3. 1. Sino ang nagsasalita sa mga
pahayag?
2. Sa paanong paraan naisulat ang
mga pahayag?
3. Anong mga salita ang ginamit
sa pagpapahayag ng
mensahe/ideya?
4. SANG-AYON o HINDI
Basahin ang mga pangungusap. Iguhit ang masayang mukha
kung sumasang-ayon at malungkot na mukha naman kung
hindi sumasang-ayon tungkol sa karunungang-bayan
_______1. Tinatawag na sinaunang panitikan ang karunungang bayan.
_______2. Ang salawikain, sawikain, bugtong at kasabihan ang mga halimbawa
ng karunungang-bayan.
_______3. Ang karunungang bayan ay nagpapahayag ng mga kaisipan at
paniniwala na nakabatay sa mga karanasan ng mga tao na may iisang kultura.
5. SANG-AYON o HINDI
Basahin ang mga pangungusap. Iguhit ang masayang mukha
kung sumasang-ayon at malungkot na mukha naman kung
hindi sumasang-ayon tungkol sa karunungang-bayan
_______4. Upang mailahad ang kaisipan, ang karunungang bayan ay gumagamit ng
mga matatalinghagang salita.
______ 5. Nagsisilbing payo ang mga karunungang- bayan dahil hango ito sa
karanasan ng mga matatanda.
______ 6. Tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala ang kadalasang laman ng
karunungan-bayan.
______ 7. Ang ipinahahayag ng karunungang-bayan ay maaaring pasalita o pasulat.
6. SANG-AYON o HINDI
Basahin ang mga pangungusap. Iguhit ang masayang mukha
kung sumasang-ayon at malungkot na mukha naman kung
hindi sumasang-ayon tungkol sa karunungang-bayan
______ 8. Ang karunungang bayan ay bahagi ng panitikan ng bayan nagsisilbing
daan upang maipahayag ang kaisipan ng partikular o lugar.
______ 9. Pumapatungkol ang karunungang bayan sa mga bagay na
matatagpuan sa paligid o karanasan sa isang pangkat o lugar.
_______10. Kung minsan, ang paksa ng mga salawikain, sawikain, bugtong o
kaisipan ay mula sa karanasan o paghahanap buhay.
7. TUKOY HULA
Tukuyin kung ano ang nasa larawan at isulat ang sagot sa loob
ng kahon. Pagkatapos ay hulaan ang mga bugtong.
8. Tutukuyin at susuriin natin ang mga karunungang
bayan na tumutukoy sa mga tradisyon at kultura na
ipinamamana ng mga katutubong Pilipino.
Kahit nasa modernong panahon na tayo, hindi
nawawala ang mga karunungang-bayan na
nakasandig sa ating kultura at tradisyon. Ito ay isang
mahalagang bahagi sa pangangalaga at
pagpapalaganap ng kulturang Pilipino.
10. Ang karunungang-bayan ay bahagi ng
panitikang bayan na nagsisilbing daan upang
maipahayag ang mga kaisipan o mensahe ng
isang panagkat. Kapansin- pansin ang paggamit
ng talinghaga sa paglinang ng kaisipan.
11. TUKOY SAGOT
Tukuyin ang tamang sagot gamit ang clue na
dalawang letra.
1. Anong SA- ang binubuo ng matatalinghagang pahayag na ginagamit
upang mangaral at akayin ang kabataan tungo sa mabuting-asal?
2. Anong BU- ang uri ng laro na nagpapatalas ng isip ng ating mga
ninuno noon?
3. Anong TA- ay tumutukoy sa malalim na paglalatag ng kaisipan?
4. Anong SA- ang may katumbas na pangalang idiom sa Ingles na di
tuwirang naglalarawan sa bagay, sitwasyon o pangyayari?
12. TUKOY SAGOT
Tukuyin ang tamang sagot gamit ang clue na
dalawang letra.
Sagot:
1. salawikain
2. bugtong
3. Talinghaga
4. sawikain
14. PANGKATANG GAWAIN
Hatiin ang klase sa lima upang magsaliksik at magbasa tungkol
sa mga karunungang bayan. Alamin din ang kahulugan ng
bawat uri. Ilahad sa klase ang nakalap na mga sagot.
15. 1. Tungkol saan ang karunungang-
bayang nabasa?
2. Kanino madalas marinig o
mapakinggan ang mga nabasang
karunungang- bayan?
3. Sa iyong palagay, bakit kaya lagi
nila itong sinasabi sa atin?
16. 4. . Paano nakatulong sa ating
pang-araw- araw na buhay ang mga
pangaral na ito?
5. Iugnay ito sa sariling pananaw,
moral at karanasan.
17. Ang bugtong ay uri ng larong
nagpapatalas ng isip ng ating mga
ninuno noon.
18. Ang tanaga ay binubuo ng apat
na taludtod na may 7-7- 7-7
na sukat.
19. Ang sawikain ay nagpapahayag ng
isang katotohanan o ideya n a mas
maiksi at simple.
35. TUKOY ELEMENTO
Basahin at unawain ang mga pahayag. Tukuyin ang kultural na
elemento at iugnay sa karanansan.
36. TUKOY ELEMENTO
Basahin at unawain ang mga pahayag. Tukuyin ang kultural na
elemento at iugnay sa karanansan.
37. 1. Kanino madalas marinig o
mapakinggan ang mga
napakinggan/nabasang
karunungang-bayan?
2. Sa iyong palagay, bakit
mahalagang ipagpatuloy ang pag-
aaral, pakikinig o pagbabasa sa mga
karunungang bayan?
38. 3. Paano nakatutulong sa ating
pang-araw-araw na buhay ang mga
pangaral na ito?
4. Paano natin mapreserba ang
mga karunungang-bayan sa
kasalukuyan?
39. SULAT TULA
Gamit ang mga larawan, sikaping makabuo ng mga
bagong karunungang bayan.
40. SULAT TULA
Gamit ang mga larawan, sikaping makabuo ng mga
bagong karunungang bayan.
41. SULAT TULA
Gamit ang mga larawan, sikaping makabuo ng mga
bagong karunungang bayan.
42. Pagkilala sa Tanaga
Ayon sa makatang si Roberto Anonuevo (2008), ang
Tanaga ay katutubong tula na naunang nabanggit sa
Vocabulario de la lengua Tagala na nalathala noong 1860
nina Juan de Noceda at Pedro Sanlucar. Binubuo ang
Tanaga ng apat na saknong na may tigpipitong pantig.
Maaaring magkakatugma lahat ang huling salita ng Tanaga
o dalawang salita lamang ang magkatugma.
43. Pagkilala sa Tanaga
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, muli itong
binuhay ng mga makatang sina Teodoro Agoncillo, Ildefonso
Santos at Alejandro G. Abadilla. Noong 2003 ay nagkaroon
ng Textanaga Contest na inisponsor ng National
Commission for Culture and the Arts (NCCA) at noong 2020
ay sinumulan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang TulaTayo,
na paligsahan din sa pagsulat ng Tanaga.
44. Pagkilala sa Tanaga
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, muli itong
binuhay ng mga makatang sina Teodoro Agoncillo,
Ildefonso Santos at Alejandro G. Abadilla. Noong 2003 ay
nagkaroon ng Textanaga Contest na inisponsor ng National
Commission for Culture and the Arts (NCCA) at noong 2020
ay sinumulan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang TulaTayo,
na paligsahan din sa pagsulat ng Tanaga.
45. Narito ang ilang halimbawa ng Tanaga:
Lupit ng Covid
Nahinto ang daigdig
Sa hagupit ng Covid
Libong buhay, nalupig
Abong sa urn, nasilid!
- JC Malabanan
46. Narito ang ilang halimbawa ng Tanaga:
Karagatan
Karagatay inagaw
Soberanyay nalusaw
Huwag sanang bumitaw
Nang pag-asay matanaw!
-JC Malabanan
47. Para sa mga kabataang mahilig magsulat,
magandang libangan ang paglikha ng
Tanaga sapagkat nasusukat nito ang
kritikal na pag-iisip at pagkamalikhain ng
sinumang nagnanais magsulat.
48. Bumuo ng sariling Tanaga na pumapaksa
sa kahalagahan ng edukasyon.
Rubrik sa Pagmamamarka sa Tanaga:
Pagkamalikhain 40%
Kaangkupan sa Paksa 40%
Mahusay na Tugmaan 20%
Kabuoan 100%
50. GAMIT - LINK
Punan ang talahanayan ng mga hinihingi sa bawat bahagi
kaugnay ng inyong kaalaman sa aralin sa karunungang-
bayan. ng mga bagong karunungang bayan.
53. SURI-KAALAMAN!
Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi
wasto ang pahayag tungkol sa KARUNUNGANG BAYAN. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Tinatawag na katutubong panitikan ang karunungang bayan.
2. Ang salawikain, sawikain, bugtong at kasabihan ang mga halimbawa ng
awiting- bayan. Karunungang Bayan.
3. Nagpapahayag ng mga kaisipan at paniniwala at nakabatay sa mga
karanasan ng mga tao na may iisang kultura.
4. Upang mailahad ang kaisipan gumagamit ng mga magagalang na salita ang
karunungang- bayan.
5. Nagsisilbing payo ang mga karunungang- bayan dahil hango ito sa
karanasan ng mga matatanda.
54. SURI-KAALAMAN!
Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi
wasto ang pahayag tungkol sa KARUNUNGANG BAYAN. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
6.Tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala ang kadalasang laman ng
karunungan-bayan.
7. Ang ipinahahayag ng karunungang-bayan ay maaaring pasalita lamang.
8. Ang karunungang bayan ay bahagi ng panitikan ng bayan nagsisilbing daan
upang maipahayag ang kaisipan ng partikular o lugar.
9. Ang karunungang bayan ay pumapatungkol sa mga pinagmulan ng bagay na
matatagpuan sa paligid o karanasan sa isang pangkat o lugar.
10. Kung minsan, ang paksa ng mga salawikain, sawikain, bugtong o kaisipan
ay mula sa karanasan o paghahanap buhay.