Edukasyon Sa Pagpapakatao seksuwalidad pt 1.pptxDanethGutierrez
油
Ito ay isang presentasyon tungkol sa kawalan ng pag galang sa sekswalidad ng tao. Sa kasalukuyang lipunan, isa sa mga mahahalagang usaping panlipunan ay ang kawalan ng paggalang sa sekswalidad ng isang tao. Ang sekswalidad ay isang aspeto ng ating pagkatao na sumasaklaw sa ating pagkakakilanlan bilang lalaki, babae, o ibang kasarian, pati na rin sa ating oryentasyong sekswal at pagpapahayag ng ating sekswal na identidad. Gayunpaman, sa kabila ng kahalagahan nito, patuloy pa ring nararanasan ng maraming indibidwal ang diskriminasyon, pang-aabuso, at hindi makatarungang pagtrato dahil sa kanilang sekswalidad. Mga Anyo ng Kawalan ng Paggalang sa Sekswalidad
Diskriminasyon sa Kasarian at Sekswal na Oryentasyon
Isa sa mga pinaka-karaniwang anyo ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay ang diskriminasyon laban sa mga LGBTQ+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, at iba pa). Maraming indibidwal ang nakakaranas ng pangmamaliit, paglayo ng pamilya, kawalan ng oportunidad sa trabaho, at maging pang-aapi sa paaralan o lugar ng trabaho dahil lamang sa kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
Panggagahasa at Sekswal na Pang-aabuso
Ang sekswal na pang-aabuso ay isang marahas at hindi makatarungang anyo ng kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao. Kabilang dito ang panggagahasa, sapilitang pakikipagtalik, at iba pang uri ng sekswal na karahasan. Ang mga biktima nito ay madalas na pinapatahimik ng takot, stigma, at kakulangan ng suporta mula sa lipunan.
Catcalling at Sekswal na Panliligalig
Ang pambabastos sa lansangan o catcalling ay isang halimbawa ng kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao. Karaniwang biktima nito ay mga kababaihan, bagaman may mga kalalakihan ding nakakaranas nito. Ang sekswal na panliligalig ay nagdudulot ng matinding takot at kawalan ng seguridad sa mga biktima.
Sapilitang Pamantayan ng Pagpapakita ng Sekswalidad
Sa maraming kultura, may mga inaasahang pamantayan sa kung paano dapat ipahayag ng isang tao ang kanyang sekswalidad. Halimbawa, may mga babae na pinipilit na maging mahinhin at hindi dapat masyadong lantad sa kanilang sekswalidad, samantalang may mga lalaki naman na inaasahang maging agresibo o dominante. Ang ganitong mga pananaw ay nagpapalakas ng hindi pantay na pagtrato sa kasarian.
Paggamit ng Sekswalidad para sa Pagsasamantala
Sa media at industriya ng aliwan, madalas ginagamit ang sekswalidad ng mga tao, lalo na ng kababaihan, upang makabenta ng produkto o makakuha ng atensyon. May mga tao rin na napipilitang pumasok sa prostitusyon o pang-aabuso dahil sa kahirapan at kawalan ng pagpipilian. Ito ay isang malinaw na manipestasyon ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad.
Epekto ng Kawalan ng Paggalang sa Sekswalidad
Ang kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao ay may malalim at pangmatagalang epekto hindi lamang sa indibidwal na biktima kundi pati na rin sa buong lipunan. Ang ilan sa mga pangunahing epekto ay ang mga sumusunod:
Ang kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay isang seryosong suliranin na
AP MATATAG 7 QUARTER 4 ESTRAKTURA NG ASEANMilesPioquid
油
Module 4 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya
3. Inaasahang natutukoy mo ang mga gawain o karanasan
sa sariling pamilya nagpapakita ng pagtulong sa
kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at
pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan
(papel pampolitikal).
Nasusuri mo rin ang isang halimbawa ng pamilyang
ginagampanan ang panlipunan at pampolitikal na papel
nito.
Nahihinuha mo na dapat na may pananagutan ang
pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa
pamamagitan ng pagtulong sa kapuwa.
4. Pangunahing kontribusyon ng
pamilya sa lipunan ay ang
karanasan sa pakikibahagi at
pagbibigyan na dapat na
bahagi ng buhay pamilya sa
araw-araw.
5. 1. Makilahok sa mga samahan na
boluntaryong naglilingkod sa
pamayanan.
2. Tumulong sa kapus-palad
3. Tumulong sa mga
nangangailangan hindi naabot
ng tulong ng pamahalaan.
6. Maipahayag sa pamamagitan
ng pakikialam sa politika. Kalakip
nito ay dapat na alam ng pamilya
ang mga natural at legal na
karapatan.
7. Pagkakabuklod ng pamilya
Mabuting pagsasamahan at pagsusunuran
Pagkakaunawaan at paggalang sa bawat
isa
Pagtulong ng panganay sa pag-aaral sa
ibang kapatid
Pag-uusap ng mag-anak kapag may
suliraning pampamilya
Pagsangguni ng anak sa magulang at
pakikinig sa payo.
8. 1. Ang karapatang umiiral at magpatuloy o ang karapatan ng lahat
ng tao, mayaman man o mahirap, na magtatag ng pamilya at
magkaroon ng sapat na panustos sa mga pangangailangan nito.
2. Ang karapatang isakatuparan ang kaniyang pananagutan
sa pagpapalaganap ng buhay at pagtuturo sa mga anak.
3. Ang karapatan sa pagigng pribado ng buhay mag-asawa
at buhay pamilya.
9. 4. Ang karapatan sa pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at
ng institusyon ng kasal.
5. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng
pananampalataya at pagpapalaganap nito.
6. Ang karapatang palakihin ang mga anak ayon sa mga
tradisyon, pananampalatay at pagpapahalaga at kultura sa
pamamagitan ngmga kailangang kagamitan, pamamaraan
at institusyon
10. .
7. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtao ng
pisikal, panlipunan, pampolitikal, at pang ekonomiyang
seguridad.
8. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na
buhay pamilya.
9. Ang karapatan upang makapagpahayag at katawanin (ng
mambabatass o asosasyon), sa harap ng mga namamahala
o namumuno kaugnay ng mga usaping pang-
ekonomiya,panlipunan, o kultural.
11. 10. Ang karapatang magbuo ng asosasyon kasama ang ibang
mga pamilya at samahan, upang magampanan ng pamilya
ang mga tungkulin nito ng mas karapat-dapat at madali.
11. Ang karapatang mapangalagaan ang mga kabataan, sa
pamamagitan ng mga institusyon at batas, laban sa
mapanirang droga, pornograpiya, alkoholismo, at iba pa.
12. Ang karapatn na kapaki-pakinabang ng paglilibang, iyong
nakatutulong sa pagpapatatag ng mga pagpapahalagang
pampamilya.
13. Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat dapat na
pamumuhay at kamatayan.