5. Sa nakaraang aralin, magbahagi ng
inyong opinyon kung ano ang
kaugnayan ng birtud at
pagpapahalaga?
6. 1. Natutukoy ang ibat ibang uri ng Intelektwal na Birtud at
mga kahulugan nito.
2. Napatutunayan na ang paulit -ulit na pagsasabuhay ng
mga mabuting gawi batay sa mga moral na pagpapahalaga ay
patungo sa paghubog ng mga birtud (acquired virtues).
EsP7PB-IIIb-9.3
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
7. Sa iyong pagpili ng mga bagay na gagawin,
bakit mahalagang mahasa ang iyong
kakayahan na maging maingat bago
isagawa ang anumang kilos?
8. Sa bawat araw ng iyong buhay, ikaw ay
malayang pumili ng iyong pasiya.
Ano-ano nga ba ang mga pinagpapasyahan
ng mga katulad mong nasa ikapitong
baitang?
13. Mga Katanungan:
1. Ano-ano ang pinagpapasyahan ni Raven sa bawat
sitwasyon?
2. Tama ba ang mga naging pasya ni Raven?
Bakit?
3. Kung kaniyang mapagtatagumpayan ang mga tukso
sa kanyang paligid at ito ay maging gawi, ano-anong
birtud ang maaari niyang malinang at taglayin?
14. Nalaman natin na ang birtud ay ang mabuting kilos na
ginagawa ng tao upang isakatuparan ang
pinahahalagahan.
Ito ang moral na gawi na nagbubunga sa pagkamit at
pagpapanatili ng pagpapahalaga. Subalit paano nga ba
tayo makapagtataglay ng mga birtud, moral man o
intelektuwal.
15. Ang gawi ay ang unang hakbang sa paglinang ng
birtud. Ito ay resulta ng paulit-ulit na pagsasagawa
ng isang kilos.
Makakamit lamang ito kung lalakipan ng pagsisikap.
Dahil dumaraan ito sa mahabang proseso, hindi ito
mawawala sa isang iglap lamang.
16. Dalawang Uri ng Birtud
1. Intelektwal na Birtud
2. Moral na Birtud
18. Intelektwal na Birtud
a. Pag-unawa (Understanding
-Ito ang pinakapangunahin sa lahat ng birtud
na nakapagpapaunlad ng isip. Kung hindi
ginagabayan ng pag-unawa ang ating
pagsisikap na matuto, walang saysay ang
ating isip.
19. Intelektwal na Birtud
b. Agham (Science)
Ito ay sistematikong kalipunan ng mga
tiyak at tunay na kaalaman na bunga
ng pagsasaliksik at pagpapatunay.
20. Intelektwal na Birtud
b. Agham (Science)
Matatamo natin ito sa pamamagitan ng
dalawang pamamaraan:
1. Pilosopikong pananaw
2. Siyentipikong Pananaw
21. Agham (Science)
1. Pilosopikong pananaw
Ang salitang pilosopiya ay nagmula sa dalawang
wikang Griyego na philos at Sophia.
Ang ibig sabihin ng salitang philos ay
pagmamahal, habang ang Sophia naman ay
karunungan. Samakatuwid, ang direktang ibig
sabihin ng pilosopiya ay ang pagmamahal sa
karunungan.
22. Agham (Science)
-gumagamit ito ng 'Theories' para
mapatunayan ang isang bagay gamit
ng scientific facts
2. Siyentipikong Pananaw
24. Intelektwal na Birtud
c. Karunungan (Wisdom)
Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang
karunungan sapagkat ito ang nagtuturo
sa tao upang makapaghusga ng tama o
makagawa ng tamang paghuhusga at
gawin ang mga bagay na mabuti batay sa
kanyang kaalaman at pang - unawa.
25. Intelektwal na Birtud
d. Maingat na Paghuhusga (Prudence)
-Ang gawi ng maingat na paghuhusga ay ang
pagtingin sa lahat ng panig upang makakalap
ng datos bago magpasya.
26. Intelektwal na Birtud
d. Maingat na Paghuhusga (Prudence)
-Ang gawi ng maingat na paghuhusga ay ang
pagtingin sa lahat ng panig upang makakalap
ng datos bago magpasya.
27. Intelektwal na Birtud
e. Sining (Art)
Ang sining ang nagtuturo sa atin
na lumikha sa tamang
pamamaraan.
28. Intelektwal na Birtud
e. Sining (Art)
ito ay medyum upang ipahiwatig ang ating
nararamdaman sa mga bagay na nakapalibot
sa ating buhay.
Maraming uri ng sining: pagsusulat, pagsayaw,
pagkanta, pagarte, pagpinta, iskultura, at
marami pang iba.