際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7
JOAN A. ANDRES
I. Layunin: Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nabibigyang kahulugan ang biodiversity;
b. Natutukoy ang mga suliraning pangkapaligiran sa Asya; at
c. Nakapagmumungkahi ng mga solusyon sa mga ito.
II. Nilalaman:
a. Paksa: Mga Suliraning Pangkapaligiran at Ekolohikal na Kalagayan ng Asya
b. Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral pahina 46-49.
c. Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation, Laptop, mga larawan at iba pa.
III. Pamamaraan:
a. Panimulang Gawain:
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagtala ng liban at pagsasaayos ng silid
b. Paglalahad:
1. Pagganyak
PAGBUO NG LARAWAN AT PAGSUSURING-LARAWAN
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat na pangkat. Bigyan ng sobre ang bawat grupo na
naglalaman ng larawang nagupit-gupit. Bubuuin ng bawat grupo ang mga nahating larawan
upang mabatid ang paksang pag-aaralan.
2. Pagtalakay
Gamit ang mga larawan ay mabibigyang kahulugan ang BIODIVERSITY. Pagkatapos ay
matutukoy ng mga mag-aaral ang mga suliraning pangkapaligirang hinaharap sa Asya gamit ang
larong 4-pics-1-word at gamit ang mga larawan ay maibibigay ng mga mag-aaral ang kanilang
opinyon o pagpapakahulugan sa mga ito. Ang larong ito ay unahan sa pagsagot. Ang grupo na
maunang makakuha ng sagot ay mabibigyan ng puntos para sa recitation. Magbibigay ng
karagdagang impormasyon ang guro.
3. Pagpapahalaga:
Mapapanood ng mga mag-aaral ang isang video clip na nagsasaad ng mensahe ni Inang
Kalikasan. Maipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang saloobin hinggil sa napanuod.
4. Paglalahat:
Nakagagawa ng akrostik na nagsasaad kung paano masosolusyunan ang mga problemang ito
gamit lamang ang isa hanggang dalawang salita. Matapos mag brainstorm sa loob ng sampung
minuto, ang mga bawat grupo ay bibigyan ng tatlong (3) minuto upang ipakita ang kanilang
gawa.
IV. Pagtataya:
Matutukoy ang mga mahahalagang termino sa tinalakay sa pamamagitan ng pagsasaayos sa mga
ginulong letra. (Jumbled letters)
V. Kasunduan:
Ang bawat pangkat ay aatasang magdala ng walong seedling upang itanim sa paaralan bilang
hakbang sa pangangalaga sa kalikasan.

More Related Content

Suliraning pangkapaligiran sa asya lesson plan

  • 1. MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7 JOAN A. ANDRES I. Layunin: Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nabibigyang kahulugan ang biodiversity; b. Natutukoy ang mga suliraning pangkapaligiran sa Asya; at c. Nakapagmumungkahi ng mga solusyon sa mga ito. II. Nilalaman: a. Paksa: Mga Suliraning Pangkapaligiran at Ekolohikal na Kalagayan ng Asya b. Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral pahina 46-49. c. Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation, Laptop, mga larawan at iba pa. III. Pamamaraan: a. Panimulang Gawain: 1. Pambungad na Panalangin 2. Pagtala ng liban at pagsasaayos ng silid b. Paglalahad: 1. Pagganyak PAGBUO NG LARAWAN AT PAGSUSURING-LARAWAN Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat na pangkat. Bigyan ng sobre ang bawat grupo na naglalaman ng larawang nagupit-gupit. Bubuuin ng bawat grupo ang mga nahating larawan upang mabatid ang paksang pag-aaralan. 2. Pagtalakay Gamit ang mga larawan ay mabibigyang kahulugan ang BIODIVERSITY. Pagkatapos ay matutukoy ng mga mag-aaral ang mga suliraning pangkapaligirang hinaharap sa Asya gamit ang larong 4-pics-1-word at gamit ang mga larawan ay maibibigay ng mga mag-aaral ang kanilang opinyon o pagpapakahulugan sa mga ito. Ang larong ito ay unahan sa pagsagot. Ang grupo na maunang makakuha ng sagot ay mabibigyan ng puntos para sa recitation. Magbibigay ng karagdagang impormasyon ang guro. 3. Pagpapahalaga: Mapapanood ng mga mag-aaral ang isang video clip na nagsasaad ng mensahe ni Inang Kalikasan. Maipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang saloobin hinggil sa napanuod. 4. Paglalahat: Nakagagawa ng akrostik na nagsasaad kung paano masosolusyunan ang mga problemang ito gamit lamang ang isa hanggang dalawang salita. Matapos mag brainstorm sa loob ng sampung minuto, ang mga bawat grupo ay bibigyan ng tatlong (3) minuto upang ipakita ang kanilang gawa. IV. Pagtataya: Matutukoy ang mga mahahalagang termino sa tinalakay sa pamamagitan ng pagsasaayos sa mga ginulong letra. (Jumbled letters) V. Kasunduan: Ang bawat pangkat ay aatasang magdala ng walong seedling upang itanim sa paaralan bilang hakbang sa pangangalaga sa kalikasan.