Halimbawa ng mga Lathalain sa Filipino Journalism. Ang mga lathalain ay nakuha din lamang sa bro-browse ko sa internet. Subalit ito ay pinaghirapan ko sa pag-hahanap ng mga ito.
1 of 1
Downloaded 45 times
More Related Content
Halimbawa ng mga Lathalain
1. Lathalaing Pangkasaysayan
MANKAYAN
May isang napakalawak na lugar kung saan napapalibutan ng maraming
puno,bulubundukin , marami ring mga pasyalan at tanawin. Ang pook o lugar na ito ay
tinatawag nilang Mankayan.
Bakit nga ba Mankayan?
Noong unang panahon may mga Dayuhang dumayo at pumunta sa isang lugar,dahil
may minahan dito.Isang araw may pinuntahang barangay ang mga dayuhan at di nila
alam kung paano bumalik kaya nagtanong ang isang dayuhan sa isang matanda kung
paano sila makakabalik, tinuro ng matanda ang daan , ngunit hindi naintindihan ng
mga dayhan, sabi ng matanda bhasta mangkayang kassa paulit-ulit na sabi ng
matanda .Pero ang naintindihan ng mga dayuhan ay Mankayan.
Kaya mula noon tinawag na Mankayan ang lugar na iyon.
Lathalaing Nagpapabatid
Ang global warming o pag-iinit ng ating mundo ay isang isyung dapat nating
pagtuunan ng pansin kung mahal natin ang ating daigdig. Kung mahal natin ang ating
bansa, at higit sa lahat, kung mahal natin ang ating sarili.
Hindi lamang mga lider ng bansa ang dapat na humarap sa mabigat na problemang
ito, kundi ang bawat isa sa atin ay inaasahang tutulong sa paghanap ng kalutasan.
Lahat tayo ay apektado ng pagpapabaya ng bawat isa.
Suriin ang iyong sarili. Itanong mo kung ano ang iyong magagawa. Simulan mo ang
pagkilos. Huwag mo nang hintayin ang iba. Sige na, hanggat may oras pa. Halina at
sama-sama tayong kumilos para sa ikaliligtas ng ating nag-iisang daigdig.