Grade 1 Week 4 Quarter 3 GMRC Presentation for teachers of Grade 1 who are bu...estrellaagabe
Ìý
DEMO TEACHING FOR GRADE 1 Q4 WEEK 3. for faster understanding of concepts. it is developed solely for Grade 1 Learners to enjoy learning in GMRC. it enables Grade 1 learners to achieve the objective at the targeted time. This presentation gives clarity and opportunity to develop concepts and understanding on the developing of values and good
2. Balik-
aral:
Ano ang ekonomiks?
• Ang ekonomiks ay pag-aaral sa
pinakamahusay na paggamit ng
pinagkukunang-yaman sa kabila ng
walang katapusang kagustuhan at
pangangailangan ng tao.
Ano ang dalawang dibisyon ng ekonomiks?
• Ang ekonomiks ay nahahati sa
dalawang dibisyon: maykroekonomiks
at makroekonomiks.
3. Makroekonomiks
(Macroeconomics)
• Ang makroekonomiks ay dibisyon ng
ekonomiks na pinag-aaralan ang gawi
ng kabuuang ekonomiya.
• Sinusuri nito ang pambansang
ekonomiya.
• Pangunahing layunin ng pag-aaral ng
pambansang ekonomiya ang malaman
kung may paglago sa ekonomiya
(economic growth) ng bansa.
4. Ano ang Pambansang
Ekonomiya?
• Ito ay tumutukoy sa
lagay ng
ekonomiya ng isang
bansa.
• Ito ang pag-aaral
kung
natutugunan ba
ng mga
mamamayan
ang kanilang mga
pangangailangan.
Kung HINDI,
5. Economic
Models
• Sinisikap ng makroekonomics na makabuo ng
pamamaraan (economic policies) upang
mapatatag ang pambansang ekonomiya .
• Gumagamit ng mga modelo (economic models)
sa pagsusuri ang makroekonomiks. Sa
pamamagitan ng modelo, naipapakita nang
simple ang realidad. Ipinapaliwanag nito ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga datos.
6. Economic
Models
• Ito ay representasyon ng isang konsepto
o kaganapan. Ito ang nagbibigay ng
konteksto sa pagsusuri ng pambansang
ekonomiya sa makroekonomiks.
• Ito ang naglalarawan ng interdependence
ng lahat ng sektor ng isang ekonomiya.
7. Panimula:
• May iba’t ibang modelo ang
pambansang ekonomiya. Sa
pamamagitan nito, naipakikita nang
simple ang reyalidad.
• Upang mailarawan ang galaw ng
pambansang ekonomiya sa isang
simpleng kalagayan, naipakikita ito sa
pamamagitan ng Paikot na Daloy ng
Ekonomiya.
8. Ano ang Paikot na Daloy ng
Ekonomiya (Circular Flow
Model)?
• Isang economic model na naglalarawan sa
ugnayan ng iba’t ibang kasapi sa
pambansang ekonomiya.
• Ipinaliwanag rin nito ang ugnayang
namamagitan sa bawat kasapi ng
pambansang ekonomiya.
Pinagkunan:
https://en.wikipedia.org/wiki/
Circular_flow_of_income
9. MGA KASAPI NG PAIKOT NA DALOY
NG EKONOMIYA
• Sambahayan – binubuo ng mga konsyumer. Sila ang
may-ari ng salik ng produksyon (LMKE) at
gumagamit ng kalakal at serbisyo.
• Bahay-kalakal – binubuo ng mga prodyuser. Sila ang
taga gawa ng kalakal at serbisyo at nagbabayad sa
sambahayan ng halaga ng produksyon (USIT).
• Pamahalaan – nangungulekta ng buwis at
nagkakaloob ng serbisyo at produktong
pampubliko.
• Institusyong pinansyal – tumatanggap ng
ipon at nagpapautang ng pondo.
10. Unang Modelo
Payak na Ekonomiya
• Ito ay nagpapakita
ng isang payak na
ekonomiya na
kung saan ang
sambahayan at
bahay-kalakal ay
iisa.
• Ang gumagawa ng
produkto ay siya
ring
kumukonsumo.
11. Ikalawang Modelo:
Ang Bahay-kalakal at Sambahayan
• Sa modelong ito, ang ekonomiya ay
nahahati sa dalawang sektor: ang
sambahayan at bahay kalakal.
• Mayroong itong dalawang pamilihan: ang
pamilihan ng salik ng produksiyon
(resource market) at pamilihan ng mga
tapos na produkto at serbisyo. (product
market).
13. Ikalawang Modelo
Ang Bahay-kalakal at
Sambahayan.
• Ipinagbibili o pinapaupahan ng
sambahayan ang paggamit ng
kanilang lupa, lakas- paggawa, kapital,
pamamahala sa pamilihan ng salik ng
produksiyon (resource market).
• Binibili naman ito ng bahay-kalakal na
ginagamit sa paggawa ng mga
produkto at serbisyo na ipinagbibili
sa sambahayan sa pamilihan ng mga
tapos na produkto at serbisyo (product
market).
14. Ikalawang Modelo
Ang Bahay-kalakal at
Sambahayan.
• Ang nasa labas naman na daloy
ay nagpapakita ng kita ng
ekonomiya.
• Ginagamit ng sambahayan ang salapi sa
pagbili ng mga produkto at serbisyo
mula sa bahay-kalakal.
• Ginagamit ng bahay-kalakal ang kanilang
kinikitang salapi sa pagbabayad ng
paggamit nila ng mga salik ng
produksiyon gaya ng sahod, renta, interes
at ang matitira ay tubo para sa may-
ari ng bahay-kalakal.
15. Ikatlong
Modelo
Pamilihang Pinansyal
• Sa ikatlong modelo, ang kita ng
pambansang ekonomiya ay maitatakda
ng kabuuang gastusin ng sambahayan
at bahay-kalakal. Kasama na rito ang
gastusin sa pamumuhunan ng bahay-
kalakal at ang kita ng sambahayan sa
pag-iimpok.
• Ang paglago ng pambansang ekonomiya
ay nakabatay sa pagtaas ng
produksiyon. Ang pagtaas ng
produksyon ay nakabatay sa paglaki
ng pamumuhunan.
16. Ikatlong
Modelo
Pamilihang Pinansyal
• Ang pag-iimpok ay pagpapaliban sa
paggastos ng sambahayan para sa
kanilang mga pangangailangan para sa
hinaharap.
• Ito ay maaaring ilagay sa
pamilihang pinansyal (financial
market).
• Dahil dito, ang pag-iimpok ay isang
palabas na daloy sa paikot na daloy ng
ekonomiya.
18. Ikatlong
Modelo
Pamilihang Pinansyal
• Upang maging matatag ang ekonomiya,
kailangang may sapat na ipon ang
sambahayan. Kailangan din na may sapat
na dami ng bahay-kalakal na handang
mamuhunan.
• Inaasahan na sa pamumuhunan ng bahay-
kalakal, tataas ang produksiyon ng mga
kapital na produkto. Inaasahan na
darami rin ang mabubuksang trabaho
para sa paggawa. Sa ganitong modelo
ng ekonomiya, mahalagang balanse ang
pag-iimpok at ang pamumuhunan.
19. Ika-apat na
Modelo
Paglahok ng Pamahalaan
• Ito ang modelo ng ekonomiya kung saan
ang pamahalaan ay lumalahok sa
sistema ng pamilihan.
• Bukod sa pag-iimpok at pamumuhunan,
ang pagbabayad ng buwis ay nagiging
karagdagang gawain sa ekonomiya.
• Ang pagbabayad ng buwis ay takdang
gawain ng sambahayan at bahay-
kalakal sa isang pamilihan.
21. Ika-apat na
Modelo
Paglahok ng Pamahalaan
• Sumisingil ng buwis ang pamahalaan
upang kumita. Ang kita mula sa
buwis ay tinatawag na public revenue.
• Ito ang ginagamit ng pamahalaan
upang makalikha ng pampublikong
paglilingkod.
• Ang mga pampublikong paglilingkod ay
nauuri sa pangangailangan ng
sambahayan at ng bahay-kalakal.
22. Ika-apat na
Modelo
Paglahok ng Pamahalaan
• Upang maging matatag ang ekonomiya,
mahalagang maihatid ang mga
pampublikong paglilingkod na ipinangakong
isasakatuparan sa pagsingil ng buwis.
• Hangad ng bawat sektor na makita ang
kinahinatnan ng kanilang pagbabayad ng
buwis.
• Hindi maiiwasan na magtaas sa pagsingil ng
buwis. Ngunit mahalaga na hindi
makaramdam ng paghihirap ang mga
sektor sa pagtataguyod ng mga
pangangailangan at kagustuhan.
23. Ikalimang
Modelo
Kalakalang Panlabas
• Ang kalakalang panlabas ay may
kinalaman sa pag-aangkat at pagluluwas
ng mga produkto at serbisyo sa ibang
bansa.
• Ang pag-aangkat (import) ay pagbili ng mga
produkto at serbisyo mula sa ibang
bansa, samantalang ang pagluluwas
(export) ay pagbebenta ng mga produkto at
serbisyong gawa sa ating bansa.
24. Bukas at Saradong
Ekonomiya
• Ang saradong ekonomiya at bukas na ekonomiya
ang dalawang perspektiba sa pagsusuri ng
pambansang ekonomiya.
• Sarado ang ekonomiya kung ang
pambansang ekonomiya ay hindi
nakikilahok sa kalakalang panlabas.
• Bukas ang ekonomiya kapag ang
pambansang ekonomiya ay
nakikilahok sa kalakalang panlabas.
26. Ikalimang
Modelo
Kalakalang Panlabas
• Makikita sa modelong ito ang relasyon ng
panlabas na kalakalan sa paikot na daloy
ng ekonomiya.
• Lumilikha ng produkto mula sa
pinagkukunang- yaman ang pambansang
ekonomiya. Gayundin ang dayuhang
ekonomiya.
• Nakikipagpalitan ang dalawang ekonomiya
ng produkto sa isa’t isa.
• Ang bahay kalakal ay nagluluwas (export) ng
mga produkto sa panlabas na sektor
samantalang ang sambahayan ay nag-
aangkat (import) mula dito.
27. Buod
: Unang Modelo
• Ang gumagawa ng produkto ay siya
ring kumukonsumo.
Ikalawang Modelo
• Nahahati ang ekonomiya sa
dalawang sektor: ang sambahayan
at bahay- kalakal.
Ikatlong Modelo
• Dito pumapasok ang pag-iimpok at
pamumuhunan.
Ika-apat na Modelo
• Lumalahok ang pamahalaan
sa Sistema ng Pamilihan.
Ikalimang Modelo
• Pagkakaroon ng relasyon ng
panlabas na kalakalan sa paikot na
daloy ng ekonomiya.
28. Isaisip:
• Ipinapakita sa modelo ng paikot na
daloy ng ekonomiya ang ugnayan ng
iba’t ibang kasapi sa pambansang
ekonomiya. Sa sistemang ito, makikita
na mahalaga ang pakikilahok ng bawat
mamamayan sa kahit na anong sektor
ang kanyang kinabibilangan.
29. • Sa iyong palagay, mahalaga ba sa
ekonomiya ng Pilipinas ang
pakikipagkalakalan sa ibang
bansa? Bakit?
PAGPAPAHALAGA
TAKDA:
Isulat ang sagot sa ½ crosswise na papel. COPY AND
ANSWER. Isulat ang pangalan, lagda at Valid ID
number ng magulang o guardian.
30. References:
• Balitao B.R. (2015), EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan
– Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon,
Department of Education
• Chua J.L. (2001), Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing
House
• De Leon, Z.M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at
Pag-
unlad, Vibal Publishing House
• Mateo, G.C. et. al.(2012), Ekonomiks Mga Konsepto
at Aplikasyon, Vibal Publishing House
• Nolasco, L.I. et. al. (2004), Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, Vibal Publishing
House
• Rivera A. O. (2020) Araling Panlipunan Unang Markahan-
Modyul 6: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili,
(Unpublished) DepEd Division of Bacoor City
31. References:
• Cabral W.E. et. al. (2020) PIVOT 4A Learner’s
Material, Araling Panlipunan G9 Ikalawang
Markahan, DepEd Region IV-A
• Activity Sheets Secondary Quarter 1, Vibal
Publishing (2020) retrieved March 20, 2020 from
https://www.vibalgroup.com/learnathome/wp-
content/uploads/2020/05/Activity_Sheets_Seconda
ry
_Tabbed.pdf
• Eko and Miya characters used with permission
from the National Economic Development
Authority (NEDA) retrieved March 20, 2020 from
http://2040.neda.gov.ph/eko-and-miya-series