Naglalayong patunayan ang isang argumento sa pamamagitan ng matibay na pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika. Upang maipagtanggol ang argumento, ang tagapagtanggol o manunulat ay kailangang mailahad ng maayos at malinaw ang ebidensiyang batay sa katotohanan upang mahikayat ang tagapakinig o mambabasa.