Please leave your email address, Full Name, School and School Address in the comment box if you like to have a copy of this presentation. ESP 7 Modyul 7 kalayaan
Please leave your email address, Full Name, School and School Address in the comment box if you like to have a copy of this presentation. ESP 7 Modyul 7 kalayaan
Hirarkiya ng PAgpapahalaga '
Gusto mo bang maging tunay na mabuting tao? Malaki ang maitutulong ng babasahing ito para sa iyo.
Masisiguro lamang ng isang guro sa matematika na tunay na naunawaan ng kaniyang mag-aaral ang itinuturo niyang aralin kung masasagot nila nang tama ang mga pagsusulit at mga pagsasanay sa pisara nang paulit-ulit. Sa ganito maihahalintulad ang tagumpay ng pagtuturo ng pagpapahalaga. Magiging makabuluhan lamang ang pagtuturo ng pagpapahalaga kung ito ay nailalapat sa pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga birtud (virtue) . Ano ba ang virtue?
Ang virtue ay galing sa salitang Latin na virtus (vir) na nangangahulugang pagiging tao, pagiging matatag at pagiging malakas. Ito ay nararapat lamang para sa tao. Kung kaya, hindi natin maaaring sabihin ang virtue ng anumang hayop dahil ang isang hayop ay walang kakayahan na ng anumangvirtue. Ito ay dahil tanging tao lamang ang biniyayaan ng Diyos ng isip at kilos-loob. Ang tao ay may magkakatulad na isip ngunit hindi tayo magkakatulad ng kaalaman. Mayroon tayong magkakatulad na kilos-loob ngunit magkakaiba ng taglay na virtue. Mahalagang maunawaan na ang virtue ay laging nakaugnay sa pag-iisip at pagkilos ng tao.
11. LAYUNIN
3. Natutukoy ang mga
birtud na isasabuhay at ang
mga tiyak na kilos na
ilalapat sa pagsasabuhay ng
mga ito upang maging
isang tiyak na kabahagi ng
lipunan.
17. BIRTUD
Ang virtue o ang birtud ay sinasabing
galing sa salitang latin na Virtus na
nangangahulugang pagiging tao,
pagiging matatag at pagiging malakas,
ito ay nararapat lamang sa isang tao.
18. Ang birtud ay nahuhubog sa paulit-ulit
na gawi o habit.
Ang gawi ay bunga ng paulit-ulit na
pagsasagawa ng kilos.
Mabuting gawi ay katumbas ng
mabuting kilos o birtud.
20. MGA URI NG BIRTUD
Dalawang uri ng birtud
ayon kay aristotle
Intelektuwal na Birtud
Moral na Birtud
21. 1. Intelektuwal na Birtud
Tinatawag na gawi ng kaalaman
(habits of knowledge)
May kinalaman sa pagpapaunlad ng
isip ng tao.
22. 1.1 Pag-unawa (Understanding)
- Ang pag-unawa ang pinakapangunahin sa
lahat ng birtud na nakapagpapaunlad ng isip.
Ito ay nasa buod (essence) ng lahat ng ating
pag-iisip. Kung hindi ginagabayan ng pag-
unawa ang ating pagsisikap na matuto,
walang saysay ang ating isip.
24. 1.2 Agham (Science)
Ito ay sistematikong kalipunan ng mga
tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng
pagsasaliksik at pagpapatunay (proof).
25. Pilosopikong pananaw
Halimbawa: Pag-aaral sa tao, nature ng
tao, tungkol sa pinagmulan at
patutunguhan. (Psychology, Social Study)
Siyentipikong pananaw
Halimbawa: Pag-aaral ng biolohikal,
physiology.
26. 1.3 Karunungan (Wisdom)
Masasabi lamang na naaabot na ng
kaisipan ng tao ang kaniyang kaganapan
kung ito ay nagamit sa paggabay ng
birtud ng karunungan. Ito ang
pinakawagas na uri ng kaalaman. Ito
ang pinakahuling layunin ng lahat ng
kaalaman ng tao.
27. 1.4 Maingat na Paghuhusga
(Prudence)
Ang maingat na paghuhusga ay isang uri
ng kaalaman na ang layunin ay labas sa
isip lamang ng tao. Taglay natin ito hindi
lamang upang tayo ay makaalam, kundi
upang mailapat ang anomang nakalap na
karunungan sa kilos.
28. 1.5 Sining (Art)
Ang sining ay tamang kaalaman tungkol
sa mga bagay na dapat gawin. Kung ang
maingat na paghuhusga ay nagtuturo sa
atin ng tamang asal, ang sining ang
nagtuturo sa atin upang lumikha sa
tamang pamamaraan.
29. 2. Moral na Birtud.
Ang mga moral na birtud ay may
kinalaman sa pag-uugali ng tao. Ito ay
ang mga gawi na nagpapabuti sa tao. Ito
rin ay ang mga gawi na nagtuturo sa atin
na iayon ang ating ugali sa tamang
katuwiran.
30. 2.1 Katarungan (Justice).
Upang magkaroon ng tunay na
kabuluhan ang isang kilos, ito ay
nararapat na nagmula sa kilos-loob o
may pahintulot nito. Ang isang kilos ay
maaari lamang purihin o sisihin kung ito
ay naisagawa nang malaya.
31. 2.2 Pagtitimpi (Temperance or
Moderation)
Nabubuhay ang tao sa isang
mapanuksong mundo. Maraming
inihahain ang mundo sa ating harapan na
maaaring maging dahilan upang magtalo
ang ating pagnanasa at katuwiran.
32. 2.3 Katatagan (Fortitude)
Ang buhay sa mundo ay puno ng mga
suliranin at pagsubok. Kung minsan, sa
tindi ng ating mga pinagdaraanan,
nanghihina na ang ating loob at
nawawalan tayo ng pag-asa.
33. 2.4 Maingat na Paghuhusga
(Prudence)
Ito ang tinuturing na ina ng mga birtud
sapagkat ang pagsasabuhay ng ibang
mga birtud ay dumadaan sa maingat na
paghuhusga. Ang birtud na ito ay
parehong intelektuwal at moral na birtud.
34. Idinagdag ni Santo
Tomas de Aquino;
TEOLOHIKAL NA BIRTUD
- Direktang ibinigay sa atin
ng Diyos upang magkaroon
tayo ng ugnayan sa kanya.
Angkop na pakikiisa natin sa
Diyos kung kaya ang birtud
na ito ay hindi nasusukat.
35. 3.1 Pananampalataya
Ito ay ang personal na ugnayan ng Diyos
na nagbibigay sa atin ng tiwala na nsa
kanya ang katotohanan. Kahit hindi natin
siya nakikita, mayroon parin tayong
paniniwala na sa ay kapiling natin.
36. 3.2 Pag-asa
Ang pagasa ay nananahan sa ating
puso. Sa pag-asa tayo ay pinapatatag at
hindi pinanghihinaan ng loob.
37. 3.3 Pag-ibig
Ang birtud na ito ay nagtutulak sa atin
na higit na mahalin ang Diyos at sundin
ang kanyang mga kautusan. Ang
pagmamahal natin sa Diyos ay hindi
kailanman maaaring ihiwalay sa ating
kapuwa.
38. Kaugnayan ng Birtud at
Pagpapahalaga
Ang birtud ay ang mabuting kilos na
ginagawa ng tao upang isakatuparan
ang pinapahalagahan. Ito rin ang
pinag-isipang paraan o hakbang upang
makamit ang pagpapahalaga.
39. PANGKATANG GAWAIN
Panuto: Hahatiin sa apat na grupo ang
klase at bubunot ng pirasong papel na
may kalakip na ibat-ibang gawain ang
napiling lider.
40. 8-10 5-7 1-4
Mensahe Malinaw ang
mensahe
May mensahe
pero di gaano
kalinaw
Hindi malinaw
ang mensahe
Malikhain Masining ang
ideyang
naipakita.
Medyo
masining ang
ideya pero di
gaano.
Walang
masyadong
sining.
Presentasyon Maayos na
naipresenta
Maayos na
naipresenta
pero medyo
alanganin
Hindi maayos
na naipresenta.
42. 1. Ito ang pinakapangunahin sa lahat ng
birtud na nakapagpapaunlad ng isip
a.pag-unawa b.agham
c.karunungan d.sining
43. 2. Ito ay sistematikong kalipunan ng mga
tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng
pagsasaliksik at pagpapatunay.
a. pag-unawa b.agham
c.karunungan d.sining
44. 3. Ito ang itinuturing na ina ng mga birtud
sapagkat ang pagsasabuhay ng ibang
birtud ay dumadaan sa birtud na ito.
Ang birtud na ito ay parehong intelektwal
at moral.
a.pag-unawa b.agham
c.karunungan d.maingat na paghuhusga
45. 4. May kinalaman sa pag-uugali ng tao. Ito
ay mga gawi na nagpapabuti sa tao.
a. intelektwal na birtud
b. moral na birtud
c. Teolohikal na birtud
46. 5. Ito ang pinakawagas na uri ng
kaalaman.
a. pag-unawa b. agham
c. karunungan d. maingat na
paghuhusga
47. 6. Ang ang nagtuturo sa atin na lumikha
sa tamang pamamaraan.
a. pag-unawa b. agham
c. sining d. maingat na
paghuhusga
48. 7. Ito ay isang birtud na gumagamit ng
kilos-loob upang ibigay sa tao ang
nararapat lamang para sa kanya, sinuman
o anuman ang kaniyang katayuan sa
buhay.
a. katarungan b. pagtitimpi
c. katatagan d. maingat na
paghuhusga
49. 8. Kinakailangan ang pagpipigil o
pagkontrol sa sarili na maiwasan ang tukso
o masamang gawain.
a. katarungan b. pagtitimpi
c. katatagan d. maingat na
paghuhusga
50. 9. May kinalaman sa isip ng tao na
tinatawag ding gawi ng kaalaman.
a. moral na birtud
b. intelektwal na birtud
c. teolohikal na birtud
51. 10. Ito ang birtud na nagpapatibay o
nagpapatatag sa tao na harapin ang
anumang pagsubok at panganib.
a. katarungan b. pagtitimpi
c. katatagan d. maingat na
paghuhusga
52. TAKDANG ARALIN
Panuto: Gumawa ng venn diagram
na nagpapakita ng pagkakaiba at
pagkakatulad ng pagpapahalaga at
birtud.