Grade 1 Week 4 Quarter 3 GMRC Presentation for teachers of Grade 1 who are bu...estrellaagabe
Ìý
DEMO TEACHING FOR GRADE 1 Q4 WEEK 3. for faster understanding of concepts. it is developed solely for Grade 1 Learners to enjoy learning in GMRC. it enables Grade 1 learners to achieve the objective at the targeted time. This presentation gives clarity and opportunity to develop concepts and understanding on the developing of values and good
Edukasyon Sa Pagpapakatao seksuwalidad pt 1.pptxDanethGutierrez
Ìý
Ito ay isang presentasyon tungkol sa kawalan ng pag galang sa sekswalidad ng tao. Sa kasalukuyang lipunan, isa sa mga mahahalagang usaping panlipunan ay ang kawalan ng paggalang sa sekswalidad ng isang tao. Ang sekswalidad ay isang aspeto ng ating pagkatao na sumasaklaw sa ating pagkakakilanlan bilang lalaki, babae, o ibang kasarian, pati na rin sa ating oryentasyong sekswal at pagpapahayag ng ating sekswal na identidad. Gayunpaman, sa kabila ng kahalagahan nito, patuloy pa ring nararanasan ng maraming indibidwal ang diskriminasyon, pang-aabuso, at hindi makatarungang pagtrato dahil sa kanilang sekswalidad. Mga Anyo ng Kawalan ng Paggalang sa Sekswalidad
Diskriminasyon sa Kasarian at Sekswal na Oryentasyon
Isa sa mga pinaka-karaniwang anyo ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay ang diskriminasyon laban sa mga LGBTQ+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, at iba pa). Maraming indibidwal ang nakakaranas ng pangmamaliit, paglayo ng pamilya, kawalan ng oportunidad sa trabaho, at maging pang-aapi sa paaralan o lugar ng trabaho dahil lamang sa kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
Panggagahasa at Sekswal na Pang-aabuso
Ang sekswal na pang-aabuso ay isang marahas at hindi makatarungang anyo ng kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao. Kabilang dito ang panggagahasa, sapilitang pakikipagtalik, at iba pang uri ng sekswal na karahasan. Ang mga biktima nito ay madalas na pinapatahimik ng takot, stigma, at kakulangan ng suporta mula sa lipunan.
Catcalling at Sekswal na Panliligalig
Ang pambabastos sa lansangan o catcalling ay isang halimbawa ng kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao. Karaniwang biktima nito ay mga kababaihan, bagaman may mga kalalakihan ding nakakaranas nito. Ang sekswal na panliligalig ay nagdudulot ng matinding takot at kawalan ng seguridad sa mga biktima.
Sapilitang Pamantayan ng Pagpapakita ng Sekswalidad
Sa maraming kultura, may mga inaasahang pamantayan sa kung paano dapat ipahayag ng isang tao ang kanyang sekswalidad. Halimbawa, may mga babae na pinipilit na maging mahinhin at hindi dapat masyadong lantad sa kanilang sekswalidad, samantalang may mga lalaki naman na inaasahang maging agresibo o dominante. Ang ganitong mga pananaw ay nagpapalakas ng hindi pantay na pagtrato sa kasarian.
Paggamit ng Sekswalidad para sa Pagsasamantala
Sa media at industriya ng aliwan, madalas ginagamit ang sekswalidad ng mga tao, lalo na ng kababaihan, upang makabenta ng produkto o makakuha ng atensyon. May mga tao rin na napipilitang pumasok sa prostitusyon o pang-aabuso dahil sa kahirapan at kawalan ng pagpipilian. Ito ay isang malinaw na manipestasyon ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad.
Epekto ng Kawalan ng Paggalang sa Sekswalidad
Ang kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao ay may malalim at pangmatagalang epekto hindi lamang sa indibidwal na biktima kundi pati na rin sa buong lipunan. Ang ilan sa mga pangunahing epekto ay ang mga sumusunod:
Ang kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay isang seryosong suliranin na
7. Paglalahad ng Layunin
5.1 Napatutunayan na ang Makataong
Kilos ay sinadya (deliberate) at
niloob ng tao gamit ang isip kaya
pananagutan niya ang
kahihinatnan nito (kabutihan o
kasamaan).
5.2 Nakapagsusuri ng sariling kilos
na dapat panagutan at
nakagagawa ng paraan upang
maging mapanagutan sa
pagkilos.
8. Paglalahad ng Layunin
5.3 Napatutunayan na nakaaapekto ang
kamangmangan, masidhing damdamin,
takot, karahasan at gawi sa
pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng
kaniyang kilos dahil maaring mawala
ang pagkukusa ng kilos.
5.4 Nakapagsusuri ng sarili batay sa mga
salik na nakaaapekto sa pananagutan
ng ta sa kahihinatnan ng kilos at pasiya
at nakagagawa ng mga hakbang upang
mahubog ang kaniyang kakayahan sa
pagpapasiya nang tama at mabuti.
10. INTRODUCTION - GAWAIN 5.1
SITWASYON 1
Sinabihan si Ryan ng kaniyang guro na siya ang
mamumuno sa kanilang grupo sa paggawa ng isang
video ad para sa kanilang klase. Lingid sa kaniyang
kaalaman na may iba na palang napili ang kaniyang
guro na gumawa ng nasabing video ad. Napahiya si
Ryan sa kaniyang mga kaklase at kagrupo. Dapat
bang magalit si Ryan sa kaniyang guro dahil pinahiya
siya nito? Bakit?
Basahin at suriin ang mga sitwasyon.
11. INTRODUCTION - GAWAIN 5.1
SITWASYON 2
Nakita at nabasa ni Jovanie ang isang pamamahiyang
post ng isang kaklase patungkol sa isa pang kaklase
sa social media. Dahil sa takot na baka madamay sya,
hindi niya ito isinumbong sa kinauukulan.
Mapapanagot ba si Jovanie sa kaniyang
pananahimik? Bakit? Ipaliwanag.
Basahin at suriin ang mga sitwasyon.
12. INTRODUCTION - GAWAIN 5.1
SITWASYON 3
Nagbilin kay Normina ang kaniyang ina na sabihan
ang kaniyang ate na magluto ng tanghalian. Biglaang
nagyaya ang mga kaibigan niya na mag-ML (Mobile
Legends) sila kung kaya nakalimutan niyang sabihan
ang kaniyang ate. May pananagutan ba si Normina sa
maaaring kahinatnan dahil hindi nito nasabi ang
ipinagbilin sa kaniya? Ipaliwanag.
Basahin at suriin ang mga sitwasyon.
17. Dalawang Uri ng Kilos ng Tao
1. Ang Kilos ng Tao
(Act of Man)
2. Ang Makataong Kilos
(Human Act)
18. Ang Kilos ng Tao (Act of Man). Ito ay
mga kilos na nagaganap sa tao. Ito
ay likas (natural) sa tao o ayon sa
kaniyang kalikasan bilang tao at
hindi ginagamitan ng isip at kilos-
loob. Ang kilos na ito ay masasabing
walang aspeto ng pagiging mabuti o
masama kaya walang pananagutan
ang tao kung naisagawa ito.
19. Ang mga halimbawa nito ay: biyolohikal at
pisyolohikal na kilos na nagaganap sa tao
tulad ng
paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng
mata, paghikab, pagkaramdam ng sakit
mula sa isang sugat, at iba pa.
21. Ang Makataong Kilos (Human Act). Ito
naman ay kilos na isinagawa ng tao
nang may kaalaman, kalayaan, at
pagkukusa. Ang kilos na ito ay resulta
ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-
loob kaya’t may pananagutan ang tao
sa pagsasagawa nito. Karaniwang
tinatawag itong kilos na niloob, sinadya
at kinusa sapagkat isinasagawa ito ng
tao sa panahon na siya ay responsable.
22. Sa madaling salita,
ang isang kilos ay
magiging kilos ng tao
(act of man) kung
ang kilos na ito ay
kasama sa kaniyang
kalikasan (nature) at
hindi niya
ginagamitan ng isip
o kilos-loob.
Ang isang kilos
naman ay magiging
makataong kilos
(human act) kung
ang kilos na ito ay
ginagamitan ng isip
at kilos-loob.
23. Samakatuwid, anomang kilos kahit na ito
pa ay likas o natural, kung ito ay
humantong sa paggamit ng isip o may
kasamang pagpapasya o pagdedesisyon,
ito ay maituturing na makataong kilos
(human act).
25. A. Ang kilos ng tao (act of man) ay
maaring maging makataong kilos
(human act).
B. Ang makataong kilos (human act) ay
maaring maging kilos ng tao (act of
man).
Alin ang tama?
26. A. Ang kilos ng tao (act of man) ay
maaring maging makataong kilos
(human act).
B. Ang makataong kilos (human act) ay
maaring maging kilos ng tao (act of
man).
Alin ang tama?
27. (1) KUSANG-LOOB
(2) DI KUSANG-LOOB
(3) WALANG KUSANG-LOOB
Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan
(Accountability) -Aristoteles
28. 1. Kusang-loob. Ito ang kilos na may kaalaman at
pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may
lubos na pagkaunawa sa kalikasan at
kahihinatnan nito.
Halimbawa: Niyaya ka ng iyong kaklase na umalis
ng bahay at gumala. Alam mo na bawal lumabas
ng bahay ang mga batang may edad 14 gulang
pababa. Sumama ka pa rin kahit na batid mo na
bawal lumabas ang mga katulad mo. Nahuli kayo
ng mga kawani ng barangay.
29. 2. Di kusang-loob. Dito ay may paggamit ng
kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon.
Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman
may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
Halimbawa:
(Pagpapatuloy sa naunang sitwasyon). Noong
ikaw ay niyaya ng iyong kaklase na umalis ng
bahay at gumala, tinanggihan mo siya dahil alam
mong bawal lumabas ng bahay. Ngunit sabi niya
kapag hindi ka sumama ay puputulin na niya ang
inyong pagkakaibigan. Kaya sa huli ay sumama
ka pa rin sa kaniya.
30. 3. Walang kusang-loob. Dito, ang tao ay walang
kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang
kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi
niya alam kaya’t walang pagkukusa o boluntaryong
pagkilos.
Halimbawa:
Ang iyong kapatid na isang (1) taong gulang pa
lamang ay sinundo ng iyong tiyahin sa inyong bahay
para isama niya sa pamamalengke. Mahigpit na
ipinagbabawal na lumabas sa ngayon ang mga
batang may edad na 14 pababa. Ang bata ay walang
magiging pananagutan dahil wala naman siyang
kaalaman patungkol sa batas at panuntunan sa
kasalukuyan.
31. May kakaibang ekspresyon si Danny sa kaniyang
mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang
kanang mata. Nakikita ang manerismong ito sa
kaniyang pagbabasa, pakikipagkwentuhan sa
kaibigan, at panonood ng telebisyon. Minsan sa
kaniyang pamamasyal ay may lumapit na dalaga
at nagalit sa kaniyang pangingindat. Nagulat siya
dahil hindi niya alam na nabastos niya nang hindi
sinasadya ang dalaga. Hind huming ng paumanhin
si Danny dahil iyon ay isang manerismo niya.
32. Eksepsiyon at Kabawasan ng Pananagutan
Ayon kay Aristoteles, may eksepsiyon, sa
kabawasan sa kalalabasan ng isang kilos kung
may kulang sa proseso ng pagkilos.
May apat na elemento sa prosesong ito:
1) paglalayon,
2) pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin,
3) pagpili ng pinakamalapit na paraan, at
4) pagsasakilos ng paraan.