A lesson plan is a teacher's detailed description of the course of instruction, or 'learning trajectory' for a lesson. A daily lesson plan is developed by a teacher to guide class learning.
mala-masusing banghay aralin sa filipino-lumbriaSalvador Lumbria
油
nilalayon ng banghay araling ito na matulungan ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Nawa'y magsilbi itong gabay upang lubos na maunawaan ang mabisang pagtuturo ng panitikan na may angkop at naayon sa wastong pamamaraan ng pagtuturo nito.
Edukasyon Sa Pagpapakatao seksuwalidad pt 1.pptxDanethGutierrez
油
Ito ay isang presentasyon tungkol sa kawalan ng pag galang sa sekswalidad ng tao. Sa kasalukuyang lipunan, isa sa mga mahahalagang usaping panlipunan ay ang kawalan ng paggalang sa sekswalidad ng isang tao. Ang sekswalidad ay isang aspeto ng ating pagkatao na sumasaklaw sa ating pagkakakilanlan bilang lalaki, babae, o ibang kasarian, pati na rin sa ating oryentasyong sekswal at pagpapahayag ng ating sekswal na identidad. Gayunpaman, sa kabila ng kahalagahan nito, patuloy pa ring nararanasan ng maraming indibidwal ang diskriminasyon, pang-aabuso, at hindi makatarungang pagtrato dahil sa kanilang sekswalidad. Mga Anyo ng Kawalan ng Paggalang sa Sekswalidad
Diskriminasyon sa Kasarian at Sekswal na Oryentasyon
Isa sa mga pinaka-karaniwang anyo ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay ang diskriminasyon laban sa mga LGBTQ+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, at iba pa). Maraming indibidwal ang nakakaranas ng pangmamaliit, paglayo ng pamilya, kawalan ng oportunidad sa trabaho, at maging pang-aapi sa paaralan o lugar ng trabaho dahil lamang sa kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
Panggagahasa at Sekswal na Pang-aabuso
Ang sekswal na pang-aabuso ay isang marahas at hindi makatarungang anyo ng kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao. Kabilang dito ang panggagahasa, sapilitang pakikipagtalik, at iba pang uri ng sekswal na karahasan. Ang mga biktima nito ay madalas na pinapatahimik ng takot, stigma, at kakulangan ng suporta mula sa lipunan.
Catcalling at Sekswal na Panliligalig
Ang pambabastos sa lansangan o catcalling ay isang halimbawa ng kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao. Karaniwang biktima nito ay mga kababaihan, bagaman may mga kalalakihan ding nakakaranas nito. Ang sekswal na panliligalig ay nagdudulot ng matinding takot at kawalan ng seguridad sa mga biktima.
Sapilitang Pamantayan ng Pagpapakita ng Sekswalidad
Sa maraming kultura, may mga inaasahang pamantayan sa kung paano dapat ipahayag ng isang tao ang kanyang sekswalidad. Halimbawa, may mga babae na pinipilit na maging mahinhin at hindi dapat masyadong lantad sa kanilang sekswalidad, samantalang may mga lalaki naman na inaasahang maging agresibo o dominante. Ang ganitong mga pananaw ay nagpapalakas ng hindi pantay na pagtrato sa kasarian.
Paggamit ng Sekswalidad para sa Pagsasamantala
Sa media at industriya ng aliwan, madalas ginagamit ang sekswalidad ng mga tao, lalo na ng kababaihan, upang makabenta ng produkto o makakuha ng atensyon. May mga tao rin na napipilitang pumasok sa prostitusyon o pang-aabuso dahil sa kahirapan at kawalan ng pagpipilian. Ito ay isang malinaw na manipestasyon ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad.
Epekto ng Kawalan ng Paggalang sa Sekswalidad
Ang kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao ay may malalim at pangmatagalang epekto hindi lamang sa indibidwal na biktima kundi pati na rin sa buong lipunan. Ang ilan sa mga pangunahing epekto ay ang mga sumusunod:
Ang kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay isang seryosong suliranin na
2. I.Layunin
Pagkatapos ng isat kalahating oras na
talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Makapagbubuod sa kuwentong binasa;
b. Masigasig na makikisali sa dula; at
c. Nakagagawa ng kuwento ukol sa sariling
karanasan.
3. II. Paksang Aralin
A. Pamagat: Nemo, Ang Batang Papel
B. Sanggunian: Ang Gintong Habihan
pp: 77-79
C. Mga Kagamitan: larawan, sipi ng kuwento at tsart.
4. III. Istratehiya
A. Bagong-Aralin
1. Pagganyak
(May ipapakita na isang larawan falling star
2. Paglalahad
Sa umagang ito ang paksang ating tatalakayin
ay ang kuwentong Nemo, Ang Batang Papel.
5. a. Pag-alis ng Balakid
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salita sa
mga sumusunod:
1. Hamahagibis
a. umaalis c. umaalis
b. nagmamadali d. umuugong
2. Angil
a. sigaw c. galit
b. inis d. ungol
6. 3. Nagpapatawing-tawing
a. nagpaagos-agos c. nagpatangay-tangay
b. nagpatalon-talon d. nagpalangoy-langoy
4. Binulyawan
a. pinangaralan c. pinalo
b. sinermunan d. sinigawan
5. Layak
a. alikabok c. basura
b. kanin-baboy d. dumi ng tao/hayop
7. b. Pagbibigay Pananaw sa kuwento
Ang kuwentong Nemo, Ang Batang Papel
ay tungkol sa isang batang papel na gustong
maging isang tunay na bata. Isang gabi ay
humiling siya sa bituin sa langit na maging isang
tunay na bata. Nagkatotoo ito, subalit nang siya
ay naging isang tunay na bata na ay hindi siya
naging masaya.
8. 3. Tanong Pagganyak
Batay sa inyong napakinggan pananaw sa
kuwento, ano ang mabubuo niyo na katanungan?
4. Pamantayan sa wastong Pakikinig
Umupo ng maayos ang lahat at makinig ng
mabuti dahil sisimulan na natin ang kuwento.
5. Pagkukuwento
9. 6. Pagsagot sa Tanong Pagganyak
Sa ngayon ay sasagutan natin ang inyong
nabuong mga katanungan kani-kanina lang.
10. 7. Pagpapalawak
Panuto: Bumuo ng grupong may tig-limang
miyembro. Balikan ang wakas ng nabasang
kuwento. Ano ang naging epekto nito sa buong
kwento? May ibang paraan pa kaya ng wakas na
maaring makapagtawid ng ganitong epekto sa
buong akda? Gamit ang kalahating piraso ng papel,
sumulat ng sariling wakas.
11. 8. Ebalwasyon
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong at
isulat ito sa kalahating papel.
1. Sino ang sumulat sa Nemo, Ang Batang Papel.
Ano kaya ang ibig ipahiwatig ng may sa kanyang
kuwento?
2. Kung kayo ang nasa kalagayan ni Nemo saan niyo
gusto, maging isang batang papel o maging isang
totoong bata?
12. IV. Takdang Aralin
Panuto: Iguhit sa short bond paper ang
pinakagustong eksena/tagpo sa kuwentong binasa.
Ipaliwanag kung bakit napili ang tagpong iginuhit.