Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Parabulang Alibughang Anak. Dito din matatagpuan ang ilang aktibidad o diskusyon patungkol sa paksang tinalakay.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku; Pagkakatulad at pagkakaiba ng tanka at haiku; integrasyon ng tanka at haiku sa tula ng Pilipino; paghahambing ng tulang hapon sa lokal na kauri nito.
Filipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita RitoJuan Miguel Palero
油
Ito ay isang maikling powerpoint presentation na naglalaman o tumatalakay sa paksang Nobela at ang mga Uri ng Tunggalian na makikita sa Nobela. Dito din nakapaloob ang kahulugan ng Nobela at ang mga Uri ng Tunggalian.
Mahalagang malaman natin ang kasaysayan ng mga akdang pampantikang binabanasa natin upang magkaroon tayo ng ideya kung sino at kung paano ito naipalaganap.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku; Pagkakatulad at pagkakaiba ng tanka at haiku; integrasyon ng tanka at haiku sa tula ng Pilipino; paghahambing ng tulang hapon sa lokal na kauri nito.
Filipino 9 Nobela at ang mga Uri ng Tunggaliang Makikita RitoJuan Miguel Palero
油
Ito ay isang maikling powerpoint presentation na naglalaman o tumatalakay sa paksang Nobela at ang mga Uri ng Tunggalian na makikita sa Nobela. Dito din nakapaloob ang kahulugan ng Nobela at ang mga Uri ng Tunggalian.
Mahalagang malaman natin ang kasaysayan ng mga akdang pampantikang binabanasa natin upang magkaroon tayo ng ideya kung sino at kung paano ito naipalaganap.
Mga Epikong Bayan ((gaya ni Alim, Bantugan, Biag ni Lam-ang, Ibalon, Kudaman,...JannetteVictorio2
油
Ang epiko ay nanggaling sa salitang Griyego na epos na nangangahulugang awit o salita. Ito ay ipinahahayag na pasalita, patula at paawit. Tumatalakay ito sa pakikipagsapalaran at kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nahihigit sa karaniwang tao.
Grade 1 Week 4 Quarter 3 GMRC Presentation for teachers of Grade 1 who are bu...estrellaagabe
油
DEMO TEACHING FOR GRADE 1 Q4 WEEK 3. for faster understanding of concepts. it is developed solely for Grade 1 Learners to enjoy learning in GMRC. it enables Grade 1 learners to achieve the objective at the targeted time. This presentation gives clarity and opportunity to develop concepts and understanding on the developing of values and good
Ang **akdang naratibo** ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng isang kwento o karanasan. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari na may layuning magbigay aliw, magturo, o magbigay aral sa mga mambabasa. Kadalasang gumagamit ng mga tauhan, tagpuan, at kaganapan upang maipahayag ang isang kwento sa isang tiyak na ayos o pagkakasunod-sunod.
Ang **akdang naratibo** ay may mga pangunahing elemento tulad ng **tauhan**, **tagpuan**, **tema**, **salungatan**, at **banghay**. Ang **tauhan** ang mga karakter na gumaganap sa kwento, mula sa pangunahing tauhan hanggang sa mga sumusuportang karakter. Ang **tagpuan** ay ang lugar at oras kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa kwento. Ang **tema** naman ay ang pangunahing ideya o mensahe na nais iparating sa mambabasa. Ang **salungatan** ay ang problema o hamon na kinakaharap ng mga tauhan sa kwento, at ang **banghay** ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna, hanggang sa wakas.
Halimbawa ng akdang naratibo ay ang mga **maikling kwento**, **nobela**, at **talambuhay**. Sa mga akdang ito, ang manunulat ay nagkukuwento ng isang kwento na may mga tauhan at nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang matutunan ang mga aral na dulot ng kwento. Ang isang akdang naratibo ay maaaring magtaglay ng iba't ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, takot, at pagmamahal, na nakatutulong upang mas maging makulay at buhay ang kwento.
Sa kabuuan, ang akdang naratibo ay isang mahalagang anyo ng panitikan na naglalaman ng mga kwento at karanasan na makapagbibigay ng kasiyahan at aral sa mga mambabasa.
Ang **akdang naratibo** ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng isang kwento o karanasan. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari na may layuning magbigay aliw, magturo, o magbigay aral sa mga mambabasa. Kadalasang gumagamit ng mga tauhan, tagpuan, at kaganapan upang maipahayag ang isang kwento sa isang tiyak na ayos o pagkakasunod-sunod.
Ang **akdang naratibo** ay may mga pangunahing elemento tulad ng **tauhan**, **tagpuan**, **tema**, **salungatan**, at **banghay**. Ang **tauhan** ang mga karakter na gumaganap sa kwento, mula sa pangunahing tauhan hanggang sa mga sumusuportang karakter. Ang **tagpuan** ay ang lugar at oras kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa kwento. Ang **tema** naman ay ang pangunahing ideya o mensahe na nais iparating sa mambabasa. Ang **salungatan** ay ang problema o hamon na kinakaharap ng mga tauhan sa kwento, at ang **banghay** ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna, hanggang sa wakas.
Halimbawa ng akdang naratibo ay ang mga **maikling kwento**, **nobela**, at **talambuhay**. Sa mga akdang ito, ang manunulat ay nagkukuwento ng isang kwento na may mga tauhan at nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang matutunan ang mga aral na dulot ng kwento. Ang isang akdang naratibo ay maaaring magtaglay ng iba't ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, takot, at pagmamahal, na nakatutulong upang mas maging makulay at buhay ang kwento.
Sa kabuuan, ang akdang naratibo ay isang mahalagang anyo ng panitikan na naglalaman ng mga kwento at karanasan na makapagbibigay ng kasiyahan at aral sa mga mambabasa.
4.6 ang mga uri ng tayutay at Monologo.pptxgracedagan4
油
Aralin sa Filipino
1. Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Ilocos Sur
Bantay, Ilocos Sur
Filipino 7
Unang Markahan( Mga Akdang Pampanitikan: Salamin
ng Mindanao)
Aralin 1.3
Epiko ni Prinsipe Bantugan
2. Pangkatang Gawain: Bawat pangkat ay
aatasang iguhit sa cartolina ang paborito nilang
superhero. Isang kinatawan mula sa pangkat ang
magpapaliwanag ng kanilang ginawa.
3. Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa
mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o
mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan at dikapani- paniwala. Kuwento ito
ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-
gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga
Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
5. Unang Pangkat
Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali
ng Kaharian ng Bumbaran. Dahil sa kanyang
katapangan, walang mangahas na makipagdigma sa
Bumbaran. Bukod sa pagiging matapang ni Bantugan,
siya pa rin ang naghahari at namamayani sa puso ng
maraming mga kadalagahan. Dahil sa inggit sa kanya
ng kanyang kapatid na si Haring Madali, ipinag-utos
nito na walang makikipag-usap kay Bantugan at ang
sinumang makikipag-usap sa kanya (Bantugan) ay
parurusahan ng kamatayan.
6. Ikalawang Pangkat
Nang malaman ito ni Bantugan, siya ay labis na
nagdamdam at dahil sa laki ng kanyang
pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan. Dahil sa
matinding pagod sa paglalakbay kung saan-saan, si
Bantugan ay nagkasakit hanggang sa siya ay abutin ng
kamatayan sa pintuan ng palasyo ng kaharian ng
lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat.
7. Ikatlong Pangkat
Nang matagpuan siya ni Prinsipe Datimbang at ng
kapatid nitong hari, sila ay nagulumihanan sapagkat
hindi nila kilala si Bantugan. Tinawag ng magkapatid
ang konseho upang isangguni kung ano ang kanilang
dapat gawin. Habang sila ay nag-uusap, isang loro
ang dumating sa bulwagan at sinabi sa kanilang siya
ay galing sa Kaharian ng Bumbaran at ang bangkay ay
ang mabunying Prinsipe Bantugan ng Bumbaran.
8. Ikaapat na Pangkat
Nang magbalik ang loro sa Bumbaran ay ibinalita niya
kay Haring Madali ang pagkamatay ni Bantugan.
Kaagad lumipad sa langit si Haring Madali kasama
ang isang kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni
Bantugan. Samantala, dinala naman ni Prinsipe
Datimbang ang bangkay ni Bantugan sa Bumbaran.
Pagbalik ni Haring Madali ay pinilit niyang ibalik ang
kaluluwa ni Bantugan. Nang muling mabuhay si
Bantugan ay nagsaya ang lahat at nagbago si Haring
Madali.
9. Ikalimang Pangkat
Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, kaaway ni
Haring Madali na si Bantugan ay namatay, lumusob si
Haring Miskoyaw kasama ang marami niyang kawal
sa Bumbaran. Dumating ang pangkat ni Miskoyaw sa
Bumbaran na kasalukuyang nagdiriwang dahil sa
pagkabuhay na muli ni Bantugan na hindi nalalaman
ni Miskoyaw. Natigil ang pagdiriwang
at ito ay napalitan ng paglalabanan.
10. Lahat ng Pangkat
Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at siya ay
nakipaghamok sa mga kalaban.Dahil sa karamihan ng
mga tauhan ni Miskoyaw at kagagaling lamang ni
Bantugan sa kamatayan, siya ay nanghina hanggang
sa mabihag ng kanyang mga kaaway. Siya ay iginapos
subalit unti-unti ring nagbalik ang kanyang lakas nang
makapagpahinga. Nalagot niya ang pagkakagapos sa
kanya at muling lumaban. Dahil sa malaking galit sa
11. mga kaaway, higit siyang naging malakas hanggang sa
mapuksang lahat ang mga kalaban. Pagkatapos ng
labanan ay dinalaw ni Bantugan ang palibot ng
Kaharian ng Bumbaran at pinakasalang lahat ang
kanyang mga katipan at sila ay dinala sa kanyang
kaharian. Sinalubong sila ni Haring Madali nang
buong katuwaan at muli, lahat ay
nagdiwang.Nabuhay nang maligaya si Bantugan sa
piling ng kanyang mga babaeng pinakasalan.
12. Pangkatang Gawain: Tableau ng Pangyayari
Gumawa ng tableau ng mga pangyayari mula sa
epikong binasa. Habang naka-freeze kunan ito ng
larawan at gawan ng pelikula ng mga larawan.Ipakita
ito sa klase.
13. (F7PN-Id-e-3
Nakikilala ang katangian ng mga tauhan batay sa
tono at paraan ng kanilang pananalita)
Gawain: Ipakilala ang mga tauhan batay sa mga
salitang inutal ng mga pangunahing tauhan sa
nabasang epiko. Ilahad ang kanilang mga pahayag sa
akda.
14. (F7PT-Id-e-3
Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolong
ginamit sa akda )
Ano ang isinisimbolo o iniriripresenta sa lipunan ang
mga sumusunod na salita o tauhan na nabasa sa
akda?
Palasyo Puso Haring Madali Loro
Kaharian espada
15. Salungguhitan ang salitang nasa loob ng panaklong
na hindi kabilang sa kahulugan ng salitang naka-
italisado sa loob ng pangungusap.
1. Walang sinuman ang nangahas na makaaway si
Bantugan. (sumubok,naglakas-loob, umatras)
Gamitin sa pangungusap:______________________
2. Isinangguni nila sa Hari ang pagkamatay ni
Bantugan. (Inilapit, Itinago,Ibinalita)
Gamitin sa pangungusap:___________________________
16. 3. Pinakasalan ni Bantugan ang kanyang mga katipan
sa wakas ng epiko.(karibal, kasintahan, nobya)
Gamitin sa pangungusap:______________________
4. Nakipaghamok siya nang kagila-gilalas sa kanyang
mga kaaway.
(Nakipaglaban, Nakiusap, Nakipagtunggali)
Gamitin sa pangungusap:______________________
5. Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan.
(Yumuko, Pumaibabaw, Lumipad)
Gamitin sa pangungusap:______________________
17. Gramatika: Suriin ang mga salitang naka-italisado sa
bawat pangungusap. Ano ang nagiging gamit ng mga
salitang ito sa loob ng pangungusap?
1. Dahil sa kanyang katapangan, walang mangahas na
makipagdigma sa Bumbaran.
2. Dahil sa laki ng kanyang pagdaramdam, siya ay
nangibang-bayan.
3. Lumusob si Haring Miskoyaw sa Bumbaran
sapagkat nabalitaan niyang namatay na si Bantugan.
18. 4. Si Bantugan ay namatay dulot ng
matinding gutom at kalungkutan.
5. Pinarusahan si Bantugan ng kanyang
kapatid na si Haring Madali epekto ng
matinding inggit.
19. Ang mga salitang dahil sa, dulot ng,
sapagkat, epekto ng, bunga ng, dahilan sa,
mangyari, at iba pa ay mga salitang pang-
ugnay ng dalawang sugnay na
nagpapakita ng relasyong sanhi at bunga.
20. Dugtungan ang pahayag ng angkop na parirala o
pangungusap upang mabuo ang diwa.
1. Si Alex ang naging Top 1 ng klase dahil sa
_____________________________________.
2. Bumaha sa buong Metro Manila dulot ng
_____________________________________.
3. Ako ang napagbintangan dahil sa
_____________________________________.
4. Mabuti akong tao sapagkat
_____________________________________.
5. Mananalo ako sa timpalak kasi
__________________________________________.
21. (F7EP-Id-e-3
Nagsasagawa ng panayam sa mga taong may malawak
na kaalaman tungkol sa paksa )
Pangkatang Gawain: Ibigay ang mga sanhi at bunga ng mga
sumusunod na kalagayan na namamasdan natin sa pang-
araw-araw na buhay. Mag-atas ng kasapi sa pangkat na
ilahad ang mga napag-usapan. Gamitin ang mga salitang
pang-ugnay na ginagamit ng relasyong sanhi at
bunga.Kapanayamin ang mga taong may malawak na
kaalaman sa mga nakaatang na paksa sa inyong pangkat.
22. Sakit sa Balat
Polusyon sa Lupa
Polusyon sa Hangin
Polusyon sa Tubig
Pagbabago ng Klima(Climate Change)
23. (F7PB-Id-e-3 Naipaliliwanag ang sanhi at
bunga ng mga pangyayari)
Gawain: Maglahad ng sampung pangyayari
sa akdang binasa at ilahad ang sanhi at
bunga nito. Gamitin ang mga salitang pang-
ugnay na ginagamit ng relasyong sanhi at
bunga.
24. Gawain:Sumulat ng limang pangungusap na
nagpapakita ng relasyong sanhi at bunga.
Salungguhitan ng isang beses ang sanhi at
dalawang beses naman ang bunga. Bilugan ang
ginamit na pang-ugnay.
25. Talakayan: Magsagawa ng malayang talakayan sa klase
gamit ang sumusunod na mga tanong:
Mga Tanong:
1. Ano-ano ang katangian ni Bantugan?
2. Bakit nakatakdang parusahan ng kamatayan si
Bantugan?
3. Ano ang dahilan ng pag-alis ni Bantugan sa palasyo?
4. Paano muling nabuhay si Bantugan?
5. Isalaysay ang naging pakikipaglaban at tagumpay ni
Bantugan kay Haring
Miskoyaw.
26. (F7PT-Id-e-3
Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit
sa akda )
(F7PD-Id-e-3 Naipahahayag ang sariling pakahulugan sa
kahalagahan ng mga tauhan sa napanood na pelikula na
may temang katulad ng akdang tinalakay )
27. Pangkatang Gawain:
Pangkat 1: Gumuhit ng limang bagay na sumisimbolo
sa katapangan.
Pangkat 2: Sumulat ng tatlong mga tauhan mula sa
mga palabas/pelikula na inyo nang napanood na
maaari ninyong iugnay kay Bantugan at ano ang
kahalagahan ng mga tauhan sa palabras/pelikula.
Pangkat 3: Bumuo ng isang script mula sa salaysay ng
Epiko ni Bantugan.
Pangkat 4: Gumawa ng sariling wakas ng Epiko ni
Bantugan.
29. Pagtalakay sa Kaisipan ng Informance
Ang salitang Informance ay binubuo ng dalawang
salitang information at performance. Upang magawa ito,
kinakailangan mong magsagawa ng research may
kinalaman sa bagay na iyong papaksain at matapos
makakuha ng sapat ng impromasyon ay ipapakita mo ito o
ipeperform. https://brainly.ph/question/475228#readmore
A performance intended to be both educational and
entertaining; especially a musical concert which includes
an informative talk about the piece or instruments being
played.https://en.oxforddictionaries.com/definition/informance
30. Halimbawa ng Iskrip ng Informnace
Scene 1: Pinapakita ang kahariang Bumbarian at sina
Prinsipe Bantugan @ Hari Madali.
Narrator: Sa kahariang Bumbarian ay may magkapatid na si
Prinsipe Bantugan @ Hari Madali. Si Prinsipe
Bantugan ay higit na hinahangaan ng mga kababaihan sa
kanilang palasyo kasya sa kay Haring Madali.
Dahil sa tinataglay nitong kakisigan at kahusayan sa
pagdidigma.
(MagpapaGwapo si Prinsipe Bantugan dito, o magpapakita
na malakas siya at gwapo. At magpapakita ng konting
pagkainggit ang kanyang kapatid na Hari sa kanya.)
31. Scene 2: Pinapapatay ng Hari ang mga makikitang babae
makikipagusap sa Prinsipe @ sa takot ng Prinsipe, minabuti na
umalis nalang siya ng kaharian.
Narrator: Dahil dito, labis na kinaiinggitan ng Hari ang kanyang
kapatid na Prinsipe, at ipinag-utos pa na
patayin ang sinumang babaing mahuhuling makikipag-usap kay
Prinsipe Bantugan.
Hari Madali: Oh siya! Ayoko makakita ng ni-isa na dalaga na
makikipagusap sa aking kapatid! Ang mahuli
niyo na nakikipagusap sa kanya na dalaga ay siyang patayin niyo
agad!(Tumuturo ang Hari palabas ng palasyo sa mga kawal habang
sinasabi ang utos na galit. *dahil sa onti lang tayo,ipapakita nalang
nung gaganap na hari na ang mga kawal nya ay ung AUDIENCE,
haharap siya sa audience at sa kanila niya sasabihin ung linya.)
32. Narrator: Mula sa malapit ay narinig ni Prinsipe Bantugan
ang utos ng Hari, at agad-agad siya na nagisip
ng paraan.
Prinsipe Bantugan: Hindi ito maari! Wala akong magagawa
kung yon ang utos ng aking kapatid! Dapat
na akong umalis dito sa alangala ng mga chikabeybs ko!!!!!
(umalis)
33. .(F7PU-Id-e-3
Naisusulat ang iskrip ng informance na nagpapakita ng
kakaibang katangian ng pangunahing tauhan sa epiko )
Pagsulat: Bumuo ng iskrip ng informance na nagpapakita
ng kakaibang katangian ng mga tauhan sa epikong binasa
34. (F7PS-Id-e-3 Naitatanghal ang nabuong iskrip ng
informance o mga kauri nito )
Pangkatang Gawain:
Mula sa mga indibidwal na iskrip na sinulat, pumili ng isang
iskrip na ayon sa panlasa niyo ay pinakamaganda. Isadula
sa ang iskrip na ito sa anyo ng Informance.Maaaring
gumamit ng mga props at mga kasuotan para sa mas
malinaw na pagganap sa bawat tauhan.Itanghal sa Klase.