Makabagong Gramar ng Filipino.
Sa pagsasalita, kailangan ng tatlong salik:
Ang pinagbubuhatan ng enerhiya;
Ang artikulador; at
Ang resonador
Ang interaksyon ng tatlong salik na ito ang lumilikha ng along ng mga tunog. Ang hangin naman ang nagiging midyum ng mga alon ng mga tunog upang marinig ang mga ito. An presyon o puwersang nilikha ng papalabas na hiningang galing sa baga ang siyang enerhiyang buhat sa babagtingang pantinig na nagpapagalaw sa artikulador. Nababago naman ang tunog dahil sa bibig na siyang resonador.
Nasa bibig ang apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog:
Dila at panga,
Ngipin at labi,
Matigas na ngalangala, at
Malambot na ngalangala
Nagkakaroon ng pagbabagu-bago ng hugis at laki ang guwang sa loob ng bibig sa malayang iginagalaw ang panga at dila. Maaaring mapahaba, mapaikli, mapalapad, mapapalag ang dila na maitutukod sa ngipin o sa ngalangala, maaari ring iarko ayon sa gustong bigkasin.
Nabibigkas ang mga patinig sa pagtaas at pagbaba ng harap, sentral o likod na bahagi ng dila kasama ng pagbabagu-bago ng hugis ng bibig, kasama na ang mga labi na dinarama ng tinig.
Nag-iiba naman ang mga tunog ng mga katinig batay sa:
Punto ng artikulasyon,
Paraan ng artikulasyon, at
Pagkakaroon o di-pagkakaroon ng tinig
Tinatawag na punto ng artikulasyon ang bahaging pinakamaliit na guwang para makalusot ang hangin o di makalabas ang hangin.
Anim ang punto ng artikulasyon:
Labyal o panlabi na nangangahulugan ng paglalapat ng mga labi,
Dental o pagngipin na nangangahulugan ng pagdidiit ng dulo ng dila at likod ng ngipin,
Palatal o pangngalangala o pagdidiit ng gitnang bahagi ng dila at ng ngalangala,
Velar o pagdidiit ng likod ng dila at ng velum,
Glotal o impit na pagdidiit ng mga babagtingan, at
Panlalamunan o larindyal/laryngeal.
Pamamaraan ng artikulasyon ang tawag sa paraan ng paglabas ng hangin. Maaaring mahati sa:
Pasara o istap o pabuga ang paglabas ng hangin kapag nasasarhan o napipigil ang paglabas ng hangin,
Pailong o nasal kapag lumalabas sa ilong ang hangin,
3. Pasutsot o fricative kapag lumalabas ang hangin
sa makitid na daanan sa pagitan ang artikulador
at punto ng artikulasyon.
4. Pagilid o lateral kapag lumalabas ang hangin sa
magkabilang tabi ng dila tungo sa sentro ng dila
na siyang pumipigil dito, at
5. Pangatal o tril na buhat sa sunod-sunod na galaw
ng dila.
Maibibilang na rito ang pagkakaroon o di-pagkakaroon ng tinig ng mga katinig. May tinig kapag gumagalaw ang babagtingan kaya lumalabas ang tunog at walang tinig kung hindi gumagalaw ang babagtinga.
Mga uri ng Pagsasaling-wika.
Sa presentasyong ito, inilahad ang mga iba't ibang uri ng pagsasaling-wika na maaaring makatulong sa isang tagapagsalin. Gayundin ang ilang mahahalagang puntos at pamantayan na dapat isaalang-alang sa pagsasaling-wika. Sa pamamagitan ng presentasyong ito, nawa ay maging madali ang pagsasalin at makatulong sa tagapagsalin ang mahahalagang ideya at kaalaman na nakalahad sa presentasyong ito. Higit sa lahat layunin ng presenytasyong ito na madagdagan pa ang kaalaman ng mga mag-aaral at dalubwika hinggil sa pagsasaling-wika.
Mga uri ng Pagsasaling-wika.
Sa presentasyong ito, inilahad ang mga iba't ibang uri ng pagsasaling-wika na maaaring makatulong sa isang tagapagsalin. Gayundin ang ilang mahahalagang puntos at pamantayan na dapat isaalang-alang sa pagsasaling-wika. Sa pamamagitan ng presentasyong ito, nawa ay maging madali ang pagsasalin at makatulong sa tagapagsalin ang mahahalagang ideya at kaalaman na nakalahad sa presentasyong ito. Higit sa lahat layunin ng presenytasyong ito na madagdagan pa ang kaalaman ng mga mag-aaral at dalubwika hinggil sa pagsasaling-wika.
Amalgamasyon ng iba't ibang wika sa PilipinasFatima Garcia
油
Ito ay iniulat kamakailan sa Paglilinang ng Filipino at Pahambing na Pag-aaral ng mga Prinsipal na Wika sa Pilipinas. Maaaring makatulong ito sa karagdagang impormasyon hinggil sa pagpaplanong amalgamasyon ng KWF sa Wikang Filipino. Ang mga impormasyon dito ay pinagyayabong pa at kailangang maragdagan sa mga susunod na taon.
Ang **akdang naratibo** ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng isang kwento o karanasan. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari na may layuning magbigay aliw, magturo, o magbigay aral sa mga mambabasa. Kadalasang gumagamit ng mga tauhan, tagpuan, at kaganapan upang maipahayag ang isang kwento sa isang tiyak na ayos o pagkakasunod-sunod.
Ang **akdang naratibo** ay may mga pangunahing elemento tulad ng **tauhan**, **tagpuan**, **tema**, **salungatan**, at **banghay**. Ang **tauhan** ang mga karakter na gumaganap sa kwento, mula sa pangunahing tauhan hanggang sa mga sumusuportang karakter. Ang **tagpuan** ay ang lugar at oras kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa kwento. Ang **tema** naman ay ang pangunahing ideya o mensahe na nais iparating sa mambabasa. Ang **salungatan** ay ang problema o hamon na kinakaharap ng mga tauhan sa kwento, at ang **banghay** ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna, hanggang sa wakas.
Halimbawa ng akdang naratibo ay ang mga **maikling kwento**, **nobela**, at **talambuhay**. Sa mga akdang ito, ang manunulat ay nagkukuwento ng isang kwento na may mga tauhan at nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang matutunan ang mga aral na dulot ng kwento. Ang isang akdang naratibo ay maaaring magtaglay ng iba't ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, takot, at pagmamahal, na nakatutulong upang mas maging makulay at buhay ang kwento.
Sa kabuuan, ang akdang naratibo ay isang mahalagang anyo ng panitikan na naglalaman ng mga kwento at karanasan na makapagbibigay ng kasiyahan at aral sa mga mambabasa.
2. Mga Layunin
Mailahad ang uri ng palabaybayan at
mga tuntunin nito.
Maibigay ang maikling kaalaman hinggil
sa Filipino bilang wikang pambansa.
Matukoy ang mga makabagong
alpabetong Filipino.
Maisa-isa ang mga gabay tungo sa
ortograpiyang Filipino.
Mabigyang-kahulugan ang pantig at
pagpapantig.
3. Mga Tuntunin sa Pagbabaybay
Pagbigkas na Pagbaybay
Ang pabigkas o pasalitang
pagbaybay sa Filipino ay patitik
at hindi papantig.Ang ispeling o
pagbaybay ay isa-isang
pagbigkas sa maayos na
pagkakasunud-sunod ng mga
letrang bumubuo sa isang salita,
6. Inisyal ng Tao
MAR ( Manuel A. Roxas) = /em-
ey-ar/
LKS(Lope K. Santos) = /el-key-
es/
Akronim
GAT(Galian sa Arte at Tula)
= / ji-ey-ti/
7. Inisyal ng Samahan
KWF /key-dobolyu-ef/
NGO /en-ji-o/
Simbolong Pang-
agham/Pangmatematika
Fe (iron) = /ef-i/
Lb (pound) = /el-bi/
8. Pasulat na Pagbaybay
Mananatili sa pagsulat at
pagbasa ng mga karaniwang salita
ang isa-sa-isang tumbasan ng letra
at makabuluhang tunog na ang ibig
sabihin, isa lamang ang tunog sa
pagbigkas ng bawat letra kapag
naging bahagi ng karaniwang salita.
9. a. Sa pagsulat ng mga katutubong
salita at mga hiram na karaniwang
salita na naasimila na sa sistema ng
pagbaybay sa Wikang Pambansa ay
susunod na rin ang kung ano ang
bigkas ay siyang sulat at kung ano
ang sulat ay siyang basa.
Halimbawa:
bapor (vapor) kotse
(coche)
bangko (banco) kahon (cajon)
10. b. Ang dagdag na walong letra:
C,F,J,N,Q,V,X,Z ay ginagamit sa mga:
1.Pantanging ngalan
Halimbawa:
Tao Lugar
Carmelita Canada
Quirino Texas
Exequil Nueva Vizcaya
12. 2. Salitang katutubo mula sa ibang wika
sa Pilipinas
Halimbawa: Kahulugan
Hadji ( lalaking Muslim na
nakarating sa Mecca)
Vakul (panakip sa ulobilang
pananggalang sa ulan at init ng araw
na yari sa isang uri ng palmera
o dahon ng saging)
Ifun ( pinakamaliit na banak)
13. Panumbas sa mga Hiram na
Salita
Pinababagal ng 1987 Patnubay sa
Ispeling ang leksikal na
elaborasyon ng Filipino,
Nililimitahan nito ang panghihiram
ng mga salita dahil sa paghihigpit
sa paggamit ng walong dagdag na
letra(C,F,J,N,Q,V,X,Z) doon lamang
sa mga sumusunod ;
14. Pantanging ngalan
Salitang katutubo mula sa ibang
wika sa Pilipinas
Salitang hindi konsistent ang
ispeling o malayo ang ispeling sa
pagbigkas na kapag binaybay ang
orihinal na ispeling nito.
Salitang pang-agham at teknikal
Simbolong pang-agham
15. Kung kayat napapanahon lamang
ang pagrebisa sa mga tuntunin sa
ispeling. May mahalagang kraytirya para
matamo ang episyenteng sistema ng
ispeling:
1.Kasimplehan at ekonomiya na kaugnay
ng isa-isang tumbasan ng tunog at letra,
at
2.Fleksibilidad ang pagtanggap ng mga
linggwistikong pagbabago dahil sa
16. Sa paghanap ng panumbas sa mga salita
buhat sa wikang Ingles, maaaring sundin
ang mga sumusunod na paraan:
a. Ang unang pinagkukunan ng mga hiram na
salitang maaaring itumbas ay ang leksikon
ng kasalukuyang Filipino.
Halimbawa:
Hiram na salita Filipino
rule tuntunin
Ability kakayahan
East silangan
17. b. Maaaring kumuha o gumamit ng
mga salitang mula sa ibang
katutubong wika ng bansa.
Hiram na salita Filipino
Imagery
haraya(tagalog)
Husband
bana(hiligaynon)
18. c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang
hiniram na salita mula sa Kastila,
Ingles, at iba pang wikang banyaga,
at saka baybayin sa Filipino.
Kastila Filipino
Cheque tseke
Litro litro
Liquid likido
20. d. Kung walang katumbas sa Kastila
o kung mayroon man ay maaaring
hindi nauunawaan ng nakakarami,
hinihiram nang tuwiran ang
katawagang Ingles at binabaybay
ito ayon sa sumusunod na paraan:
21. 1.Kung konsistent ang baybay ng
salita, hiramin ito nang walang
pagbabago.
halimbawa:
Salitang Banyaga Filipino
Reporter reporter
Soprano soprano
Memorandum
memorandum
22. 2.Kung hindi konsistent ang baybay ng
salita, hiramin ito at baybayin nang
konsistent, ayon sa simulain kung
ano ang bigkas ay siyang sulat at
kung ano ang sulat ay siyang basa.
Halimbawa:
Salitang Hiram Filipino
Control kontrol
Meeting miting
Teacher titser
23. Gayunpaman,may ilang salitang
hiram na maaaring baybayin sa
dalawang kaanyuan, ngunit
kailangan ang konsistensi sa
paggamit.
Halimbawa:
Kongregasyon
konggregasyon
24. 3.May mga salita sa Ingles o sa iba
pang banyagang salita na lubhang
di-konsistent ang ispeling o lubhang
malayo ang ispeling sa bigkas na:
25. a.) Maaaring hayaan na muna sa
orihinal na anyo o panatilihin ang
ispeling sapagkat kapag binaybay
ayon sa alpabetong Filipino ay hindi
na mababakas ang orihinal na
ispeling nito.
Halimbawa:
Coach rendezvous
Sandwich sausage
26. Malinaw ang mga lapit sa
panghihiram. Gayunpaman, sa
pagpili ng salitang gagamitin
isaalang-alang din ang mga
sumusunod:
1. Kaangkupan ng salita
2. Katiyakan sa kahulugan ng salita
3.Prestihiyo ng salita
28. Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134, s. 19737, ipinahayag ng
Pangulong Manuel L. Quezon ang
pagkakaroon ng Wikang Pambansa
ng Pilipinas batay sa Tagalog.
1940 sinimulang ituro ang wikang
pambansa sa paaralang publiko at
pribado.
29. 1959 ang wikang pambansa ay
tinawag na Pilipino batay sa Tagalog.
Konstitusyon ng 1986 ang Wikang
Pambansa ay itinadhanang tawaging
Filipino gaya ng nasasaad:
30. Artikulo XIV, Sek. 6 . Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Bilang pag-alinsunod sa nasabing
batas, Filipino ang ngalan ng
wikang pambansa sa
kasalukuyan.Ito ay batay sa
Pilipino, na siyang umiiral na wika.
31. Deskripsyon ng Filipino ayon sa
KWF:
Ang Filipino ang katutubong wika na
ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika
ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo.Katulad ng iba pang wikang
buhay, ang Filipino ay dumaraan sa
proseso ng paglinang sa pamamagitan
ng panghihiram sa mga wika sa
Pilipinas at mga di-katutubong wika at
ebolusyon ng ibat ibang barayti ng wika
para sa ibat ibangsaligang sosyal at
32. Bokabularyo mula sa mga wika
ng ating bansa
jihad(muslim)
Buang(bisayas)
Gurang(bisaya)
Manong/manang(Ilocano)
Pinakbet(Ilocano)
34. Ang tagalog ay isang wikang
natural at may mga katutubo itong
tagapagsalita.
Isa rin itong partikular na wika na
sinasalita ng isa sa mga
etnolinggwistik na grupo sa bansa
na tinatawag ding
Tagalog(Constantino, sa
Bernales,et al. 2002)
35. 1959- Pumasok ang pangalang
Pilipino bilang wikang pambansa
.Bunga ito ng kalituhang ibinunga
ng pagbatay sa awikang pambansa
sa Tagalog noong 1937.
37. Kaya sa mga eskwelahan noon,
mas tama ang aklat kaysa libro;
ang takdang aralin kaysa
asaynment; ang pamantasan kaysa
unibersidad; ang dalubhasaan
kaysa kolehiyo; ang mag-aaral
kaysa estudyante.Tinatawag ito ni
Prof. Leopoldo Yabes na Tagalog
Imperialismna nagbunga ng mga
38. Sa kasalukuyan, hindi na tama
ang argumentong ang Filipino ay
Tagalog din.Wika nga ni Almario( sa
Bernales, et al. 2006), hini lamang
natin inintinding mabuti.Samantala,
may mga miskonsepsyon pa rin sa
wikang Filipino na kailangan nating
linawin.
39. Ang pangalang Filipino ng ating
wikang pambansa ay hindi galing
sa Ingles na Filipino na tawag sa
ating mga mamamayan ng
Pilipinas.
Hindi rin isang akomodasyong
pampulitika ang pagbabago ng
pangalan ng wikang pambansa
mula sa Pilipino sa Filipino.
40. Ano ag pinakaesensya ng konsepto
ng wikang Filipino?
- Pagiging pambansang
LINGUA FRANCA
41. Bilang isang lingua franca, ito ang
nagsisilbing pangalawang wika ng
higit na nakararami sa buong bansa
na ating ginagamit sa
pakikipagtalastasan saisat isa lalo
na sa mga syudad, kahit pa
mayroon tayong kani-kaniyang
katutubo at unang wika gaya ng
Cebuano,
42. Nasa kalooban ngayon ng Filipino
ang paglinang sa sanyata at rang-ay
ng Iloco, sa usuang at bihud ng
Visaya, sa Santing ng mga
Kapampangan, sa suyad ng Manobo.
Smantalay hindi ito hadlang sa
madaliang pagpasok ng shawarma,
sashimi, shabu, odd-eve, at iba
pang idargasa ngsatelayt at fax ng
globalisasyon.
- Dr. Virgilio Almario ( sa Bernales:
43. Ang Filipino ay higit pang
palalawakin at payayabungin tungo
sa intelekwalisasyon upang patuloy
na makaagapay sa pag-unlad ng
bansa, at maging epektibong
kasangkapan sa ating
pakikipagtalastasan.
46. A. Letrang C
1. Panatilihin ang letrang C kung ang
salita ay hiniram sa orihinal na
anyo.
Halimbawa:
Calculus
Chlorophyll
Carbohydrates
47. 2. Palitan ang letrang C ng letrang S
kung ang tunog ay )/s/ at ng letrang K
kung ang tunog ay /k/ kapag
binaybay sa Filipino ang hiram na
salitang may letrang C.
Halimbawa:
Participant = partisipant
Central = sentral
Card = kard
48. B. Letrang F
Gamitin ang letrang F para sa tunog
/f/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa:
Tofu
Foto
French fries
futbol
49. C. Letrang J
Gamitin ang letrang J para sa tunog /j/
sa mga hiram na salita.
Halimbawa:
Jam
Jaket
Sabjek
Objek
51. D. Letrang n(enye)
2. Palitan ang letrang ng mga
letrang NY kapag binaybay sa
Filipino ang hiram na salitang .
Halimbawa:
Pi単a = pinya
Cari単osa = karinyosa
Ba単era = banyera
52. E. Letrang Q
1. Panatilihin ang letrang Q kung ang
salita ay hiniram sa orihinal na
anyo.
Halimbawa:
Quo vadis
Quantum
Opaque
53. E. Letrang Q
2. Palitan ang letrang Q ng letrang
KW kung ang tunog ay /kw/ at ng
letrang K kung ang tunog ay /k/
kapag binaybay sa Filipino ang
hiram na salitang may letrang Q.
Halimbawa:
Quarter = kwarter
Quorum = korum
Querida = kerida
54. F. Letrang V
Gamitin ang letrang V para sa
tunog /v/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa:
Verbatim
Varayti
Video
Vertebrate
55. G. Letrang X
1. Panatilihin ang letrang X kung ang
salita ay hiniram sa orihinal na
anyo.
Halimbawa:
Axiom
Xylem
Exodus
56. G. Letrang X
2. Palitang ang letrang X ng letrang
KS kung ang tunog ay /ks/ kapag
binaybay sa Filipino ang hiram na
salitang may letrang X.
Halimbawa:
Experimental = eksperimental
Taxonomy = taksonomi
Exam = eksam
57. H. Letrang Z
Gamitin ang letrang Z para sa
tunog /z/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa:
Zebra
Zinc
Zoo
Bazaar
Magazine
59. 1.Pantig
Ang pantig ay isang saltik ng dila
o walang antalang bugso ngtinig sa
pagbigkas ng salita.
Halimbawa:
A-ko sam-bot
i-i-wan mang-ya-ya-ri
It-log ma-a-a-ri
60. 2.Kayarian ng Pantig
Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa
kayarian nito, ay sa pamamagitan ng
paggamit ng simbolong K para sa
katinig at P para sa patinig.
Halimbawa:
Kayarian Halimbawa
P u-pa
KP ma-li
PK is-da
62. 3. Paraan ng Pagpapantig
Ang pagpapantig ay paraan ng
pagbaha-bahagi ng salita sa mga pantig.
63. a.Kapag may magkasunod na dalawa o
higit pang patinig sa posisyong
inisyal, midyal at final na salita, ito ay
hiwalay na mga patinig.
Halimbawa:
Aalis a-a-lis
Maaga ma-a-ga
Totoo to-to-o
64. B. Kapag may dalawang magkaibang
katinig na magkasunod sa loob ng isang
salita, maging katutubo o hiram man,
ang una ay kasama sa patinig na
sinusundan, at ang pangalawa ay sa
patinig na kasunod.
Halimbawa:
Buksan buk-san
Pinto pin-to
Sobre sob-re
Kopya kop-ya
65. c. Kapag may tatlo o higit pang
magkakaibang katinig na
magkakasunod sa loob ng isang
salita, ang unang dalawa ay kasama
sa patinig na sinusundan at ang huli
ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
Eksperimento eks-pe-ri-men-
to
Transkripsyon tans-krip-syon
66. d. Kapag ang una sa tatlong
magkakasunod na katinig ay m o n at
ang kasunod na dalawa ay alinman sa
bl,br,pl,tr ang unang katinig (m o n) sa
sinusundang patinig ay kasama at ang
huling dalawa ay susunod sa patinig.
Halimbawa:
Asembleya a-sem-ble-ya
Alambre a-lam-bre
Balandra ba-lan-dra
67. e. Kapag may apat na magkakasunud-
sunod na katinig sa loob ng isang
salita, ang unang dalawang katinig
ay kasama sa patinig na sinusundan
at ang huling dalawa ay sa patinig na
kasunod.
Halimbawa:
Esktradisyon esk-tra-dis-yon
Eksklusibo eks-klu-si-bo
68. 4.Pag-uulit ng Pantig
a.Kapag ang unang tunog ng
salitang ugat o batayang salita ay
patinig, ang patinig lamang ang
inuulit.
Halimbawa:
A-lis a-a-lis
Am-bon a-am-bon
69. Ang tuntunin ding ito ang sinusunod
kahit may unlapi ang salita.
Halimbawa:
Mag-a-lis mag-a-a-lis
Umam-bon uma-am-bon
Umeks-tra u-me-eks-tra
70. b. Kung ang unang pantig ng salitang-
ugat ay nagsisimula sa KP (Katinig-
Patinig) , ang katinig at ang kasunod
na patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
Ba-sa ba-ba-sa mag-ba-ba-
sa
La-kad la-la-kad ni-la-la-kad
Tak-bo ta-tak-bo nag-ta-tak-bo
Nars mag-na-nars
71. c. Kung ang unang pantig ng salitang-
ugat ay may KK (klaster ng katinig) na
kayarian, dalawang paraan ang
maaaring gamitin.
1.Inuulit lamang ang unang katinig at
patinig.
Halimbawa:
piso pi-pi-so
72. 2. Inuulit ang klaster na katinig,
kasama ang patinig .
Halimbawa:
Plan-tsa pla-plan-tsa-hin
Pri-to pri-pri-tu-hin
Kwen-to kwe-kwen-tu-han