Mga salita na kalimitang ginagamit sa mga pangungusap ngunit hindi natin alam ang tamang ppakahulugan nito. Kaya humanhantong sa pagkakaroon ng maling pang-unawa.
7. subukin
Nangangahulugan ng pagsusuri o pag-
sisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o
bagay.
Hal.
Susubukin namin kung may natatanging
talino ka.
8. subukan
Nangangahulugan ng pagtingin upang
malaman ang ginagawa ng isang tao o mga tao.
Hal.
Bakit mo siya sinusubukan sa kanyang
ginagawa sa kusina?
10. pahirin
Tumutukoy sa kilos na nangangahulugan
ng pag-aalis o pagpawi sa isang bagay, alisin ang
bagay.
Hal.
Pahirin mo ang pawis ng bata.
Pahirin mo ang uling sa iyong mukha.
11. pahiran
Nagagamit din sa kahulugang paglalagay
ng kaunting bagay at karaniwan ay sa bahagi ng
katawan.
Hal.
Pahiran mo ng vicks ang aking likod.
Bakit mo pinapahiran ng alkohol ang iyong
mga kamay?
16. din at daw
Ginagamit kung ang salitang sinusundan ay
nagtatapos sa katinig.
Hal.
Masakit daw ang kanyang ulo kaya hindi siya
sasama sa atin.
Takot din siyang magsinungaling kagaya mo.
17. rin at raw
Ginagamit kung ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na w at y.
Hal.
Siya ay katulad mo rin na masikap sa pag-
aaral.
Ikaw raw ang napiling Mag-aaral ng Taon.
19. napakasal
Ginagamit kapag ang tinutukoy ay ang
ginagawang pag-iisang-dibdib ng dalawang
nilalang na nagmamahalan.
Hal.
Napakasal na sina Alex at Rhoda na
malaon nang magkasintahan.
20. nagpakasal
Tumutukoy sa taong naging punong-abala o
siyang nangasiwa upang makasal ang isang lalaki
at babae.
Hal.
Ang mag-asawa ay nagpakasal ng anak
na panganay.
22. Tama o Mali
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang gamit ng may salungguhit
na salita a loob ng pangungusap at isulat ang MALI kung hindi wasto
ang gamit nito. ( 1 punto kada bilang)
1.Ng akoy pumarito, hindi ko batid ang kanyang pagtangis sa
buwan dahil saking pag-alis na walang paalam.
2.Hindi ko kayang makitang ooperahan ang kanser sa baga ng
aking pinakamamahal na kaibigan.
3.Pahiran mo ng pulbo ang makulimlim niyang mukha.
4.Kumuha ka ng pamunas at pahirin mo ang nagkalat na dumi sa
sahig.
5.Gusto kong subukin mong kalabanin ang aking asawa upang
tayoy hindi na magtatago sa dilim.
23. 6. Subukan mong tingnan ang
naggagandahang palabas sa malaking
bulwagan.
7. Nagpakasal si Rhea ng matalik na kaibigang
sina Irish at Jade.
8. Hindi daw makatulog si Aisa dahil
bumabalakid sa kanyang isipan si Roy.
9. Mabigat daw ang pakiramdam ni Mary
Jane dahil kulang siya sa tulog kagabi.
10. Pahiran mo nga iyang pawis mo sa noo.
24. Takdang-Aralin
Sumulat ng tigdadalawang pangungusap gamit ang
sumusunod na mga salita. Isulat sa isang buong
papel.
1. May
2. Mayroon
3. Nang
4. Ng
5. Walisin
6. Walisan
7. Pahirin
8. Pahiran
9. Operahin
10. operahan