Filipino 6 - Aspekto ng Pandiwa Pangnilalaman: Natutukoy ang pandiwang ginamit at aspekto nito. Pandamdamin: Napahahalagahan ang paggamit ng wastong aspekto ng pandiwa para sa maayos at malinaw na komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa. Pangkasanayan: Nakapagpapakita ng pagtatanghal na gumagamit ng mga aspekto ng pandiwa sa iba’t ibang mga sitwasyon. Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos, galaw o kondisyon. Ito ay binubuo ng salitang –ugat at panlaping makadiwa. Aspekto – nagsasaad kung ang kilos ay naganap, nagaganap, at magaganap pa lamang. May tatlong aspekto ang pandiwa: 1. Aspektong Naganap Ang aspektong naganap ay nagsasaad kung ang kilos ay nasimulan o natapos na. Halimbawa: naglakad 2. Aspektong Nagaganap Ang aspektong nagaganap ay nagsasaad ng kilos na kasalukuyang ginagawa o nangyayari. Halimbawa: naglalakad 3. Aspektong Magaganap Ang aspektong magaganap ay nagsasaad ng kilos na pinaplano pa lamang o gagawin pa lamang. Halimbawa: maglalakad Sa aspektong naganap, ang um ay nananatili at dinudugtungan ng salitang ugat. Halimbawa: tumawa – tumawa sumulat – sumulat Sa aspektong nagaganap, nananatili pa rin ang um at inuulit ang unang pantig ng salitang ugat. Halimbawa: tumawa – tumawa- tumatawa sumulat – sumulat - sumusulat 1. Labis na (natuwa, natutuwa, matutuwa) ang mga magulang ni Gloria nang tumanggap siya ng medalya sa kaniyang pagtatapos. 2. (Uminom, Umiinom, Iinom) ng gamot si Aling Aida gabi-gabi. 3. Ang aming pamilya ay (nagbakasyon, nagbabakasyon, magbabakasyon) sa Antipolo sa susunod na Linggo. 4. Ang lalawigan ng Quezon ay (itinuring, itinuturing, ituturing) na pinakamahabang lalawigan sa Pilipinas. 5. (Umawit, Umaawit, Aawit) ang mga kinatawan ng bawat Sangguniang Kabataan sa darating na pista ng bayan. Ano ang pandiwa? Ano-ano ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa? Punan ng angkop na pandiwa batay sa mga salitang-ugat ang usapan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Piliin ang mga pandiwang ginamit sa pangungusap at ihanay sa ilalim ng aspektong naganap, nagaganap, magaganap. Nagdarasal sila sa Poong Maykapal. Ang mga kabataan ay nag-aawitan. Pagkatapos ng kainan, gigibain nila ang damara. 4-5. Ang hindi gigising ng maaga ay maiiwan. MARAMING SALAMAT PO!! ☺