E Ň A V B M K L T C O W A T R O X A S E O Y U H M C D U F F I E G P D T A E Ň U T B K Z V F K I T R O O S E V E L T A J N I E R E C T O W M R E G G N V Ň O H A W E S H R Ň S G D C A C S Q U E Z O N Ň
  • 9. 5 CO_Q2_AP 6_ Module 3 1. ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ 3. _____________________________________________________ Panuto: Tingnan ang larawan. Sumulat ng tatlong pangungusap patungkol sa larawan. Isulat sa sagutang papel. Manuel L. Quezon
  • 10. 6 CO_Q2_AP 6_ Module 3 Ang Saligang Batas ng 1935 Nabuo ang Saligang Batas ng 1935 noong Pebrero 8, 1935 dahil sa probisyon ng Batas Tydings-McDuffie na magkaroon na ng pagsasarili ang bansa. Ginawa ito sa loob ng anim na buwan (Agosto 1934 hanggang Pebrero 1935). Nang mapagtibay ng Pilipinas ang Batas Tydings-Mc Duffie, kaagad itinatag ang Kumbensyong Konstitusyonal noong Hulyo 10, 1934. Naganap ang halalan para sa dalawandaan at dalawang (202) delegado. Napili na Pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal si Claro M. Recto, at pinamunuan niya ang pagbuo ng Saligang Batas ng 1935. Nilagdaan ito noong Pebrero 19, 1935 at pinagtibay ito ni Pangulong Franklin Delano Roosevelt noong Marso 23, 1935. Sinang-ayunan naman ito ng sambayanang Pilipino sa isang plebisito noong Mayo 14, 1935. Ang mga nilalaman ng Saligang Batas ng 1935 ay halos mula sa Saligang Batas ng Estados Unidos maliban sa pagkakaroon ng isang Kapulungan sa Lehislatura (Unicameral National Assembly). Sinikap ng mga Pilipino na makabuo ng Saligang Batas na katanggap-tanggap sa Pangulo ng Estados Unidos dahil ito ay isang proseso na dapat mangyari upang makalaya ang Pilipinas. Ang mga ginamit na batayan sa pagbuo ng Saligang Batas ng 1935 ay ang sumusunod: • Saligang Batas ng Biak na Bato, • Saligang Batas ng Malolos, • Ulat ng dalawang Komisyon sa Pilipinas (Schurman at Taft), • Batas Jones, • Saligang Batas ng Mexico at • Estados Unidos
  • 11. 7 CO_Q2_AP 6_ Module 3 Ang Saligang Batas ay nagtakda ng tatlong sangay ng pamahalaan na magkahiwalay subalit magkakapantay ang mga tungkulin at pananagutan. 1. Tagapagpaganap o Executive– Pinamumunuan ito ng pangulo at ng pangalawang pangulo na inihalal ng kwalipikadong mga botante. Ang pangulo ng Pilipinas ang siyang tagapagpaganap at puno ng bansa. Ang mga tungkulin at kapangyarihan ng isang tagapagpaganap ay ang sumusunod: a. Pamahalaan at kontrolin ang mga kagawarang tagapagpaganap, mga kawanihan, at tanggapan; b. Ipatupad ang lahat ng mga batas; c. Hirangin ang karapat-dapat sa tungkulin; d. Makipag-ugnayan at managot ng mga pagkakautang ng bansa; e. Pumasok sa kasunduang pambansa o kasunduang panlalawigan; f. Iharap sa kongreso ang pambansang badyet; g. Ipasailalim sa Batas Militar ang bansa o alinmang bahagi nito; at h.Magkaloob ng kapatawaran sa nagkasalang nagpakabuti. 2. Tagapagbatas o Legislative- Ang Kongreso ng Pilipinas ang humahawak ng kapangyarihan ng tagapagbatas. Ang paggawa, pagsusog at pagwawalang- bisa ng mga batas ang pangunahing gawain nito. Binubuo ng dalawang kapulungan ang Kongreso―ang Mataas na Kapulungan o Senado at ang Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan. 3. Tagapaghukom o Judiciary – Ang Korte Suprema at mabababang korte ang bumubuo nito. Ito ang may karapatang magbigay ng interpretasyon o magpaliwanag sa tunay na kahulugan ng batas. Ang hukuman ang nagpapasya upang pangalagaan ang mga karapatan, buhay, ari-arian ng bawat mamamayan ng bansa. Mga Kapangyarihan ng Korte Suprema: a. Magtalaga ng mga pansamantalang hukom sa mga mababang hukuman; b. Humirang ng mga pinuno at kawani ng mga hukuman ayon sa serbisyo sibil; c. Magkaroon ng superbisyon sa lahat ng mga hukuman at sa mga tauhan nito;
  • 12. 8 CO_Q2_AP 6_ Module 3 d. Disiplinahin ang lahat ng hukom o iatas ang kanilang pagtiwalag sa tungkulin; e. Iatas ang pagbabago ng lugar ng paglilitis upang maiwasan ang pagbabago ng pagpapairal ng batas; f. Gumamit ng orihinal na hurisdiksyon sa usaping may kinalaman sa ambasador at iba pang mga ministro; g. Muling, pag-aralan, resibahin, baligtarin, o pagtibayin ang pag-apela ng isang kaso; h.Magtakda ng mga alituntunin tungkol sa pangangalaga at pagpapatupad ng mga karagdagang konstitusyonal; at i. Lumikha at pangasiwaan ang isang Judicial at Bar Council. Sagutin Mo Panuto: Punan ng wastong titik ang bawat kahon upang mabuo ang salitang tinutukoy. Isulat sa sagutang papel ang buong salita. 1. Sangay na pinamumunuan ng pangulo at ng pangalawang pangulo na inihalal ng kwalipikadong mga botante. 2. Ito ay binubuo ng hindi hihigit sa 120 kinakatawang inihalal na manunungkulan sa loob ng tatlong taon lamang. Sila ang tagagawa ng batas. 3. Ito ang may karapatang magbigay ng interpretasyon o magpaliwanag sa tunay na kahulugan ng batas. T P N P T S K T S P
  • 13. 9 CO_Q2_AP 6_ Module 3 4. Ang pangulo ng Estados Unidos na naglagda sa Saligang Batas ng 1935. 5. Isa sa ginamit na batayan sa pagbuo ng Saligang Batas ng 1935. Ang prosesong pinagdaanan sa paggawa ng Saligang Batas ng 1935 ay ang sumusunod: 1. Paghalal sa mga delegado ng Kumbensyong Konstitusyonal na gagawa ng Saligang Batas ng 1935; 2. Pagsulat at pagbuo ng mga delegado na gagawa ng Saligang Batas; 3. Pagdaraos ng plebisito upang mapagtibay ang Saligang Batas; 4. Pagpapatibay at pagpapairal ng Saligang Batas ng 1935 bilang batayan sa Pamahalaang Komonwelt; at 5. Pagpirma ng Pangulo ng Estados Unidos sa Saligang Batas ng 1935. O S T B S J S
  • 14. 10 CO_Q2_AP 6_ Module 3 Pamahalaang Komonwelt Gawin Mo Ano ang mga tamang proseso na ginawa ng mga Pilipino tungo sa paggawa ng Saligang Batas ng 1935? Isulat sa bawat kahong may tandang pananong ang wastong kronolohikal na hakbang. Pumili sa listahan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel. • Pagbuo ng mga delegado sa Saligang Batas ng 1935 • Pagdaraos ng plebisito upang mapagtibay ang Saligang Batas • Paghalal ng mga delegado ng Kumbensyong Konstitusyonal na gagawa ng Saligang Batas ng 1935 • Pagpapatibay at pagpapairal ng Saligang Batas ng 1935 bilang batayan sa Pamahalaang Komonwelt • Pagpirma ng Pangulo ng Estados Unidos sa Saligang Batas ng 1935 1. 2. 3. 4. 5. Batas Tydings-McDuffie
  • 15. 11 CO_Q2_AP 6_ Module 3 Tama o Mali. Isulat ang Tama kung ang ipinahahayag sa pangungusap ay wasto. Kung Mali, palitan ang salitang nasalungguhitan upang maging wasto ang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang Kongreso ng Pilipinas ang humahawak ng kapangyarihan ng tagapagbatas. 2. Ang hukuman ang nagpapasya upang pangalagaan ang mga karapatan, buhay, ari-arian ng bawat mamamayan ng bansa. 3. Ang Tagapagpaganap ay pinamumunuan ito ng pangulo at ng pangalawang pangulo na inihalal ng kwalipikadong mga botante. 4. Itinakda ng Saligang Batas ng 1935 ang apat na sangay ng pamahalaan na magkahiwalay subalit magkakapantay ang mga tungkulin at pananagutan. 5. Ang Saligang Batas ng 1935 ay ginawa sa loob ng limang buwan. 6. Napili na Pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal si Claro M. Recto. 7. Si Manuel L. Quezon ang namuno sa pagbuo ng Saligang Batas ng 1935. 8. Ang mga nilalaman ng Saligang Batas ng 1935 ay halos mula sa Saligang Batas ng España. 9. Nabuo ang Saligang Batas ng 1935 noong Pebrero 8, 1935 dahil sa probisyon ng Batas Tydings-McDuffie na magkaroon na ng pagsasarili ang bansa. 10. Pagpirma ng Pangulo ng Estados Unidos sa Saligang Batas ng 1935 isa sa prosesong pinagdaanan sa paggawa ng Saligang Batas ng 1935.
  • 16. 12 CO_Q2_AP 6_ Module 3 Isulat ang petsa sa sagutang papel ng sumusunod na pangyayari. _______________ 1. Plebesitong naganap para sa unang Saligang Batas ng Pilipinas. _______________ 2. Nilagdaan ni Pangulong Roosevelt ang Saligang Batas 1935. _______________ 3. Pinagtibay ang Saligang Batas ng 1935 ni Pangulong Roosevelt. _______________ 4. Nabuo ang Saligang Batas ng 1935. _______________ 5. Itinatag ang Kumbensyong Konstitusyonal.
  • 17. 13 CO_Q2_AP 6_ Module 3 Kumusta na? Sa mga nakaraang aralin napag-aralan mo ang mga pangyayaring may kinalaman sa paghahanda sa pagsasarili ng ating bansa. Sa araling ito, iyong malalaman at masusuri ang pagtatatag ng Pamahalaang Komonwelt. Napag-aralan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa pagbuo ng Saligang Batas 1935. Natatandaan mo pa kaya ito? Subukin mong sagutin ang mga tanong sa ibaba. Panuto: Sagutin ang BLOCKBUSTER. Isulat ang sagot sa sagutang papel. R ___________ 1. Sinong R ang pangulo ng Estados Unidos na pumirma sa Saligang Batas ng 1935? C ___________ 2. Sinong C ang napili na Pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal at namuno sa pagbuo ng Saligang Batas ng 1935? S ___________ 3. Anong S ang nabuo noong Pebrero 8, 1935 dahil sa probisyon ng Batas Tydings-McDuffie? T ___________ 4. Anong T na sangay na pinamumunuan ito ng pangulo at ng pangalawang pangulo na inihalal ng kwalipikadong mga botante? T ___________ 5. Anong T na sangay na may karapatang magbigay ng interpretasyon o magpaliwanag sa tunay na kahulugan ng batas? Aralin 2 Ang Pamahalaang Komonwelt
  • 18. 14 CO_Q2_AP 6_ Module 3 Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na maging lider sa inyong silid aralan, ano-ano ang mga programa o bagay na gusto mong gawin para sa inyong silid aralan? Panuto: Magbigay ng dalawang programa o plano at punan ang tsart sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Ang Aking Programa o Plano Paano ko ito maipatutupad? Ang pagpapatibay ng Batas Tydings-McDuffie ang naging wakas ng mapayapang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan. Nakatitiyak na ang mga Pilipino na malapit ng dumating ang araw ng pagsasarili mula sa pananakop ng mga Amerikano. Sa pagtatatag ng pamahalaang Komonwelt ay nagbigay ng bagong pag- asa sa mga Pilipino tungo sa bagong panahon sa kasaysayan ng bansa. Noong Nobyembre 15, 1935, pinasinayaan ang Pamahalaang Komonwelt sa Gusali ng Lehislatura. Sa harap ng halos kalahating milyong
  • 19. 15 CO_Q2_AP 6_ Module 3 Pilipino na nagtipon sa Sunken Garden sa Maynila ay nanumpa sina Manuel L. Quezon bilang Pangulo at Sergio Osmeña, Sr. bilang Pangalawang Pangulo sa harap ni Punong Mahistrado Ramon Avanceña ng Korte Suprema. Silang dalawa ang nagwagi sa naganap na halalan noong Setyembre 17, 1935 laban kina Emilio Aguinaldo (pinuno ng Himagsikan at Unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas), Gregorio Aglipay (nagtatag ng Iglesia Filipina Independiente), at Pascual Racuyal (nagtatag ng National Medical Hospital sa Mandaluyong). Ang pagkapanalo at pagsanib nina Quezon at Osmeña, ay siyang hudyat sa pagsasarili ng mga Pilipino tungo sa kalayaan. Pangunahin simulain ni Pangulong Quezon sa kanyang pamamahala ang pangunguna ng pamahalaan kaysa pulitika; at patakarang walang mamamayan na mula sa punong tagapagpaganap hanggang sa pinakamaliit na mamamayan ang mas mataas kaysa batas. Isa sa mga ginawa ni Pangulong Quezon matapos manumpa sa tungkulin ang pagbabagong tatag ng pamahalaan. May mga kawanihan at tanggapan na binago o inalis si Quezon at may bagong tanggapan itinatag. Tulad ng National Economic Council, Komisyon ng Mindanao at Sulu at Surian ng Wikang Pambansa. Isinagawa ang pagbabago sa balangkas ng pamahalaan upang matugunan ang mga probisyon ng Saligang Batas ng 1935 at upang matupad ang pangako ni Pangulong Quezon na bawasan ang pamumulitika at pasiglahin ang pamamahala. Mga Naisagawa ng Pamahalaang Komonwelt Tungo sa Adhikaing Pagsasarili Ano - ano ang mga nagawa ng mga Pilipino sa panahon ng Komonwelt? Isa isahin natin: Ekonomiya 1. Itinatag ang Sanggunian ng Pambansang Kabuhayan upang tumugon sa suliraning pangkabuhayan. 2. Lumaganap ang industriya ng pagmimina, tela, tabako, langis ng niyog, bigas at mais na pinangasiwaan ng National Rice and Corn Corporation. 3. Napabuti rin ang suplay ng kuryente at tubig.
  • 20. 16 CO_Q2_AP 6_ Module 3 Lipunan 1. Pagbibigay ng sapat na sahod (Minimum Wage) sa mga manggagawa, pagtatakda sa 8 oras na paggawa, at pagbuo ng hukumang lilitis sa pang-aabuso sa mga manggagawa. 2. Pagbabahagi ng lupain sa mga magsasaka. 3. Pagbibigay ng lupa sa mga Muslim sa pamamagitan ng Homestead Act. 4. Itinaguyod ang Kodigo ng Kagandahang Asal o Quezon Code of Ethics. Pulitika 1. Paghihiwalay ng Simbahan at Estado. 2. Pagkakaroon ng mga sangay, kagawaran at ahensya ng pamahalaan na tumitiyak sa maayos na serbisyong publiko tulad ng pananalapi, katarungan, pangangalakal, paggawa, at edukasyon. 3. Kauna-unahang pagkakataon na makaboto ang mga babae na dating gawain ng mga lalaki lamang. Relihiyon 1. Pagdating ng Protestantismo o ang pagiging malaya sa pagpili ng relihiyon. 2. Pagpapatuloy ng Katolisismo sa bansa. Kultura 1. Malawak ang impluwensyang naiwan ng mga Amerikano sa ating sining sa sayaw tulad ng rhumba, jazz, samba, at polka. 2. Kundiman at banyagang musika sa mga komposisyon nina Nicanor Abelardo at Felipe Buencamino. 3. Mga pinta nina Fernando Amorsolo at Fabian Dela Rosa tungkol sa pamumuhay sa nayon.
  • 21. 17 CO_Q2_AP 6_ Module 3 4. Nakilala si Guillermo Tolentino sa larangan ng iskultura. 5. Sa larangan ng arkitektura ay naging bantog sina Juan Nakpil at Juan Arellano. 6. Sa panitikan ay nakilala sina Lope K. Santos, Severino Reyes, at Rafael Palma. Dumami rin ang mga manunulat dahil sa kalayaang tinatamasa ng mga Pilipino. Dumami ang mga pahayagan at magasin. 7. Pagkahilig natin sa mga artistang mula sa Hollywood. Libangan 1. Larong baseball, football, bowling, volleyball, billiard. 2. Pagsikat ng larong basketball na kinagigiliwan ng maraming Pilipino. Edukasyon 1. Tumaas ang karunungan (literacy) sa pamamagitan ng malawakang edukasyon sa elementarya, adult education, bokasyonal, at paghihikayat sa mga pribadong paaralan. 2. Paggamit ng wikang Ingles sa paaralan at pang-araw-araw na pakikipag-usap. Wikang Pambansa 1. Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa noong Nobyembre 13, 1936 sa pamamagitan ng Batas Blg. 184 na nagsasagawa ng pag- aaral tungkol sa Pambansang Wika. Dahil dito itinuring na Ama ng Wikang Pambansa si Pangulong Quezon. 2. Naging batayan ang Tagalog sa pagbuo ng Pilipino bilang Wikang Pambansa noong Hulyo 4, 1946 ayon sa Batas Blg. 570. Transportasyon at Komunikasyon 1. Lumaganap ang paggamit ng tren, mga sasakyang pandagat, panlupa at panghimpapawid. 2. Mayroon na ring telepono, radyo at sistema ng koreo.
  • 22. 18 CO_Q2_AP 6_ Module 3 Totoong malawak at maraming nagawa ang Pamahalaang Komonwelt, subalit nag-iwan din ito ng malalim na tatak sa ating kaisipan na kung tawagin ay colonial mentality o ang pagkahilig natin sa mga dayuhang produkto lalo na iyong tinatawag na stateside. Ngayon alam mo na ang tungkol sa Pamahalaang Komonwelt. Subukin mong sagutin ang sumusunod na gawain. Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel. 1. Sino ang tanyag sa pagpinta tungkol sa pamumuhay sa nayon? (Felipe Buencamino, Fernando Amorsolo) 2. Sino ang tinaguriang Ama ng Pambasang Wika? (Claro M. Recto, Manuel L. Quezon) 3. Anong wika ang naging batayan sa pagbuo ng Wikang Pambansa noong Hulyo 4, 1946 ayon sa Batas Blg. 570? (Tagalog, Ingles) 4. Sa anong larangan nakilala si Guillermo Tolentino? (iskultura, agrikultura) 5. Sino ang Pangalawang Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt? (Manuel L. Quezon, Sergio Osmeña Sr.)
  • 23. 19 CO_Q2_AP 6_ Module 3 ➢ Pinasinayaan noong Nobyembre 15,1935 ang Pamahalaang Komonwelt sa pamumuno nina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. ➢ Maraming naisagawa ang Pamahalaang Komonwelt sa larangan ng ekonomiya, lipunan, pulitika, relihiyon, kultura, libangan, edukasyon, tanggulang pambansa, wikang pambansa, transportasyon at komunikasyon. ➢ Lumaganap din ang kaisipang dayuhan o Colonial Mentality o ang pagkahilig natin sa mga dayuhang produkto. A. Suriin kung WASTO o MALI ang sinasaad ng bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. __________ 1. Ang Saligang Batas ng Pilipinas ay pinagtibay ng mga kinatawan sa Kumbensyong Konstitusyonal. __________ 2. Tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa si Pangulong Osmeña. __________ 3. Naging bihasa ang mga Pilipino sa pagsasalita ng Ingles. __________ 4. Nabigyan ng karapatan ang mga babae na makaboto at maiboto. __________ 5. Naging maunlad ang transportasyon at komunikasyon.
  • 24. 20 CO_Q2_AP 6_ Module 3 B. Isulat ang petsa ng sumusunod na pangyayari. Isulat ang sagot sa sagutang papel. __________ 1. Unang pambansang halalan ng Pamahalaang Komonwelt. __________ 2. Pagpapasinaya sa Pamahalaang Komonwelt. __________ 3. Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa sa bisa ng Batas Blg. 184. __________ 4. Naging batayan ang Tagalog sa pagbuo ng Pilipino bilang Wikang Pambansa. __________ 5. Itinatag ang Kumbensyong Konstitusyonal.
  • 25. 21 CO_Q2_AP 6_ Module 3 Panuto: Piliin sa hanay B ang tinutukoy ng hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. Hanay A Hanay B 1. Naging unang pangulo ng Komonwelt A. Pebrero 8, 1935 2. Unang pangalawang pangulo ng Komonwelt B. 202 3. Batas na nagsasaad ng pagsusuri ng isang pambansang wika C. Manuel L. Quezon 4. Wikang naging batayan ng pambansang wika D. Sergio Osmeña, Sr. 5. Pagkamahilig sa produktong stateside E. Tagalog 6. Kilala sa larangan ng iskultura F. Batas Komonwelt Blg. 184 7. Ang partido nina Quezon at Osmena G. colonial mentality 8. Karapatan ng mga kababaihan H. Guillermo Tolentino 9. Bilang na naihalal na delegado sa Kumbensyong Konstitusyonal I. maiboto at makaboto 10. Pinagtibay ng Kumbensyon ang Saligang Batas J. Partido Nacionalista
  • 26. 22 CO_Q2_AP 6_ Module 3 Sagutin Mo Bakit mahalaga sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng Pamahalaang Komonwelt? Magbigay ng tatlong (3) dahilan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ 2. __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ 3. __________________________________________________________________ __________________________________________________________________
  • 27. 23 CO_Q2_AP 6_ Module 3 Balikan Isagawa Patayo: CUTTING HARE TYDINGS Pahiga: OSMEŇA ROXAS MCDUFFIE ROOSEVELT RECTO HAWES QUEZON Gawin Mo Nasa ibaba ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga naganap sa pagkakatatag ng Pamahalaang Komunwelt. • Pagbuo ng mga delegado sa Saligang-Batas ng 1935 • Pagdaraos ng Plebesito upang mapagtibay ang Saligang Batas • Paghalal sa mga delegado ng Kumbensyong Konstitusyonal na gagawa ng Saligang-Batas ng 1935 • Pagpatibay at pag-iral ng Saligang-Batas ng 1935 bilang batayan sa Pamahalaang Komonwelt • Pagpirma ng Pangulo ng Estados Unidos sa Saligang-Batas ng 1935 Tuklasin Pagyamanin Tayahin Karagdagang Gawain Tanggapin ang sagot ng bata basta naaayon sa hinihinging sagot. Sagutin Mo 1. Tagapagpaganap 2. Pambatasan 3. Korte Suprema 4. Roosevelt 5. Batas Jones 1. Tama 2. Tama 3. Tama 4. tatlo 5. anim 6. tama 7. Claro M. Recto 8. Estados Unidos 9. Tama 10. Tama 1. 14 Mayo 1935 2. 19 Pebrero 1935 3. 23 Marso 1935 4. 8 Pebrero 1934 5. 10 Hulyo 1934
  • 28. 24 CO_Q2_AP 6_ Module 3 Balikan Pagyamanin 1. ROOSEVELT 2. CLARO M. RECTO 3. SALIGANG BATAS NG 1935 4. TAGAPAGPAGANAP 5. TAGAPAGHUKOM 1. Fernando Amorsolo 2. Manuel L. Quezon 3. Tagalog 4. iskultura 5. Sergio Osmeña Sr. Tuklasin Isagawa Tayahin Karagdagang Gawain Tanggapin ang sagot ng bata basta naaayon sa hinihinging sagot. A. 1. Wasto 2. Mali 3. Wasto 4. Wasto 5. Wasto B. 1. 17 Setyembre 1935 2. 15 Nobyembre 1935 3. 13 Nobyembre 1936 4. 4 Hulyo 1946 5. 10 Hulyo 1934 1. C 2. D 3. F 4. E 5. G 6. H 7. J 8. I 9. B 10. A 1. Matutong mamuno sa sariling bansa. 2. Ito na ang panahon na hinhintay na maging malaya na pagkatapos ng 10 taong transisyon period. 3. Upang maibigay ang ninanais ng mga Pilipino na mabuting buhay sa sariling pamamaraan.
  • 29. 25 CO_Q2_AP 6_ Module 3 Estelita B. Capiña and Gloria P. Barrientos. Pilipinas: Bansang Malaya, Batayang Aklat Heograpiya, Kasaysayan at Sibika Quezon City: SD Publications, Inc., 2000, 154-160. Florencia C. Domingo, Ph.D. et al., Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 1 Makati City: EdCrisch International, Inc., 2006, 200-208. Marites B. Cruz et al., Yaman Ng Pilipinas, Batayang Aklat, Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6 Makati City: EdCrisch International, Inc., 2007, 91-93, 142-145. Project EASE (Effective and Alternative Secondary Education). Araling Panlipunan I, Modyul 13, Ang Paghahanda para sa Pagsasarili, Department of Education, 2014. Program for Decentralized Education Development (PRODED). Ang Pilipinas sa Iba’t Ibang Panahon, Batayang Aklat sa Kasaysayan, Heograpiya at Sibika para sa Ikalimang Baitang, Unang Edisyon, 1987, 152-159.
  • 30. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph