Grade 1 Week 4 Quarter 3 GMRC Presentation for teachers of Grade 1 who are bu...estrellaagabe
油
DEMO TEACHING FOR GRADE 1 Q4 WEEK 3. for faster understanding of concepts. it is developed solely for Grade 1 Learners to enjoy learning in GMRC. it enables Grade 1 learners to achieve the objective at the targeted time. This presentation gives clarity and opportunity to develop concepts and understanding on the developing of values and good
Ang **akdang naratibo** ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng isang kwento o karanasan. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari na may layuning magbigay aliw, magturo, o magbigay aral sa mga mambabasa. Kadalasang gumagamit ng mga tauhan, tagpuan, at kaganapan upang maipahayag ang isang kwento sa isang tiyak na ayos o pagkakasunod-sunod.
Ang **akdang naratibo** ay may mga pangunahing elemento tulad ng **tauhan**, **tagpuan**, **tema**, **salungatan**, at **banghay**. Ang **tauhan** ang mga karakter na gumaganap sa kwento, mula sa pangunahing tauhan hanggang sa mga sumusuportang karakter. Ang **tagpuan** ay ang lugar at oras kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa kwento. Ang **tema** naman ay ang pangunahing ideya o mensahe na nais iparating sa mambabasa. Ang **salungatan** ay ang problema o hamon na kinakaharap ng mga tauhan sa kwento, at ang **banghay** ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna, hanggang sa wakas.
Halimbawa ng akdang naratibo ay ang mga **maikling kwento**, **nobela**, at **talambuhay**. Sa mga akdang ito, ang manunulat ay nagkukuwento ng isang kwento na may mga tauhan at nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang matutunan ang mga aral na dulot ng kwento. Ang isang akdang naratibo ay maaaring magtaglay ng iba't ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, takot, at pagmamahal, na nakatutulong upang mas maging makulay at buhay ang kwento.
Sa kabuuan, ang akdang naratibo ay isang mahalagang anyo ng panitikan na naglalaman ng mga kwento at karanasan na makapagbibigay ng kasiyahan at aral sa mga mambabasa.
4. Ang panitikan ay itinuturing nna kayamanan ng
ating lahi dahil bahagi ito ng atong kalinangan at
kasaysayan. Sinasabing ang panitikan at ang
kasaysayan ay matalik na magkaugnay. sa pag-aaral
ng kasaysayan ng isang lahi, laging bahagi nito ang
damdamin, saloobin, paniniwala, kultura at
tradisyon ng bansang kalimitan ay masasalamin sa
taglay nitong panitikan.
5. Mahalagang maunawaan din ng
kabataan na sa pag-aaral ng panitikan
ay maaaring mahubog ang kanilang
dadamin at kaisipang makabayan.
6. BAKIT DAPAT PAG-ARALAN ANG PANITIKANG PILIPINO?
Makilala natin ang sariling kalinangan, ang minanang yaman ng isip, at ang
henyo ng ating lahing iba kaysa sa ibang lahi;
katulad ng ibang lahi, tayo ay mayroon ding dakila atmarangal na
tradisyonng ginagamit na puhunang-salalayan sa panghihiram ng mga
bagong kalinangan at kabihasnan;
Ayon kay Jose Villa Panganiban
Matanto ang mga kapintasan sa ating panitikan at makapagsanay upang
maiwasan at mapawi ang mga ito;
Makilala ang ating mgakagalingang pampanitikan at lalong mapadalisay,
mapayabong, at mapaningning ang mga kagalingang ito; at
Magiging katutubo sa atin ang magkaroon ng pagmamalasakit sa ating
sariling panitikang Pilipino dahil tayoy mga Pilipino.
7. Bakit kailangang pag-aralan at
pahalagahan ng mga kabataan ang mga
karunugang-bayan tulad ng salawikain,
sawikain o kawikaan at kasabihan bilang
akdang pampaniktikan sa kasalukuyang
panahon?
9. Walang tiyaga, walang nilaga
Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo
Ang sakit ng kalingkingan, dama ng buong
katawan
IBIGAY ANG KAHULUGAN NG MGA
SUMUSUNOD NA PAHAYAG
10. Walang tiyaga, walang nilaga
Ang kahulugan nito ay tungkol sa isang tao na walang
pagsasakripisyo para sa sarili at walang pagsisipag sa isang
gawain at kinabukasan ay walang biyaya na matatangap. Kaya
huwag tatamad tamad,matutong magbanat ng buto para sa
magandang kinabukas ng iyong pamilya at para narin sa iyong
sarili.
11. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo
Pagkasayang ng isang bagay dahil ito ay maaaring huli
na o hindi na kailangan pa. Sa buhay natin marapat
tayong kumilos ng naaayon sa pangangailangan ng
bawat bagay o sitwasyon upang wala tayong pagsisihan
o masayang na panahon.
12. Ang sakit ng kalingkingan, dama ng
buong katawan
13. Sa buhay ng tao ay may mga
karanasan
Na kailangang iwasan at dapat
ayusin
Tamang tandan, at sa tuwinay
pakaisipin
Mahalagang ingatan tulad ng
kayamanan.
KARUNUNGAN NG BUHAY
14. Iwasan nang hindi maging anak-dalita:
Pag nagtanim ng hangin
Bagyo ang aanihin
Ubos-ubos na biyaya
Bukas nakatunganga
Gawin upang tumanaw ng utang na
loob:
Ang lumalakad nang matulin
Kung matinik ay malalim.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Di makararating sa paroroonan.
15. Pakaisipin upang maging malawak
ang isip:
Sa anumang lalakarin
Makapito munang isipin.
Nasa Diyos ang awa
Nasa tao ang gawa.
Tandaan upang maging buo ang loob:
Kung hindi ukol
Hindi bubukol.
Kung ano ang bukambibig
Siyang laman ng dibdib
16. Ingatan upang hindi maging pasang-
krus:
Anak na di paluhain
Ina ang patatangisin.
Ang kalusugan
Ay kayamanan.
Tularan nang maging matalas ang isip:
Daig ng maagap
Ang masipag.
Lakas ng katawan
Daig ng paraan.
17. Nabanggit ni Lolo mga karunungan sa
buhay
Na maaaring maging gabay sa aking
palagay
Ito ang mga bagay na dapat mong
isabuhay.
18. SAGUTIN NATIN
1. Ano ang binabanggit sa akda na kapag nangyari sa
buhay ng tao ay dapat iwasan, ayusin. Pakaisipin,
tandan, ingatan , at tularan?
2. Paano makatutulong sa iyong buhay ang
pagsasabuhay ng mga ito?
20. May mga akdang pampanitikang lumaganap sa
Panahon ng mga Katutubo sa ibat-ibang panig ng
bansa tulad ng karunungang-bayan na tinatawag
ding kaalamang-bayan. Ang panitikang ito ay
binubuo ng mga salawikain, sawikain, bugtong,
palaisipan, kasabihan, at bulong. Karaniwang ang
mga ito ay nagmula sa mga Tagalog at hinango sa
mahahabang tula.
21. Salawikain
Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at
tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninunong
naglalayong mangaral at umakay sa mga Kabataan sa
pagkakaroon ng kabutihang-asal.
Halimbawa:
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makakarating sa paroroonan.
22. Sawikain
Nagtataglay ng talinghaga sapagkat ito ay may nakatagong
kahulugan. Sa ibang sanggunian tinatawag itong idyoma o
kaya naman ay eupemistikong pahayag.
Halimbawa:
Bulang-gugo gastador; galante
23. Kasabihan
Ang mga kasabihan noong unang panahon ay yaong
ipinalalagay na mga sabihin ng mga bata at matatanda na
katumbas ng mga tinatawag na Mother Goose Rhymes. Ang
kasabihan ay karaniwang ginagamit sa panunukso o
pagpuna sa kilos ng isang tao.
24. Bugtong
Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng
paglalarawan. Ito ay binibigkas nang patula at may lima
hanggang labindalawang pantig. Ang mga Tagalog, ang
pinakamayaman sa bugtong.
Halimbawa:
Bungbong kung Liwanag, kung gabi ay dagat. {Banig}
25. Palaisipan
Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng
mga tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin. Ito ay
nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang Pilipino ay sanay
mag-isip at kanilang ipinamana ito sa kanilang mga inapo
Halimbawa:
Sa isang kulungan ay may limang baby na inaalagaan si Mang Juan. Lumundag
ang isa. Ilan ang natira?
26. Bulong
Ang bulong ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang
ginagamit na pangkulam o pangontra sa kulam, engkanto, at
masamang espiritu.
Halimbawa:
Tabi-tabi po nuno, makikiraan lang po.
27. Kuwento ni Inay
Noong silay bata pa
Tingin lang ni Lola
Silay tumatahimik na
Respeto sa magulang
Kitang-kita sa kanila.
Ngayon daw ay iba na
Ugali ng mga bata
Pagsabihan mot sawayin
Sisimangutan ka na
Ibay magdadabog pa
Paggalang bay wala na?
Higit na mabait
Mga bata noon.
Mas Malaya naman
Mga bata ngayon.
Bakit nag-iba?
Dahil ba sa panahon?
Ang sagot diyan.
Ikaw ang tumugon.
NOON
AT
NGAYO
N
28. PAGHAHAMBING
Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay
nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan
ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay
na pinaghahambing.
Isang mahalagang sangkap s auri ng paglalahad ay hambingan ng
ng pang-uri. Ito ay ang paglalarawan ng tao, bagay, lugar o
pangyayaring nakatuon sa dalawa o higit pa. May dalawang uri
ng paghahambing:
1. Pahambing na Magkatulad- sa magkatulad na katangian ay
ginagamit ang mga panlaping gaya ng magka, sing-, sim-, sin-,
magsing-, magsim-, magsin-, ga-, pareho, kapwa.
29. 2. Pahambing na Di magkatulad-
a. Palamang- nakahihigit sa katangan ang isa sa dalawang
pinaghahambing. Ginagamitg ang higit, lalo, mas, di-hamak.
b. Pasahol- kulang sa katangian ang isa sa dalawang
pinaghahambing. Ginagamit ang di gaano, di gasino, di
masyado