Lubos na nadadama at nauunawaan ang isang akda kung nauunawaan ng mag-aaral ang ibat ibang dulog at teorya na maaaring gamitin sa pagsusuri ng isang akdang pampanitikan.
Ang presentasyong ito ay naglalaman ng mga pagtalakay tungkol sa teoryang pampanitikan. Itinatampok nito ang mga pag-aaral tungkol sa pagsusuri ng akda sa larangan panitikang Filipino.
Ang presentasyong ito ay naglalaman ng mga pagtalakay tungkol sa teoryang pampanitikan. Itinatampok nito ang mga pag-aaral tungkol sa pagsusuri ng akda sa larangan panitikang Filipino.
The letter invites Mr. Saguing to serve as a judge for an upcoming school competition called IDS High School Days Literary and Cultural Events and Mr. and Mrs. IDS 2023, which will be held on October 13, 2023. The competition fosters intellectual growth and enhances the skills of students by providing a platform for them to showcase talents in literary and cultural arts. The school hopes Mr. Saguing's participation will inspire students to reach new heights and make the event a memorable and educational experience for all involved.
This document outlines the guidelines and mechanics for the Supreme Student Council election at MSUN-Integrated Developmental School. Candidates must be in good standing with no failing grades from the previous semester. The president and vice-president must come from grades 11 and 12, respectively, and senators will be elected from each grade level. The filing deadline for candidacies is September 10th and the virtual election will take place on September 22nd.
3. TEORYA
Pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng
mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng
malinaw at sistematikong paraan ng
paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito.
4. Ito ay isang set ng mga pagpapalagay higgil sa
kalikasan ng wika, pagkatuto, at pagtuturo.
DULOG
5. KLASISMO Ang klasisismo o klasismo ay isa
sa teoryang pampanitikan na
nagmula sa Gresya. Mas higit
na pinapahalagahan ang
kaisipan kay sa damdamin.
6. HUMANISMO Ito ay sumibol sa panahon ng
muling pagsibol o renacimiento
( renaissance). Ito ay nagmula
sa salitang ingles na "human" o
tao sa Filipino.
7. IMAHISMO
Ang layunin ng panitikan ay gumamit
ng mga imahi na higit na maghahayag
sa mga damdamin, kaisipan, ideya,
saloobin at iba pang nais na ibahagi ng
may-akda na higit na madaling
maunawaan kaysa gumamit lamang
ng karaniwang salita.
Ito ay umusbong noong 1900 at
sa unang dalawang dekada ng
ika-20 siglo lumaganap ang
imahismo bilang isang kilusang
panulaan sa Estados Unidos at
Inglatera.
8. REALISMO Ang layunin ng panitikan ay
ipakita ang mga karanasan at
nasaksihan ng may-akda sa
kanayng lipunan sa
makatotohanang
pamamaraan.
9. FEMENISMO Ang pagpapakilala ng mga
kalakasan at kakayahang
pambabae at iangat ang
pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan.
11. SIKOLOHIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mga salik(factor) sa pagbuo ng naturang
behavior(Pag-uugali, Paniniwala, Pananaw, Pagkatao) sa isang tauhan
sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o
nagkakaroon ng panibagong behavior dahl may nag-udyok na
mabago o mabuo ito.
13. EKSISTENSYALISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili
o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng
kanyang pananatili sa mundo(human existence).
14. ROMANTISISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba't ibang paraan ng tao
o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa,
bansa ay mundong kinalakihan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at
gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang
kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
15. MARKISMO/MARXISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa
tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang
dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa
akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
16. SOSYOLOHIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning
panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naiapakikita rito
ang pamamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o
kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa
magpuksa sa mga katulad na suliranin.
17. MORALISTIKO
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba't ibang pamantayang
sumusukat sa moralidad ng isang tao ang pamantayan ng tama at
mali. Ililalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad
sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang
itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
18. BAYOGRAPIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa
buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang
mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya,
pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga "pinaka" na
inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang
karanasan sa mundo.
19. QUEER
Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng
lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo
ang homosexual naman ay queer.
20. HISTORIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao
na siyang masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang
pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng
buhay ng tao at ng mundo.
21. KULTURAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga
hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian,
paniniwala at tradisyong minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi.
Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi
22. FEMINISMO-MARKISMO
Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba't ibang paraan ng
kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang
halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon
sa suliraning dinaranas sa halip na it'y kasamaan at suliranin ng
lipunan.
23. DEKONSTRUKSYON
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba't ibang aspekto na
bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo
at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda
na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais
iparating ay ang kabuuan ng pagkatao at mundo.
24. NATURALISMO
Ito'y teoryang pampanitikan na naniniwalang malayang kagustuhan
ang isang tao dahil ang kanyang buhay ay hinuhubog lamang ng
kanyang heredity at kapaligiran. Sa panitikan, layon nito na ipakita
nang walang panghuhusga ang isang bahagi ng buhay. Nabibigyang
pansin dito ang mga saloobin, damdamin, kilos at gawi ng mga
tauhan.
25. SIKO-ANALITIKO
Tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lupunan. "Nasa
paghahanapbuhay ang tugon upang lasapin ang sarap ng buhay."
Nagkakaroon lamang ng maturidad ang isang tao bunga ng kannyang
kamalayan sa kahirapan.
26. ARKETIPAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi
ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta
masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin
muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang
mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa't isa.
Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong
ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.