Ang pagbubukas ng Suez Canal (THE OPENING OF SUEZ CANAL)hm alumia
油
ANG PAG USBONG NG NASYONALISMONG PILIPINO:
Ang pagbubukas ng Suez Canal
(THE OPENING OF SUEZ CANAL)
The Suez Canal is an artificial sea-level waterway in Egypt, connecting the Mediterranean Sea to the Red Sea through the Isthmus of Suez, and separates the African continent from Asia. After 10 years of construction, it was officially opened on November 17, 1869. The canal allows ships to travel between Europe and South Asia without navigating around Africa, thereby reducing the sea voyage distance by about 7,000 kilometres (4,300 mi). It extends 193.30 km (120.11 mi) from the northern terminus of Port Said to the southern terminus of Port Tewfik at the city of Suez. In 2012, 17,225 vessels traversed the canal (47 per day).
The canal is a single-lane waterway with passing locations in the Ballah Bypass and the Great Bitter Lake. It contains no locks system, with seawater flowing freely through it. In general, the canal north of the Bitter Lakes flows north in winter and south in summer. South of the lakes, the current changes with the tide at Suez.
The canal is owned and maintained by the Suez Canal Authority[4] (SCA) of Egypt. Under the Convention of Constantinople, it may be used "in time of war as in time of peace, by every vessel of commerce or of war, without distinction of flag."
In August 2014, construction was launched to expand and widen the Ballah Bypass for 35 km (22 mi) to speed the canal's transit time. The expansion is expected to double the capacity of the Suez Canal from 49 to 97 ships a day. At a cost of $8.4 billion, this project was funded with interest-bearing investment certificates issued exclusively to Egyptian entities and individuals. The "New Suez Canal", as the expansion was dubbed, was opened with great fanfare in a ceremony on 6 August 2015.
https://en.wikipedia.org/wiki/Suez_Canal
Ito ay isang handout para sa aralin o paksang tungkol sa Real Compania de Filipinas. Ito ay itinatag ni Haring Charles III batay sa isang royal decree. Dito din matatagpuan ang mga epekto ng kompanya na ito sa Pilipinas.
Grade 6-Q1-M4
ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino
social,moral,economic issues in Philippine society
social,moral,economic issues in Philippine societysocial,moral,economic issues in Philippine societysocial,moral,economic issues in Philippine societysocial,moral,economic issues in Philippine societysocial,moral,economic issues in Philippine society
Ito ay isang handout para sa aralin o paksang tungkol sa Real Compania de Filipinas. Ito ay itinatag ni Haring Charles III batay sa isang royal decree. Dito din matatagpuan ang mga epekto ng kompanya na ito sa Pilipinas.
Grade 6-Q1-M4
ang-kababaihan-sa-rebolusyong-pilipino
social,moral,economic issues in Philippine society
social,moral,economic issues in Philippine societysocial,moral,economic issues in Philippine societysocial,moral,economic issues in Philippine societysocial,moral,economic issues in Philippine societysocial,moral,economic issues in Philippine society
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pagunawa at kaalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribosyon ng Pilipinas
*Naipaliliwanag ang layunin at resulta ng pagkakatatag ng Kilusang Propaganda at Katipunan sa paglinang ng nasyonalismong Pilipino
KILUSANG PROPAGANDA (1872-1892)
Tinatag upang humngi ng reporma at pagbabago ng sistema ng pamamahala ng mga Espanyol sa mapayapang kampanya.
Pangunahing layunin ng Kilusang Propaganda na bigyan ng kalutasan ang mga kamalian sa sistemang kolonyal ng mga Kastila sa Pilipinas sa Paraang Panulat
LAYUNIN NG KILUSANG PROPAGANDA
Magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes sa Spain
Pantay na pagtingin sa mga Filipino at Kastila sa harap ng batas
Sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas
Gawing lalawigan ng Spain ang Pilipinas
Ipagkaloob sa mga Filipino ang karapatang pantao at kalayaan sa pananalita
LA SOLIDARIDAD
Ang opisyal na pahayagan ng kilusang propaganda
Unang inilathala sa Barcelona, Spain noong Pebrero 15, 1889 sa pamumuno ni Graciano Lopez-Jaena na pinalitan ni Marcelo H. Del Pilar noong Disyembre 15, 1889
LAYUNIN NG LA SOLIDARIDAD
Itaguyod ang malayang kaisipan at kaunlaran
Mapayapang paghingi ng mga repormang pulitikal at panlipunan
Ilarawan ang kaawa-awang kalagayan ng Pilipinas upang gumawa ng mga hakbang ang Spain na ayusin ang mga ito
NOLI ME TANGERE at EL FILIBUSTERISMO
Si RIZAL ay tinuligsa dahil sa dalawang akda na ito na kanyang isinulat
Inilahad sa mga akda na ito ang kasamaan ng mga prayle at kabulukan ng sistema ng pamahalaan ng mga Espanyol
LA LIGA FILIPINA
Itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892 matapos makabalik sa Pilipinas
Layunin ng samahan na magkaisa ang lahat ng Filipino sa paghingi ng reporma sa mapayapang paraan.
ILANG MGA KASAPI SA PROPAGANDA
Jose Rizal
Marcelo H. Del Pilar
Graciano Lopez Jaena
Dominador Gomez
Jose Maria Panganiban
Antonio Luna
Mariano Ponce
Kailan itinatag ang Kilusang Propaganda?
Magbigay ng mga layunin ng Kilusang Propaganda.
Kailan at saan tinatag ang La Solidaridad?
Sinu-sino ang namuno sa La Solidaridad?
Ano ang mga layunin ng La solidaridad?
Kailan at saan tinatag ang La Liga Filipina?
Sino ang namuno sa La Liga Filipina?
Ano ang mga layunin ng La Liga Filipina?
Ano ang naging epekto ng pagtatatag ng Kilusang Propaganda sa ating bansa sa panahon ng Espanyol?
Tukuyin ang kilusan na inilalarawan o iniuugnay sa bawat bilang. Isulat ang P kung tumutukoy sa kilusang propaganda at H kung hindi
1. Pagsusulat ng mga akda sa pahayagang La Solidaridad
2. Pagbuo ng kartilya na nagsisilbing gabay sa ugali ng mga kasapi
3. Paggamit ng papel at pluma sa pakikipaglaban
4. Pinamunuan ni Andres Bonifacio
5. Itinatag sa Europa
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pagunawa at kaalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribosyon ng Pilipinas
*Naipaliliwanag ang layunin at resulta ng pagkakatatag ng Kilusang Propaganda at Katipunan sa paglinang ng nasyonalismong P
2. BALIK-ARAL
1.Sinong J ang may akda ng nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo?
JOSE RIZAL
2. Sinong G ang asawa ni Andres Bonifacio at tagapag-
ingat ng mga kasulatan at dokumento ng katipunan?
GREGORIA de JESUS
3. BALIK-ARAL
3. Sinong E ang Utak ng Katipunan?
EMILIO JACINTO
4. Sinong T ang Joan of Arc ng Visayas??
TERESA MAGBANUA
5. Sinong T ang Ina ng Biak na Bato?
TRINIDAD PEREZ TECSON
4. Basahin ang liriko sa ibaba ng kantang Tayoy mga Pinoy ni Heber Bartolome.
Tayoy mga Pinoy
Heber Bartolome
Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano
'Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango
Dito sa Silangan ako isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Ako ay may sariling kulay kayumanggi
Ngunit hindi ko maipakita tunay na sarili
5. Koro 1
Bakit kaya tayo ay ganito?
Bakit nanggagaya, mayro'n naman tayo
Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano
'Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango
Dito sa Silangan, tayo'y isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba't tayo ang humahanga doon sa Kanluran
6. Koro 2
Mayro'ng isang aso, daig pa ang ulol
Siya'y ngumingiyaw, hindi tumatahol
Katulad ng iba, painglis-inglis pa
Na kung pakikinggan, mali-mali naman
'Wag na lang
[Ulitin ang Koro 2, maliban sa huling linya]
'Wag na, oy oy
Oy, ika'y Pinoy
Oy, oy, ika'y Pinoy
7. Pamilyar ka ba sa kanta?
Tungkol saan ang kanta?
Ano ang nais nitong iparating na mensahe
sa mga nagbabasa/ tagapakinig?
8. PAMAHALAANG MILITAR
Matapos isuko ng Espa単ol ang Maynila sa mga Amerikano, ipinag-utos ni
Pangulong William McKinley ang pagpapairal ng Pamahalaang Militar sa
Pilipinas.
Sapagkat ito ang hinihingi ng pagkakataon dahil hindi pa mapayapa ang
panahon. Layunin nito ang kapayapaan, kaayusan at katahimikan ng bansa.
Pagkatapos mapagtibay ng Kongreso ng Estados Unidos ang Kasunduan sa
Paris, itinalaga ni Pangulong McKinley si Heneral Wesley Merritt na maging
gobernador militar noong Agosto 14, 1898. Ang sumunod sa kanya ay sina
Heneral Elwell Otis (1898-1900) at Heneral Arthur Mac Arthur (1900-1901).
Ang gobernador militar ay may kapangyarihang tagapagpaganap,
tagapagbatas, at tagapaghukom.
9. PAMAHALAANG MILITAR
Pagkatapos ng tatlong taon, pumayag ang Kongreso ng Estados
Unidos na palitan ang Pamahalaang Militar at gawin itong
Pamahalaang Sibil dahil nais nilang makuha ang kalooban ng mga
Pilipino.
Sa panukala ni Senador John C. Spooner naisulong ang Ang Susog
Spooner na siyang nagtadhana ng kapangyarihan sa Pangulo ng
Estados Unidos na magtatag ng Pamahalaang Sibil habang wala
pang matibay na batas para sa pagtatatag ng bagong pamahalaan
sa bansa.
10. PAMAHALAANG MILITAR
Maliban sa pagpapayapa sa mga bahagi ng Pilipinas na ayaw kumilala
sa Estados Unidos ay inihanda ng pamahalaang militar ang pundasyon ng
pamahalaang sibil, tulad ng pagbubukas ng mga paaralang pampubliko na
ang unang guro ay mga sundalong Amerikano; pagtatatag ng mga hukuman,
pati na ang Kataas-taasang Hukuman na binubuo ng siyam na mahistrado,
tatlong Amerikano at anim na Pilipino.
Mayo 1899 - hinirang si Cayetano Arellano bilang kauna-unahang Punong
Hukom na Pilipino.
-Pagdaos ng unang halalang pambayan sa Baliwag Bulacan
Marso 29, 1900 -isang kautusan ang ipinalabas hinggil sa pagtatatag ng
mga pamahalaang lokal sa bansa.
11. Mga Patakaran sa Pamahalaang Militar
Ang pangunahing patakaran ay ang mapasunod at
makuha ang tiwala ng mga Pilipino. Tinawag itong
Makataong Asimilasyon o Benevolent Assimilation.
Naniniwala ang Pamahalaang Amerikano na sa
pamagitan nito, maturuan at matulungan ang mga
Pilipino na mapaunlad ang kanilang pamumuhay at
makapagtatag sila ng sariling pamahalaan.
12. Ang sumusunod ay kabilang sa simulain ng patakarang
Benevolent Assimilation:
1. pagpapahayag ng pagsakop sa buong kapuluan
2. pagtatatag ng isang pamahalaang katulad sa Estados Unidos
3. pagkilala sa mga karapatan ng mga mamamayan; at
4. pagbabawal sa gawaing mapagsamantala sa mga Pilipino.
Itinuturing na kauna-unahang opisyal na patakaran sa Pilipinas ng
Estados Unidos ang Benevolent Assimilation. Ito rin ang nagsilbing
gabay sa pamahalaang militar sa bansa.
13. Ang Unang Komisyon ng Pilipinas
(Komisyong Schurman)
Upang matiyak na maayos ang kalagayan ng Pilipinas, nagtatag ng mga pangkat si
Pangulong McKinley upang magmasid, magsiyasat at mag-ulat sa kanya tungkol sa
kalagayan ng Pilipinas. Ito ay tinawag na Komisyong Schurman at Komisyong Taft.
Ang unang komisyon na pinamunuan ni Dr. Jacob Gould
Schurman na dumating sa Pilipinas noong Marso 4, 1899.
Kasama ni Schurman sina Almirante George Dewey bilang
kumander ng iskwadrong Amerikano sa Asya; Heneral Elwell
Otis ang Gobernador Militar ng Pilipinas; Charles Denby,
ministrong Amerikano sa Tsina; at Prof. Dean C. Worcester,
propesor ng Pamantasan ng Michigan.
14. Ang pangunahing layunin ng Komisyong Schurman ay magmasid sa
kalagayang pampolitika ng Pilipinas, makipagmabutihan sa mga
Pilipino, at magmungkahi ng mga plano para sa Pilipinas. Bumalik sa
Estados Unidos ang komisyon at nag ulat kay Pangulong McKinley noong
Enero 31, 1900.
Mula sa mga pagsisiyasat ng Komisyong Schurman ay nakabuo ito ng
sumusunod na mungkahi:
1. Ang pagsasarili ng Pilipinas ay hindi pa napapanahon.
2. Ang Pamahalaang Sibil ay maaaring itatag sa Pilipinas kapalit
ng Pamahalaang Militar.
3. Pagbuo ng Tagapagbatas bilang sangay ng pamahalaan.
4. Pagtatag ng mga pamahalaang lokal.
15. Mula sa mga pagsisiyasat ng Komisyong
Schurman ay nakabuo ito ng sumusunod na
mungkahi:
5. Pagkakaloob ng mga karapatang sibil para sa lahat.
6. Pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa para sa mga
Pilipino
7. Pagbukas ng mga paaralang pampubliko.
8. Paghirang ng mga katangi-tanging Pilipino na may
kakayahan manungkulan sa pamahalaan.
16. Ikalawang Komisyon (Komisyong Taft
Ang ikalawang komisyon na hinirang ni Pangulong
McKinley noong Marso 16, 1900 ay dumating dito sa
Pilipinas noong Hunyo 3, 1900 na pinamumunuan ni
William Howard Taft. Kasama ni Taft sina Luke E. Wright,
Henry C. Ide, Dean C. Worcester at Bernard Moses. Ang
pangunahing layunin ng komisyon ay isagawa ang mga
hakbang na iminungkahi ng unang komisyon.
17. 1. Pagtatag ng Pamahalaang Sibil kapalit ng Pamahalaang Militar.
2. Pagtatag ng Pamahalaang Lokal, Serbisyo Sibil, at Konstabularyo
ng
Pilipinas.
3. Pagganap bilang tagapagpamayapa at tagapagbatas.
4. Paglalaan ng pondo na may halagang P2 milyon para sa paggawa ng
mga tulay at daan.
5. Pagtatag ng libreng pag-aaral sa elementarya at paggamit ng
wikang Ingles sa mga paaralan.
6. Paghihiwalay ng kapangyarihan ng simbahan at estado.
Ang sumusunod ay naisagawa ng Komisyong Taft:
18. Panuto: Suriin ang Pamahalaang Militar at ang patakarang pinatupad.
Basahin ng mabuti ang mga pangungusap at piliin sa loob ng
panaklong ang tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel.
1. Ang itinalaga ni Pangulong McKinley na maging gobernador militar
noong Agosto 14, 1898.
(Hen. Elwell Otis, Hen. Wesley Merritt)
2. Pangunahing patakaran na ginamit ng mga Amerikano upang makuha
ang tiwala ng mga Pilipino.
(Makataong Asimilasyon, Susog Spooner)
3. Ang Kataas-taasang Hukuman na binubuo ng siyam na mahistrado,
tatlong __________ at anim na ____________.
(Pilipino at Amerikano, Amerikano at Pilipino)
19. Panuto: Suriin ang Pamahalaang Militar at ang patakarang pinatupad.
Basahin ng mabuti ang mga pangungusap at piliin sa loob ng
panaklong ang tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel.
4. Nagtadhana sa kapangyarihan ng Estados Unidos na magtatag ng
Pamahalaang Sibil habang wala pang batas para sa pagpa-iral ng bagong
pamahalaan sa Pilipinas.
(Batas Jones, Susog Spooner)
5. Ito ang uri ng pamamahala na ipinatupad batay sa rekomendasyon ng
Komisyong Schurman at unang pinamunuan ni William Howard Taft.
(Pamahalaang Militar, Pamahalaang Sibil)
20. Panuto: Suriin ang Pamahalaang Militar at ang patakarang pinatupad sa pamamagitan ng
pagpuno ng tamang salita upang mabuo ang analohiya. Kompletuhin lamang ang mga
titik sa linya upang makuha ang tamang sagot.
1. Unang Komisyon: Jacob G. Schurman
Ikalawang Komisyon: __ i __ __ i __ __ H. __ __ __ t
2. Komisyon Schurman: __ __ __ __ __ 4, 1899
Komisyon Taft: Hunyo 3, 1900
3. Komisyon Schurman: Almirante George Dewey
Komisyon Taft: Luke __ __ __ g __ t
WILLIAM H. TAFT
MARSO
WRIGHT
21. Panuto: Suriin ang Pamahalaang Militar at ang patakarang pinatupad sa pamamagitan ng
pagpuno ng tamang salita upang mabuo ang analohiya. Kompletuhin lamang ang mga
titik sa linya upang makuha ang tamang sagot.
4. Unang Komisyon: Pagtatatag ng mga pamahalaang lokal
Ikalawang Komisyon: Pagtatatag ng Pamahalaang __ i __ i __
5. Komisyon Schurman: Pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa
para sa mga __ i __ i __ i __ __.
Komisyon Taft: Paglalaan ng pondo na may halagang P2 Milyon para sa
paggawa ng mga tulay at daan.
SIBIL
PILIPINO
23. Panuto: Pagsama-samahin ang mga salita sa loob ng bilog upang mabuo
pahayag. Isulat ang sagot sa ibaba at sagutin ang katanungan.
Nabuong pahayag:
___________________________________________________
Ano ang nais nitong ipakahulugan sa atin bilang mga mamayang Pilipino?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
24. Panuto:Suriin ang Pamahalaang Militar at ang patakarang pinatupad sa
pamamagitan ng pagtukoy ng inilarawan ng bawat pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ano ang ginamit na paraan ng mga Amerikano upang makuha ang
tiwala ng mga Pilipino?
A. Makataong Asimilasyon C. Pamahalaang Sibil
B. Pamahalaang Militar D. Asamblea ng Pilipinas
2. Ang uri ng pamahalaang itinatag upang mapigilan ang pag-alsa
ng mga Pilipino.
A. Pamahalaang Sibil C. Pamahalaang Schurman
B. Pamahalaang Merritt D. Pamahalaang Militar
25. Panuto:Suriin ang Pamahalaang Militar at ang patakarang pinatupad sa
pamamagitan ng pagtukoy ng inilarawan ng bawat pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
3. Maraming Pilipino ang lumahok sa pamahalaan sa ilalim ng
pamahalaang sibil sa bisa ng patakarang ______________.
A. Pilipino Muna C. Pilipinas ay para sa mga Pilipino
B. Pilipinisasyon ng Pilipinas D. Makataong Asimilasyon
4. Sino ang kauna-unahang gobernador militar ng Pilipinas sa ilalim
ng Estados Unidos?
A. William H. Taft C. William Mckinley
B. Wesley Merritt D. Jacob Schurman
26. Panuto:Suriin ang Pamahalaang Militar at ang patakarang pinatupad sa
pamamagitan ng pagtukoy ng inilarawan ng bawat pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
5. Ang uri ng pamahalaan na ipinalit sa Pamahalaang Militar.
A. Pamahalaang Sibil C. Pamahalaang Militar
B. Pamahalaang Taft D. Pamahalaang Schurman