Grade 7 (Alternative) Araling Panlipunan I - Learning Module for Effective an...R Borres
油
Grade 7 (Alternative) Araling Panlipunan I - Learning Module for Effective and Alternative Secondary Education
This is a compilation of Modules on AP I
Free!
Grade 7 (Alternative) Araling Panlipunan I - Learning Module for Effective an...R Borres
油
Grade 7 (Alternative) Araling Panlipunan I - Learning Module for Effective and Alternative Secondary Education
This is a compilation of Modules on AP I
Free!
Ang **akdang naratibo** ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng isang kwento o karanasan. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari na may layuning magbigay aliw, magturo, o magbigay aral sa mga mambabasa. Kadalasang gumagamit ng mga tauhan, tagpuan, at kaganapan upang maipahayag ang isang kwento sa isang tiyak na ayos o pagkakasunod-sunod.
Ang **akdang naratibo** ay may mga pangunahing elemento tulad ng **tauhan**, **tagpuan**, **tema**, **salungatan**, at **banghay**. Ang **tauhan** ang mga karakter na gumaganap sa kwento, mula sa pangunahing tauhan hanggang sa mga sumusuportang karakter. Ang **tagpuan** ay ang lugar at oras kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa kwento. Ang **tema** naman ay ang pangunahing ideya o mensahe na nais iparating sa mambabasa. Ang **salungatan** ay ang problema o hamon na kinakaharap ng mga tauhan sa kwento, at ang **banghay** ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna, hanggang sa wakas.
Halimbawa ng akdang naratibo ay ang mga **maikling kwento**, **nobela**, at **talambuhay**. Sa mga akdang ito, ang manunulat ay nagkukuwento ng isang kwento na may mga tauhan at nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang matutunan ang mga aral na dulot ng kwento. Ang isang akdang naratibo ay maaaring magtaglay ng iba't ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, takot, at pagmamahal, na nakatutulong upang mas maging makulay at buhay ang kwento.
Sa kabuuan, ang akdang naratibo ay isang mahalagang anyo ng panitikan na naglalaman ng mga kwento at karanasan na makapagbibigay ng kasiyahan at aral sa mga mambabasa.
COT Math 2 measures objects using appropriate measuring tools.pptxamantebrian
油
First Quarter Examination in Aralin.docx
1. Villaba Vocational High School, Inc.
Fatima, Villaba, Leyte
School ID: 404706
Unang Markahang Pagsusulit sa
Araling Panlipunan 7
Pangalan:
I. ANO ITO? YL/YT/YG/YM
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na mga
likas na yaman sa Timog- Silangang Asya. Isulat
ang YL kung ito ay Yamang Lupa, YT kung
Yamang Tubig, YG kung Yamang Gubat at YM
kung Yamang Mineral.
1. Bangus
2. Bundok
3. Natural gas
4. Ilog
5. Acacia
6. Langis
7. Talampas
8. Hipon
9. Prutas
10. Gulay
11. Bulkan
12. Tilapia
13. Carbon
14. Narra
15. Niyog
II. BANSA KO, TUKUYIN MO!
Panuto: Tukuyin kung saang bansa
matatagpuan ang sumusunod na mga
pangkat etnolinggwistiko sa pangkapuluan
at pangkalupaang Timog Silangang Asya.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
16. Cebuano, Bikolano at
Mangyan
17. Cham
18. Khin o Viet
19. Javanese, Sundanese
at Balinese
20. Lao Loum at Lao Theng
21. Khmer
22. Tagalog, Badjao at
Lumad
23. Timorese, Tetum at
Papuan
24. Burman, Karen at Shan
25. Thai, Miao at
26. Bruneians
27. Singaporeans
28. Lao Song
29. Achang at Kyah
30. Muong, Man at Ho
III. IDENTIFICATION
Panuto: Tukuyin ang sumusunod na mga
pahayag. Piliin sa kahon sa ibaba ang iyong
sagot. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
31. Ito ay batayang yunit ng lipunan na isa sa
pangunahing institusyong naitatag sa lipunan
32. Anyo ito ng pamilya na binubuo lamang ng
mga magulang (ina at ama) at mga anak
33. Anyo ito ng pamilya na binubuo hindi lamang
ng ama, ina at anak kundi ng iba pang kaanak
tulad ng lola, lolo, o mga kapatid ng mga
magulang
34. Ang pinakamatandang lalaki ang kinikilalang
pinakamamakapangyarihan o pinuno sa pamilya.
35. Ang babae ang kinikilalang may
kapangyarihang magpasiya at mamuno sa
tahanan.
36. Ito ang nagpapatibay sa pagsasama ng mag-
asawa at tinatanggap na pamamaraan sa pagbuo
ng pamilya.
2. 37. May mga bansa sa Timog Silangang Asya na
naniniwala na dapat ay isa lamang ang asawa
kayat ang sistema ng kasal ay tinatawag na
________________.
38. Mayroon mga lipunan sa Timog Silangang
Asya na pinahihintulutan ang pag-aasawa ng higit
sa isa na tinatawag na ________________.
39. Mayroong mga bansa sa Timog Silangang
Asya na ang kinikilalang kamag-anak lamang ay
iyong mga kaanak ng ina ana tinatawag na
_______________.
40.Ito ay anyo ng pamilya na kung saan ang
pamumuno at pagpapasaya sa pamilya ay
nakaatang sa kapawa lalaki at babae. Sa anyong
ito, ang mag-asawa ay magkahati sa
kapangyarihan.
IV. TAMA O MALI
Panuto: Tukuyin ang sumusunod na mga
pahayag. Isulat ang TAMA kung wasto ang
pahayag at MALI kung hindi.
41. Ang komunidad ay ang institusyong
panlipunan na binubuo ng ama, ina, mga anak, at
iba pang kasapi na magkakaugnay bunga ng
seremonya ng kasal o ugnayang batay sa dugo o
kamag-anakan.
42. Ang sosyalisasyon ay pagtuturo sa kasapi ng
lipunan ng mga wastong pagkilos at pag-uugali
sa lipunan.
43. Sa pamilyang Asyano, ang pagpapakasal ay
isang mahalagang elemento ng pagpamilya.
44. Itinataya na kung ang mga lalaki at babae ay
kapwa mabibigyan ng pagkakataon sa makiisa sa
pagpapasiya, mas magiging mabuti at matatag
ang mga desisyon na gagawain ng isang pamilya.
45. Ang kalagayan pangkabuhayan ay walang
impluwensiya sa pagbabagong nagaganap sa
pamilya.
46. Mayroong pamilya na ang kinikilala lamang
na angkan o kamag-anakan ay iyong mga kaanak
sa bahagi ng ama na tinatawang na pamilyang
patrilineyal.
47. Sa kasulukuyanang mga pamamaraan sa
panliligaw at pag-aasawa ay hindi nagbabago.
48. Ang Timog Silangang Asya bilang isang
malawak na lipunan ay binubuo na pamilya na
may ibat ibant anyo at balangkas.
49. Hindi nagbabago ang anyo ng pamilyang
Asyano dahil ng makabagong pananaw sa
pamumuhay at matatag na pagkakakitaan at
hanapbuhay.
50. Ang pangunahing pagpapahalagang
pamilyang Pilipino ay ang close family ties.
GOODLUCK
Inihanda ni:
JENCYLL ROSE V. SERILLES
Guro
3. Villaba Vocational High School, Inc.
Fatima, Villaba, Leyte
School ID: 404706
Yunit Test sa Araling Panlipunan 8
Pangalan:
I. "Guhit ko, Tukuyin Mo! (1-10)
II. MULTIPLE CHOICE
Panuto: Basahin at unawain ang mga
sumusunod na pahayag. Isulat ang titik tamang
sagot sa sgutangpapel.
11.Tumutukoy sa komprehensibong pag-aaral ng
katangian ng daigdig.
a.Kasaysayan c. heograpiya
b. Sikolohiya d. Ekonomiks
12. Alin sa isa sa mga limang tema ng heograpiya
na tumutukoy sa bahagi ng daigdig na
maymagkatulad na katangiang pisikal o kultural?
a. Lokasyon b. Lugar c. paggalaw d. Rehiyon
13. Ang mga sumusunod ay saklaw ng pag-aaral
ng heograpiya maliban sa
a.Anyong lupa at anyong tubig
b. Klima at panahon.
c. Likas na yaman
d. Gawi ng tao
14. Tumutuloy ito sa matigas at mabatong bahagi
ng planetang daigdig.
a.Crust b. Mantle c. Core d. Pangaea
15. Linyang heograpiyal na humahati sa daigdig
sa hilaga at timog hemisphere.
a.Equator c. Prime Meridian
b. International Date Line d. Parallels
16. Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong
kapanahunan. Alin ang wastong pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari?
a. Panahon ng Bakal, Bronse at Tanso
b. Panahon ng Bronse, Tanso at Bakal
c. Panahon ng Tanso, Bakal at Bronse
d. Panahon ng Tanso, Bronse at Bakal
17.Ang natatanging planeta na may buhay.
a.Earth b. Venus c. Mars d.
Uranus
18. Sa anong panahon na diskubre ang pagtatanim
o agrikultura?
a. Ice Age b. Neolitiko c. Mesolitiko d.
Paleolitiko
19.Pinakamalaking dibisyon ng kalupaan sa buong
daigdig.
a.Isla b. Bansa c. Kontinente d. Rehiyon
20. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng anyong
lupa maliban sa
a.Bundok Everest c. Tangway ng Siam
b. Baybayin ng Bengal d. Talampas ng Tibet
21.Sa anong kontinente ang kapansin-pansin ang
maraming bilang ng taong naninirahan magingang
kakapalan ng populasyon nito sa bawat metro
kuwadrado.
a.Africa b. America c. Asya d. Australia
22. Itinuring na pinakamaliit na kontinente ayon
sa lawak at laki ng teritoryo
a. Asya b. Australia c. Antartica d. Africa
23. Anong relihiyon ang may pinakamaraming
tagasunod sa buong mundo?
a. Budismo c. Islam
b. Hinduismo d. Kristiyanismo
24. Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon
ng Bato: Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko. Ano
ang kahulugan ng Mesolitiko?
a. gitnang panahon ng bato
b. panahon ng lumang bato
c. panahon ng bagong bato
4. d. gitnang panahon ng bronse
25. Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon
ng Paleotiko?
a. Agrikultura b. Irigasyon c. Apoy d. Metal
26. Alin sa mga pangunahing pamilya ng
wika sa daigdig ang may pinakamaraming
gumagamit?
a. Afro-Asiatic c. Indo-European
b. Austronesian d. Niger-Congo
27. Anong relihiyon ang sinasamba ng mga
Arabo?
a. Budismo c. Islam
b. Hinduismo d. Judaismo
28. Aling panahon ang higit na nakatulong
sa pag-unlad ng kabihasnan?
a. Mesolitiko c. Neolitiko
b. Metal d. Paleolitiko
29. Anong saklaw ng heograpiyang pantao
ang tumutukoy sa kalipunan ng mga
paniniwala at ritwal ng isang pangkat?
a. etniko b. relihiyon c. lahi d. wika
30. Ano ang mahalagang papel na
ginampanan ng wika sa tao?
a. Ito ay susi ng pagkakaintindihan.
b. Sisikat ang tao kung marami ang
wika.
c. Dapat pag-aralan ng lahat ng tao
ang lahat ng wika.
d. Yayaman ang tao pag may
maraming alam na wika.
III. IDENTIFICATION
31. Ang ibig sabihin ng salitang ito ay
pagsusulat o paglalarawan.
32. Ito ay malaking masa ng solidong bato
na hindi nananatili sa posisyon.
33. Ito ay tumutukoy sa pakikipagpalitan ng
mga produkto o serbisyo.
34. Ito ay nangangahulugang Panahon ng
Lumang bato.
35. Tumutukoy sa pag-aaral sa aspektong
kultural na matatagpuan sa daigdig.
36. Ito ang tinaguriang kaluluwa at salamin
ng isang kultura.
37. Siya ang nakabuo sa ideya ng teorya ng
ebolusyon.
38. Sila ang unang nakadiskubre ng bakal
na nakatira sa Kanlurang Asya.
39. Ito ay tumutukoy sa maliit at patusok na
kasangkapang batong ngsisilbing kutsilyo at
patalim.
40. Sa panahong ito, nanirahan ang mga
sinaunang tao sa pampang ng ilog at dagat
upang mabuhay.
IV. ENUMERATION
41- 45. Ibigay ang limang (5) tema sa pag-
aaral ng heograpiya
46 49. Ibigay ang apat na hating globo
50 52. Ibigay ang tatlong (3) yugto ng
Panahon ng Bato
53 55. Ibigay ang tatlong (3) yugto sa ilalim
ng Panahon ng Metal
56 58. Ibigay ang mga Estruktura ng
Daigdig
59 60. Ibigay ang dalawang anyo ng
pamilya
GOODLUCK
Inihanda ni:
JENCYLL ROSE V. SERILLES
5. Guro
Villaba Vocational High School, Inc.
Fatima, Villaba, Leyte
School ID: 404706
Yunit Test sa Araling Panlipunan 9
Pangalan:
I. MULTIPLE CHOICE
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat
pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy
sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang
mga sagot.
1. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa
ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon
ng:
a. Konsyumer c. Pamahalaan
b. Pamilihan d. Prodyuser
2. Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at
paglinang ng lahat ng pinagkukunang- yaman ng
bansa?
a. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas
ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
b. Upang mas lumaki ang kita ang ekonomiya ng ating
bansa at ng mamamayan nito.
c. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na
kagaya ng ating bansa.
d. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa
katotohanang may kakapusan na umiiral.
3. Piliin sa sumusunod ang tamang paraan ng
pagpapasya ng market economy.
a. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
b. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan
upang makamit ang mga layuning pang-ekonomiya.
c. Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring
manghimasok ang pamahalaan.
d. Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at
mamimili.
4. Ito ay nanggagaling sa kakayahan at kasanayan ng
isang taong nagtatrabaho.
a. kapital b. lupa c. paggawa d. produksyon
5. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may
naiibang katangian ang lupa bilang salik ng
produksyon?
a. tinataniman ng mga magsasaka
b. patayuan ng mga imprastraktura
c. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
d. pinagmumulan ito ng mga input sa
produksyon
6. . Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang
Kapitan ng Negosyo. Ang sumusunod ay katangiang
taglay niya MALIBAN sa:
a. puno ng inobasyon
b. maging malikhain
c. may kakayahang magpatupad ng presyo sa
pamilihan
d. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng
negosyo
7. Ang taglay na talino at kakayahan ng tao ay
mahalaga. Ano ang materyal na gawa ng tao na
ginagamit sa produksyon?
a. malawak na lupain
b. libo-libong binhi ng prutas
c. makinarya at teknolohiya
d. maayos na daan at tulay
8. Sa produksyon, nagaganap ang transpormasyon ng
mga raw materials sa pagbuo ng bagong produkto sa
pamamagitan ng kahusayan at sipag ng mga
a. kapitalista b. landlord c. manggagawa d. opisyales
9. .Saan nanggagaling ang lupa, lakas paggawa, kapital
at kakayahang entrepreneur bilang mga salik ng
produksyon?
a. bahay-kalakal c. industriya
b. pamahalaan d. sambahayan
10. Paano nakakatulong ang paggamit ng makinarya sa
produksyon?
a. maraming hilaw na sangkap ang magagamit
b. maraming output ang
c. mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto
d. matutugunan ang pangangailangan ng mga
konsyumer
II. IDENTIFICATION
Panuto: Tukuyin kung ang ano ang nais ipahiwatig sa
bawat bilang.
1. Siya ang tinaguriang Ama ng Komunismo.
2. Ito ang pag-aaral sa moralidad ng tao.
3.Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng maliliit na yunit ng
ekonomiya.
6. 4. Nakaimbento ng flying shuttle.
5. Ito ang tawag sa pakikipagpalitan ng kalakal o
produkto.
6. Ito ang tawag sa lugar kung saan may palitan o
bilihan ng mga produkto o serbisyo.
7. Ito ay ang pamamahagi ng mga pinagkukunang-
yaman ng ibat-ibang gamit upang sagutin ang
pangangailangan ng ekonomiya.
8. Sistemang pinamamahalaan at pinapapalakad ng
pamahalaan.
9. Ito ang presyong ibinigay ng pamahalaan sa mga
produktong ipinagbibili.
10. Ito ang pansamantalang kasagutan sa inilalahad
na suliranin.
11. Ito ay ang pag-aaral sa mga balangkas o istruktura
ng pamahalaan at ang mga batas na itinakda,ng
pamahalaan.
12. Ang itinuturing na Reyna ng Agham Panlipunan.
13. Ito ay ang pag-aaral sa kabuuan o malaking unit ng
ekonomiya.
14. Siya ang nagpahayag sa doktrinang Laissez Faire.
15. Syensya na nagpapakita at nagpapaunawa sa mga
grap at istatistiks.
16. Ito ang tawag sa unyon ng mga manggagawa.
17. Ito ang ginawang tirahan ng mga sinaunang tao.
18.Ito ay isang sistema na kinapapalooban ng
elemento ng market economy at command economy.
19. Pangkat na naniniwala sa kahalagahan ng
kalikasan.
20. Tinawag na Father of Modern Employment Theory.
III. TAMA O MALI
1. Mahalaga ang ekonomiks sa buhay ng tao.
2. Unang natutuhan ang pakikipagpalitan ng kalakal sa
yugto ng pangangaso at pangingisda.
3. Ang mixed economy ay pinaghalong market
economy at traditional economy.
4. May Kalayaan at Karapatan ang bawat indibidwal na
kumilos sa Mixed economy.
5. Si David Ricardo ang nagpahayag ng doktrinang
Laissez Faire.
6. Ang ekonomiks ang nagpapasigla ng galaw at kilos
ng tao sa Lipunan.
7. Ang ikaapat na hakbang sa syentipikong pag-aaral
ay ang pagbibgay ng konklusyon at rekomendasyon.
8. Bago isagawa ang syentipikong pamamaraan,
kailangan munang tukuyin ang suliranin.
9. Ang ekonomiks ay mailalarawan bilang agham at
sining.
10. Ang kawalan ng tirahan ay isang problemang
politikal.
11. Ang teorya ay sagot sa suliranin ng bansa.
12. Ang etika ay may kaugnayan sa ekonomiks.
13. Ang kemistri ay ang pag-aaral sa mga halaman at
hayop.
14. Sa market economy, nagkakaroon ng kompetisyon
sa pagitan ng mga mamimili.
15. Kailangan pag-aralan ng bawat indibidwal ang
ekonomiks upang maging mabuting mamamayan.
16. Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha
ng iba pang produkto.
17. . Ang proprietor ang tagapag-ugnay ng naunang
mga salik ng produksyon upang makabuo ng produkto
at serbisyo.
18. Ang produksyon ang tumutugon sa ating
pangangailangan.
19. Lahat ng bagay sa paligid ay maaaring ikonsumo
agad ng tao.
20. May mga bagay na kailangan pang idaan sa
proseso upang maging higit na kapaki-pakinabang.
IV. ENUMERATION
1 4. Mga Salik ng Produksiyon
5 8 . Uri o anyo ng Negosyo
9 12. Sistemang Pang-Ekonomiya
13 17. Mga Yugto ng Kabuhayan
18 20. Buong Pangalan ng inyong guro sa Araling
Panlipunan