際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
pakikipagkapuwa.pptx
Panuto: Basahin at unawain
ang sitwasyon sa kuwento at
pagnilayan ang mga
gabay na tanong.
Sa isang malayong isla na matatagpuan sa Mindanao,
may nakatirang isang babae na may kakaibang sakit.
Bata pa lamang siya ay hindi na siya pinapayagang
lumabas ng bahay sapagkat kapag nasisinagan siya ng
araw ay tumutubo ang pantal at nanghihina ang kanyang
katawan. Hindi kailanman naranasan ni Jessa na
magkaroon ng kalaro at makapag-aral sa isang pormal na
klasrum dahil tanging ang kanyang nars, guro at ina
lamang ang kanyang nakakasama sa bahay sa loob ng
labingwalong taon. Ang sabi ng doktor, gagaling lamang si
Jessa kapag natapos niya ang gamutan sa loob ng
labingwalong taon. Mahilig siyang magbasa ng mga aklat
at sabik na siyang makita ang perpektong mundo
maganda, malinis, mapayapa at masaya.
Dumating ang ikalabing-walong taon na kaarawan ni
Jessa at sa wakas matatapos na ang gamutan at maaari
na siyang lumabas ng bahay. Ngunit hindi siya naging
masaya dahil sa masamang balita: pinagbabawal na
lumabas ng bahay ang mga tao dahil may bagong virus
na lumalaganap at ito ay nakamamatay.
Isang Alkalde ang ina ni Jessa kayat kinakailangan
niyang lumabas ng bahay upang gampanan ang kanyang
tungkulin. Abala siya at ang kanyang mga kasamahan sa
paghahanda ng relief packs upang ipamigay sa kanyang
mga nasasakupan. Pinakiusapan ni Jessa ang kanyang
ina na isama siya sa pamimigay. Pumayag naman ito
dahil gusto niyang maranasan ni Jessa ang
makipagkapuwa-tao.
Sa kanyang paglabas ng bahay, maraming
natuklasan si Jessa. Nakita niya sa unang
pagkakataon ang tunay na mukha ng lipunan.
Maraming magsasaka ang nag-alsa sa harap ng
munisipyo upang ipahayag ang kanilang saloobin
dahil naapektuhan nang lubusan ang kanilang
hanapbuhay.
Social Amelioration, itaas!
Gamot sa virus, ipalabas na!
Marami na ang nagugutom!
Ma, bakit po ba sila nag-aalsa? Kawawa naman po sila.
wika ni Jessa sa kanyang ina.
Alam mo anak, kawawa nga sila. Pero wala naman
kaming magagawa. Ayon sa ipinatutupad na batas
ngayon, hindi maaaring pagtrabahuin ang lahat ng
mamamayan. Kaya nga namimigay tayo ng mga relief
goods para kahit papaano ay makatulong sa ating mga
mamamayan, sagot ng ina.
Kinabukasan sumama naman si Jessa sa kaniyang ina at
nagtungo sila sa isang bahay-ampunan. Doon ay nakita
niya ang mga batang ulila sa magulang. May nakita
siyang bata na umiiyak at nilapitan niya ito.
Bata, bakit ka umiiyak? tanong ni Jessa.
Kamamatay lang kasi ng aking ina. Nagkaroon siya ng
breast cancer at wala kaming perang pampagamot kaya
dinala ako ng aking ama dito sa bahay-ampunan.
Kawawa ka naman. Huwag ka nang umiyak, simula
ngayon ay araw-araw na kitang bibisitahin dito at ituturing
kitang kaibigan, wika naman ni Jessa.
Tinupad ni Jessa ang kanyang pangako sa bata. Araw-araw
siyang pumupunta sa bahay-ampunan at marami siyang
mga kabataang nakakahalubilo at napag-alaman niyang
iba-iba ang naging karanasan at kuwento ng mga ito.
Sumasama rin siya sa kaniyang ina sa pamimigay ng
tulong sa mga mamamayan sa kanilang bayan at
nakadarama siya ng kasiyahan sa tuwing ginagawa niya
ito.
Sinabi niya sa kanyang ina na sa kolehiyo ay
kukuha siya ng kursong Political Science dahil
gusto niyang ipagpatuloy ang hangarin ng kaniyang
ina na maglingkod nang tapat sa kanilang bayan at
makakilala ng maraming tao na may ibat ibang
kuwento sa buhay na makatutulong upang mas
mapaunlad pa niya ang kanyang sarili. Dahil na rin
sa kaniyang mga karanasan, nabago ang kaniyang
pananaw sa mundo. Nahihinuha niyang ang mga
suliraning kinakaharap ng bawat isa ay
magsisilbing inspirasyon upang magpatuloy sa
buhay. Mapagtatagumpayan ang lahat ng problema
kung ang lahat ay magtutulungan, magkakaisa at
magmamahalan.
1. Ano ang hakbang na ginawa ni
Jessa upang paunlarin ang
kaniyang pakikipagkapuwa?
2. Paano nabago ng kaniyang
karanasan ang kaniyang sarili at
pananaw sa buhay?
3. Paano niya ipinakita ang
kaniyang likas na pagiging
panlipunang nilalang
Malaki ang naitulong ng iyong kapuwa sa
pagpauunlad ng iyong buong pagkatao sa
aspektong intelektuwal, panlipunan,
pangkabuhayan at politikal. Palalawakin pa natin
ang iyong kaalaman kaugnay dito.
a) Ang tao ay likas na panlipunang nilalang,
kayat nakikipag-ugnayan siya sa kanyang
kapuwa upang malinang siya sa aspektong
intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan, at
politikal.
 Ang tao ay may sadyang likas na katangian na
ikinaiba nito sa ibang nilalang. Nilikha ang tao
ayon sa larawan at wangis ng Diyos. Binigyan
siya ng kapamahalaan sa ibang nilalang at
binigyan siya ng taong makasasama at
makatutulong. Dahil dito, sadyang nilikha ang
tao na mamuhay sa isang lipunan at maging
bahagi nito. Ibig sabihin, sino mang tao o ano
man ang kanyang estado sa lipunan,
kailangang makibahagi sa lipunan at mamuhay
sa kung ano man ang likas na batas o
sitwasyon na umiiral sa isang lipunan.
 Ang tao ay may sadyang likas na katangian na ikinaiba
nito sa ibang nilalang. Nilikha ang tao ayon sa larawan at
wangis ng Diyos. Binigyan siya ng kapamahalaan sa
ibang nilalang at binigyan siya ng taong makasasama at
makatutulong. Dahil dito, sadyang nilikha ang tao na
mamuhay sa isang lipunan at maging bahagi nito. Ibig
sabihin, sino mang tao o ano man ang kanyang estado sa
lipunan, kailangang makibahagi sa lipunan at mamuhay
sa kung ano man ang likas na batas o sitwasyon na
umiiral sa isang lipunan.
pakikipagkapuwa.pptx
Mga Tanong:
1. Paano nalaman ni John ang tungkol sa produksyon ng sapatos?
2. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng pagpalinang ng aspektong
pangkabuhayan?
3. Alin naman ang nagpapakita ng pagpapalinang sa aspektong politikal
at panlipunan?
4. Kung ikaw si John na isang transferee, ano ang iyong gagawin upang
mapapalapit sa iyo ang iyong mga kaklase? Pangatwiranan.
Batayan sa Pagwawasto: 10 puntos - kompletong nasagot lahat ng
tanong na may tamang kasagutan.
7 puntos - kompletong nasagot lahat ng tanong pero may kulang sa
ideya
5 puntos - may dalawang tanong na hindi nabigyan ng kasagutan
3 puntos - may naisulat na sagot pero malayo sa konsepto ng paksa

More Related Content

pakikipagkapuwa.pptx

  • 2. Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa kuwento at pagnilayan ang mga gabay na tanong.
  • 3. Sa isang malayong isla na matatagpuan sa Mindanao, may nakatirang isang babae na may kakaibang sakit. Bata pa lamang siya ay hindi na siya pinapayagang lumabas ng bahay sapagkat kapag nasisinagan siya ng araw ay tumutubo ang pantal at nanghihina ang kanyang katawan. Hindi kailanman naranasan ni Jessa na magkaroon ng kalaro at makapag-aral sa isang pormal na klasrum dahil tanging ang kanyang nars, guro at ina lamang ang kanyang nakakasama sa bahay sa loob ng labingwalong taon. Ang sabi ng doktor, gagaling lamang si Jessa kapag natapos niya ang gamutan sa loob ng labingwalong taon. Mahilig siyang magbasa ng mga aklat at sabik na siyang makita ang perpektong mundo maganda, malinis, mapayapa at masaya.
  • 4. Dumating ang ikalabing-walong taon na kaarawan ni Jessa at sa wakas matatapos na ang gamutan at maaari na siyang lumabas ng bahay. Ngunit hindi siya naging masaya dahil sa masamang balita: pinagbabawal na lumabas ng bahay ang mga tao dahil may bagong virus na lumalaganap at ito ay nakamamatay. Isang Alkalde ang ina ni Jessa kayat kinakailangan niyang lumabas ng bahay upang gampanan ang kanyang tungkulin. Abala siya at ang kanyang mga kasamahan sa paghahanda ng relief packs upang ipamigay sa kanyang mga nasasakupan. Pinakiusapan ni Jessa ang kanyang ina na isama siya sa pamimigay. Pumayag naman ito dahil gusto niyang maranasan ni Jessa ang makipagkapuwa-tao.
  • 5. Sa kanyang paglabas ng bahay, maraming natuklasan si Jessa. Nakita niya sa unang pagkakataon ang tunay na mukha ng lipunan. Maraming magsasaka ang nag-alsa sa harap ng munisipyo upang ipahayag ang kanilang saloobin dahil naapektuhan nang lubusan ang kanilang hanapbuhay. Social Amelioration, itaas! Gamot sa virus, ipalabas na! Marami na ang nagugutom!
  • 6. Ma, bakit po ba sila nag-aalsa? Kawawa naman po sila. wika ni Jessa sa kanyang ina. Alam mo anak, kawawa nga sila. Pero wala naman kaming magagawa. Ayon sa ipinatutupad na batas ngayon, hindi maaaring pagtrabahuin ang lahat ng mamamayan. Kaya nga namimigay tayo ng mga relief goods para kahit papaano ay makatulong sa ating mga mamamayan, sagot ng ina. Kinabukasan sumama naman si Jessa sa kaniyang ina at nagtungo sila sa isang bahay-ampunan. Doon ay nakita niya ang mga batang ulila sa magulang. May nakita siyang bata na umiiyak at nilapitan niya ito. Bata, bakit ka umiiyak? tanong ni Jessa.
  • 7. Kamamatay lang kasi ng aking ina. Nagkaroon siya ng breast cancer at wala kaming perang pampagamot kaya dinala ako ng aking ama dito sa bahay-ampunan. Kawawa ka naman. Huwag ka nang umiyak, simula ngayon ay araw-araw na kitang bibisitahin dito at ituturing kitang kaibigan, wika naman ni Jessa. Tinupad ni Jessa ang kanyang pangako sa bata. Araw-araw siyang pumupunta sa bahay-ampunan at marami siyang mga kabataang nakakahalubilo at napag-alaman niyang iba-iba ang naging karanasan at kuwento ng mga ito. Sumasama rin siya sa kaniyang ina sa pamimigay ng tulong sa mga mamamayan sa kanilang bayan at nakadarama siya ng kasiyahan sa tuwing ginagawa niya ito.
  • 8. Sinabi niya sa kanyang ina na sa kolehiyo ay kukuha siya ng kursong Political Science dahil gusto niyang ipagpatuloy ang hangarin ng kaniyang ina na maglingkod nang tapat sa kanilang bayan at makakilala ng maraming tao na may ibat ibang kuwento sa buhay na makatutulong upang mas mapaunlad pa niya ang kanyang sarili. Dahil na rin sa kaniyang mga karanasan, nabago ang kaniyang pananaw sa mundo. Nahihinuha niyang ang mga suliraning kinakaharap ng bawat isa ay magsisilbing inspirasyon upang magpatuloy sa buhay. Mapagtatagumpayan ang lahat ng problema kung ang lahat ay magtutulungan, magkakaisa at magmamahalan.
  • 9. 1. Ano ang hakbang na ginawa ni Jessa upang paunlarin ang kaniyang pakikipagkapuwa?
  • 10. 2. Paano nabago ng kaniyang karanasan ang kaniyang sarili at pananaw sa buhay?
  • 11. 3. Paano niya ipinakita ang kaniyang likas na pagiging panlipunang nilalang
  • 12. Malaki ang naitulong ng iyong kapuwa sa pagpauunlad ng iyong buong pagkatao sa aspektong intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan at politikal. Palalawakin pa natin ang iyong kaalaman kaugnay dito. a) Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kayat nakikipag-ugnayan siya sa kanyang kapuwa upang malinang siya sa aspektong intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan, at politikal.
  • 13. Ang tao ay may sadyang likas na katangian na ikinaiba nito sa ibang nilalang. Nilikha ang tao ayon sa larawan at wangis ng Diyos. Binigyan siya ng kapamahalaan sa ibang nilalang at binigyan siya ng taong makasasama at makatutulong. Dahil dito, sadyang nilikha ang tao na mamuhay sa isang lipunan at maging bahagi nito. Ibig sabihin, sino mang tao o ano man ang kanyang estado sa lipunan, kailangang makibahagi sa lipunan at mamuhay sa kung ano man ang likas na batas o sitwasyon na umiiral sa isang lipunan.
  • 14. Ang tao ay may sadyang likas na katangian na ikinaiba nito sa ibang nilalang. Nilikha ang tao ayon sa larawan at wangis ng Diyos. Binigyan siya ng kapamahalaan sa ibang nilalang at binigyan siya ng taong makasasama at makatutulong. Dahil dito, sadyang nilikha ang tao na mamuhay sa isang lipunan at maging bahagi nito. Ibig sabihin, sino mang tao o ano man ang kanyang estado sa lipunan, kailangang makibahagi sa lipunan at mamuhay sa kung ano man ang likas na batas o sitwasyon na umiiral sa isang lipunan.
  • 16. Mga Tanong: 1. Paano nalaman ni John ang tungkol sa produksyon ng sapatos? 2. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng pagpalinang ng aspektong pangkabuhayan? 3. Alin naman ang nagpapakita ng pagpapalinang sa aspektong politikal at panlipunan? 4. Kung ikaw si John na isang transferee, ano ang iyong gagawin upang mapapalapit sa iyo ang iyong mga kaklase? Pangatwiranan. Batayan sa Pagwawasto: 10 puntos - kompletong nasagot lahat ng tanong na may tamang kasagutan. 7 puntos - kompletong nasagot lahat ng tanong pero may kulang sa ideya 5 puntos - may dalawang tanong na hindi nabigyan ng kasagutan 3 puntos - may naisulat na sagot pero malayo sa konsepto ng paksa