17. L
• Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang
isang indibiduwal ngayon at kung magiging
anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw,
ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang
ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga
nalalabing araw ng kaniyang buhay.
19. • Dahil sa isip at kilos-loob, kasabay ang iba
pang pakultad na kaniyang taglay tulad ng
kalayaan, siya ay may kapangyarihang kumilos
ayon sa kaniyang nais at ayon sa katuwiran.
• Ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang
isang tao ay may kontrol o pananagutan sa
sarili.
21. • Ito ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay
ang likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan
bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-
loob.
• Ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging
mabuti o masama – kaya walang pananagutan
ang tao kung naisagawa ito.
23. • Ito ay kilos na isinagawa ng tao nang may
kaalaman, malaya, at kusa.
• Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman,
ginagamitan ng isip at kilos- loob kaya’t may
kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.
24. • Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob,
sinadya at kinusa sapagka’t isinasagawa ito ng
tao sa panahon na siya ay responsable, alam
niya ang kaniyang ginagawa at ninais niyang
gawin ang kilos na ito.
31. • Ito ay may paggamit ng kaalaman ngunit
kulang ang pagsang-ayon.
• Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa
bagaman may kaalaman sa gawain na dapat
isakatuparan.
33. • Ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang
pagsang-ayon sa kilos.
• Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao
dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa.
35. • Makikita sa layunin ng isang makataong kilos
kung ito ay masama o mabuti.
• Dito mapatutunayan kung bakit ginawa o
nilayon ang isang bagay.
• Ayon kay Aristoteles, ang kilos o gawa ay hindi
agad nahuhusgahan kung masama o mabuti.
• Ang pagiging mabuti at masama nito ay
nakasalalay sa intensiyon kung bakit ginawa
ito.
36. • Ang layuning ito ay nakakabit sa kabutihang
natatamo sa bawat kilos na ginagawa.
• Ang kabutihang ito ay nakikita ng isip na
nagbibigay ng pagkukusa sa kilos-loob na abutin o
gawin tungo sa kaniyang kaganapan - ang
kaniyang sariling kabutihan o mas mataas pang
kabutihan.
• Ito ay ang itinuturing na pinakamataas na telos –
ang pagbabalik ng lumikha sa tao, ang Diyos.