2010 Secondary Education Curriculum- Kalimitan, ang pagpapalit o pagbabago ng kurikulum sa Pilipinas ay isinasagawa tuwing ikasampung taon.
Ngunit bunga ng mabilis na pagbabago sa larangan ng edukasyon at patuloy na paglaganap ng mga makabagong kaalaman at impormasyon, naniniwala ang Kawanihan ng Edukasyong Sekondari na dapat nang isaayos ang kasalukuyang kurikulum upang sa gayoy makaagapay at matugunan nito ang mga pangangailangan ng ating lipunan at ng mga mag aaral ng kasalukuyang panahon.
Sikolohiya hinggil sa pagkatuto ng wika, mga teoryamyrepearl
油
Ave Maria,
ang 4 na Teorya (ayon sa libro ni P. Badayos, Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika): Behaviorist, Innative, Kognitb, Makatao
I disclaim accordingly.
mala-masusing banghay aralin sa filipino-lumbriaSalvador Lumbria
油
nilalayon ng banghay araling ito na matulungan ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Nawa'y magsilbi itong gabay upang lubos na maunawaan ang mabisang pagtuturo ng panitikan na may angkop at naayon sa wastong pamamaraan ng pagtuturo nito.
mala-masusing banghay aralin sa filipino-lumbriaSalvador Lumbria
油
nilalayon ng banghay araling ito na matulungan ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Nawa'y magsilbi itong gabay upang lubos na maunawaan ang mabisang pagtuturo ng panitikan na may angkop at naayon sa wastong pamamaraan ng pagtuturo nito.
Edukasyon Sa Pagpapakatao seksuwalidad pt 1.pptxDanethGutierrez
油
Ito ay isang presentasyon tungkol sa kawalan ng pag galang sa sekswalidad ng tao. Sa kasalukuyang lipunan, isa sa mga mahahalagang usaping panlipunan ay ang kawalan ng paggalang sa sekswalidad ng isang tao. Ang sekswalidad ay isang aspeto ng ating pagkatao na sumasaklaw sa ating pagkakakilanlan bilang lalaki, babae, o ibang kasarian, pati na rin sa ating oryentasyong sekswal at pagpapahayag ng ating sekswal na identidad. Gayunpaman, sa kabila ng kahalagahan nito, patuloy pa ring nararanasan ng maraming indibidwal ang diskriminasyon, pang-aabuso, at hindi makatarungang pagtrato dahil sa kanilang sekswalidad. Mga Anyo ng Kawalan ng Paggalang sa Sekswalidad
Diskriminasyon sa Kasarian at Sekswal na Oryentasyon
Isa sa mga pinaka-karaniwang anyo ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay ang diskriminasyon laban sa mga LGBTQ+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, at iba pa). Maraming indibidwal ang nakakaranas ng pangmamaliit, paglayo ng pamilya, kawalan ng oportunidad sa trabaho, at maging pang-aapi sa paaralan o lugar ng trabaho dahil lamang sa kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
Panggagahasa at Sekswal na Pang-aabuso
Ang sekswal na pang-aabuso ay isang marahas at hindi makatarungang anyo ng kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao. Kabilang dito ang panggagahasa, sapilitang pakikipagtalik, at iba pang uri ng sekswal na karahasan. Ang mga biktima nito ay madalas na pinapatahimik ng takot, stigma, at kakulangan ng suporta mula sa lipunan.
Catcalling at Sekswal na Panliligalig
Ang pambabastos sa lansangan o catcalling ay isang halimbawa ng kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao. Karaniwang biktima nito ay mga kababaihan, bagaman may mga kalalakihan ding nakakaranas nito. Ang sekswal na panliligalig ay nagdudulot ng matinding takot at kawalan ng seguridad sa mga biktima.
Sapilitang Pamantayan ng Pagpapakita ng Sekswalidad
Sa maraming kultura, may mga inaasahang pamantayan sa kung paano dapat ipahayag ng isang tao ang kanyang sekswalidad. Halimbawa, may mga babae na pinipilit na maging mahinhin at hindi dapat masyadong lantad sa kanilang sekswalidad, samantalang may mga lalaki naman na inaasahang maging agresibo o dominante. Ang ganitong mga pananaw ay nagpapalakas ng hindi pantay na pagtrato sa kasarian.
Paggamit ng Sekswalidad para sa Pagsasamantala
Sa media at industriya ng aliwan, madalas ginagamit ang sekswalidad ng mga tao, lalo na ng kababaihan, upang makabenta ng produkto o makakuha ng atensyon. May mga tao rin na napipilitang pumasok sa prostitusyon o pang-aabuso dahil sa kahirapan at kawalan ng pagpipilian. Ito ay isang malinaw na manipestasyon ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad.
Epekto ng Kawalan ng Paggalang sa Sekswalidad
Ang kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao ay may malalim at pangmatagalang epekto hindi lamang sa indibidwal na biktima kundi pati na rin sa buong lipunan. Ang ilan sa mga pangunahing epekto ay ang mga sumusunod:
Ang kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay isang seryosong suliranin na
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
1. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 1
The Great Plebeian College
Alaminos City, Pangasinan
A.Y. 2021-2022
Modyul
Sa
FIL 205
ANG FILIPINO SA KURIKULUM
NG BATAYANG EDUKASYON
1:00 2:00
MWF
Associate College Instructor:
JOSEPH R. RAFANAN, LPT
FB Account: Joseph Rafanan
Email: josephrrafanangpc@gmail.com
2. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 2
I. Pamagat
ANG BATAYANG KONSEPTUWAL NA BALANGKAS SA PAGTUTURO NG
FILIPINO SA K TO 12
II. Lagom Pananaw
Sa module na ito, matatalakay at mapag-aaralan ang Konseptuwal na Balangkas sa
pagtuturo ng Filipino sa K to 12 kung saan malalaman ang pangkalahatang layunin ng K to 12,
ang mga layunin sa pagtuturo ng Filipino, matatalakay din dito ang mga isinaalang-alang upang
mabuo ang kurikilum na ito maging ang mga teoryang pilosopikal ng Edukasyon at wika upang
mas mapalawak ang kaalaman sa pagututo ng asignaturang Filipino
III. Layunin
Nakikilala ang Kurikulum ng Batayang Edukasyon at ang Konseptuwal na Balangkas sa
pagtuturo ng Filipino sa K12
Napapahalagahan ang pag-aaral sa konseptuwal na Balangkas ng Filipino
Nakapagbabahagi ng kaalaman sa mga layunin ng pagtuturo sa Filipino
Nakikilala ang mga Batas Pang-Edukasyon at mga Teoryang Pilosopikal ng Edukasyon
IV. Mga Nilalaman
Ang Pangkalahatang Layunin ng Kurikulum ng K to 12
Ang Kurikulum na K to12
Layunin ng pagtuturo ng Filipino
Mga salik na isinaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum
Mga legal na batas pang-edukasyon
Mga teoryang Pilosopikal ng Edukasyon at Wika
V. Talakayan/ Deliberasyon
3. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 3
Ano nga ba ang tunay na layunin ng pagpapatupad ng K-12 Kurikulum?
Ano nga ba ang K-12? Ang programang ito ay sinimulan ng ipinatupad ng pamahalaan
noong school year 2012 na naglalayong baguhin ang sistema ng edukasyon sa ating bansa.
Sa buong asya tanging ang Pilipinas na lamang ang mayroong sampung taon ng basic
education, kaya naman ipinatupad ng pamahalaan at ng Kagawaran ng Eduksayon ang K-12
Kurikulum. Sa programang ito, ginawang mandatory ang pagpasok ng mga bata sa
kindergarten, nagkaroon din ng junior highschool (grade 7-10) at senior highschool (grade
11-12). Noong taong iyon 2012, maraming nagsasabi na nagkulang ang pamahalaan sa mga
paghahanda sa pagiimplementa nito, ngunit sa nakalipas na buwan ngayong taong ito, may
iilang nagsasabi na hanggang ngayon ay kulang pa rin ang mga libro na akma sa bagong
kurikulum na gagamitin ng mga magaaral, bagamat inamin ng Kagawaran ng Edukasyon,
na naantala ang pagpapadala ng mga materyales sa mga ibang pampublikong paaralan.
Sa pagpapatupad ng programang K-12, marami pa rin sa atin ang hindi
sumasangayon sa pagpapatupad nito at ang ilan sa atin ay sumasangayon dito. Ngunit ano
nga ba ang tunay na layunin ng programang ito. Para sa pamahalaan, layunin ng K-12 na
pataasin ang kalidad ng edukasyon at paunlarin pa ang ekonomiya ng ating bansa. Layunin
din nito na mas ihanda ang mga kabataan sa pagtatrabaho, kapag natapos ang mga kabataang
ito sa hayskul, nasa sapat na silang gulang (18 taong gulang) at sapat na kakayahan upang
maghanap ng magandang trabaho, junior high school pa lamang ay maari na silang
makakuha ng certificate of competency level 1, basta makumpleto nila ang requirements ng
TESDA at maipagpatuloy ito sa senior high school upang pag sila'y nakapagtpos, maari na
silang makakuha ng trabaho. Maganda nga ito! Para sa mga kabataang walang panustos sa
pagpapatuloy sa kolehiyo. Nakakatulong rin ito sa mga kabataan upang masispecialize ang
kursong nais nila.
Ngunit kung may mga positibong layunin, marami din namang mga negatibong
layunin ang programang ito ayon sa iilan. Ang pagpapatupad daw ng K-12 ay upang
makalikha ng mga semi-skilled na manggagawa upang matugunan ang pangangailangan ng
mga dayuhang korporasyon at dayuhang pamilihan ng paggawa. Dahil na rin sa maaari nang
makapagtrabaho ang mga kabataan pagkatapos ng hayskul, iilan na lamang ang nanaising
makapagtapos ng kolehiyo dahilan upang babaan ang badgyet sa edukasyon. Hindi daw ang
pagpapatupad ng K-12 ang solusyon sa mababang kalidad ng edukasyon sa ating bansa, ayon
nga kay Trillanes, Mas makabubuti para sa ating bansa kung hindi muna ipatutupad ang K
to 12 Program hanggat hindi pa nasosolusyunan ang mga problema sa sistema ng ating
4. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 4
edukasyon tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan at kagamitan ng mga estudyante, at ang
kakulangan sa mga guro at ang kanilang mababang sahod,.
Iba iba ang pagtingin natin sa layunin ng pagpapatupad ng K-12, ngunit sana kung ano
mang tunay na layunin ng pamahalaan sa pagpapatupad nito ay para sa kapakanan ng mga
Pilipino. Panahon na, upang Pilipino naman ang ating bigyang importansya, at hindi ang mga
dayuhan. Huwag nating hayaang ang ibang mga bansa ang makinabang sa ating mga
pinakamahuhusay na mangangawa. Marami mang oportunidad sa ibang mga bansa, matuto
tayong tumingin sa ating pinaggalingan, ang Inang bayan naman ang ating pagsilbihan.
Ayon nga kay Rizal, " Ang mga Kabataan ang pagaasa ng ating Bayan", kaya't patunayan
nating mga kabataang tayo nga ang pagasa at magpapaunlad sa ating bansa.
https://k12kurikulum.blogspot.com/2014/09/ano-nga-ba-ang-tunay-na-layunin-ng.html
5. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 5
6. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 6
Deskripsyon ng Batayang Konseptuwal na Balangkas sa Pagtuturo ng Filipino
K-12
Pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12 ang makalinang ng isang buo at
ganap na Filipinong may kapaki - pakinabang na literasi.
Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang
komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring pag-iisip at, (3) pagpapahalagang pampanitikan
ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon
ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang
makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.
Sa ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga kagamitang panturo ng mga guro
bilang suporta sa kurikulum na magmumula sa administrasyon, ahensiyang panlipunan,
pribado at publiko, pamahalaang lokal, midya, tahanan at iba pang sektor ng lipunan.
Isinaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum ang pangangailangang panlipunan, lokal at
global na pamayanan, maging ang kalikasan at pangangailangan ng mga mag-aaral.
Pinagbatayan din ang mga legal na batas pang-edukasyon, at mga teoryang pilosopikal ng
edukasyon at wika nina Jean Piaget (Developmental Stages of Learning), Leo Vygotsky
(Cooperative Learning), Jerome Bruner (Discovery Learning), Robert Gagne (Heirarchical
Learning ), David Ausubel (Interactive/Integrated Learning),Cummins (Basic Interpersonal
Communication Skills-BICS at Cognitive Academic Language Proficiency Skills-CALPS) at
ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na nagsabing nasa kabataan ang pag-asa
ng bayan. Dahil ang Filipino ay nasa disiplina ng wika, pinagbatayan ang mga teorya sa
kalikasan at pagkatuto ng wika, mga teorya / simulain sa pagsusuring panliterasi at mga
pagdulog sa pagtuturo ng wika (W1, W2, W3) at pagtuturo ng mga akdang pampanitikan at
tekstong palahad.
7. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 7
GAWAIN 1:
PAGATATAYA
Ano- ano ang mga kakayahang dapat linangin sa mga guro sa pagtuturo ng Filipino salig sa
K to 12 Kurikulum. Magbigay ng limang kakayahan at bigyang paliwananag ang bawat isa.
a._________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
b._________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
c._________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
d._________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
e._________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
8. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 8
II. ANG KURIKULUM NA K TO 12
Ang Kurikulum na K to 12 ay learner-centered o nakatuon ang pokus sa ating mga mag-aaral
na inaasahang magiging buo at ganap na mamamayang Pilipinong may kapaki-pakinabang
na literasi o pagkatuto.
Ang mga paksang aralin ay kinakailangang akma at naaayon sa pag unlad at edad ng mga
mag-aaral kung kaya't hinihikayat na maging decongested ang mga aralin upang higit na
magkaroon ang mga mag aaral ng masteri sa mga itinatakdang kompetensi.
Ito ay nararapat din na maging seamless. Ano ang ibig sabihin nito? Ang nilalaman,
Pamantayang Pangnilalaman at Pamantayan sa Pagganap,at maging ang mga Kasanayang
Pampagkatuto sa bawat domain ay nasa paraang tuloy-tuloy at magkakaugnay o "continuum"
at kinakailangang tumutugon sa spiral progression model.
There are no gaps or overlaps. It observes vertical alignment of content and performance
standards, competencies and assessment across grade levels. It also supports horizontal
alignment of content and performance standards and competencies between and among
learning areas: Skills like "reading graphs" will be taught in Math before this is used in
Science, Health and Economics topics.
Trigonometric concepts will be taught before vectors are discussed in physics. The science
concepts introduced in Kare reinforced by the integration of science concepts in Grades 2
and 3.
Ang Kurikulum ay kinakailangang maging flexible upang makatugon sa pangangailangan ng
ating komunidad. Sa isang agrikulturang munisipalidad halimbawa ay maaaring mag-offer
ng mga agricultural electives.
Ang mga nasa Coastal na lugar naman ay maaaring mag-offer ng fishery electives, at sa
urban areas naman ay maaring maghain ng kursong industrial arts. At siyempre,
kinakailangang dumaan sa isang masusing pag-aanalisa at pananaliksik kaugnay ng labor
market sa lugar.
Ang Kurikulum na K to 12 ay kinakailangang maging integrative. Tumutugon ito sa samut-
saring mga salik gaya ng human rights, media and information literacy, climate change,
sustainable development, at iba pa sa pamamagitan ng integrasyon sa pagtuturo upang
maiwasan nga ang tinatawag na congestion of the curriculum.
9. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 9
Ang Kurikulum ay kinakailangan ding maging inquiry-based. Tinitiyak ng ating
pinagyamang kurikulum ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na malinang ang
kanilang kakayahan sa pagiging malikhain, may kritikal na pag-isip at pag-aanalisa,
matalinong pagpapasya, paghihinuha at pagbubuo ng haypotesis, at ang mahusay na paglutas
ng mga suliranin. Ang Kurikulum ay dapat na maging constructivist- "learners construct their
own knowledge and understanding out of their experiences At sa huli, ang Kurikulum ay
pagyayamanin sa pamamagitan ng paggamit at paglalapat ng mga kasanayang pang-digital at
panteknolohiya tulad halimbawa ng integrasyong ICT, paggamit ng social media, at iba pang
mga inobatibong teknolohiya.
III Layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang sumusunod:
Kakayahang komunikatibo
Replektibo/mapanuring pag-isip
Pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin
at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na
literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong
nagaganap sa daigdig.
IV. Ang mga salik na isinaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum:
Pangangailangang panlipunan
Lokal at global na pamayanan
Kalikasan at pangangailangan ng mga mag-aaral.
Mga legal na batas pang-edukasyon
Mga teoryang pilosopikal ng edukasyon
10. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 10
GAWAIN 2:
Gamit ang Accrosstic, tukuyin ang kahalagahan ng Filipino bilang Asignatura sa pagkakamit
ng kamalayang global.
F - ____________________________________________________________________
I - ____________________________________________________________________
L - ____________________________________________________________________
I - ____________________________________________________________________
P - ____________________________________________________________________
I - ____________________________________________________________________
N - ____________________________________________________________________
O - ____________________________________________________________________
11. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 11
V. Mga Legal Na Batas Pang-Edukasyon
RA 10533 Enhanced Basic Education Act of 2013
( https://www.officialgazette.gov.ph/2013/09/04/irr-republic-act-no-10533/ )
Kindergarten Act
The 1987 Phil. Constitution
BP 232, Education Act of 1982
RA 9155, Governance of Basic Education Act of 2001
The vision, mission statements of DepEd
SOUTELE, 1976
The EDCOM Report of 1991
Basic Education Sector Reform Agenda (BESRA)
.The four pillars of education (UNESCO)
VI. MGA TEORYANG PILOSOPIKAL NG EDUKASYON AT WIKA GAYA NG
SUMUSUNOD:
JEAN PIAGET: DEVELOPMENTAL STAGES OF LEARNING
12. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 12
LEO VYGOTSKY : COOPERATIVE LEARNING
JEROME BRUNER : DISCOVERY LEARNING
13. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 13
ROBERT GAGNE : HEIRARCHICAL LEARNING
DAVID AUSUBEL: INTERACTIVE/INTEGRATED LEARNING
Ayon kay Ausubel, ang konsepto ng istrukturang kognitibo ang mahalaga.
Tinitingnan niya ito bilang kabuuan ng lahat ng kaalaman na natatamo natin
kasama ang relasyon na pagitan ng mga katotohanan, konsepto at mga
prinsipyo ng bumubuo sa kaalamang natamo.
CUMMINS BASIC INTERPERSONAL COMMUNICATION SKILLS-BICS
AT COGNITIVE ACADEMIC LANGUAGE PROFICIENCY SKILLS-CALPS)
Cummins (Basic Interpersonal Communication Skills - BICS ay tumutukoy sa kahusayan ng
paggamit ng wika na kailangan sa pakikipag-interaksyon sa ibat ibang sitwasyong
panlipunan. Inilalarawan nito ang pag-unlad ng mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan gamit
ang pangalawang wika.
Cognitive Academic Language Proficiency Skills-CALPS naman ay tumutukoy sa pormal na
akademikong pagkatuto. Inilalarawan nito ang paggamit ng wika sa hindi
kontekstwalisadong sitwasyong pang- akademiko.
14. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 14
Ang paggamit ng unang wika at ang pangalawang wika Filipino:
Para sa sosyalisasyon
Para sa pang-akademikong pag-aaral
DR. JOSE P. RIZAL : NAGSABING NASA KABATAAN ANG PAG-ASA NG
BAYAN
Ipinahiwatig ni Rizal, ang matibay na pagtitiwala sa mga kabataang Pilipino.
Alam niyang taglay ng bawat kabataang Pilipino ang di matatawarang kakayahan ara
makatulong sa pagpapaunlad ng bayan.
A. Developmental Stages of Learning ni Jean Piaget Si Jean Piaget
- ay isang Swiss biologist at psychologist. Inobserbahan niya ang pagkatuto ng mga bata at
nakabuo siya ng apat na yugto.
Sensorimotor stage (pagkapanganak hanggang dalawang taon)
Gumagamit ang bata ng kaniyang pandama sa pagkatuto. Nakatutok lamang
ang sanggol sa mga bagay na nakikita niya. Hindi alam ng sanggol kung ano ang
magiging reaksyon ng mga bagay na nakikita niya. Mula 邸a 18 hanggang walong
buwan ay mapapansin na rin ang pagyabng ng bata pagdating sa pagsasalita. Object
Permanence: Ito ang kakayahan ng batang malaman na mayroong bagay sa kaniyang
paligid, kahit na wala na ito sa kaniyang paningin.
2. Pre-operational Stage(2-7 taon)
Ang kaalaman ng bata sa yugtong ito ay mababaw lamang. Gumagamit ng
representasyon ang bafa sa mga bagay na kaniyang nakikita. Nakasentro ang yugtong ito sa
mga sumusunod:
15. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 15
a. Symbolic function:
Ang simbolo ay kumakatawan sa mga bagay. Ito ang kakayahan ng bata na gamitin ang mga
simbolong ito. Halimbawa nito ay ang pag inom ng bata sa isang laruang baso na wala
namang lamang tubig o kaya naman ay gumagamit ng mga kagamitang pandigma ang isang
bata gaya ng nakikita niya sa mga napanonood kahit wala naman itong ginagamit.
b. Centration:
Nakasentro lamang ang bata sa iisang kaisipan. Halimbawa, pakitaan ang bata ng dalawang
baso na may tubig na magkapareho ang dami. Pagkatapos ay isalin ang laman ng isang baso
sa isa pang baso na mas malaki. Mas pipiliin ng bata ang basong mas malaki dahil sa pag
aakalang mas marami itong laman kung ikukumpara ito sa,isa pang baso.
c. Ireversibility:
Sa yugtong ito, hindi kayang mag-isip ng baliktad ang bata. Halimbawa, kaya nilang
intindihin ang 2+3=5 pero hindi kayang masagot ang 5-3-2.
d. Animism:
Ito ang kakayahan ng batang buhayin ang mga bagay na walang buhay. Halimbawa,
kapag tinanong ang bafa kung saan ang araw kapag gabi, ang isasagot niya ay, "Natutulog
ang araw tuwing gabi".
e. Transductive reasoning:
Ito ang kakayahan ng bata na mag-isip ng partikular na dahilan. Halimbawa, umuuwi
ang nanay ng bata tuwing alas sais ng gabi, kapag tatanungin ang bata kung bakit gabi na ang
isasagot nito ay, "dahil nandito na sa bahay si nanay"
3. Concrete Operational Stage(8-11 taon)
Sa yugtong ito ay mas malawak na ang pag-unawa ng bata sa mga konkretong bagay.
a. Decentering:
Hindi na iisang perspektibo ang nakikita ng bata.
b. Reversibility:
Kaya nang mag-isip ng bata at masagutan ang mga tanong kahit na pagbalik-
baliktarin pa ang mga ito.
16. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 16
C. Conservation:
Ito ang kakayahan ng bata na malaman ang bigat, dami at lawak ng isang
bagay.
d. Seriation:
Ito ang kakayahan ng bata na ayusin ang mga bagay ayon sa bigat, dami o laki.
4. Formal Operational (12-15 taon)
Kaya nang mag-isip ng bata ng mas malalim. Ito ay makikilala batay sa mga sumusunod:
a. Hypothetical Reasoning: Ito ang kakayahang mag- isip ng bata na magbigay ng
hypothesis tungkol sa isang problema at mangalap ng ilang detalye upang makapagbigay ng
mas maayos na desisyon.
b. Analogical Reasoning: Kakayahang malaman ang relasyon ng bawat isa.
Halimbawa, kung ang United Kingdom ay sa Europe, ang Pilipinas ay sa_ (Asia).
C. Deductive Reasoning: Kakayahang mag-isip mula sa pangkalahatan hanggang sa
partikular ha sitwasyon. Malamig sa North Pole, Ang Greenland ay malapit sa Northpole,
nangangahulugang ang Greenland ay mayroong malamig na temperatura.
B. Collaborative at Cooperative Learning
Ang collaborative learning ay isang estratehiya sa proseso ng pagtuturo af pagkatufo
sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga mag-aaral na matuto sa sarili nilang paraan o
makabuo ng sariling proyekto. Isa sa mga halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng falakayan
ng mga mag-aaral kasama ng iba pang mga mag-adral tungkol sa isang gawain sa
pamamagitan ng Internet.
Samantala, ang cooperative learning naman ay ang pagsasagawa ng mga grupo ng
mag-aaral sa isang sa isang nakabalangkas na gawain. May kaniya-kaniyang gawain ang
bawat miyembro ngunit magtatrabaho pa rin sila pa rin sila ang bilang iisa.
17. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 17
Upang magkaroon ng makabuluhang pagkatuto ay nangangailangan ng tatlong bagay.
Una ay kailangang maramdaman ng mga mag-aaral na ligtas sila ngunit nararamdaman pa
rin nila ang hamon ng gawain. Pangalawa, kailangang maliit lamang ang mabubuong
pangkat upang ang lahat ay makapagtrabaho ng sapat at ang lahat ay makapag-ambag sa
gawain. Pangatlo, kailangang malinaw ang tunguhin ng gawain upang hindi maguluhan ang
mga mag-aaral.
Ang paggamit ng cooperative at collaborative learning ay mas makatutulong sa mas
mabilis na pag- unawa ng mga mag-aaral sa aralin, nagkakaroon sila ng kumpiyansa sa sarili,
natututong tumanggap ng pagkakamali sa sarili at maging pagkakamali ng kamag- aral, at
nagkakaroon pa sila nang mas maraming kaibigan dahil naiwasan ang pagkakaroon ng
diskriminasyon. Makikita ng mga mag-aaral ang kalakasan at kahinaan ng bawat isa.
Maaaring maibahagi ng ibang mag-aaral ang kanilang kalakasan at mapayabong nila ang
kanilang kahinaan.
C. Discovery Learning ni Jerome Bruner
Ang discovery learning ay ang pangangalap ng mga mag-aardl sa kaalaman. Ang mga
guro ang tagaplano ng mga gawain para sa mga mag-aaral. Nangangailangan ang mga mag-
aardal ng paunang kaalaman upang makadiskobre ng panibagong kaalaman mula sa naunang
nakalap.
Mas nauunawaan ng mag-aaral ang talakayan kung sla mismo ay sangkot sa pagkalap
ng maraming kadlaman at impomasyon kumpara kung sla ay makikinig lamang sa guro.
D. Hierarchical learning Theorles ni Robert Gagne
Sa pag-aaral ni Gagne, nakabuo siya ng proseso sa pagkatuto.
1. Signal Learning: Ito ang pinakasimpleng paraan n9 pagkatuto na nauunawaan ng mag-
aaral ang mga simpleng paksa at impormasyon. Nahahawig ito sa pag-aaral ni Pavlov na
classical conditioning.
2. Stimulus-response learning: lto ang pagkatuto ng ng bata na kagaya naman ng pag-aaral ni
Skinner, ang operant conditioning.
3. Chaining: Ang kakayahan ng bata na mapag- Ugnay-ugnay ang mga bagay.
18. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 18
4. Verbal association: Ito naman ang susi sa Pagkatuto ng bata sa wika. Nakaugnay ang
pagkaunawa ng mga bata sa mga bagay sa kanilang paligid..
5. Discrimination learning: Ang kakayahan ng bata na malaman ang pagkakaiba-iba ng mga
bagay- bagay.
6. Concept learning: Ito ang kakayahang magsaayos, bumuo, o pangkatin ang bagay-bagay.
7. Rule learning: Kakayahang malaman ang relasyon ng isang bagay at magamit ang
natutuhan sa iba't ibang sitwasyon.
8. Problem solving: Ito ang pinakamataas na paraan ng pagkatuto. Ang pagreresolba ng mga
problemha gamit ang isang paraan na maaaring gamitin sa iba pang komplikadong
sitwasyon.
E. Learning Theories ni Daviad Paul Ausubel
Ayon sa paniniwala ng Psychologist na si. David AUsubel, ang pag-unawa sa mga
konsepto, simulain (principles) at ideya ay matatamo sa pamamagitan ng deductive
reasoning. Para sa kaniya ang kahalagahan sa pagkatuto (meaningful learning) ay
Sumasalungat sa pagmememorya. Sapagkat, ang pinakamahalagang paraan ng pagkatuto sa
paghikayat (influencing learning) ay kung ano ang mismong alam na ng mag-aaral. Kaya ito
ang dahilan kung bakit humantong sa pagbuo ng teorya sa kahalagahan ng pagkatutoo at
paggamit ng advance organizers
Teorya ng Pagkatuto (Learning Theory)
Sa paniniwala ni AuSubel ang pagkatuto sa bagong kaalaman ay naiuugnay sa dati ng alam.
Kaya, ang paggawa ng kaalaman (construction of knowledge) ay nagsisimula sa obserbasyon
at pag-alala sa mga pangyayari at mga bagay sa pamamagitan ng mga konsepto na dati nang
nalalaman. Tayo ay natututo sa pamamagitan ng pagbuo ng sistematik na konsepto at
pagdaragdag nito.
Pinagdiinan din ni Ausubel ang kahalagahan ng pagtanggap (reception) kaysa
pagtuklas (discovery) at kahalagahan (meaningful) kaysa pag-uulit na pagmememorya rote).
Isinaad niya na ang kaniyang teorya ay dumudulog lamang sa pagkatuto sa pagtuklas
reception learning). sa loob ng paaralan. Nangangahulugdn na para kay AUSUbEl, ang
pagkaunawa sa isang konsepto, simulain (principles) at ideya ay nagagampanan sa
pamamagitan ng deductive reasoning.
19. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 19
Kahalagahan sa Pagkatuto (Meaningful Learning)
Ang teorya ni Ausubel ay tumutumbok sa Sa kahalagahan sa pagkatuto. Mula sa kaniyang
teorya, ang pagkatuto ng may kabuluhan, kailangang bukas sa bagong kaalaman na may
kaugnayan sa mga konsepto na dati ng alam. Ang bagong kaalaman ay kailangang kaugnay
sa kakayahan ng mag-aaral.
Ang meaningful learning ay Sumasalungat sa pagkatuto ng pagmememorya. Ang panghuli
din ay kailangang nakapasok ang mga bagong impormasyon sa panibagong pag-iral ng
kaalaman (pre-existing knowledge structure) ngunit walang ugnayan. Ang pagmememorya
ay ginagamit upang alamin ang pagkakasunod-sunod ng mga simpleng impormasyon.
Ngunit, hindi ito maaari sa pag ungwa ng mag-aaral sa kaugnayan ng mga bagay sa isat- isa.
Sapagkat ang meaningful learning ay tumutukoy sa pag-alala ng kaugnayan ng mga konsepto
at ito ay may mailipat sa long-term memory. Ang pinakamahalagang elemento sa
kahalagahan sa pagkatuto ay kung paano ang bagong impormasyon ay maiuugnay sa dati ng
nalalaman. Sa paniniwala ni Ausubel, ang kaalaman ay isang hirarkiya ng pagbabalangkas;
ang bagong impomasyon na dumarating sa puntong ito ay mahalagang magkakaugnay sa
mga dati ng nalalaman ng mag-aaral.
F. Basic Interpersonal Communication Skills (BICS)
Ang Basic Interpersonal Communication Skills (BICS) ay isang kasanayan sa pagsasalita
(language skills) na kailangan sa lipunang ginagalawan. Ito ay pang-araw-araw na wikang
kinakailangan upang makipag-ugnayan sa na ibang tao. Ang pakikisalamuha (social
interactions) ay kadalasang nakaugnay dito kaya, ito ay nagkakaroon ng makabuluhang
kontekstong sosyal. Napauunlad nila ang paggamit ng wika kung patulooy at aktuwal nila
itong nagagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
G. Cognitive Academic Language Proficiency (CALP)
Ang CALP ay nasa formal academic leaning. Ito ay kasama sa makrong kasanayan na
pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat tungkol sa nilalaman ng ng asignatura. Ang
antas ng pagkatuto sa wika y kailangan ng mag-aaral upang sila ay magtagumpay. Ang
mag-aaral ay kailangan ng tamang oras at suporta upang mas ay maging maalam sa larangan
ng pag-aaral. Ang pagtamo sa wikang akademya (academic language acquisition) ay hindi
lamang pag-unawa .sa nilalaman sa larangan ng bokabularyo. Ito ay naglalaman ng
kasanayan katulad ng paghahambing, pag-uuri, paglalapat, at pagtataya. Ang gawain sa
20. FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON 20
wikang akademya (academic language tasks) ay pagbawas ng konteksto. Ang impormasyon
ay nabasa mula sa Babasahin o ang inilahad ng guro. Kapag ang mag-aaral ay tumatanda na,
konteksto na gawain sa akademya ay pabawas na nang pabawas.
Ang wika din ay mas nangangailangan ng Paglinang at panibagong mga ideya konsepto at
wika na ihaharap sa mga mag-aaral.
VII. DAHIL ANG FILIPINO AY NASA DISIPLINA NG WIKA, PINAGBATAYAN
DIN ANG SUMUSUNOD:
Teorya sa kalikasan at pagkatuto ng wika
Mga teorya /simulain sa pagsusuring panliterasi
Mga pagdulog sa pagtuturo ng wika (W1, W2, w3)
Pagtuturo ng mga akdang pampanitikan at tekstong palahad.
GAWAIN
Ano- ano ang mga maaaring gawain na ipapagawa sa mga ag-aaral jung gagamitin ang mga
sumsunod na teorya? Ipaliwanag ang nilalaman ng buong gawain.
1. DEVELOPMENTAL STAGES (Formal Operational Stage)
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Cooperative at Collaborative Learning
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________