Kontemporaryong Isyu (Grade 10)
Credits to: Mrs. Yolanda B.Ilao
Disclaimer:
All of the pictures and pieces of information on this site are the property of their respective owners. I do not hold any copyright in regards to these pictures and information. These pictures have been collected from different public sources including various websites, considered to be in the public domain. If anyone has any objection to display of any picture, image or information, it may be brought to my notice by sending an email (contact me) & the disputed media will be removed immediately, after verification of the claim.
Kontemporaryong Isyu (Grade 10)
Credits to: Mrs. Yolanda B.Ilao
Disclaimer:
All of the pictures and pieces of information on this site are the property of their respective owners. I do not hold any copyright in regards to these pictures and information. These pictures have been collected from different public sources including various websites, considered to be in the public domain. If anyone has any objection to display of any picture, image or information, it may be brought to my notice by sending an email (contact me) & the disputed media will be removed immediately, after verification of the claim.
Disclaimer:
All of the pictures and pieces of information on this site are the property of their respective owners. I do not hold any copyright in regards to these pictures and information. These pictures have been collected from different public sources including various websites, considered to be in the public domain. If anyone has any objection to display of any picture, image or information, it may be brought to my notice by sending an email (contact me) & the disputed media will be removed immediately, after verification of the claim.
This document discusses the PAKSA ISYU or topic issue, the groups that formed around it, events that occurred, results of those events, and important ideas related to the topic issue.
Gender refers to the socially constructed roles, behaviors, expressions and identities of men and women. Sex refers to the biological and physiological characteristics that define men and women. While sex is defined by biology, gender is a social construct that can vary across different cultures and over time.
Edukasyon Sa Pagpapakatao seksuwalidad pt 1.pptxDanethGutierrez
油
Ito ay isang presentasyon tungkol sa kawalan ng pag galang sa sekswalidad ng tao. Sa kasalukuyang lipunan, isa sa mga mahahalagang usaping panlipunan ay ang kawalan ng paggalang sa sekswalidad ng isang tao. Ang sekswalidad ay isang aspeto ng ating pagkatao na sumasaklaw sa ating pagkakakilanlan bilang lalaki, babae, o ibang kasarian, pati na rin sa ating oryentasyong sekswal at pagpapahayag ng ating sekswal na identidad. Gayunpaman, sa kabila ng kahalagahan nito, patuloy pa ring nararanasan ng maraming indibidwal ang diskriminasyon, pang-aabuso, at hindi makatarungang pagtrato dahil sa kanilang sekswalidad. Mga Anyo ng Kawalan ng Paggalang sa Sekswalidad
Diskriminasyon sa Kasarian at Sekswal na Oryentasyon
Isa sa mga pinaka-karaniwang anyo ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay ang diskriminasyon laban sa mga LGBTQ+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, at iba pa). Maraming indibidwal ang nakakaranas ng pangmamaliit, paglayo ng pamilya, kawalan ng oportunidad sa trabaho, at maging pang-aapi sa paaralan o lugar ng trabaho dahil lamang sa kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
Panggagahasa at Sekswal na Pang-aabuso
Ang sekswal na pang-aabuso ay isang marahas at hindi makatarungang anyo ng kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao. Kabilang dito ang panggagahasa, sapilitang pakikipagtalik, at iba pang uri ng sekswal na karahasan. Ang mga biktima nito ay madalas na pinapatahimik ng takot, stigma, at kakulangan ng suporta mula sa lipunan.
Catcalling at Sekswal na Panliligalig
Ang pambabastos sa lansangan o catcalling ay isang halimbawa ng kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao. Karaniwang biktima nito ay mga kababaihan, bagaman may mga kalalakihan ding nakakaranas nito. Ang sekswal na panliligalig ay nagdudulot ng matinding takot at kawalan ng seguridad sa mga biktima.
Sapilitang Pamantayan ng Pagpapakita ng Sekswalidad
Sa maraming kultura, may mga inaasahang pamantayan sa kung paano dapat ipahayag ng isang tao ang kanyang sekswalidad. Halimbawa, may mga babae na pinipilit na maging mahinhin at hindi dapat masyadong lantad sa kanilang sekswalidad, samantalang may mga lalaki naman na inaasahang maging agresibo o dominante. Ang ganitong mga pananaw ay nagpapalakas ng hindi pantay na pagtrato sa kasarian.
Paggamit ng Sekswalidad para sa Pagsasamantala
Sa media at industriya ng aliwan, madalas ginagamit ang sekswalidad ng mga tao, lalo na ng kababaihan, upang makabenta ng produkto o makakuha ng atensyon. May mga tao rin na napipilitang pumasok sa prostitusyon o pang-aabuso dahil sa kahirapan at kawalan ng pagpipilian. Ito ay isang malinaw na manipestasyon ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad.
Epekto ng Kawalan ng Paggalang sa Sekswalidad
Ang kawalan ng respeto sa sekswalidad ng isang tao ay may malalim at pangmatagalang epekto hindi lamang sa indibidwal na biktima kundi pati na rin sa buong lipunan. Ang ilan sa mga pangunahing epekto ay ang mga sumusunod:
Ang kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay isang seryosong suliranin na
Ang **akdang naratibo** ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng isang kwento o karanasan. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari na may layuning magbigay aliw, magturo, o magbigay aral sa mga mambabasa. Kadalasang gumagamit ng mga tauhan, tagpuan, at kaganapan upang maipahayag ang isang kwento sa isang tiyak na ayos o pagkakasunod-sunod.
Ang **akdang naratibo** ay may mga pangunahing elemento tulad ng **tauhan**, **tagpuan**, **tema**, **salungatan**, at **banghay**. Ang **tauhan** ang mga karakter na gumaganap sa kwento, mula sa pangunahing tauhan hanggang sa mga sumusuportang karakter. Ang **tagpuan** ay ang lugar at oras kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa kwento. Ang **tema** naman ay ang pangunahing ideya o mensahe na nais iparating sa mambabasa. Ang **salungatan** ay ang problema o hamon na kinakaharap ng mga tauhan sa kwento, at ang **banghay** ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna, hanggang sa wakas.
Halimbawa ng akdang naratibo ay ang mga **maikling kwento**, **nobela**, at **talambuhay**. Sa mga akdang ito, ang manunulat ay nagkukuwento ng isang kwento na may mga tauhan at nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang matutunan ang mga aral na dulot ng kwento. Ang isang akdang naratibo ay maaaring magtaglay ng iba't ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, takot, at pagmamahal, na nakatutulong upang mas maging makulay at buhay ang kwento.
Sa kabuuan, ang akdang naratibo ay isang mahalagang anyo ng panitikan na naglalaman ng mga kwento at karanasan na makapagbibigay ng kasiyahan at aral sa mga mambabasa.
AP MATATAG 7 QUARTER 4 ESTRAKTURA NG ASEANMilesPioquid
油
Modyul 4 aralin 3 politikal na pakikilahok
2. Sa araling ito ay iyong mauunawaan ang
mga paraan ng politikal na pakikilahok. Ang mga
paraang ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa
mamamayan para makamit ang tinatamasang
mabuting pamamahala.
Ang bahaging ito ng aralin ay
tumatalakay sa mga paraan kung paano
aktibong makikilahok ang mamamayan sa
mga gawaing magpapabuti sa
pamamalakad ng pamahalaan at ng
kapakanan ng buong bayan.
PAUNLARIN:
4. Artikulo II, Seksiyon 1 ng ating
Saligang-batas, Ang Pilipinas ay isang
Estadong republikano at demokratiko.
Ang ganap na kapangyarihan ay angkin
ng sambayanan at nagmumula sa
kanila ang lahat ng mga awtoridad na
pampamahalaan.
6. Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak
na paraan ng pakikilahok ng mamamayan. Ang
pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na
ginagarantiyahan ng ating Saligang-batas. Ayon sa
Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987, ang mga
maaaring makaboto ay
a.) mamamayan ng Pilipinas,
b.) hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng
batas,
c.) 18 taon gulang pataas, at
d.)tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at
sa lugar kung saan niya gustong bomoto
nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-
eleksiyon.
7. Sa pamamagitan ng pagboto, nakapipili ang
mamamayan ng mga opisyal ng pamahalaan na
sa tingin nila ay makapaglilingkod nang maayos.
Ito ang pagkakataon kung saan naipakikita ng
mamamayan na siya ang pinanggagalingan ng
kapangyarihan ng mga halal na opisyal; na siya
ring may kapangyarihan na alisin sila sa puwesto
kung sa tingin nila ay hindi ginagampanan nang
maayos ang kanilang sinumpaang tungkulin. Sa
pamamagitan ng ating pagboto, tayo mismo ang
nagtatakda ng kinabukasan ng ating bayan.
8. Mga Diskwalipikadong Bumoto
1. Mga taong nasentensiyahan na makulong
nang hindi bababa sa isang taon. Maaari siyang
makaboto muli pagkaraan ng limang taon
pagkatapos niyang matapos ang parusang
inihatol sa kaniya.
2. Mga taong nasentisyahan ng hukuman sa
mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa
anti-subversion at firearms law at anumang
krimeng laban sa seguridad ng bansa. Maaari
siyang makaboto muli pagkaraan ng limang
taon pagkatapos niyang matapos ang parusang
inihatol sa kaniya.
3. Mga taong idineklara ng mga eksperto
bilang baliw.
Sanggunian:Omnibus Election Code, Artikulo
12, Seksiyon 116
9. Pantay-pantay ang mga tao pagdating sa
boto. Bawat isang Pilipino ay mayroon lamang
isang boto, mayaman man o mahirap.Ngunit
ang iisang botong ito ay lubhang
makapangyarihan sapagkat maaari nitong
baguhin ang takbo ng buhay ng mga Pilipino.
Ngunit sa kabila nito ay may mga nagiging
balakid sa pakikilahok ng mga tao sa eleksiyon.
Halimbawa, nababalitaan pa rin natin na
mayroon tayong mga kababayan na
nagbebenta ng kanilang boto sa mga politiko.
10. Ayon nga sa constitutionalist na si
Fr. Joaquin Bernas (1992), ang layunin ng
pagboto ay hindi na ang pagbibigay ng
mandato sa mga opisyal para mamuno
bagkus ay ang pagbibigay ng
kapangyarihan sa mga
makapagpapaunlad sa estado at
malupig ang mga nagpapahirap
sa bayan.
11. > Batay sa ISSP Citizenship Survey noong 2004,
pangunahin ang pagboto bilang katangian ng isang
mabuting mamamayan para sa mga Pilipino.Kasama rin
sa listahan ang wastong pagbabayad ng buwis, laging
pagsunod sa batas, pagsubaybay sa gawain ng
pamahalaan at unawain ang opinyon ng ibang tao.
> Noong halalan ng 2016 sinabi ng dating Commissioner
ng Commission on Elections na si Gregorio Lardizabal na
naging talamak pa rin ang insidente ng pamimili ng
boto. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng automated
election.
12. Gawain 18.Suriin Natin!
Suriin ang sumusunod na larawan at isulat ang iyong nakikita sa
mga ito. Ipahayag ang iyong reaksiyon sa mga larawang ito.
Ano ang iyong nakikita sa larawan?
_____________________________
Ano ang iyong reaksyon sa larawan?
_____________________________
_____________________________
_____________________________
13. Ano ang iyong nakikita sa larawan?
_____________________________
Ano ang iyong reaksyon sa larawan?
_____________________________
_____________________________
_____________________________
Ano ang iyong nakikita sa larawan?
_____________________________
Ano ang iyong reaksyon sa larawan?
_____________________________
_____________________________
_____________________________
14. Ano ang iyong nakikita sa larawan?
_____________________________
Ano ang iyong reaksyon sa larawan?
_____________________________
_____________________________
_____________________________
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang pinatutungkulan ng mga larawan?
2. Ano ang mensaheng nais iparating ng mga
larawan patungkol sa pagboto?
3. Bakit mahalaga para sa mamamayan ng
isang bansa ang bumoto?
16. Hindi natatapos sa paglahok sa
eleksiyon ang politikal na pakikilahok
ng mga mamamayan. Sa halip, unang
hakbang lamang ito para sa isang malayang
lipunan. Ang esensiya ng demokrasiya ay
ang magkaroon ng mamamayang nakikilahok
sa pagpapaunlad ng bayan sa paraang higit
pa sa pagboto. Isang paraan dito ay ang
pagbuo ng mga
samahang direktang makikipag-ugnayan
sa pamahalaan upang iparating ang
pangangailangan ng mamamayan.
17. Civil Society
Ito ay tumutukoy sa isang sektor ng lipunan
na hiwalay sa estado. Ang civil society ay
binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos
protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-
Governmental Organizations/Peoples Organizations.
Hindi naman bahagi nito ang tahanan, mga negosyo,
mga partido politikal, at mga armadong grupo na
nagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan.
Nilalayon ng civil society na maging kabahagi sa
pagpapabago ng mga polisiya at maggiit ng
accountability (kapanagutan) at
transparency(katapatan) mula sa estado
(Silliman, 1998).
18. Ayon kay Horacio Morales (1990),
people empowerment entails the
creation of a parallel system of
peoples organizations as government
partner in decision makingIbig
sabihin, mahalaga ang pagbuo ng
mga organisasyon ng mamamayan dahil ito
ang magiging katuwang ng
pamahalaan sa pagbuo ng mga programa para
sa ikauunlad ng bayan.
19. Ayon naman kay Randy David (2008),
sa pamamagitan ng civil society
ang mga mamamayan ang pinanggagalingan
ng soberenya ng isang estado. Sa
pamamagitan ng paglahok sa civil
society, ang mga mithiin
ng mga mamamayan ang magiging
batayan ng buong estado sa
pamamahala ng isang bansa.
20. Sa katunayan, kinikilala ng
Saligang Batas ng 1987 ang
kahalagahan ng mga samahang ito sa
pagtataguyod ng kaunlaran: the
state encourage non-governmental,
community based, or sectoral
organizations to effective and
reasonable participation at all
levels of
social, politikal, and economic decision
making.
21. Ipinaliwanag ni Constantino-David
(1998) ang mga bumubuo sa
civil society. Ito ay binubuo ng
mga kilos protesta, mga lipunang
pagkilos, at mga voluntary
organization. Ang huli ay nahahati
sa dalawang kategorya: ang mga
grassroots organizations o peoples
organizations (POs); at ang mga
grassroot support organizations o
non-governmental
organizations
(NGOs).
22. Tungkulin ng NGO at PO
Maraming ibat ibang uri ng NGO
at PO ang makikita sa Pilipinas
at bawat isa ay may kani-kaniyang
tungkulin sa bayan. (Putzel, 1998
23. TANGOs (Traditional NGOs)
nagsasagawa ng mga proyekto
para sa mahihirap
FUNDANGOs (Funding-Agency NGOs)
nagbibigay ng
tulong pinansiyal sa mga peoples
organization para tumulong
sa mga nangangailangan
24. DJANGOs (Development, justice, and
advocacy NGOs)
Nagbibigay suporta sa mga komunidad
sa pamamagitan ng
pagbibigay ng ligal at medikal na mga
serbisyo
PACO (Professional, academic, and
civic organizations)
binubuo ng mga propesyonal at ng mga
galing sa sektor ng akademiya
25. GRIPO (Government-run and
inititated POs) mga POs na
binuo ng pamahalaan
GUAPO (Genuine, autonomous
POs) ito ay mga POs na
itinayo mula sa inisyatibo ng
mamamayan at hindi ng
pamahalaan
26. Tatlong mahahalagang tungkulin
ang mga NGO at PO sa Pilipinas sa
kasalukuyan:
Una, ang paglulunsad ng mga
proyektong naglalayong
paunlarin ang kabuhayan ng mamamayan
na kadalasan ay
hindi natutugunan ng pamahalaan.
27. Pangalawa, nagsasagawa ang
mga NGO ng mga
pagsasanay at pananaliksik
tungkol sa adbokasiyang
kanilang ipinaglalaban upang
magising ang kamalayan ng
mamamayan.
28. Panghuli, malaki ang papel ng mga
samahang ito sa direktang pakikipag-
ugnayan sa pamahalaan upang maiparating
sa kanila ang hinaing ng kanilang
sektor at mga naiisip na programa at
batas na naglalayong mapagbuti ang
kalagayan ng mamamayan. Dito pumapasok
ang mga ginagawang pagpoprotesta,
pakikipagnegosasyon at lobbying o ang pag-
impluwensiya sa mga desisyon ng opisyal ng
pamahalaan para makamit
ang isang mithiin.
29. Sa kabuuan, ang civil society
ay nakabubuti sa isang demokrasiya.
Binibigyan ng civil society ang mga
mamamayan ng mas malawak na
pakikilahok sa pamamahala ng isang
bansa. Sa pamamagitan ng pag-enganyo
sa mga mamamayan sa mga gawain ng
civil society, masisiguro na
magkakaroon ng pananagutan ang bawat
opisyal ng pamahalaan sa kanilang
tungkulin (Bello, 2000).
30. Gawain 19.Tukoy-Salita
Tukuyin ang mga salitang inilalarawan sa sumusunod na pangungusap.
__________ 1. Ito ay ang sektor ng lipunan na binubuo ng
mga nakikilahok sa mga kilos protesta, mga lipunang pagkilos, at
mga boluntaryong organisasyon.
__________ 2. Ang samahang ito ay naglalayong protektahan ang
interes ng mga miyembro nito.
__________ 3. Nilalayon ng samahang ito na suportahan ang mga
programa ng mga grassroots organization.
__________ 4. Ipinakikita ng batas na ito ang kahalagahan ng
papel na ginagampanan ng mga NGO at PO.
__________ 5. Ito ang uri ng NGO na nagbibigay ng tulong
pinansyal sa mga POs para tumulong sa mga nangangailangan.
31. __________ 6. Ito ang nagbibigay suporta sa mga
komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligal at
medikal na mga serbisyo.
__________ 7. Ito ay binubuo ng mga propesyonal at ng
mga galing sa sektor ng akademiya.
__________ 8. Ito ang tawag sa mga PO na binuo ng
pamahalaan.
__________ 9. Ang layunin ng konsehong ito ay
bumuo ng isang plano para makamit ang kaunlaran ng
mga lokal na pamahalaan.
__________ 10. Dito kabilang ang mga sectoral
group na kinabibilangan ng kababaihan at kabataan
32. Gawain 20.Civil Society Organizations Mapping
Hahatiin ang klase sa mga pangkat. Tutukuyin
ng bawat pangkat ang mga civil society
organization(NGOs/POs) sa kanilang komunidad.
Kanilang tutukuyin kung anong uri ng civil society
organization ito, anong sektor ng lipunan ang
kinakatawan nito, at kung ano ang kanilang mga
tungkulin. Ang gawaing ito ay unang bahagi lamang.
Ipagpapatuloy ito sa performance task na
makikita sa Gawain 26.
33. Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano-ano ang mga civil society organization ang
matatagpuan sa inyong komunidad?
2. Anong uri ito ng NGO/PO?
3. Anong mga sektor ang kanilang kinakatawan?
4. Ano-ano ang mga tungkulin ng mga civil society
organization na ito?
5. Anong sektor sa inyong lipunan ang walang
representasyon sa mga civil society organization?