Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga Uri ng Pamahalaan sa Cambodia. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang anyo ng pamahalaan na umusbong sa Cambodia.
AP 7 Lesson no. 22: Uri ng Pamahalaan sa Kanlurang at Timog AsyaJuan Miguel Palero
油
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga Uri ng Pamahalaan sa Kanlurang at Timog Asya. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang anyo ng pamahalaan na umusbong sa Kanlurang at Timog Asya.
Ang sistemang pampolitika ng mga bansa sa Silangang Asyaria de los santos
油
Ang mga sistemang pampolitika ng mga bansa sa SIlangang Asya. Uri ng pamahalaan, pamumuhay at impluwensya ng komunismo sa bansang Tsina bilang pangunahing bansa sa Silangang Asya. Epekto ng Malamig na Digmaan sa pagkakaroon ng lamat sa Hilaga at Timog Korea.
AP 7 Lesson no. 22: Uri ng Pamahalaan sa Kanlurang at Timog AsyaJuan Miguel Palero
油
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga Uri ng Pamahalaan sa Kanlurang at Timog Asya. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang anyo ng pamahalaan na umusbong sa Kanlurang at Timog Asya.
Ang sistemang pampolitika ng mga bansa sa Silangang Asyaria de los santos
油
Ang mga sistemang pampolitika ng mga bansa sa SIlangang Asya. Uri ng pamahalaan, pamumuhay at impluwensya ng komunismo sa bansang Tsina bilang pangunahing bansa sa Silangang Asya. Epekto ng Malamig na Digmaan sa pagkakaroon ng lamat sa Hilaga at Timog Korea.
1. PAMAHALAAN
At Sistemang Pulitikal sa Asya
Pamahalaan- galing sa salitang griyego na
GUBERNACULUMS na ang ibig sabihin ay
TIMON.
Isang institusyong may
isinasagawang proseso upang matugunan
ang pangunahing pangangailangan ng
mga tao sa isang lupain.
Isang organisasyong panlipunan
upang magkaroon ng makatotohanang
batas na magkakaloob ng katarungan,
kapayapaan at proteksyon para sa lahat.
2. IBAT IBANG SISTEMANG PULITIKAL
SA ASYA:
1. MONARKIYA
Ang isang monarkiya ay pinamumunuan ng
isang lider na nagmula sa lahi ng mga
dugong bughaw o hari at reyna.
a. Monarkiyang Konstitusyonal- ang
kapangyarihan ay nasa isang monarko
(hari o reyna) ngunit limitado at hindi
lubos.
b. Monarkiyang Absolut- ang
kapangyarihan ay nasa isang monarko
(hari o reyna) na walang limitasyon.
3. 2. REPUBLIKA
Sa isang republika, ang tao ang
makapangyarihan. Ang mga namumuno sa
pamahalaan ay itinuturing lamang na mga
kinatawan ng mga taong naghalal sa kanila
sa posisyon.
Presidensyal ang pinuno ng buong
estado ay ang pangulo.
Parliyamentaryo ang pinuno ng buong
estado ay ang pinunong ministro.
4. Unitaryo saklaw ng pamahalaang
pambansa/nasyonal ang pamahalaang
lokal.
Federal may awtonomiya ang
pamahalaang lokal mula sa pamahalaang
pambansa/nasyonal.
5. 3. KOMUNISMO
Sa sistemang ito, walang indibidwal ang may
pag-aari; ang lahat ay pag-aari ng bansa. Ito
ay karaniwang kumikilos sa prinsipyong
From each according to his abilities, and to
each according to his needs.
4. DIKTATORYAL
Sa isang sistemang diktatoryal, iisang tao
ang namumuno. Karaniwang gumagamit ito
ng dahas at pamimilit.
6. 5. EMIRATO/SULTANATO
Pinamumunuan ng Emir o Sultan bilang
lider ispiritwal at lider ng bansa.
Sultanato- namumuno ay Sultan
Emirato- namumuno ay Emir, Prinsesa
o Prinsipe
7. Panuto: Punan ng tamang salita ang mga
patlang upang mabuo ang talata.
Republika, (1) _______________ ang tawag
kapag ang Pangulo ang pinuno ng
estado at (2) _______________ naman kapag
ang namumuno sa gabinete ay ang
Punong Ministro. Saklaw ng pamahalaang
pambansa ang pamahalaang lokal sa
sistemang (3) _______________. Malaya
naman sa isat isa ang pamahalaang lokal at
pang-estado sa sistemang
(4)_______________.
8. (5) ________________ ang tawag sa pamahalaang
pinamumunuan ng iisang tao na gumagamit ng
dahas at pamimilit. Sa sistemang 6) ___________,
walang indibidwal ang may pag-aari; ang lahat ay
pag-aari ng bansa.
Monarkiyang (7) ________________ ang
tawag kapag limitado ang kapangyarihan ng
pinuno at monarkiyang (8) ________________
kung labis ang kanyang kapangyarihan. Sa
Sultanato, hawak ng (9) __________________
ang kapangyarihan samantalang mga (10)
_________________ naman ang namumuno sa
pamahalaang Emirate.
10. SISTEMANG PULITIKAL NG INDIA
Agosto 15, 1947- araw kasarinlan ng India
Lord Louis Mounbatten- unang gobernador
heneral ng India
Jawaharlal Nehru- unang punong ministro ng
bansa na kumiling sa prinsipyong NONALIGNMENT o pamamahalang walang anumang
ideolohiyang pinapanigan.
Kocheril Raman Narayanan- kauna-unahang
untouchable na naging punong ministro ng India
National Congress Party- pinakamalaking
partido sa India.
395 Artikulo- bumubuo sa Saligang batas ng
india kung saan itinadhana nito ang FEDERAL
11. Sa ilalim ng Konstitusyon ng India, ang Korte
Suprema ang pinakamataas na tribunal sa bansa. Ito
ay may kapangyarihan na ideklara na ang isang
gawain ay labag sa konstitusyon.
Sa ilalim ng republikang pederal, ang sistemang
parliyamentaryo ang sinusunod. Ito ay binubuo ng
mataas na kapulungan o Rajva Sabha na binubuo ng
mga kinatawang hinalal ng mga miyembro ng
lehislatura ng estado at ang mababang kapulungan o
Lok Sabha na binubuo ng mga kinatawang hinalal ng
mga tao sa bawat distrito. Ang mga miyembro ng
gabinete at minister ng konseho naman ay
nagmumula sa Lok Sabha.
Ayon sa Konstitusyon ng India, ang lahat ng
mamamayan nito ay may karapatang bumoto,
marunong mang bumasa o hindi. Ang sentro ng
pamahalaang Indian ay nasa New Delhi.
12. SISTEMANG PULITIKAL NG PAKISTAN
Ang pagkakabuo ng Pakistan ang kaunaunahang pagkakataon sa makabagong panahon
na naitatag ang isang pamayanang pulitikal na
naaayon sa iisang uri ng pananalig.
Si Muhammad Ali Jinnah (Quaid-e-Azam), lider
ng pamayanang Indiang Muslim ang namuno sa
pagpupumilit ng pagkakaroon ng nahihiwalay na
estado ng mga Indiang Muslim. Itinatag niya ang
Al-Indian Muslim League noong 1906 at siya
ang naging unang gobernador-heneral ng bansa
nang ito ay mapagkalooban ng kasarinlan.
Ang pangalang Pakistan ay binuo ni Choudhary
Rahmat Ali na kumakatawan sa apat na
lalawigan ng Sind, Baluchistan, Punjab, at ng
13. Ang Pakistan ay binubuo ng dalawang
magkahiwalay na estadong Kanlurang
Pakistan at Silangang Pakistan. Sa
pagsisimula ng kanilang kasarinlan, at
habang binubuo ang konstitusyon ng bansa,
namatay si Ali Jinnah. Dahil sa kawalan ng
gabay ng isang dakilang lider, ang bansa ay
unti-unting nasalikupan ng mga
kontrobersyang konstitusyunal hanggang sa
ito ay malubog sa isang malalang suliranin.
14. Ang Pakistan ay naging isang republikang
parliyamentaryo noong 1956, hanggang sa
ito ay mapasailalim sa isang diktaturyang
military sa pamumuno ni Heneral Ayub Khan
noong 1969. Sa ilalim ng pamumuno ni
Yahya Khan, naitatag ang nagsasariling
Silangang Pakistan na ngayon ay
Bangladesh. Ito ay naitatag matapos ang
isang madugo at mainit na pakikidigma sa
Kanlurang Pakistan.
15. Sa kasalukuyan, ang Pakistan ay isa pa ring
Federal Parliamentary Republic. Ang pangulo
ang puno ng pamahalaan na siya ring
pumipili ng kanyang punong ministro mula sa
mga kasapi ng senado, National Assembly at
Provincial Assembly.
Ang lehislatura ng bansa ay tinatawag na
Majlis-e-Shoola na binubuo ng senado o
mataas na kapulungan.
16. SISTEMANG PULITIKAL NG BANGLADESH
Ang nag-iisang wikang Bengali ang naging
malakas na armas ng mga Bengal upang
matamo ang kanilang kasarinlan.
Mula sa Pakistan noong 1971, sa ilalim ng
pamumuno ni Shiek Mujibur Rahman, ang
bansa ay binubuo ng 64 na distrito na may
limang dibisyon. Bilang isang demokrasya,
ang bansa ay naging magulo dala ng hindi
matatag na pamahalaang lagi nang may mga
pagkakagulo, pag-aaklas, at demonstrasyon.
17. Ang bansa ay isang parliyamentaryong
demokrasya. Bagamat ang pangulo ang
pinuno ng estado, ang punong ministro ang
pinuno ng pamahalaan at siyang
nangangasiwa ng bansa. Ang pangulo ang
humihirang ng punong ministro.
Ang pangangasiwa ng pamahalaan ay
isinasalin ng papaalis na administrasyon sa
isang pamahalaang INTERIM, na
kinakailangang mag-organisa ng isang
halalan sa loob ng 90 araw.
18. Kilalanin at bigyan ng kahulugan:
1. Lord Louis Mounbatten
2. Jawaharlal Nehru
3. NON-ALIGNMENT
4. Rajva Sabha
5. Lok Sabha
6. Muhammad Ali Jinnah
7. Choudhary Rahmat Ali
8. Yahya Khan
9. National Congress Party
10. Bengali
19. Sistemang Pulitikal sa Bansang
Hapon
Ang emperador (Dai Nippon Teikoku Tenno)
ay panseremonya lamang at nagsisilbing
simbolo ng pamahalaan at tanging naguugnay ng nakaraan sa nakalipas na
Monarkiyang Konstitusyunal ng bansang
Hapon. Sa kasalukuyan ito ay
Parliyamentaryong Monarkiya.
Sa kasalukuyan, 25 na salin na ang
emperador ng Hapon sa katauhan ni
AKIHITO.
20. Ang Ehekutibo
Ang pambansang patakaran ng
pamahalaan ay isinasaayos at isinasagawa
ng punong ministro at ng kanyang cabinet na
inihalal ng Diet.
DIET- tawag sa kongreso o batasan ng Hapon
21. Ang Lehislatura
Ang Diet ay binubuo ng House of
Councilors at ng House of Representatives.
Kapulungan ng Konseho- 252 miyembro na
inihalal para sa anim na taong
panunungkulan.
Kapulungan ng Kinatawan- 511 miyembro na
kumakatawan sa 124 na distrito na inihalal
para sa apat na taong panunungkulan.
22. Ang Hukuman
Ang sangay na ito ng pamahalaan ay
indipendyente. Ito ay pinamumunuan ng
punong mahistrado na inihalal ng gabinete at
itinalaga naman ng emperador at iba
pang 15 mahistrado na itinatakda naman ng
mga miyembro ng gabinete.
23. Ang Hapon ay may 47 PREFECTURE o
lalawigan na nasailalim ng pamamahala ng
pamahalaang sentral at pinamamahalaan ng
gobernor. Sa ilalim ng bawat prefecture ay
may mga munisipalya na pinamamahalaan
ng alkalde.
24. Sistemang Pulitikal ng South Korea
COLD WAR- tumutukoy sa tensyong
diplomatiko sa pagitan Estados Unidos at
Soviet Union, ang dalawang bansang
superpowers matapos ang WWII.
-ito ang naging dahilan ng
pagkakahati ng Hilagang Korea at Timog
Korea sa 38th parallel.
38th Parallel imahinaryong linya na
naghati sa Korea (North at South) sa 38
degris.
25. Sa tulong ng Estados Unidos at United
Nations Commission itinatag ng mga South
Korean ang demokratikong pamahalaan.
Taehan Mingkuk (The Republic of Korea)
-napili ng South Korea na Opisyal na
Pangalan ng bansa.
Syngman Rhee- unang nahalal na pangulo
ng bansa.
26. Itinalaga ng Saligang Batas ng Republika ang
sistemang presidensiyal para sa sangay ng
ehekutibo na inihahalal ng mga mamamayan.
Ang pangulo ng bansa ay inihahalal ng mga
mamamayan upang manungkulan ng limang
taon. Siya ang namumuno sa estado at
nangangasiwa sa pamahalaan. Siya rin ang
may kapangyarihang magtakda at magpaalis
ng punong ministro, ministro ng gabinete at
iba pang matataas na opisyal ng
pamahalaan.
27. National Assembly- nakatalaga dito ang
kapangyarihan ng lehislatura na may iisang
sangay.
Ang dalawang katlo ng mga kasapi ng
National Assembly ay inihahalal ng mga
mamamayan samantalang ang natitirang
sangkatlo ay nagmumula sa partido ng
bansa.
May kapangyarihan ding magpaalis sa
tungkulin ng isang pangulo ayon sa
ipinagkakaloob ditong kapangyarihan sa
panahon ng pangangailangan (emergency
powers) ng saligang batas.
28. Ang Korte Suprema ang pinakamataas na
hukuman ng bansa na pinamumunuan ng
punong mahistrado na itinatalaga ng pangulo
upang manungkulan ng anim na taon.
29. Ang Pamahalaan ng Tsina
Partidong Komunista
Ito ang siyang kumokontrol sa pamahalaan,
sa hukbo, at sa masang bumubuo sa selda
ng partido
Estado
Peoples Liberation Army
POLITBURO STANDING COMMITTEE
-binubuo ng apat hanggang siyam na
kalalakihan na nagpapasya sa mga
mahahalagang bagay na may kinalaman sa
buong bansa.
30. NATIONAL PEOPLES CONGRESS (NPC)
-pinakamataas na sangay ng kapangyarihang
estado na naghahalal ng pangulo,
pangalawang pangulo, konseho ng estado at
Sentrong Komisyon ng Militar sa bansa.
KONSEHO NG ESTADO (State Council)
-pangunahing awtoridad sa bansa na
namamahala sa mga lalawigan.
SENTRONG KOMISYON NG MILITAR
-tagapangulo ng komisyon ang Punong
Komandante ng hukbong sandatahan at
nangangasiwa sa PLA.