EsP10: Mga isyung moral tungkol sa Buhay_044009.pptxJun-Jun Borromeo
油
Ang tao ay nilikhang malaya ng Diyos ngunit hindi ito nangangahulugang may karapatan na tayong gumawa ng masama sa ating kapwa man o sa ating sarili. Ang katawan ng tao ay templo ng Diyos kaya't nararapat lang na pangalagaan ito at huwag abusuhin. Sa modyul na dito, natalakay ang iba't ibang isyu tungkol sa buhay. Kabilang na rito ang paggamit ng bawal na gamot, alkoholismo, aborsiyon, pagpapatiwakal, at euthanasia or mercy killing. Maraming tukso an matatagpuan sa mundo na kailangang iwasan. Ngunit, ang ilan sa atin ay hindi magawang iwasan ang tuksong ito--- ang pagkalulong sa droga. Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay isa sa mga isyung tungkol sa buhay na kinakaharap ng ating lipunan sa ngayon. Ito ay nagdudulot ng kahirapan sa pag-proseso sa impormasyong dumadaloy sa isip ng tao. Nakakapagdulot din ito ng pagtaas sa bilang ng krimen sa isang bansa. Tulad ng paggamit ng droga, ang labis na pag-konsumo ng alak o tinatawag na alkoholismo ay isa rin sa mga isyu tungkol sa buhay. Ito ay nakakapagdulot ng maraming kimplikasyon sa katawan ng tao. Masasabing naaapektuhan ng alak o alkohol ang operasyon ng isip at kilos-loob ng tao na naging dahilan kung bakit nakagagawa siya ng mga bagay na hindi inaasahan katulad ng pakikipag-away sa kapuwa. Maraming kabataan ang nalululong sa droga at peer pressure ang isa sa mga sanhi nito. Hindi kailanman magiging makatuwiran na gumamit ng droga para lang mabilang sa isang grupo. Bilang isang kabataan, alam ko na ako ay maaaring maimpluwensiyahan ng aking kaibigan na gumawa ng isang bagay, mabuti man o masama. Ako ay binigyan ng pribelihiyong magkaroon ng iisip at kilos-loob, kaya nasa desisyon ko na kung magpapadala ba ako sa kanila na gumawa ng maasama o pipiliin kong pumanig sa tama. Ayon kay Agapay (2007), Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina. Maraming debate ang naganap kung gagawin ba itong legal o hindi. Mayroong dalawang panig tungkol dito: Pro-life at Pro-choice. Para sa akin, sumasang-ayon ako sa panig ng Pro-life dahil ituturing kong isang tao na may buhay ang fetus na may pagkakataon pang mabuhay sa mundo. Ang pagpapatiwakal naman ang sunod na itinalakay sa modyul na ito. Ang pagpapatiwakal ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan. Ang kawalan ng pag-asa ang isa sa mga sanhi nito. Para sa akin, ang pinaka- epektibong solusyon dito ay ang pananalig sa Diyos. Ang euthanasia o mercy killing ay isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at wala nang lunas na karamdaman. Ito aytumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina at kagamitan upang tapusin ang paghihirap ng isang maysakit. Mahirap magdesisyon kung gagawin ba natin ang prosesong ito o hindi lalo na't mahal mo sa buhay ang nasa sitwasyong ito. Ang mga nabanggit ay mga isyung tugkol sa buhay.
ESP6-Quarter 4 WEEK 4 DAY 2 iSPIRITWALIDADjonahforel4
油
local_media6485474161169553927378678.pdf
1. Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG LUNGSOD NG MABALACAT
Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________
Paaralan: _______________________________ Petsa: ________________
GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikatlong Markahan Ikatlong Linggo
Paggalang sa Buhay
I. Panimula
Ano ang pinakapaborito mo sa lahat ng regalong natanggap mo?
Marahil espesyal sa iyo ang taong nagbigay nito o espesyal rin ang regalong
natanggap mo. Ano kaya ang mararamdaman ng taong naghandog sa iyo ng
regalo kung ito ay mawawala o masisira? Paano mo pinapakita ang
pagpapahalaga mo rito? Katulad din ba ito ng pagpapahalaga mo sa regalong
binigay sa iyo ng Diyos ang iyong buhay?
II.Kasanayang Pampagkatuto
Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay. (ESP10PB-IIIc-10.1)
Nasusuri ang mga paglabag sa paggalang sa buhay. (ESP10PB-IIIc-10.2)
III. Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. matutukoy ang mga gawain na lumalabag sa paggalang sa buhay;
2. mahahanay ang mga gawain na lumalabag sa paggalang sa buhay sa
bawat sitwasyon; at
3. mapaliliwanag ang kahalagahan ng paggalang sa buhay sa
pamamagitan ng pagbuo ng akrostik.
2. 2
IV. Pagtatalakay
Ang buhay ang pinadakilang kaloob ng Diyos sa tao. Sa pamamagitan
ng buhay ay naisasakatuparan ng tao ang kanyang layunin. Sa lahat ng may
buhay, espesyal ang tao sapagkat nilalang siya ng Diyos ayon sa Kanyang
wangis. Dahil dito pinagkatiwalaan Niya ang tao na pangalagaan nito ang
sarili nitong buhay maging ang buhay ng iba Niyang nilalang.
Gaano kahalaga ang buhay ng tao? May katumbas ba itong halaga gaya
ng kidnap for ransom na humihingi ng malaking halaga ng pera kapalit ang
buhay ng biktima (Gomez, 2016). Tandaan, walang katumbas na halaga ang
buhay ng tao. Ito ay priceless at hindi maaaring tumbasan ng salapi.
Walang sinuman ang maaaring kumuha nito, maging ang mismong
nakatanggap nito.
Ang ibig sabihin ng paggalang sa buhay ay pangangalaga sa kalusugan,
pagiging maingat sa mga sakuna at pagsasaalang-alang ng sariling kaligtasan
at ng buhay ng iba. (Macabeo, 2019)
Ang buhay natin ay hiram lamang mula sa ating Panginoon kaya ito ay
mahalaga at dapat ingatan at mahalin. Sa kabila ng katotohanang ito, narito
ang ilan sa mga isyung lumalabag sa paggalang sa buhay ng tao.
A. Ang Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot
Nakakatakot isipin na may mga kanta at palabas na ang tema ay
tungkol sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Tila naging normal na
lamang ito at naging basehan ng mga kabataan sa pagiging cool, o paraan
upang matanggap ng mga barkada (peer group), at kadalasan ay upang
makatakas mula sa problema sa kani-kanilang pamilya. May iilan naman na
nadala lamang ng kuryosidad kaya sinubukan ang paggamit nito hanggang
sa nauwi sa pagkalulong. Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay
maituturing na paglapastangan sa sariling buhay at maging sa buhay ng iba.
Ito ay nagdudulot ng masamang epekto sa isip at katawan. Dahil sa droga,
ang isip ng tao ay nagiging blank spot. Nahihirapan ang isip na maiproseso
ang ibat ibang impormasyon na dumadaloy dito na karaniwang nagiging
sanhi ng maling pagpapasiya at pagkilos (Brizuela, 2019). Karamihan sa mga
krimen na nagaganap sa ating lipunan ay may kaugnayan sa paggamit ng
droga. Ang taong lulong sa ipinagbabawal na gamot ay maaaring gumawa ng
kalapastangan sa kanyang kapuwa, maging sa kanyang sariling pamilya.
Ilang buhay na ba ang nasira o nawala dahil sa impluwensiya ng
ipinagbabawal na gamot na ito? Ilang krimen pa ba ang magaganap na dulot
nito? Mahalaga na magkaroon ng sapat at tamang kaalaman hindi lamang
ang mga kabataan ngunit maging ang bawat mamamayan ukol dito upang
maiwasan ang mas malaking problema na dala nito.
3. 3
B. Alkoholismo at Paninigarilyo
Ang mga bisyong paglalasing at paninigarilyo ay kapwa may masamang
epekto sa tao. Humihina ang resistensiya ng katawan ng taong labis ang
pagkonsumo ng alak at sigarilyo. Maaari itong magdulot ng cancer, sakit sa
atay, baga at kidney at maaaring mauwi sa kamatayan (Brizuela, 2019). May
mga krimen din na dala ng alkoholismo tulad ng pakikipag away na nauuwi
sa sakitan o kamatayan; mga aksidente sa kalsada dahil sa pagmamaneho
ng lasing at iba pa. Ang paninigarilyo ay hindi lamang nagdudulot ng sakit sa
mga mismong naninigarilyo ngunit maging sa mga secondhand smokers o sa
mga taong nakalalanghap ng usok mula sa taong naninigarilyo. Maraming
nagsasabi na paraan lamang ito upang mabawasan ang stress o
pansamantalang makalimot ng problema, ngunit dapat nating maunawaan
na ang gawaing ito ay maaaring magbunga ng mas malaking problema sa
ating pakikipagkapuwa-tao, at higit sa ating kalusugan. Hindi tayo dapat
magpalinlang sa pansamantalang ginhawang hatid nito dahil sa huli, sakit
lamang sa katawan at ulo ang dala nito.
C. Aborsiyon
Bagamat pinapahintulutan ang aborsiyon o pagpapalaglag sa ibang
panig ng mundo, ilang dekada nang usapin ang tungkol sa pagpapalegal ng
aborsiyon sa ating bansa. Ano ang aborsiyon at bakit isa ito sa mga
pinakamahalagang isyu patungkol sa paggalang sa buhay?
Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng fetus o sanggol sa
sinapupunan ng ina. Ang isyu patungkol sa aborsiyon ay nagbunga ng
dalawang magkasalungat na posisyon sa publiko; ito ang Pro-life at Pro-choice.
1. Pro-life. Kinikilala nito ang likas na karapatan at dignidad ng tao na
mabuhay mula sa konsepsiyon hanggang kamatayan (Macabeo, 2019).
Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang buhay ay nagsisimula
sa pagsasanib ng punlay at itlog mula sa mga magulang (fertilization).
(Gomez, 2016)
2. Pro-choice. Ito ay tumutukoy sa pagpapasiya at pagpili batay sa sariling
paniniwala, kagustuhan, at iniisip na tama (Macabeo, 2019).
Naniniwala ang mga tagapagsulong nito na ang fetus ay hindi pa
maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa itong kakayahang
mabuhay sa labas ng sinapupunan ng kanyang ina. Samakatuwid,
umaasa pa lamang ito sa katawan ng kanyang ina upang mabuhay.
May karapatan at malaya ang ina na magpasiya para sa sariling
katawan (Brizuela, 2019).
4. 4
May dalawang uri ng aborsiyon:
1. Kusa (Miscarriage). Ito ay tumutukoy sa natural na mga pangyayari
at hindi ginagamitan ng medikal o artipisyal na pamamaraan.
2. Sapilitan (Induced). Sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng
mga gamot ay nagwawakas ang buhay ng sanggol sa sinapupunan
ng kanyang ina.
Ibat iba ang dahilan sa pagpili ng gawaing ito. Marahil dala ng takot
dahil hindi pa handa sa responsibilidad ang mga magulang ng sanggol o
bunga ito ng pagkakamali. Ngunit pamilyar ka ba sa kasabihang Hindi
maitatama ng mali ang isa pang pagkakamali? Hindi nararapat na madamay
ang sanggol na nabuo dahil sa kapusukan ng magulang nito. Kailangang
harapin ng ama at ina ang responsibilidad ng ginawa nilang aksiyon.
Ang iba naman ay dala ng kahihiyan o dili kayay dulot ng masamang
pangyayari o pang-aabuso ang dahilan ng pagbubuntis. Paano ba
matatanggap ng isang ina ang sanggol na paulit-ulit na magpapaalala sa
kanya ng paglapastangan sa kanyang pagkatao? Sapat ba itong dahilan
upang magwakas ang buhay ng sanggol na bunga ng kasalanan? Ayon kay
Prof. Stephen Kraason (2012), sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang
suporta, ang mga nabuntis na biktima ng panggagahasa ay nagkakaroon ng
pagbabago sa kanilang kaisipan tungkol sa kanilang ipinagbubuntis,
nagkakaroon sila ng pananaw na may katuturan na buhayin ang sanggol na
dinadala nila. Tandaaan, ang sanggol ay inosente at walang kalaban-laban
gaya ng kanyang ina na biktima ng pang-aabuso. Hindi maitatama ng
aborsiyon ang masamang pangyayari.
Walang makatuwirang dahilan upang boluntaryong ipalaglag ang isang
sanggol maliban na lamang kung ito ay payo ng doktor upang iligtas ang ina
na nasa bingit ng kamatayan o hindi ligtas para sa ina ang kanyang
pagbubuntis. Sa kadahilanang ito, wala siyang kakayahan na ipagpatuloy
ang kanyang pagbubuntis dahil ito ay makakasama sa kanyang kalusugan
at maaaring humantong sa kamatayan.
D. Euthanasia (Mercy Killing)
Ang salitang Euthanasia ay galing sa salitang Griyego na ang ibig
sabihin ay mabuting kamatayan (Gomez, 2016). Isa itong pamamaraan kung
saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may malubhang
karamdaman na maaari ring mauwi sa kamatayan dahil wala na itong lunas.
Ginagamitan ito ng modernong kagamitan o medisina upang tapusin ang
paghihirap ng taong maysakit.
5. 5
Dalawang uri ng Euthanasia:
1. Active Euthanasia. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng
gamot na nakakapagdulot ng kamatayan sa isang tao. Ito ay mahigpit
na ipinagbabawal sa maraming bansa dahil ito raw ay malinaw na
suicide o murder kaya itinuturing na imoral (Macabeo, 2019).
2. Passive Euthanasia. Ito ay pagtigil sa pagbibigay ng gamot at mga
medikal na serbisyo. Ilan sa paraan nito ay ang pagtanggal ng
makinang sumusuporta sa buhay ng pasyente o pagtigil sa pagbibigay
ng gamot na maaaring makapagpahaba ng kanyang buhay. Ito ay
itinuturing na lehitimo sapagkat tinatanggap lamang na ang
kamatayan ng tao ay hindi maaaring pigilan.
E. Pagpapatiwakal (Suicide)
Ang pagpapatiwakal o suicide ay sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling
buhay at naaayon sa sariling kagustuhan. Kadalasan, ginagawa ito upang
takasan ang hirap at problema na nararanasan sa mundo. Nawawalan na sila
ng pag-asa na magpatuloy kaya pinipili na lamang nilang tapusin ang
kanilang buhay. Nakikita nila ang kanilang sarili na wala nang halaga. Ang
iilan naman ay nakararanas ng depresyon na kung hindi maaagapan ay
mauuwi sa pagpapatiwakal. Samantalang may mga pagkakataon naman na
hindi kapansin-pansin ang kanilang pinagdadaanan dahil sa pinapakita
nilang mga ngiti at tawa upang pagtakpan ang lungkot na kanilang
nadarama. Ito ay patunay na nararapat na batiin at komustahin natin ang
mga taong mahahalaga sa atin, maging ang ibang nakakasalamuha natin.
Marahil sa simpleng pagbati, pangongomusta at pakikipag-usap ay
makapagbigay tayo ng pag-asa at makasagip ng isang buhay. Mahalaga ang
pagpapatibay ng support system na kinabibilangan ng ating pamilya at tunay
na mga kaibigan na nagbibigay sa atin ng pagmamahal at tunay na saya
(Brizuela, 2019). Higit sa lahat, ang tunay at matatag na pananalig sa Diyos
ang makakatulong sa atin upang mapagtagumpayan ang anumang hamon sa
atin ng buhay. Gaya ng ating natunghayan sa nakaraang aralin, ang tunay
na pagmamahal mo sa Diyos ang nagsisilbing dahilan upang mahalin mo ang
regalong Kanyang binigay sa iyo at ito ang iyong buhay, maging ang buhay
ng iyong kapuwa. Kung pinapahalagahan mo ang regalong ito, hindi mo ito
sasayangin; sa halip ay pangangalagaan mo ito at gagamitin sa mabuti upang
patunayan na karapat-dapat ka sa pagtanggap ng regalong ito.
Ang buhay ay sagrado. Ito ay biyaya ng Diyos sa iyo at sa lahat nang
nagtataglay nito. Ang bawat pagmulat ng iyong mata sa umaga, bawat pintig
ng iyong puso at bawat paghinga ay isang kahanga-hangang regalo mula sa
Diyos. Ito ay binigay sa iyo upang magampanan mo ang dahilan ng iyong
6. 6
pagkalalang mahalin ang Diyos at mahalin ang ibang tao. Isang indikasyon
ng kawalan ng pasasalamat at pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos ang hindi
paggalang sa kasagraduhan ng buhay.
V. Mga Gawain
Gawain #1
Panuto: Sa pamamagitan ng mga larawan, tukuyin ang mga gawain na
lumalabag sa paggalang sa buhay.
1.
__________________
2.
__________________
3.
__________________
4.
__________________
5.
__________________
6.
__________________
7. 7
Gawain #2
Panuto: Piliin sa hanay B ang nilalarawan sa hanay A. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.
A B
______1. Natuklasang may cancer sa baga ang A. Aborsiyon
walong taong gulang na apo ni Pina.
Ang sanhi ng sakit ng bata ay ang B. Alkoholismo
walang humpay na paninigarilyo ng
mga kasama nila sa bahay. C. Active Euthanasia
______2. Isa sa mga dahilan ng nakawan sa D. Paggamit ng
barangay nina Aling Resi ay ang ipinagbabawal na
pagdami ng mga gumagamit ng gamot
ipinagbabawal na gamot.
E. Pagpapatiwakal
______3. Nauwi sa gulo at sakitan ang sele-
brasyon ng kaarawan ni Bert dahil F. Paninigarilyo
naparami na ang ininom na alak ng
kanyang mga kaibigan. G. Passive Euthanasia
______4. Hindi inakala ng pamilya at kaibigan
ni Fredo na kukunin niya ang sarili
niyang buhay dahil lagi naman itong
nakangiti na tila walang iniindang problema.
______5. Napagdesisyunan na ni Tess na ipalaglag
ang batang nasa kanyang sinapupunan
dahil hindi ito pananagutan ng kanyang
kasintahan at ama ng batang kanyang
dinadala.
_______6. Limang taon nang comatose ang ama ni
Joseph at hindi na nila kaya pang tustusan
ang mga gastusin sa ospital kaya nagdesiyon
ang buong pamilya na itigil na ang life
support nito.
8. 8
Gawain #3
Panuto: Magbigay ng kaalaman/ideya base sa iyong karanasan o
obserbasyon sa iyong komunidad ukol sa mga isyung moral na lumalabag sa
paggalang sa buhay. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
Mga Isyung Moral
Na Lumalabag
Sa Paggalang
Sa Buhay
Aborsiyon Alkoholismo Euthanasia
Paggamit Pagpapatiwakal Paninigarilyo
Ng Ipinagbabawal na
Gamot
Rubrik para sa Gawain 3
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
PUNTOS
NAKUHANG
PUNTOS
Kaangkupan ng sagot 4
Nilalaman ng sagot 3
Kaayusan ng ideya 3
Kabuuan 10
9. 9
Gawain #4
Panuto: Ipaliwanag ang kahalagahan ng BUHAY sa pamamagitan ng pagbuo
ng akrostik gamit ang salitang REGALO. Isulat ang sagot sa patlang.
R _______________________________________________________________________
E _______________________________________________________________________
G _______________________________________________________________________
A _______________________________________________________________________
L _______________________________________________________________________
O _______________________________________________________________________
Rubrik para sa Gawain 4
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN PUNTOS NAKUHANG
PUNTOS
Kawastuhan ng mga salitang ginamit 4
Nilalaman at kabuuan ng mga pangungusap 3
Kaayusan ng ideya 3
Kabuuan 10
VI. Pagsusulit
Panuto: Bilugan ang letra ng pinakaangkop na sagot.
1. Ito ay pagkilala sa likas na karapatan at dignidad ng tao na mabuhay
mula konsepsiyon hanggang kamatayan.
A. Pro-life C. Life
B. Pro-choice D. Pro-line
2. Ito ay tumutukoy sa pagpapasiya at pagpili batay sa sariling
paniniwala, kagustuhan, at iniisip na tama.
A. Pro-life C. Life
B. Pro-choice D. Pro-line
3. Ito ay isyu ng moral na tumutukoy sa pagpapalaglag o pag-alis ng fetus
o sanggol sa sinapupunan ng ina.
A. Pagpapatiwakal C. Euthanasia
B. Alkoholismo D. Aborsiyon
10. 10
4. Ito ay isang pamamaraan ng paggamit ng modernong medisina upang
wakasan ang buhay ng taong may malubhang sakit na kailanman ay
hindi na gagaling pa.
A. Lethal Injection C. Euthanasia
B. Suicide D. Abortion
5. Dahil sa droga, ang isip ng tao ay nagiging ________________.
Nahihirapan ang isip na maiproseso ang ibat ibang impormasyon na
dumadaloy dito.
A. Blank Space C. Blank Sheet
B. Blank Spot D. Tabula Rasa
6. Isang uri ng mercy killing na kung saan ito ay ilegal dahil ginagamitan
ito ng gamot upang makapagdulot ng kamatayan.
A. Euthanasia C. Passive Euthanasia
B. Active Euthanasia D. Active-Passive Euthanasia
7. Mahalagang mapagtibay ang ____________________ ng mga taong
nagnanais na tapusin ang sariling buhay.
A. Life Support C. Support System
B. Pagmamahal D. Mental Support
8. Ito ay itinuturing na lehitimong uri ng Euthanasia sapagkat
tinatanggap lamang na ang kamatayan ng tao ay hindi maaaring
pigilan.
A. Euthanasia C. Passive Euthanasia
B. Active Euthanasia D. Active-Passive Euthanasia
9. Isang uri ng aborsiyon na tumutukoy sa natural na mga pangyayari at
hindi ginagamitan ng medikal o artipisyal na pamamaraan.
A. Kusa (miscarriage) C. Pro-choice
B. Sapilitan (Induced) D. Pro-life
10. Sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng mga gamot ay
nagwawakas ang buhay ng sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina.
A. Kusa (miscarriage) C. Pro-choice
B. Sapilitan (Induced) D. Pro-life
11. 11
VII. Pangwakas
Repleksiyon
Panuto: Buuin ang tsart sa ibaba sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong na makikita sa bawat kahon. Isulat ang sagot loob ng kahon.
Ano ang konseptong
natutunan ko?
Anong pagpapahalaga
ang natutunan ko?
Paano ko magagamit
ang natutunan ko sa
totoong buhay?
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
PUNTOS NAKUHANG
PUNTOS
Pamantayan
Sapat at akma ang nilalaman ng mga kasagutan. 10
Maayos ang organisasyon ng mga ideya. 7
Wasto ang pagbaybay at gramatika 3
Kabuuang Puntos 20
12. 12
VIII. Sanggunian
Brizuela, Mary Jean B., Arnedo, Patricia Jane S., Guevara, Goeffrey A., Valdez, Earl P.,
Rivera, Suzanne M., Yumul, Benedick Daniel O., Rito, Glenda N., Gayola, Sheryll T. 2019.
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 13. Published Modules.
Carlos, Marynol G., Nicdao, Myla V. 2020. Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Quarter 1 Week 1.
Unpublished LAS.
Gomez, M. G. at Briones, E. H. 2016. Lilok 10. Trinitas Publishing, Inc.
Macabeo, A. 2019. Butil sa Pagpapahahalaga 10. St. Augustine Publications,
Inc.
Mga Larawan:
Alcohol Abuse. Retrieved January 02, 2021 from https://justbeerapp.com/article/what-to-do-if-
your-friend-has-had-too-much-to-drink-responsible-drinking &
https://www.everydayhealth.com/news/essential-facts-about-alcohol-abuse/
Cigarette. Retrieved January 02, 2021 from https://www.newswise.com/articles/heavier-
smoking-linked-to-skyrocketing-health-risks
Comatose patient. Retrieved January 02, 2021 from
https://www.neuroadvise.com/2018/12/coma-overview-of-anatomic-localization/
Drug abuse. Retrieved January 02, 2021 from
https://www.sunflowerwellnessretreat.com/addiction-blog/5-effects-drug-abuse-families/
Drug addiction. Retrieved January 02, 2021 from https://www.businessinsider.com/physical-
vs-psychological-addiction-2016-4
Fetus. Retrieved January 02, 2021 from https://www.whattoexpect.com/pregnancy/fetal-
development/fetal-sex-organs-reproductive-system/
Life line. Retrieved January 02, 2021 from https://care.org.uk/news/2020/10/euthanasia-for-
children
Rope. Retrieved January 02, 2021 from https://www.deccanherald.com/national/one-dies-by-
suicide-every-four-minutes-in-india-maharashtra-tamil-nadu-karnataka-among-top-five-
states-881077.html
Scissors. Retrieved January 02, 2021 from https://www.stickpng.com/img/tools-and-
parts/scissors/scissors-clipart
13. 13
Suicidal Person. Retrieved January 02, 2021 from
https://www.streetroots.org/news/2019/04/05/connection-between-eviction-and-suicide
Tobacco. Retrieved January 02, 2021 from https://cen.acs.org/articles/95/i14/Can-tobacco-
clean-up-its-act.html
14. 14
IX. Susi sa Pagwawasto
Gawain
3
Maaaring
magkakaiba-
iba
ang
mga
kasagutan
Gawain
2
1.
f
2.
d
3.
b
4.
e
5.
a
6.
g
Gawain
1
1.
Aborsiyon
2.
Alkoholismo
3.
Euthanasia
4.
Paggamit
sa
Ipinagbabawal
na
Gamot
5.
Pagpapatiwakal
6.
Paninigarilyo
Pagsusulit
1.
a
2.
b
3.
d
4.
c
5.
b
6.
b
7.
c
8.
c
9.
a
10.
b
Repleksiyon
Maaaring
magkakaiba-
iba
ang
mga
kasagutan
Gawain
4
Maaaring
magkakaiba-
iba
ang
mga
kasagutan
15. 15
X. Grupo ng Tagapaglinang
Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pampagkatuto
Manunulat: Maria Lea L. Castulo
Patnugot: Myrna M. Valencia, EdD
Tagasuri ng Nilalaman: Mercidita Saldero
Jacqueline C. Tuazon
Lorna V. Guintu
Patnugot ng Wika: Jennifer Bungque-Ilagan, EdD
Tagalapat: Jenaro C. Casas, Juliane Nicole Paguyo
Tagaguhit:
Grupo ng Tagapaglinang: May B. Eclar, PhD, CESO III
Rhoda T. Razon, PhD
Elizabeth M. Perfecto, EdD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Rosalinda S. Ibarra, PhD
Ericson S. Sabacan, EdD, CESO VI
Leandro C. Canlas, PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla, PhD
Sonny N. De Guzman, EdD
Myrna M. Valencia, EdD
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education Division of Mabalacat
P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga
Telefax: (045) 331-8143
E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph