The document discusses the benefits of regular exercise for both physical and mental health. It notes that exercise can help reduce the risk of diseases like heart disease, diabetes, and some cancers. The document recommends that adults get at least 150 minutes of moderate exercise or 75 minutes of vigorous exercise per week to see these health benefits.
MGA SALIK SA PAGPILI NG KURSO (ESP).pptxRegineFabros
油
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9: YUNIT 4 :
MAPANAGUTANG PAGPAPLANO NG KURSONG AKADEMIKO O TEKNIKAL-BOKASYONAL, SINING AT ISPORTS, NEGOSYO O HANAPBUHAY; Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Kurso; KURSONG PINAG-IISIPAN: HATID AY TAGUMPAY
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
2. Nahihinuha na ang kanyang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay dapat na nagsasalamin ng kanyang pagiging natatanging nilalang na nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
2. Nahihinuha na ang kanyang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay dapat na nagsasalamin ng kanyang pagiging natatanging nilalang na nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat
2. Personal na Pahayag
ng Misyon sa Buhay
Alam mo ba ang direksiyong tinatahak mo
sa buhay? Naitanong mo na ba sa iyong
sarili kung saan ka nakatungo?
Mahalagang sigurado ang tao
sa landas na kaniyang
tinatahak. Ito ang susi na
makatutulong sa kaniyang na
makamit ang kaniyang layunin
sa buhay.
3. Balikan natin ang iyong napag-aralan
noong ikaw ay nasa Baitang 7 pa
lamang, tinalakay ninyo ang tungkol
sa tamang pagpapasya. Ito ay
mahalaga sa pagkakaroon ng
makabuluhang buhay at ganap na
pagkatao. Kaya sa tuwing
nagpapasya, kinakailangang pag-
isipan ito nang makailang ulit upang
maging sigurado at hindi maligaw. Ito
ay na makabubuti sa sarili, sa kapuwa
at sa lipunan.
4. Sa pagpapasya, kailangan mo ng
gabay. Tulad ng isang bulag, lubos
siyang mahihirapan sa paglalakad
kung walang tungkod na gagabay sa
kaniya. Ito ang nagsisilbing
kasangkapan niya upang marating
niya ang kanyang nais puntahan.
Gayundin ang tao, kailangan nya ng
gabay sa pagpapasiya upang hindi
siya magkamali; nang sa gayon,
magkakaroon ng tamang direksiyon
sa pagkamit ng mga layunin.
6. Una, sa iyong paglalakbay sa buhay
mo ngayon, ikaw ay nasa kritikal na
yugto sa buhay. Anuman ang piliin
mong tahakin ay makakaapekto sa
iyong buhay sa hinaharap. Kung
kayat mahalagang maging
mapanuri at sigurado sa iyong
gagawin na pagpapasya.
Ikalawa, kung hindi ka
makapagpasya ngayon para sa
iyong kinabukasan, gagawin ito ng
iba para sa iyo halimbawa ng iyong
magulang, kaibigan, o ng media.
7. Kung kayat dapat na maging malinaw
sa iyo ang iyong TUNGUHIN
sapagkat kung hindi, magiging mabilis
sa iyo na basta na lamang sumunod
sa idinidikta ng iba sa mga bagay na
iyong gagawin.
Tunay na mahalaga ang
pagkakaroon ng malinaw na tunguhin
sa buhay. Marahil tinatanong mo ang
iyong sarili ngayon kung paano mo ito
gagawin o sisimulan. Alam mo na
pamilyar ka na dito sapagkat
natalakay ito ng iyong guro sa ikaapat
na bahagi ng iyong Modyul noong
nasa Baitang 7 ka pa lamang.
8. Ito ay Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay(Personal Mission
Statement).
Personal na pahayag ng Misyon sa
Buhay
Ito ay katulad ng isang personal na
Kredo o isang motto na
nagsasalaysay kung paano mo
ninanais na dumaloy ang iyong
buhay. Ito ay magiging batayan mo
sa iyong gagawin na mga
pagpapasya sa araw-araw.
9. Isang magandang paraan ito upang
higit mong makilala ang iyong sarili at
kung saan ka patungo. Nagsisilbi
itong simula ng matatag na
pundasyon sa pagkakaroon mo ng
sariling kamalayan at mataas na
pagpapahalaga sa iyong mga layunin
sa buhay. Hindi madali ang paglikha
nito, dahil nangangailangan ito ng
panahon, inspirasyon at pagbabalik-
tanaw.
10. Ayon kay Stephen Covey sa
kaniyang aklat na Seven Habits of
highly Effective People Begin with
the end in mind. Nararapat na
ngayon pa lamang ay malinaw na sa
iyong isip ang isang malaking larawan
kung ano ang nais mong mangyari sa
iyong buhay. Mahalagang kilalanin
mong mabuti ang iyong sarili at suriin
ang iyong katangian, pagpapahalaga
at layunin.
11. Mag-isip ng nais mong mangyari sa
hinaharap at magpasya sa direksiyon
na iyong tatahakin sa iyong buhay
upang matiyak na ang bawat hakbang
ay patungo sa mabuti at tamang
direksiyon. Ayon din kay Covey, ang
paggawa ng personal na misyon ay
nararapat na iugnay sa pag-uugali at
paniniwala sa buhay.
Sa paglikha ng Personal na Misyon sa
Buhay, makatutulong na magkaroon
ka ng pansariling pagtataya o
perosnal assesment sa iyong
kasalukuyang buhay. Ang resulta nito
ay magiging kapaki-pakinabang sa
iyong mapanagutang pasya at kilos.
12. NARITO ANG MGA DAPAT MONG
ISAALANG-ALANG SA
PANSARILING PAGTATAYA
Suriin ang iyong ugali at
katangian. Simulan mo ang
paggawa ng iyong personal na
misyo sa pamamagitan ng pagtatala
ng itong mga ugali at mga
katangian. Ang pangunahin mong
katangian ang magpapakilala sa iyo
kung sino ka, paano ka
naaapektuhan ng mundo na iyong
ginagalawan, ano ang mahalaga sa
iyo at paano ka kumikilos para sa
iyong gagawin na pagpapasya.
13. Tukuyin ang iyong
pinapahalagahan. Kailangang
maging maliwanag sa iyo kung saan
nakabatay ang iyong mga
pagpapahalaga. Kung saan
nakayuon ang iyong lakas, oras at
panahon. Ang iyong mga
pinapahalagahan ang magiging
pundasyon mo sa pagbuo ng
personal na misyon sa buhay.
14. Tipunin ang mga impormasyon.
Sa iyong mga impormasyon na
naitala, laging isaisip na ang layunin
ng paggawa ng personal na misyon
sa buhay ay mayroong malaking
magagawa sa kabuuan ng iyong
pagkatao. Ito ang magbibigay sa iyo
ng tamang direksiyon sa landas na
iyong tatahakin.
Ang pagsulat ng personal na
misyon sa buhay ay hindi madalian o
mabuo lamang sa ilang oras.
15. Sa pagbuo ng personal na misyon
sa buhay, ito dapat ay nakatuon sa
kung ano ang nasi mo na mangyari sa
mga taglay mong katangian at kung
paano makakamit ang tagumpay
gamit ito. Ayon kay Stephen Covey,
upang makabuo ng mabuting personal
na misyon sa buhay, mabuti na ito ay
magsimula na alamin ng tao ang
sentro ng kaniyang buhay.
16. Halimbawa: Diyos, pamilya, kaibigan,
komunidad atbp. Ito ay dahil ang sentro ng
buhay mo ang magbibigay sa iyo ng seguridad,
paggabay, karunungan at kapangyarihan.
Ang personal na misyon sa buhay ng tao ay
maaring mabago o mapalitan sapagkat patuloy
na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga
sitwasyon na nangyayari sa kanilang buhay.
Ngunit magkagayon man, ito parin ang
magsisilbing saligan sa pagtahak niya sa
tamang landas ng kaniyang buhay. Sabi nga sa
isang kataga, All of us are creators of our
own destiny. Ibig sabihin, tayo ang lilikha ng
ating patutunguhan. Napakaganda hindi ba?
Kaya pag-isipan mong mabuti, sapagkat
anuman ang iyong hahantungan, iyan ay
bunga ng iyong mga naging pagpapasya sa
iyong buhay.
17. Ano ang
layunin ko sa
buhay?
Ano-ano ang
aking mga
pinapahalagahan?
Ano ang
mga nais
kong
marating?
Sino ang mga
tao na maaari
kong
makasama at
maging
kaagapay sa
aking buhay?
18. Ayon kay Stephen Covey,
nagkakaroon ng kapangyarihan ang
misyon natin sa buhay kung ito ay:
1.Mayroong koneksyon sa kaloob-
looban ng sarili upang mailabas ang
kahulugan niya bilang isang tao
2.Nagagamit at naibabahagi nang
tama at mabuti at may kahusayan
ang sarili bilang natatanging nilikha
3. Nagagampanan nang may balanse
ang tungkulin sa pamilya, trabaho,
komunidad at iba pang dapat
gampanan
19. 4.Isinulat upang magsilbing
inspirasyon, hindi upang ipagyabang
sa iba
Kung ang isang tao ay mayroog
personal na misyon sa buhay, mas
malaki ang posibilidad na magiging
mapanagutan siya upang
makapagbahagi sa pagkamit ng
kabutihang panlahat. Makatutulong ito
upang makita mo ang halaga ng iyong
pag-iral sa mundo na ikaw bilang tao
ay mayroong misyon na dapat
gampanan sa iyong buhay.
20. Anuman ito ay dapat mong pagnilayan
at ihanda ang iyong sarili kung paano
mo ito sisimulan at gagawin. Mula
dito, kailangang maging malinaw sa
iyo ang pag-iral: IKAW AY
MAYROONG MISYON NA DAPAT
GAMPANAN.
21. Ano nga ba ang MISYON?
Ang MISYON ay ang hangarin ng
isang tao sa buhay na magdadala sa
kaniya tungo sa kaganapan. Para sa
iba to ay pagtupad sa isang trabaho o
yungkulin nang buong husay, na may
kasamang kasipagan at
pagpupunyagi.
22. Lahat ng tao ay may nakatakdang misyon sa
buhay. At dahil iba-iba ang tao, iba-iba rin ang
kanilang misyon. Maaaring isagawa ang
misyong ito sa pamilya, kapuwa, paaralan,
lipunano sa trabaho o gawain na iyong
ginagawa. Kung kayat mahalaga na ngayon pa
lamang ay makabuo ka ng iyong personal na
misyon sa buhay upang mula dito ay makita
mo o masalamin kung saan ka payungo.
Mula sa misyon, ay mabubuo ang tinatawag
na bokasyon. Ang bokasyon ay galing sa
salitang Latin na vocatio, ibig sabihin ay
calling o tawag. Ito ay malinaw na ang bawat
tao ay tinatawag na Diyos na gampanan ang
misyon naipinagkaloobNiya sa atin. Ito ay
mahalaga sa pagpili mo ng pamprosesong
akademiko, teknikal-bokasyonal, isport at
sining pagkatapos mo ng Senior High School.
23. May pagkakaiba ba ang propesyon sa
misyon? Mahalagana ito ay iyong mabatid
sapagkat sa anumang propesyon na
iyong tatahakin, kailangan na makita mo
ang kaibahan nito at kung paano no
itoniuugnay sa iyong buhay.
Ang PROPESYON ay trabaho na
ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay.
Ito ang resulta ng pinag-aralan o matagal
na ginagawa at naging eksperto ns siya
dito. Ito ay maaaring gusto niyao hindi
ngunit kailangan niyang gawin sapagkat
ito ang pinagkukunan niya ng kaniyang
ikabubuhay. At dahin sa ikabubuhay
lamang nakatuon ng kaniyang paggawa
hindi siya nagkakaroon ng ganap na
kasiyahan.
24. Ang bokasyon naman ay katulad din ng
propesyon subalit nagiging mas kawili-wili
ang paggawa para sa tao. Mas lalo siyang
nasisisyahan sapagkat nagagamit niya ang
kaniyang mga talento at hilig sa kaniyang
ginagawa. Hindi niya nararamdaman ang
pagkabagot. Hindi nagiging kumpleto ang
araw sa kaniya kung hindi ito magagawa
sapagkat ito ang nakapagdudulot ng
kasiyahan sa kaniyang buhay. Mula dito ay
hindi na lamang simpleng trabaho ang
kaniyang ginagawa kundi isang misyon na
nagiging isang bokasyon. Dito tunay na
nagkakaroon ang tao ng tunay na
pananagutan sapagkat naibabahagi niya
ang kaniyang sarili ay kumikilos siya para
sa kabutihang panlahat.
25. Kaya napahalaga sa isang tao lalo na sa iyo
bilang kabataan na bumuo ng personal na
pahayag ng misyon sa buhay. Nakikita mo
na ba ang kahalagahang iyo para sa iyo?
Ito ang makapagbibigay ng direksiyon sa
iyong buhay upang sa pagtahak mo ng
iyong misyon patungo sa iyong bokasyon
ay maging malinaw na nakapagbibigay ito
sa iyo ng kaganapan bilang isang tao.
Mula dito ay madarama mo ang tunay na
kaligayahan. Wika nga ni Fr. Jerry Orbos:
ang pangunahing sangkap para sa tunay na
kaligayahan ng tao ay magkaroon ng
misyon.
26. Aniya, ang misyon ay hindi lamang
para kumita ng pera, maging
mayaman o magiging kilala o tanyag.
Ang tunay na misyon ay ang
MAGLINGKOD. Ang paglilingkod sa
Diyos at sa kapuwa ang magbibigay
sa tao ng Tunay na Kaligayahan.
27. Kraytiryang SMART(Specific,
Measurable, Attainable,
Relevant, Time Bound)
Tiyak(Specific). Kailangang ang
lahat ng isusulat mo dito ay
ispisipiko. Kung kayat mahalaga na
ikaw ay magnilay upang makita mo
ang nais mong tahakin. Hindi
makakatulongsa iyo kung pabago-
bago ka ng iyong nais. Kailangan
mong siguraduhin ang iyong
gagawin.
28. Nasusukat(Measurable). Nasusukat mo
ba ang iyong kakayahan? Kailangan na
ang isusulat mo sa iyong personal na
pahayag ng misyon ay kaya mong gawin
at isakatuparan. Dapat mo rin na
pagnilayang mabuti kung ito ba ay
tumutugma sa iyong mga kakayahan
bilang isang tao sapagkat kung hindi ay
hindi mo rin ito mabibigyan ng katuparan.
Naaabot(Attainable). Kailangan mo sa
iyong sarili na ang personal na pahayag
ng misyon ko ba sa buhay ay
makatotohanan? Ito ba ay kaya kong
abutin o kaya ko ba itong gawin? Ito ba
ay mapanghamon?
29. Angkop(Relevant). Ito ba ay angkop sa
pangangailangan ng iyong kapuwa? Isa
ito sa kinakailangan mong tingnan at
suriin. Dito ay kailangan na ituon mo ang
iyong isip na ang buhay ay kailangna na
ibahagi sa iba.
Nasusukat ng Panahon(Time Bound).
Kailangan na magbigay ka ng takdang
panahon o oras kung kailan mo
maisasakatuparan ang iyong isinulat. Ito
ang magsasabi kung ang personal na
pahayag ng misyon sa buhay ay iyong
nagawa o hindi. Kailangan rin na itakda
ito kung pangmatagalan o pangmadalian
lamang upang maging gabay mo ito sa
iyong pagpaplano at pagpapasiyang
gagawin.