際際滷

際際滷Share a Scribd company logo
293396242-ang-makataong-kilos powerpoint
Sadyang natatangi
nga ang tao. Ipinagkaloob
sa kaniya ang lahat ng
kakayahan at pakultad
upang hubugin ang
kaniyang pagkatao at
upang magpakatao. Kaya
isang malaking hamon sa
tao ang magpakatao at
gamitin ang taglay niyang
mga kakayahan sa
pagkamit nito.
1.Ano ang pagkakaiba ng kilos
ng tao sa makataong kilos?
2.Sa pamamagitan ng 3 Uri ng
Kapanugatan, magbigay ng
sitwasyon.
Ayon kay Agapay, anumang
uri ng tao ang isang
indibiduwal ngayon at kung
magiging anong uri siya ng
tao sa mga susunod na araw,
ay nakasalalay sa uri ng
kilos na kaniyang ginagawa
ngayon at gagawin pa sa
mga nalalabing araw ng
kaniyang buhay.
 Kilos ng Tao (Acts of Man)
 mga kilos na nagaganap sa tao.
 Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang
kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan
ng isip at kilos-loob.
 Ang kilos na ito ay masasabing walang
aspekto ng pagiging mabuti o masama -
kaya walang pananagutan ang tao kung
naisagawa ito.
 Halimbawa nito ay ang mga biyolohikal at pisyolohikal na kilos na
nagaganap sa tao tulad ng paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng
mata, pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat, paghikab, at iba pa.
Makataong Kilos (Human Acts)
ay kilos na isinagawa ng tao
nang may kaalaman, malaya, at
kusa.
Ang kilos na ito ay resulta ng
kaalaman, ginamitan ng isip at
kilos-loob kayat may
kapanagutan ang tao sa
pagsasagawa nito.
Maaari bang
maging
makataong kilos
ang kilos ng
tao?
Halimbawa
Si Jasmin ay isang mag-aaral sa Baitang 10. Hilig niya ang magpunta
sa library at doon ay magbasa ng mga paborito niyang dyornal. Sa
kaniyang paglalakad ay naririnig niya ang kuwentuhan ng kaniyang mga
kaklase tungkol sa maagang pag-aasawa ng isa nilang kamag-aaral. Hindi
sadya na marinig niya ito at magkaroon ng kaalaman tungkol dito. Kaya
hindi niya ito inintindi at nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa library.
 Kusang-loob
 Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang
gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa
kalikasan at kahihinatnan nito.
 Halimbawa: Ang isang gurong nasa sekondarya na gumaganap ng
kaniyang tungkulin bilang guro. Gumagamit siya ng ibat ibang
istratehiya sa pagtuturo para sa kaniyang klase. Nagbubuo rin
siya ng banghay-aralin (lesson plan) bilang preparasyon sa
kaniyang araw-araw na pagtuturo. Naghahanda siya ng mga
angkop at kawili-wiling kagamitang pampagtuturo upang
mapaunlad ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Gumagawa rin
siya ng mga angkop na pagsusulit upang matiyak ang mga
minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral.
 Di kusang loob
 Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang
ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi
isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na
dapat isakatuparan.
 Halimbawa: Si Arturo, isang barangay offcial ay
naglingkod bilang COMELEC member para sa lokal at
pambansang eleksiyon. Binulungan siya ng kaniyang
chairman na tulungan ang isang kandidato sa
pamamagitan ng dagdag-bawas. Alam niyang ito ay
ilegal at labag sa kanilang moral na tungkulin kaya hindi
siya pumayag. Sa kabila nito, ginawa parin niya ang
pabor na hinihingi dahil baka matanggal siya bilang
miyembro kung hindi siya susunod bagaman labag ito sa
kaniyang kalooban.
 Walang kusang loob
 Dito ang tao ay walang kaalaman kayat walang
pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi
pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kayat
walang pagkukusa.
 Halimbawa: May kakaibang ekspresyon si Dean sa
kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang
kanang mata. Nakikita ang manerismong ito sa kaniyang
pagbabasa, pakikipagkuwentuhan sa kaibigan, at
panonood ng telebisyon. Minsan sa kaniyang
pamamasyal ay may lumapit na dalaga at nagalit sa
kaniyang pangingindat. Nagulat siya dahil hindi niya
alam na nabastos niya nang hindi sinasadya ang dalaga.
Hindi humingi ng paumanhin si Dean dahil iyon ay isang
manerismo niya.
 Ayon kay Aristoteles, ang kilos o gawa ay hindi
agad nahuhusgahan kung masama o mabuti. Ang
pagiging mabuti at masama nito ay nakasalalay sa
intensiyon kung bakit ginawa ito.
 Ang lahat ng bagay ay likas na may layunin o
dahilan. Kung ilalapat sa mga sitwasyon, ang bawat
kilos ng tao ay may layunin. Ang layuning ito ay
nakakabit sa kabutihang natatamo sa bawat kilos
na ginagawa. Ang kabutihang ito ay nakikita ng isip
na nagbibigay ng pagkukusa sa kilos-loob na abutin
o gawin tungo sa kaniyang kaganapan - ang
kaniyang sariling kabutihan o mas mataas pang
kabutihan. Ito ay ang itinuturing na pinakamataas na
telos  ang pagbabalik ng lumikha sa tao, ang
Diyos.
Ayon kay Santo Tomas,
hindi lahat ng kilos ay obligado.
Ang isang gawa o kilos ay
obligado lamang kung ang
hindi pagtuloy sa paggawa
nito ay may masamang
mangyayari. Dapat piliin ng tao
ang mas mataas na kabutihan -
ang kabutihan ng sarili at ng
iba, patungo sa pinakamataas
na layunin.
 Ayon kay Aristoteles, may eksepsiyon sa
kabawasan sa kalalabasan ng isang kilos kung
may kulang sa proseso ng pagkilos. May apat
na elemento sa prosesong ito: paglalayon,
pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin,
pagpili ng pinakamalapit na paraan, at
pagsasakilos ng paraan.
 Paglalayon. Kasama ba sa nilalayon ang kinalabasan ng isang
makataong kilos? Kung sa kabuuan ng paglalayon ay nakikita ng
tao ang isang masamang epekto ng kilos na sa kaniya ang
kapanagutan ng kilos.
 Halimbawa, kung ang hindi mo pagbigay ng tulong sa isang kaklase na
mahirap umunawa ng aralin ay nagbigay sa kaniya ng mababang marka,
maaaring isisi sa iyo ang pagbaba ng kaniyang marka.
 Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin. Ang pamaraan ba ay
tugma sa pag-abot ng layunin at hindi lamang kasangkapan sa
pag-abot ng naisin? Dito ay ginagamit ang tamang kaisipan at
katuwiran.
 Halimbawa, ang pagbibigay ng regalo sa kaklase o kaya ay pagiging
mabait sa kaniya upang makapangopya sa panahon ng pagsusulit.
 Pagpili ng pinakamalapit na paraan. Sa puntong ito, itatanong mo:
Nagkaroon ba ng kalayaan sa mga opsiyon na pagpipilian o
pinili lamang ang mas nakabubuti sa iyo na walang
pagsasaalang-alang sa maaaring epekto nito? Iniwasan mo ba
ang pagpipilian/opsiyon na mas humihingi ng masusing pag-iisip?
Ang lahat ba ay bumabalik lamang sa pansariling kabutihan na
hindi nagtataguyod ng kabutihan ng iba?
 Pagsasakilos ng paraan. Dito ay ginagamit ang kilos-loob na
lalong nagpapalakas ng isang makataong kilos upang maging
tunay na mapanagutan. Ang pagkilos sa pamaraan ay ang
paglapat ng pagkukusa na tunay na magbibigay ng
kapanagutan sa kumikilos.
 Halimbawa, ang planong pagtulong sa isang komunidad. Ang paglikom at
paghanap ng sponsors at benefactors ang siyang unang naging punto ng
plano at kasunod ay ang mga benefciaries. Lahat ay nabigyan ng
kaukulang pansin dahil lahat ng komite ay nagbahagi ng kanilang
makakaya.
Ayon kay Aristoteles, kung may kulang sa
mga ito, nagkakaroon ng kabawasan sa
kapanagutan ng isang tao ang ginawang kilos.
Ngunit hindi nawawala ang kapanagutang ito
maliban sa kung apektado ito ng mga salik na
maaaring makapagpawala ng kapanagutan. Dahil
dito, maaaring mabawasan o mawala ang
kapanagutan. Ibig sabihin, ang kahihinatnan ng
makataong kilos, kasama na ang pagpapataw ng
parusa kung mayroon man, ay nababawasan din o
nawawala.
 Kamangmangan. Isa sa pinakamahalagang elemento ng
makataong kilos ay ang papel ng isip. Ang kamangmangan ay
tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay
ng tao..
 Dalawang Uri:
 kamangmangan na nadaraig ay ang kawalan ng kaalaman sa isang
gawain subalit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang
kaalaman kung gagawa ng paraan upang malaman at matuklasan ito.
 kamangmangan na hindi nadaraig ay maaaring kamangmangan dahil
sa kawalan ng kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat
niyang malaman. O kaya naman walang posibleng paraan upang
malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan o sa kakayahan man
ng iba.
 Masidhing Damdamin. Ito ay ang dikta ng bodily
appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos (tendency) o
damdamin. Maituturing ito na paglaban ng masidhing
damdamin sa isip - para bang ang pangangailangan ng
masidhing damdamin ay mas matimbang kaysa sa dikta
ng isip. Ito ay ang malakas na utos ng sense appetite na
abutin ang kaniyang layunin. Tumutukoy ito sa masidhing
pag-asam o paghahangad na makaranas ng
kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay
na nagdudulot ng sakit o hirap. Halimbawa nito ay ang
pag-ibig, pagkamuhi, katuwaan, pighati, pagnanais,
pagkasindak, pagkasuklam, pagnanasa, desperasyon,
kapangahasan, pangamba, at galit.
 Ang masidhing damdamin ay maaaring nauuna
(antecedent) o kayay nahuhuli (consequent). Ang
nauuna (antecedent) ay damdamin na nadarama
o napupukaw kahit hindi niloob o sinadya. Ito ay
umiral bago pa man gawin ang isang kilos. Ang
kilos sa ilalim ng damdaming ito ay hindi
malaya kaya ito ay kilos ng tao (act of man).
Ang nahuhuli (consequent) naman ay damdaming
sinadyang mapukaw at inalagaan kaya ang
kilos ay sinadya, niloob, at may pagkukusa.
Sa sobrang kagalakan ng lalaki dahil sa pagkapasa niya sa Bar
Exam ay bigla niyang nayakap ang katabi niyang babae.
Maaari ba siyang akusahan ng sexual harassment?
Depende ito sa uri ng damdamin. Ito ay tinatawag na nauna
(antecendent) kung ito ay umiral bago pa man gawin ang isang
kilos at nahuhuli (consequent) naman kung ito ay nagkaroon muna
ng pagkukusa mula sa kilos-loob.
 Takot. Ang pagkatakot ay isa sa mga halimbawa
ng masidhing silakbo ng damdamin. Ang takot ay
ang pagkabagabag ng isip ng tao na
humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa
kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.
Tumutukoy din ito sa pagpataw ng puwersa gaya
ng pananakit o pagpapahirap upang gawin ng
isang tao ang kilos na labag sa kaniyang
kalooban. Kasama rin dito ang pananakot sa tao
o sa kaniyang mga mahal sa buhay upang
mapasunod itong gumawa ng masama.
 Karahasan. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na
puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang
isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at
pagkukusa. Ito ay maaaring gawin ng isang taong
may mataas na impluwensiya. Maaaring mawala ang
pananagutan ng kilos o gawa na may impluwensiya
ng karahasan.
 Halimbawa, isang kaklase mong siga ang pinipilit kang
kumuha ng pagkain sa kantina. Binantaan ka niya na
aabangan sa labas kung hindi mo siya susundin. Sa
pagtanggi mo ay pinitik niya ang iyong tenga kaya
napilitan ka na sundin siya. Sa pagkakataong ito, hindi ka
mapananagot sa ginawa mo. Pero tandaan na kailangan
mo munang mag-isip ng paraan para maiwasan ito.
 Gawi. Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at
naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw
ay itinuturing na gawi (habits). Kung ang isang gawa o
kilos ay nakasanayan na, nababawasan ang
pananagutan ng isang tao ngunit hindi ito nawawala. Ito
ay dahil ang isang gawi bago nakasanayan ay
nagsimula muna bilang isang kilos na may kapanagutan
at pagkukusa sa taong gumagawa. Kaya ang gawi ay
hindi kailanman nakapagpapawala ng kapanagutan sa
kahihinatnan ng makataong kilos.
 Halimbawa nito ay ang pagmumura na naging pang-araw-
araw ng ekspresyon ng isang tao. Mapanagot ka pa rin
dahil nagsimula ito bilang kusang pagsasalita nang hindi
maganda at nakasanayan na lamang.
2. Sa tatlong uri ng kilos na maituturing na makatao, alin
ang kArapat-dapat panagutan? Bakit?
3. Kailan natin matutukoy na ang gawain o kilos ng tao
ay hindi makakapanagot sa masamang epekto ng
makataong kilos? Ipaliwanag?
4. Ang layunin ba ng kilos ay batayan din sa paghusga
kung ang kilos ay mabuti o hindi mabuti?
Pangatuwiranan.
5. Kailangan obligado ang tao na isagawa ang isang
makataong kilos? Ipaliwanag.

More Related Content

Similar to 293396242-ang-makataong-kilos powerpoint (20)

Q2M3-MGA-SALIK-NA-NAKAKAAPEKTO-SA-KILOS-AT-PASYA.pptx
Q2M3-MGA-SALIK-NA-NAKAKAAPEKTO-SA-KILOS-AT-PASYA.pptxQ2M3-MGA-SALIK-NA-NAKAKAAPEKTO-SA-KILOS-AT-PASYA.pptx
Q2M3-MGA-SALIK-NA-NAKAKAAPEKTO-SA-KILOS-AT-PASYA.pptx
SeanAlvinCatigan
Modyul 5
Modyul 5Modyul 5
Modyul 5
Rachalle Manaloto
Edukasyong sa Pagpapakatao 10 Q2,WEEK3.pptx
Edukasyong sa Pagpapakatao 10 Q2,WEEK3.pptxEdukasyong sa Pagpapakatao 10 Q2,WEEK3.pptx
Edukasyong sa Pagpapakatao 10 Q2,WEEK3.pptx
GinesGarsuta1
Kilos Ko, Susuriin at Panagutan Ko!.pptx
Kilos Ko, Susuriin at Panagutan Ko!.pptxKilos Ko, Susuriin at Panagutan Ko!.pptx
Kilos Ko, Susuriin at Panagutan Ko!.pptx
NormanAReyes
SALIK NA NAKAAAPEKTO SA KILOS AT PASYA.pptx
SALIK NA NAKAAAPEKTO SA KILOS AT PASYA.pptxSALIK NA NAKAAAPEKTO SA KILOS AT PASYA.pptx
SALIK NA NAKAAAPEKTO SA KILOS AT PASYA.pptx
DanicaReyes23
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 10, QUARTER 2
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 10, QUARTER 2EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 10, QUARTER 2
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 10, QUARTER 2
RowenaDivino2
Brown Aesthetic Modern Thesis Defense Presentation_20231129_211914_0000.pptx
Brown Aesthetic Modern Thesis Defense Presentation_20231129_211914_0000.pptxBrown Aesthetic Modern Thesis Defense Presentation_20231129_211914_0000.pptx
Brown Aesthetic Modern Thesis Defense Presentation_20231129_211914_0000.pptx
ysayabawan
EsP10_Q2_Week-3 Week 4 of Quarter 2 of esp
EsP10_Q2_Week-3 Week 4 of Quarter 2 of espEsP10_Q2_Week-3 Week 4 of Quarter 2 of esp
EsP10_Q2_Week-3 Week 4 of Quarter 2 of esp
WendelDiola
FG2_L1.pptx
FG2_L1.pptxFG2_L1.pptx
FG2_L1.pptx
russelsilvestre1
edukasyon sa pagpapakatao 10 quarter 2 lesson 2
edukasyon sa pagpapakatao 10 quarter 2 lesson 2edukasyon sa pagpapakatao 10 quarter 2 lesson 2
edukasyon sa pagpapakatao 10 quarter 2 lesson 2
BernadetteMacapiot
Pagkukusa ng makatong kilos at mga salik na nakaapekto sa tao
Pagkukusa ng makatong kilos at mga salik  na nakaapekto sa taoPagkukusa ng makatong kilos at mga salik  na nakaapekto sa tao
Pagkukusa ng makatong kilos at mga salik na nakaapekto sa tao
JohnMichaelPascua3
ESP 10-WK 5.pptx........................
ESP 10-WK 5.pptx........................ESP 10-WK 5.pptx........................
ESP 10-WK 5.pptx........................
lovelyjanemananita
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 - Modyul 5
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 - Modyul 5Edukasyon sa Pagpapakatao 10 - Modyul 5
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 - Modyul 5
Rachalle Manaloto
ESP 10-WK 5.pptx.........................
ESP 10-WK 5.pptx.........................ESP 10-WK 5.pptx.........................
ESP 10-WK 5.pptx.........................
lovelyjanemananita
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 - Makataong Kilos
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 - Makataong KilosEdukasyon sa Pagpapakatao 10 - Makataong Kilos
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 - Makataong Kilos
honkaii049
esp-moooooooooduuuuuuuuuule-2-qtr-2.pptx
esp-moooooooooduuuuuuuuuule-2-qtr-2.pptxesp-moooooooooduuuuuuuuuule-2-qtr-2.pptx
esp-moooooooooduuuuuuuuuule-2-qtr-2.pptx
CharimaineMarquez1
inbound7936227438103625204.pptx
inbound7936227438103625204.pptxinbound7936227438103625204.pptx
inbound7936227438103625204.pptx
Theaa6
Q2_M2_ESP. grade 10 edukasyon sa pagpapahalagapptx
Q2_M2_ESP. grade 10 edukasyon sa pagpapahalagapptxQ2_M2_ESP. grade 10 edukasyon sa pagpapahalagapptx
Q2_M2_ESP. grade 10 edukasyon sa pagpapahalagapptx
JaymarkJulao2
Edukassyon sa pagpapakatao Lesson 3 2nd quarter
Edukassyon sa pagpapakatao Lesson 3 2nd quarterEdukassyon sa pagpapakatao Lesson 3 2nd quarter
Edukassyon sa pagpapakatao Lesson 3 2nd quarter
LeaSantiago2

More from rhealyncabudol (14)

filipino11-cot1-240228013357-71800dc8.pptx
filipino11-cot1-240228013357-71800dc8.pptxfilipino11-cot1-240228013357-71800dc8.pptx
filipino11-cot1-240228013357-71800dc8.pptx
rhealyncabudol
TEKSTONG PROSIDYURALowerpoint presentasyon
TEKSTONG PROSIDYURALowerpoint presentasyonTEKSTONG PROSIDYURALowerpoint presentasyon
TEKSTONG PROSIDYURALowerpoint presentasyon
rhealyncabudol
TEORYANG PAMPANITIKAN.powerpointpresentasyon
TEORYANG PAMPANITIKAN.powerpointpresentasyonTEORYANG PAMPANITIKAN.powerpointpresentasyon
TEORYANG PAMPANITIKAN.powerpointpresentasyon
rhealyncabudol
Antas ng Pang-uri.pOWERPOINT PRESENTASYON
Antas ng Pang-uri.pOWERPOINT PRESENTASYONAntas ng Pang-uri.pOWERPOINT PRESENTASYON
Antas ng Pang-uri.pOWERPOINT PRESENTASYON
rhealyncabudol
Ang hele ng ina sa kaniyang panganay.pptx
Ang hele ng ina sa kaniyang panganay.pptxAng hele ng ina sa kaniyang panganay.pptx
Ang hele ng ina sa kaniyang panganay.pptx
rhealyncabudol
604231040-1-4-SANAYSAY-KAY-ESTELLA-ZEEHANDELAR-1.pptx
604231040-1-4-SANAYSAY-KAY-ESTELLA-ZEEHANDELAR-1.pptx604231040-1-4-SANAYSAY-KAY-ESTELLA-ZEEHANDELAR-1.pptx
604231040-1-4-SANAYSAY-KAY-ESTELLA-ZEEHANDELAR-1.pptx
rhealyncabudol
420090212-Tanka-at-Haiku.powerpoint present
420090212-Tanka-at-Haiku.powerpoint present420090212-Tanka-at-Haiku.powerpoint present
420090212-Tanka-at-Haiku.powerpoint present
rhealyncabudol
323332233-Epiko-Ni-Gilgamesh-Filipino-10.pptx
323332233-Epiko-Ni-Gilgamesh-Filipino-10.pptx323332233-Epiko-Ni-Gilgamesh-Filipino-10.pptx
323332233-Epiko-Ni-Gilgamesh-Filipino-10.pptx
rhealyncabudol
358743028-4-PONEMANG-SUPRASEGMENTAL.pptx
358743028-4-PONEMANG-SUPRASEGMENTAL.pptx358743028-4-PONEMANG-SUPRASEGMENTAL.pptx
358743028-4-PONEMANG-SUPRASEGMENTAL.pptx
rhealyncabudol
management powerpoint presentation immmmmm
management powerpoint presentation immmmmmmanagement powerpoint presentation immmmmm
management powerpoint presentation immmmmm
rhealyncabudol
Dula-Mula-sa-England powerpoint presenta
Dula-Mula-sa-England powerpoint presentaDula-Mula-sa-England powerpoint presenta
Dula-Mula-sa-England powerpoint presenta
rhealyncabudol
PARENT-TEACHER ORIENTATION in Grade 10.pptx
PARENT-TEACHER ORIENTATION in Grade 10.pptxPARENT-TEACHER ORIENTATION in Grade 10.pptx
PARENT-TEACHER ORIENTATION in Grade 10.pptx
rhealyncabudol
alamat ni prinsesa manorah powerpoint presentasyon
alamat ni prinsesa manorah powerpoint presentasyonalamat ni prinsesa manorah powerpoint presentasyon
alamat ni prinsesa manorah powerpoint presentasyon
rhealyncabudol
ESP 10.powerpoint presentasyon tungkol sa kilos-loob
ESP 10.powerpoint presentasyon tungkol sa kilos-loobESP 10.powerpoint presentasyon tungkol sa kilos-loob

Recently uploaded (20)

Introduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptx
Introduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptxIntroduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptx
Introduksyon at Paglalahad ng Suliranin .pptx
CATABAYJORDAND
PAMILYA BILANG GABAY SA PAGPILI NG MGA MABUTING.pptx
PAMILYA BILANG GABAY SA PAGPILI NG MGA MABUTING.pptxPAMILYA BILANG GABAY SA PAGPILI NG MGA MABUTING.pptx
PAMILYA BILANG GABAY SA PAGPILI NG MGA MABUTING.pptx
KrizzelleMaeVeriales1
ESP-WEEK-3-paraan ng pasasalamat sa Diyos.pptx
ESP-WEEK-3-paraan ng pasasalamat sa  Diyos.pptxESP-WEEK-3-paraan ng pasasalamat sa  Diyos.pptx
ESP-WEEK-3-paraan ng pasasalamat sa Diyos.pptx
MaryClaudineManandeg
Matatag G4-4th quarter Ikalawang linggo.pptx
Matatag G4-4th quarter Ikalawang linggo.pptxMatatag G4-4th quarter Ikalawang linggo.pptx
Matatag G4-4th quarter Ikalawang linggo.pptx
KimberlyVolfango1
Ibat-ibang Gampanin ng Mamamayang Pilipino upang Makatulong sa.pptx
Ibat-ibang Gampanin ng Mamamayang Pilipino upang Makatulong sa.pptxIbat-ibang Gampanin ng Mamamayang Pilipino upang Makatulong sa.pptx
Ibat-ibang Gampanin ng Mamamayang Pilipino upang Makatulong sa.pptx
ClaireMarceno
ESP-grade 3-quarter 4-WEEK-1-pananalig sa Diyos.pptx
ESP-grade 3-quarter 4-WEEK-1-pananalig sa Diyos.pptxESP-grade 3-quarter 4-WEEK-1-pananalig sa Diyos.pptx
ESP-grade 3-quarter 4-WEEK-1-pananalig sa Diyos.pptx
MaryClaudineManandeg
APAN7_Q4_HAMON NA KINAKAHARAP NG ASEAN.pptx
APAN7_Q4_HAMON NA KINAKAHARAP NG ASEAN.pptxAPAN7_Q4_HAMON NA KINAKAHARAP NG ASEAN.pptx
APAN7_Q4_HAMON NA KINAKAHARAP NG ASEAN.pptx
LYRICOMAG
Mga-Isyu-ng-Kawalan-ng-Paggalang-sa-Katotohanan.pptx
Mga-Isyu-ng-Kawalan-ng-Paggalang-sa-Katotohanan.pptxMga-Isyu-ng-Kawalan-ng-Paggalang-sa-Katotohanan.pptx
Mga-Isyu-ng-Kawalan-ng-Paggalang-sa-Katotohanan.pptx
NeriedelaCruz2
Pagbibigay ng Panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang ...
Pagbibigay ng Panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang ...Pagbibigay ng Panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang ...
Pagbibigay ng Panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang ...
VisitacionOrtega
grade 7 curriculum ang pagtatag ng asean quarer 4 week 1 Ang Pagtatatang ASEA...
grade 7 curriculum ang pagtatag ng asean quarer 4 week 1 Ang Pagtatatang ASEA...grade 7 curriculum ang pagtatag ng asean quarer 4 week 1 Ang Pagtatatang ASEA...
grade 7 curriculum ang pagtatag ng asean quarer 4 week 1 Ang Pagtatatang ASEA...
acirultra
grade 7 araling panlipunan quarter 4ASEAn 1st Part.pptx
grade 7 araling panlipunan quarter 4ASEAn 1st Part.pptxgrade 7 araling panlipunan quarter 4ASEAn 1st Part.pptx
grade 7 araling panlipunan quarter 4ASEAn 1st Part.pptx
acirultra
COT Math 2 measures objects using appropriate measuring tools.pptx
COT Math 2 measures objects using appropriate measuring tools.pptxCOT Math 2 measures objects using appropriate measuring tools.pptx
COT Math 2 measures objects using appropriate measuring tools.pptx
amantebrian
LE_Kindergarten_Q4_Week3_v.2.pdf XXXXXXXXX
LE_Kindergarten_Q4_Week3_v.2.pdf XXXXXXXXXLE_Kindergarten_Q4_Week3_v.2.pdf XXXXXXXXX
LE_Kindergarten_Q4_Week3_v.2.pdf XXXXXXXXX
RoselynPadinay
Aralin-1-Fil-7-Kaharian-Ng-Berbanya at Pamilya nito.pptx
Aralin-1-Fil-7-Kaharian-Ng-Berbanya at Pamilya nito.pptxAralin-1-Fil-7-Kaharian-Ng-Berbanya at Pamilya nito.pptx
Aralin-1-Fil-7-Kaharian-Ng-Berbanya at Pamilya nito.pptx
HelenLanzuelaManalot
United-Nations-UN-at-Pilipinas-Isang-Pagsusuri.pptx
United-Nations-UN-at-Pilipinas-Isang-Pagsusuri.pptxUnited-Nations-UN-at-Pilipinas-Isang-Pagsusuri.pptx
United-Nations-UN-at-Pilipinas-Isang-Pagsusuri.pptx
EricksonLaoad
LE_gmrccccczgbsgxhzjnznznvbxvxvvxbxzbxnxn
LE_gmrccccczgbsgxhzjnznznvbxvxvvxbxzbxnxnLE_gmrccccczgbsgxhzjnznznvbxvxvvxbxzbxnxn
LE_gmrccccczgbsgxhzjnznznvbxvxvvxbxzbxnxn
JennyRoseAmistad
4.6 ang mga uri ng tayutay at Monologo.pptx
4.6 ang mga uri ng tayutay  at Monologo.pptx4.6 ang mga uri ng tayutay  at Monologo.pptx
4.6 ang mga uri ng tayutay at Monologo.pptx
gracedagan4
Edukasyon Sa Pagpapakatao seksuwalidad pt 1.pptx
Edukasyon Sa Pagpapakatao seksuwalidad pt 1.pptxEdukasyon Sa Pagpapakatao seksuwalidad pt 1.pptx
Edukasyon Sa Pagpapakatao seksuwalidad pt 1.pptx
DanethGutierrez
Mga sikat na personalidad sa Angeles City MTB.pptx
Mga sikat na personalidad sa Angeles City MTB.pptxMga sikat na personalidad sa Angeles City MTB.pptx
Mga sikat na personalidad sa Angeles City MTB.pptx
rickaldwincristobal1
Grade 1 Week 4 Quarter 3 GMRC Presentation for teachers of Grade 1 who are bu...
Grade 1 Week 4 Quarter 3 GMRC Presentation for teachers of Grade 1 who are bu...Grade 1 Week 4 Quarter 3 GMRC Presentation for teachers of Grade 1 who are bu...
Grade 1 Week 4 Quarter 3 GMRC Presentation for teachers of Grade 1 who are bu...
estrellaagabe

  • 2. Sadyang natatangi nga ang tao. Ipinagkaloob sa kaniya ang lahat ng kakayahan at pakultad upang hubugin ang kaniyang pagkatao at upang magpakatao. Kaya isang malaking hamon sa tao ang magpakatao at gamitin ang taglay niyang mga kakayahan sa pagkamit nito.
  • 3. 1.Ano ang pagkakaiba ng kilos ng tao sa makataong kilos? 2.Sa pamamagitan ng 3 Uri ng Kapanugatan, magbigay ng sitwasyon.
  • 4. Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kaniyang buhay.
  • 5. Kilos ng Tao (Acts of Man) mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama - kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito. Halimbawa nito ay ang mga biyolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa tao tulad ng paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat, paghikab, at iba pa.
  • 6. Makataong Kilos (Human Acts) ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kayat may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.
  • 8. Halimbawa Si Jasmin ay isang mag-aaral sa Baitang 10. Hilig niya ang magpunta sa library at doon ay magbasa ng mga paborito niyang dyornal. Sa kaniyang paglalakad ay naririnig niya ang kuwentuhan ng kaniyang mga kaklase tungkol sa maagang pag-aasawa ng isa nilang kamag-aaral. Hindi sadya na marinig niya ito at magkaroon ng kaalaman tungkol dito. Kaya hindi niya ito inintindi at nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa library.
  • 9. Kusang-loob Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito. Halimbawa: Ang isang gurong nasa sekondarya na gumaganap ng kaniyang tungkulin bilang guro. Gumagamit siya ng ibat ibang istratehiya sa pagtuturo para sa kaniyang klase. Nagbubuo rin siya ng banghay-aralin (lesson plan) bilang preparasyon sa kaniyang araw-araw na pagtuturo. Naghahanda siya ng mga angkop at kawili-wiling kagamitang pampagtuturo upang mapaunlad ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Gumagawa rin siya ng mga angkop na pagsusulit upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral.
  • 10. Di kusang loob Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan. Halimbawa: Si Arturo, isang barangay offcial ay naglingkod bilang COMELEC member para sa lokal at pambansang eleksiyon. Binulungan siya ng kaniyang chairman na tulungan ang isang kandidato sa pamamagitan ng dagdag-bawas. Alam niyang ito ay ilegal at labag sa kanilang moral na tungkulin kaya hindi siya pumayag. Sa kabila nito, ginawa parin niya ang pabor na hinihingi dahil baka matanggal siya bilang miyembro kung hindi siya susunod bagaman labag ito sa kaniyang kalooban.
  • 11. Walang kusang loob Dito ang tao ay walang kaalaman kayat walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kayat walang pagkukusa. Halimbawa: May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang mata. Nakikita ang manerismong ito sa kaniyang pagbabasa, pakikipagkuwentuhan sa kaibigan, at panonood ng telebisyon. Minsan sa kaniyang pamamasyal ay may lumapit na dalaga at nagalit sa kaniyang pangingindat. Nagulat siya dahil hindi niya alam na nabastos niya nang hindi sinasadya ang dalaga. Hindi humingi ng paumanhin si Dean dahil iyon ay isang manerismo niya.
  • 12. Ayon kay Aristoteles, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti. Ang pagiging mabuti at masama nito ay nakasalalay sa intensiyon kung bakit ginawa ito. Ang lahat ng bagay ay likas na may layunin o dahilan. Kung ilalapat sa mga sitwasyon, ang bawat kilos ng tao ay may layunin. Ang layuning ito ay nakakabit sa kabutihang natatamo sa bawat kilos na ginagawa. Ang kabutihang ito ay nakikita ng isip na nagbibigay ng pagkukusa sa kilos-loob na abutin o gawin tungo sa kaniyang kaganapan - ang kaniyang sariling kabutihan o mas mataas pang kabutihan. Ito ay ang itinuturing na pinakamataas na telos ang pagbabalik ng lumikha sa tao, ang Diyos.
  • 13. Ayon kay Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang gawa o kilos ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari. Dapat piliin ng tao ang mas mataas na kabutihan - ang kabutihan ng sarili at ng iba, patungo sa pinakamataas na layunin.
  • 14. Ayon kay Aristoteles, may eksepsiyon sa kabawasan sa kalalabasan ng isang kilos kung may kulang sa proseso ng pagkilos. May apat na elemento sa prosesong ito: paglalayon, pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin, pagpili ng pinakamalapit na paraan, at pagsasakilos ng paraan.
  • 15. Paglalayon. Kasama ba sa nilalayon ang kinalabasan ng isang makataong kilos? Kung sa kabuuan ng paglalayon ay nakikita ng tao ang isang masamang epekto ng kilos na sa kaniya ang kapanagutan ng kilos. Halimbawa, kung ang hindi mo pagbigay ng tulong sa isang kaklase na mahirap umunawa ng aralin ay nagbigay sa kaniya ng mababang marka, maaaring isisi sa iyo ang pagbaba ng kaniyang marka. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin. Ang pamaraan ba ay tugma sa pag-abot ng layunin at hindi lamang kasangkapan sa pag-abot ng naisin? Dito ay ginagamit ang tamang kaisipan at katuwiran. Halimbawa, ang pagbibigay ng regalo sa kaklase o kaya ay pagiging mabait sa kaniya upang makapangopya sa panahon ng pagsusulit.
  • 16. Pagpili ng pinakamalapit na paraan. Sa puntong ito, itatanong mo: Nagkaroon ba ng kalayaan sa mga opsiyon na pagpipilian o pinili lamang ang mas nakabubuti sa iyo na walang pagsasaalang-alang sa maaaring epekto nito? Iniwasan mo ba ang pagpipilian/opsiyon na mas humihingi ng masusing pag-iisip? Ang lahat ba ay bumabalik lamang sa pansariling kabutihan na hindi nagtataguyod ng kabutihan ng iba? Pagsasakilos ng paraan. Dito ay ginagamit ang kilos-loob na lalong nagpapalakas ng isang makataong kilos upang maging tunay na mapanagutan. Ang pagkilos sa pamaraan ay ang paglapat ng pagkukusa na tunay na magbibigay ng kapanagutan sa kumikilos. Halimbawa, ang planong pagtulong sa isang komunidad. Ang paglikom at paghanap ng sponsors at benefactors ang siyang unang naging punto ng plano at kasunod ay ang mga benefciaries. Lahat ay nabigyan ng kaukulang pansin dahil lahat ng komite ay nagbahagi ng kanilang makakaya.
  • 17. Ayon kay Aristoteles, kung may kulang sa mga ito, nagkakaroon ng kabawasan sa kapanagutan ng isang tao ang ginawang kilos. Ngunit hindi nawawala ang kapanagutang ito maliban sa kung apektado ito ng mga salik na maaaring makapagpawala ng kapanagutan. Dahil dito, maaaring mabawasan o mawala ang kapanagutan. Ibig sabihin, ang kahihinatnan ng makataong kilos, kasama na ang pagpapataw ng parusa kung mayroon man, ay nababawasan din o nawawala.
  • 18. Kamangmangan. Isa sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos ay ang papel ng isip. Ang kamangmangan ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.. Dalawang Uri: kamangmangan na nadaraig ay ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman kung gagawa ng paraan upang malaman at matuklasan ito. kamangmangan na hindi nadaraig ay maaaring kamangmangan dahil sa kawalan ng kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman. O kaya naman walang posibleng paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan o sa kakayahan man ng iba.
  • 19. Masidhing Damdamin. Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos (tendency) o damdamin. Maituturing ito na paglaban ng masidhing damdamin sa isip - para bang ang pangangailangan ng masidhing damdamin ay mas matimbang kaysa sa dikta ng isip. Ito ay ang malakas na utos ng sense appetite na abutin ang kaniyang layunin. Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o paghahangad na makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap. Halimbawa nito ay ang pag-ibig, pagkamuhi, katuwaan, pighati, pagnanais, pagkasindak, pagkasuklam, pagnanasa, desperasyon, kapangahasan, pangamba, at galit.
  • 20. Ang masidhing damdamin ay maaaring nauuna (antecedent) o kayay nahuhuli (consequent). Ang nauuna (antecedent) ay damdamin na nadarama o napupukaw kahit hindi niloob o sinadya. Ito ay umiral bago pa man gawin ang isang kilos. Ang kilos sa ilalim ng damdaming ito ay hindi malaya kaya ito ay kilos ng tao (act of man). Ang nahuhuli (consequent) naman ay damdaming sinadyang mapukaw at inalagaan kaya ang kilos ay sinadya, niloob, at may pagkukusa.
  • 21. Sa sobrang kagalakan ng lalaki dahil sa pagkapasa niya sa Bar Exam ay bigla niyang nayakap ang katabi niyang babae. Maaari ba siyang akusahan ng sexual harassment? Depende ito sa uri ng damdamin. Ito ay tinatawag na nauna (antecendent) kung ito ay umiral bago pa man gawin ang isang kilos at nahuhuli (consequent) naman kung ito ay nagkaroon muna ng pagkukusa mula sa kilos-loob.
  • 22. Takot. Ang pagkatakot ay isa sa mga halimbawa ng masidhing silakbo ng damdamin. Ang takot ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay. Tumutukoy din ito sa pagpataw ng puwersa gaya ng pananakit o pagpapahirap upang gawin ng isang tao ang kilos na labag sa kaniyang kalooban. Kasama rin dito ang pananakot sa tao o sa kaniyang mga mahal sa buhay upang mapasunod itong gumawa ng masama.
  • 23. Karahasan. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa. Ito ay maaaring gawin ng isang taong may mataas na impluwensiya. Maaaring mawala ang pananagutan ng kilos o gawa na may impluwensiya ng karahasan. Halimbawa, isang kaklase mong siga ang pinipilit kang kumuha ng pagkain sa kantina. Binantaan ka niya na aabangan sa labas kung hindi mo siya susundin. Sa pagtanggi mo ay pinitik niya ang iyong tenga kaya napilitan ka na sundin siya. Sa pagkakataong ito, hindi ka mapananagot sa ginawa mo. Pero tandaan na kailangan mo munang mag-isip ng paraan para maiwasan ito.
  • 24. Gawi. Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw ay itinuturing na gawi (habits). Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan na, nababawasan ang pananagutan ng isang tao ngunit hindi ito nawawala. Ito ay dahil ang isang gawi bago nakasanayan ay nagsimula muna bilang isang kilos na may kapanagutan at pagkukusa sa taong gumagawa. Kaya ang gawi ay hindi kailanman nakapagpapawala ng kapanagutan sa kahihinatnan ng makataong kilos. Halimbawa nito ay ang pagmumura na naging pang-araw- araw ng ekspresyon ng isang tao. Mapanagot ka pa rin dahil nagsimula ito bilang kusang pagsasalita nang hindi maganda at nakasanayan na lamang.
  • 25. 2. Sa tatlong uri ng kilos na maituturing na makatao, alin ang kArapat-dapat panagutan? Bakit? 3. Kailan natin matutukoy na ang gawain o kilos ng tao ay hindi makakapanagot sa masamang epekto ng makataong kilos? Ipaliwanag? 4. Ang layunin ba ng kilos ay batayan din sa paghusga kung ang kilos ay mabuti o hindi mabuti? Pangatuwiranan. 5. Kailangan obligado ang tao na isagawa ang isang makataong kilos? Ipaliwanag.