Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.) maipapaliwanag ang mga sinaunang paniniwala at tradisyon at ang impluwensiya nito sa pang-araw-araw na buhay;
b.) maihahambing ang mga paniniwala noon at ngayon upang maipaliwanag ang mga nagbago at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan;
c.) matatalakay ang paglaganap ng Islam sa bansa;
d.) masusuri ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng sinaunang Filipino sa kasaukuyan; at
e.) makabubuo ng konklusyon tungkol sa kontribusyon sinaunang kabihasnan sa pagkabuo ng lipunan at pagkakakilanlang Pilipino.
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.) maipapaliwanag ang mga sinaunang paniniwala at tradisyon at ang impluwensiya nito sa pang-araw-araw na buhay;
b.) maihahambing ang mga paniniwala noon at ngayon upang maipaliwanag ang mga nagbago at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan;
c.) matatalakay ang paglaganap ng Islam sa bansa;
d.) masusuri ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng sinaunang Filipino sa kasaukuyan; at
e.) makabubuo ng konklusyon tungkol sa kontribusyon sinaunang kabihasnan sa pagkabuo ng lipunan at pagkakakilanlang Pilipino.
Ang **akdang naratibo** ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng isang kwento o karanasan. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari na may layuning magbigay aliw, magturo, o magbigay aral sa mga mambabasa. Kadalasang gumagamit ng mga tauhan, tagpuan, at kaganapan upang maipahayag ang isang kwento sa isang tiyak na ayos o pagkakasunod-sunod.
Ang **akdang naratibo** ay may mga pangunahing elemento tulad ng **tauhan**, **tagpuan**, **tema**, **salungatan**, at **banghay**. Ang **tauhan** ang mga karakter na gumaganap sa kwento, mula sa pangunahing tauhan hanggang sa mga sumusuportang karakter. Ang **tagpuan** ay ang lugar at oras kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa kwento. Ang **tema** naman ay ang pangunahing ideya o mensahe na nais iparating sa mambabasa. Ang **salungatan** ay ang problema o hamon na kinakaharap ng mga tauhan sa kwento, at ang **banghay** ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna, hanggang sa wakas.
Halimbawa ng akdang naratibo ay ang mga **maikling kwento**, **nobela**, at **talambuhay**. Sa mga akdang ito, ang manunulat ay nagkukuwento ng isang kwento na may mga tauhan at nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang matutunan ang mga aral na dulot ng kwento. Ang isang akdang naratibo ay maaaring magtaglay ng iba't ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, takot, at pagmamahal, na nakatutulong upang mas maging makulay at buhay ang kwento.
Sa kabuuan, ang akdang naratibo ay isang mahalagang anyo ng panitikan na naglalaman ng mga kwento at karanasan na makapagbibigay ng kasiyahan at aral sa mga mambabasa.
Pagkakatatag ng Association of Southeast Asian Nationdianarosepuebla94
油
Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo.docx
1. Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo
Bago pa man ang pananakop ng mga Kastila noong ika-16 na siglo, may mayamang kaban ng
panitikan na ang ating mga ninuno. Nagtataglay ang panitikang ito ng kasaysayan ng ating lahi mga
bugtong, sawikain, kuwentong-bayan, alamat, epiko, kasabihan, palaisipan at iba pa.
Ang panitikang Pilipino ay katulad din ng panitikan ng ibang bansa na pasalindila (oral) at
pasalinsulat (written) na nagpapahayag ng mga damdaming ukol sa mga gawi at kaugaliang
panlipunan, paraan ng pamumuhay, kaisipang pampulitika, relihiyon, adhikain at mga pangarap.
Kalimitang nagtitipon-tipon ang mga katutubo upang pakinggan ang mga salaysayin, pamamahayag
at iba pa. Paulit-ulit na pinapakinggan ang mga panitikan hanggang sa itoy matanim sa kanilang
isipan. Sa palagiang pakikinig at pagbigkas ng mga panitikan, nagawa nilang maisalin ito sa susunod
na henerasyon. Isinulat at iginuhit naman ang ibang akda sa mga kahoy, kawayan, bato at dahon.
Ayon sa kasaysayan, ipinasunog ng mga Kastila ang sinaunang panitikan sa paniniwalang
galing ito sa diyablo. Ngunit di nalipol ang lahat na panitikan mga kantahing-bayan, bugtong,
salawikain, kasabihan at iba pa dahil ito ay nagpasalin-salin na sa bibig ng mga tao.
Ita o Negrito
Batay sa Waves Migration Theory ni Henry Otley Bayer (Chua, 2013) ang kauna-unahang
naninirahan sa Pilipinas ay ang mga Ita o Negrito na ang ibig sabihin ay maliit at maitim na tao.
Mayroon na silang mga bulong, awitin at kasabihan na ginagamit noon. Ang mga Indones o
Indonesyo na nagmula sa Timog-silangang Asya na may kabihasnang nakahihigit sa mga Negrito ay
nakarating din ng bansa. Marunong na silang magtanim ng halaman at mangisda. Mayroon silang
mga alamat at epiko, pamahiin at mga bulong na uri ng panitikan. Ang mga Ifugao at mga Kalinga sa
Mountain Province ay mula sa unang Indones sa bansa.
Ang mga Malay o Malayo naman ay nagdala ng pananampalatayang pagano at awiting
panrelihiyon. Sila ay mga ninuno ng mga Musilm sa Mindanao.
Ngunit sa teorya naman ni Peter Bellwood ng Australian National University, naniniwala
siyang ang tunay na mga ninuno ng ating lahi ay ang mga Austronesian na eksperto sa paglalayag.
Sinuportahan naman ito ng Pilipinong historian na si Floro Quibuyen noog 2020 na naniniwalang
nagmula sa Taiwan ang mga Austronesian.
Sa kabuoan, ang katutubong panitikan ay tagapagbatid ng kultura sa bawat rehiyon ng bansa.
Sa pamamagitan ng panitikan, naipapahayag ang kanilang damdamin hinggil sa daigdig na
nakapalibot sa kanila. Sa mga tulang Pilipino, makikita ang pagiging orihinal at malikhain.