Halimbawa ng mga Lathalain sa paglalakbay sa Filipino Journalism. Ang mga lathalain ay nakuha din lamang sa bro-browse ko sa internet. Subalit ito ay pinaghirapan ko sa pag-hahanap ng mga ito.
1 of 1
Downloaded 21 times
More Related Content
Mga Lathalain sa Paglalakbay
1. Lathalainsa paglalakbay
Negros Occidental:Isang Matamis na Paglalakbay
Minsan kailangannating lumayosa lupangpinagmulan upang ipaalala sa atin ang mga dahilankung bakit natin itomahal,
upangmalaman natinkung saanlulugar at upang matanawang buhayng ibang tao pati na rinangtunaynatingpagkataomula
sa kakaibangpersepsiyon. Matapos angpagharapsa mga hampas ng alon lulansa bangka at angtila walang hanggang biyahe
sakaysa bus, sa wakasaynarating kona rinanglugar na datiysa mapa kolangmakikita. Isang natatanging karanasanghindi ko
makalimutanangaking unang pagtapak at paghakbangsa Hilgaynong lupainng Negros Occidental, ang Sugarbowl of the
Philippines.
Unang tumambadsa akin ang masayang siyudadng Bacolodna hindi maipagkaakila kung bakit binansaganitong Cityof
Smiles. Dapit-hapon na ng kami ay dumatingat mapapansinsa kanluranangginintuang araw na dahan-dahanglumulubog
patungo sa kanyangpahingahan. Pagodsa mahabangbiyahe, minabuti namingmagpahinga sa bahayng aming kamag-anak na
siyang nag-imbita sa aminna makisaya.
Kinaumagahan, bumungadangisangtasa ng kape na maypangakong bagong umagang puno ngbagong karanasan. Hindi na
rin bagosa akinang pag-inom ngkape tuwing umaga ngunit sa pagkakataong ito, hindi lamangitoisang simpleng kape. Isa
itong kape na hinaluanng tsokolateng mula sa kakaw. Tampok din angmga pagkain ipinagmamalaki nga Negros Occidental. Ilan
sa aking natikmangpagkainnilaayang katakam-takamna barquillos, angmalutong na biscocho, at angmasarapna piaya.
Pagkatapos mag-agahanaynaghanda na kami sa paglilibot sa mga tanawinsa Negros Occidental. Una naming pinuntahan
ang The Ruins sa Talisayna isang dating mansyongpinagmamay-ari ni DonMarianoLedesma Lacson. Ayon sa tour guide, ang
mansyonraw aypinagawa bilangalaala ngnamatayna asawa ni DonLacson. Sinadya itongsunuginng mga sundalong
Amerikanodahil sa pangambang gamitin ito ngmga Hapon bilang headquarters. Sapagkat ang estruktura nitoayyari sa
matibayna materyales, tangingang bubong at mga dingding na yari sa kahoylamang angtuluyang nasunog.
Ang sumunodnaming pinuntahanayang mga lumangbahayo mga ancestral houses at museumkabilang na ang Balay-
Negrense, ang MarianoRamos Ancestral House, ang Hofile単a Ancestral House, at pati na rinang Bernardino-Jalandoni
Museum. Ang mga pook na itoaynagsisilbingbuhayna alaala ng nakaraan at tahananng kaalaman para sa mga susunodna
henerasyon.
Nang sumunodna umaga aymaaga kaming nagbihis upangmagtungo sa bundokng Kanlaono kilala rinsa tawag na Bulkang
Canlaon. Mahaba ang aming naging paglalakbaypatungo sa kinalalagyanng Kanlaon ngunit tila isang perpektong berdeng
paraiso angaming nadatnan. Sa paligidnitoymakikita angumaagos na sapa na dumidilig sa malulusog na mga pananim tulad
ng palay, mais, tuboat iba pa. Mayroonding mga bungangkahoyna hitikna hitiksa mga hinog na bunga. Sa aming paglalakad
aymapapansinang bangoat ganda ng mahalimuyak na bulaklak.
Huli namingpinuntahanang mga simbahan na kahit niluma na ng panahon aymatibaypa ringnakatayo tulad ngpaniniwala ng
mga Negrense at ng buong sambayanang Pilipino sa ating Banal na Diyos. Sa aming pagpasok sa mga simbahan ay
ipinagpasalamat naminang masayangkaranasanat ligtas na paglalakbaysa mga natatanging p ooksa Negros Occidental.
Buong-pusorinnamingipinagdarasal angaming kaligtasan sa aming pag-uwi.
Masasalaminangganda ng buhaysa bawat ngiti ng mga Negrense. Mga maliliwanag na mukha kungsaan maaaninag mo ang
kasiyahanat karangyaan sa kabilang hirapna kanilangnaranasan. Gayunpaman, malalasahan sa bawat lutuinangtamis ng
buhayna kanilangtinatamasa.
Maiksi mankung tingnanang paglalakbayko sa iilang lugar sa Negros Occidental, para sa akiyisa itong makasaysayang
ekspedisyon. Isangbiyahe kung saannakita ko ang ilansa mahahalagangaspekto ngbuhaylampas sa mga abot-tanaw na ating
naaaninagsa ibabaw ngmala-sutlang dagat. Nakita ko lahat, hindi lamang anglugar na akingpinuntahanat ang aking
kinagisnan, kundi pati na rinangaking sarili mula sa malayong anggulo. Mulasa diyalektong atingminumutawi hanggang sa
saliw nglambing sa kanilang pananalita. Angkulayng kultura ng Negros ayhindi nalalayo sa kulayng kultura ng Cebu, siguro ay
dahil sa katotohanang Ta単onStrait lamangang naghihiwalaysa dalawangpulona nakahimlaysa ating arkipelago.
Sa aking paglalakbay, natutunanko na pwede pang sumaya gaanomankapait angiginuhit ng nakaraan. Angbuhayayisang
ekspedisyong dapat lakbayin. Kailangannatingtahakin ang mga bagongl andas upang ating matagpuanang mga bagong daan at
pamamaraan kungpaanosumaya at ipagatuloyangbiyahe ngbuhay. Lahat tayo aynaghahanap ngpuwang sa mundo. Sa lugar
kung saanmasasabi natinna kabilang tayoat masaya tayo. Iyongkaya nating pagbutihin angsarili natinna walangpangamba
sa isangespasyo na kungsaan makikita natin mga kaalamanhigit pa sa ating natutunanmga aralanat aklatan. Nasa atin na ang
desisyon kung paano, saanat kaliannatinsisimulanang bagong yugtonga buhayna punong makabuluhang pagkatuto mga
pagkatutong nagsisilbing kasangkapan sa pag-abot natinsa mga bagayna ating minimithi.