Ana bought a cabbage and her mother cut it into two equal halves. She used one half for a beef dish for dinner and the other half for a vegetable dish the next day. The lesson teaches that when a whole is divided into two equal parts, each part is one-half, and when divided into four equal parts, each part is one-fourth. Students are asked to name fractions such as one-half and one-fourth.
MATHEMATICS 4 - PRIME AND COMPOSITE NUMBERS.pdfJay Cris Miguel
Ìý
1) The document is a mathematics lesson plan for 4th grade students on prime and composite numbers. It includes activities where students identify missing numbers in sequences, factors of numbers, and the prime/composite classification of different numbers.
2) One activity involves students arranging cards in rows to understand factors and multiples. Another activity has students identifying the number of animals (cats, dogs, etc.) in pictures.
3) The lesson defines key terms like factors, multiples, prime and composite numbers and has students practice applying these concepts through worksheets, group activities and story problems.
Ang **akdang naratibo** ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng isang kwento o karanasan. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari na may layuning magbigay aliw, magturo, o magbigay aral sa mga mambabasa. Kadalasang gumagamit ng mga tauhan, tagpuan, at kaganapan upang maipahayag ang isang kwento sa isang tiyak na ayos o pagkakasunod-sunod.
Ang **akdang naratibo** ay may mga pangunahing elemento tulad ng **tauhan**, **tagpuan**, **tema**, **salungatan**, at **banghay**. Ang **tauhan** ang mga karakter na gumaganap sa kwento, mula sa pangunahing tauhan hanggang sa mga sumusuportang karakter. Ang **tagpuan** ay ang lugar at oras kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa kwento. Ang **tema** naman ay ang pangunahing ideya o mensahe na nais iparating sa mambabasa. Ang **salungatan** ay ang problema o hamon na kinakaharap ng mga tauhan sa kwento, at ang **banghay** ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna, hanggang sa wakas.
Halimbawa ng akdang naratibo ay ang mga **maikling kwento**, **nobela**, at **talambuhay**. Sa mga akdang ito, ang manunulat ay nagkukuwento ng isang kwento na may mga tauhan at nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang matutunan ang mga aral na dulot ng kwento. Ang isang akdang naratibo ay maaaring magtaglay ng iba't ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, takot, at pagmamahal, na nakatutulong upang mas maging makulay at buhay ang kwento.
Sa kabuuan, ang akdang naratibo ay isang mahalagang anyo ng panitikan na naglalaman ng mga kwento at karanasan na makapagbibigay ng kasiyahan at aral sa mga mambabasa.
Grade 1 Week 4 Quarter 3 GMRC Presentation for teachers of Grade 1 who are bu...estrellaagabe
Ìý
DEMO TEACHING FOR GRADE 1 Q4 WEEK 3. for faster understanding of concepts. it is developed solely for Grade 1 Learners to enjoy learning in GMRC. it enables Grade 1 learners to achieve the objective at the targeted time. This presentation gives clarity and opportunity to develop concepts and understanding on the developing of values and good
14. Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa
damdamin at kilos ng kapwa tulad ng:
• pagtanggap ng sariling pagkakamali at pagtutuwid
nang bukal sa loob
• pagtanggap ng puna ng kapuwa nang maluwag sa
kalooban
• pagpili ng mga salitang di- nakasasakit ng damdamin
sa pagbibiro
15. Minsan may mga pagkakataong masusubok
ang ating pagiging mahinahon. Ito ay
maituturing na isang hamon sa ating
kakayahan na kontrolin ang ating sarili sa
galit, kawalan ng pasensiya at pang-unawa.
16. Dahil dito, marapat na matutuhan
natin ang tamang paraan ng
pagtanggap ng ating pagkakamali at
ang pagiging bukas ng ating isipan sa
mga paraan ng pagtutuwid nito.
17. Nararapat na ito ay bukal sa ating
kalooban. Ang pagpili ng mga salitang
ating gagamitin, lalo na sa ating
pagbibiro, ay dapat din nating isaalang-
alang. Hindi dapat ito makasasakit sa
damdamin ng ating kapuwa.
18. Si Ken at ang
Nabasag na
Plorera
Isinulat ni: Agnes D. Nocos
19. Papasok na sa paaralan
si Ken, at sa kaniyang
pagmamadali ay nasagi
niya ang malaking
plorerang nakalagay
malapit sa pintuan ng
kanilang bahay.
20. At dahil nagmamadali na
siya, hindi na niya
nakuhang ayusin at
damputin ang nabasag na
plorera. Ni hindi niya
sinagot ang kaniyang nanay
kung ano ang nabasag, na
noo’y nasa kusina.
21. Pag-uwi niya sa
bahay, tinanong
siyang muli ng
kaniyang nanay
kung bakit at
paanong nabasag
ang plorera.
22. Sa umpisa, atubili
si Ken at medyo
takot na umamin
sa kaniyang nanay
tungkol sa nabasag
na plorera.
23. Pero sa patuloy na
pagtatanong nito,
inamin din niya na hindi
niya sinadyang masagi
at mabasag ang
plorera. Iyon ay dahil
lamang sa kaniyang
pagmamadali.
24. Dahil nakatayo pa rin ang
nanay sa kaniyang
harapan na tila ba may
hinihintay pang paliwanag
mula sa kaniya, hindi na
nagdalawang–isip na
humingi ng paumanhin si
Ken sa pagkabasag ng
plorera.
25. Agad namang tinanggap ng
kaniyang nanay ang
paghingi niya ng paumanhin
at pinayuhan siya nito na sa
susunod ay gumising nang
maaga upang hindi palaging
nagmamadali at maiwasan
na may masayang na gamit.
26. Napayakap na lamang siya sa
kaniyang nanay, tanda na
tinatanggap niya ang kaniyang
pagkakamali at ng pagsunod sa
payo ng nanay na maiwasan ang
palaging pagmamadali.
27. MGA KATANUNGAN:
1. Kung ikaw si Ken iiwanan mo na lang
ba ang nabasag na plorera? Bakit?
2. Gaya ni Ken, aaminin mo ba ang
nagawa mong pagkakamali?
3. Ano sa palagay mo ang dahilan bakit
matagal bago inamin ni Ken ang
kanyang pagkakamali?
28. 4. Anong magandang katangian
ang ipinakita ni Ken sa
kuwento?
5. Anong magandang-aral ang
natutuhan mo mula sa kwento?
29. Ano ang nadarama mo
kapag sinasabihan ka ng
iyong kapuwa na mali ang
iyong ginagawa?
30. Ikaw ba ay nasasaktan,
nagtatampo o nagagalit sa
taong nagsabi nito sa iyo?
31. Ano ang iyong ginagawa
kapag ikaw ay nasasaktan,
nagtatampo o nagagalit?
33. Piliin mula sa kahong nasa susunod na
slide ang mga salita o parirala na
nangangahulugan ng pagtanggap ng
pagkakamali at isulat ito sa loob ng puso
na iguguhit mo sa iyong kuwaderno.
34. Hindi ko po sinasadya.
Patawad po.
Wala akong pakialam!
Pasensiya na po. Hindi ko na uulitin.
Ikaw kasi!
Hindi ko kasalanan iyon.
36. Ano ang ipinapakita
ng larawan?
Kung ikaw ang nasa
sitwasyon ng batang
babae, ano ang
gagawin mo?
37. Ano ang ipinapakita ng larawan?
Kung ikaw ang nasa sitwasyon
ng batang lalaki, ano ang
gagawin mo?
Kung ikaw ang nasa sitwasyon
ng batang babae, ano ang
gagawin mo?
39. Ang iyong nadarama ay maaaring
makaapekto sa pakikitungo mo sa iyong
kapuwa. Maaaring magresulta ito sa hindi
magandang ugnayan sa kanila. Sa
ganitong sitwasyon masusubukan ang
iyong pagiging mahinahon.
40. Ang pagiging mahinahon ay tumutukoy
sa gawi o ugali ng taong hindi mainitin
ang ulo, may mahabang pasensiya at
may pagpipigil sa sarili. Hindi siya
madaling nagpapadala sa bugso ng
kaniyang damdamin.
41. Kailangang bukas ang iyong isipan sa
pagtanggap ng sariling pagkakamali at
ituwid ito; pagtanggap ng puna ng
kapuwa at pagpili ng mga salitang di-
nakasasakit ng damdamin
42. Sa ganitong paraan mapauunlad
mo ang iyong sarili. Kailangan
mo ito sa isang mabuting
pakikipagkapuwa-tao.
44. Suriin ang mga pangungusap sa mga
susunod na slides. Lagyan ng tsek ( / )
ang nararapat na gawin at ekis (X)
naman sa hindi nararapat gawin. Gawin
ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.
45. 1. Marunong akong tumanggap ng aking pagkakamali
at handa akong harapin ang anumang magiging
kahihinatnan nito.
2. Hindi ako sanay na humingi ng paumanhin sa tuwing
may nagagawa akong pagkakamali sa aking kapuwa.
3. Ayaw kong makasakit ng damdamin ng aking
kapuwa, kaya pinipili ko ang mga salitang hindi
nakasasakit sa tuwing sila ay aking binibiro.
46. 4. Kahit may maling nagawa ang aking kaibigan,
gaya ng dati, patuloy ko pa rin siyang kinakausap.
5. Kahit hindi ko sinasadyang mabuhusan ng juice
ang aklat ni Almira, humingi pa rin ako ng
paumanhin sa kanya.
6. Sa tuwing may nagagawa akong pagkakamali
ay agad akong humihingi ng tawad.
47. 7. Minsan, kahit hindi ko sinasadyang magkamali
nagagawa ko pa ring humingi ng sorry.
8. Kahit minsan hindi pa ako nagpatawad ng sinumang
nakagawa ng mali sa akin.
9. Hindi mahirap sa akin ang pagsasabi ng sorry sa
tuwing ako'y nagkakamali.
10. Ganyan kami ka-close ng aking bestfriend, hindi ko
pinatatagal ang aming alitan. Inaayos namin ito kaagad.
49. Sumulat ng isang maikling tula tungkol sa
pagiging mahinahon na binubuo ng dalawa
hanggang tatlong saknong na mayroong
apat na taludturan. Lagyan ito ng
pamagat. Gamitin ang alinman sa mga
templates na nasa susunod na slides.
52. SANGGUNIANG MATERYALES
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan –Modyul 1: Maging Mahinahon sa
Lahat ng Pagkakataon
Unang Edisyon, 2019
Edukasyon sa Pagpapakatao
Curriculum Guide